[Apol]
Pagdating nila sa dining hall ay muntik ng tumulo ang laway ni Apol sa dami ng pagkain na nakahain sa mesa. Lahat ay masasarap at halatang pagkain ng mayayaman.Kumunot ang noo niya ng makitang dalawa lang sila ni Mr. X ang narito. Umalis na lahat maging si Miss Carol. Teka, sila lang ang kakain ng lahat ito? Sa dami nito ay parang ito na ang huling hapunan nila at bibitayin na sila bukas. Daig pa ang mayro’ng piyesta sa dami, parang mayro’ng handaan.Walang sinabi si Mr. X na maupo siya, kaya naman siya ay nanataling nakatayo. Mahirap na, baka mamaya ay masabihan siyang bastos, at bigla na lamang siyang barilin. Maganda na ang sigurado; mas ayos na ang magutom ng ilang araw kaysa ang mamatay nang biglaan.Ang walang emosyon na si Mr. X ay tumingin sa kanya, kaya naman agad na yumuko siya para iwasan ang tingin nito."Why are you still standing there? Do I need to say sit?" Malamig ang boses nitong tanong."Pasensya na po." Pinigilan niya ang mapakamot sa ulo. Siya na nga itong nag iingat, pero mukhang mali pa ang ginawa niya.Sa katabing-upuan ng nasa pinakadulo siya uupo. Ayaw niya kasing makatapat si Mr. X ng upo. Paano siya makakakain ng maayos kung kaharap niya ang mukha nito. Baka kahit pagnguya ay hindi niya magawa dahil sa takot at pagkailang.Pero ng uupo na siya ay dumating si Miss Carol. “Dito ka umupo, Miss Lanchester.” Tukoy nito sa katapat na upuan ni Mr. X.“Po?”Ano ba 'to si Miss Carol. Iniiwasan nga niya na makaharap si Mr. X nang upuan. Paano siya kakain ngayon ng maayos, gutom na gutom pa naman siya.Dahil mahaba at malawak ang mesa ay napakalayo ng mga pagkain, nasa gitna. Ano 'to, tatayo pa sila para kumuha ng pagkain? Akala niya ay sa telebisyon lang niya makikita ang ganitong set up, pero hindi pala. Napatingin siya sa ingay na tila bell na narinig niya. Si Mr. X, may hawak itong maliit na bell, hindi nagtagal ay mayro'ng lumapit sa rito na dalawang lalaki at inasikaso ito.Tumingin siya sa bell na nasa harapan niya at ginaya ang ginawa nito. Mayamaya ay may lumapit sa kanya na dalawang lalaki. Impit siyang napangiti. Ang cute kasi ng dalawa at mukhang kasing edad lang niya, kaso lang ang papayat. Tinanong siya ng dalawa kung alin putahe ang gusto niya at sinagot niya ng "Lahat po 'yan gusto kong tikman." Wala na siyang pakialam kahit na kaharap niya si Mr. X dahil mas nangingibabaw na ang gutom niya ngayon.Natigil siya sa pagsubo ng mapatingin siya kay Mr. X. Sa dinami-dami ng pagkain sa mesa ay kakarampot lang ang nasa plato nito. Nagpaluto ng napakarami tapos hindi naman kakain ng marami? Hay naku, ibang klase talaga ang mayayaman. Hindi nanghihinayang sa grasyang nasasayang.Pagkatapos kumain ay napahawak siya sa tiyan dahil sa kabusugan. Tapos na siyang kumain pero si Mr. X ay hindi parin tapos kumain.Tumayo siya at magalang na yumuko. "Aalis na po ako. Salamat sa pagkain." Nang mag angat siya ng ulo ay nakita niyang nakatuon lang ang mata nito sa pinggan na tila walang pakialam sa kanya. Dahil mukhang ayos lang naman dito ay umalis na siya. Pero hindi siya bumalik sa kwarto niya. Hinanap niya ang dalawang kasambahay na pumasok sa kwarto niya.Napabuga siya ng hangin.Isang oras na pero hindi niya parin nakita ang dalawa. Mukhang naliligaw pa yata siya.Sinong hindi maliligaw sa ganito kalaki at kalawak na lugar? Tapos hindi pa niya kabisado ang daan— Napangiti siya ng makita ang isa sa dalawang babae na hinahanap niya. Lumingon-lingon muna siya sa paligid bago ito hinila sa gilid."Miss Lanchester—""Shhh." Aniya rito. "Wag kang maingay dahil baka marinig nila tayo." Marami siyang gustong itanong rito.Pareho silang napatalon sa gulat dahil bigla nalang sumulpot ang kasama nitong babae kanina sa gilid nila."Ako nga pala si Apol." Inilahad niya ang palad sa dalawa subalit hindi ng mga ito tinanggap ang kamay niya."Miss Lanchester, pasensya na pero bawal ka naming hawakan. Pasensya na po. Ako nga po pala si Ester, siya naman po si Rima. Twenty-nine years old at pareho po kaming single. Isa kaming dalawa sa maraming naninilbihan sa lugar na ito.” Paliwanag nito.Napabuntong hininga siya at saka nagtanong, nagpaliwanag na rin siya sa dalawa kung ano ang rason kung bakit narito siya. “May alam ba kayo na ibang paraan para makaalis sa lugar na ito? Ganito kasi 'yon. May kaibigan ako, binigyan niya ako ng Gold card para makapag apply ng trabaho rito. Ang sabi kasi ni Camille malaki magpasahod ang magiging mo ko rito. Trabaho lang talaga ang kailangan ko rito at hindi asawa.”Nagkatinginan ang dalawa at umawang ang labi. Tila hindi makapaniwala ang mga ‘to sa sinabi niya. "May nagbigay sayo ng Gold card?"Naalala niya ang reaksyon ng mga gwardiya ng malaman na hindi peke ang card na hawak niya. Ganito rin ang reaksyon ng mga ito:Pati tuloy siya ay na-curious. "Bakit? Ano ba ang mayro'n sa card na dala ko?" Tanong niya.Mahinang bumulong si Rima. "Sa pagkakaalam namin ay mayro'ng apat na klase ng cards sa mundo ng MWO. Ang isa ay ang 'Gold Card na mayro'ng itim na dyamanteng nakaukit. Sumisimbolo ito sa pamilya ng mga Helger. Ang ikalawa ay ang Red Card na mauro'ng nakaukit na white octagon, ang pamilyang Laxus naman ang sumisimbolo rito. Ang ikatlo ay ang White Card na mayro'n namang nakaukit na asul na tatsulok na sumisimbolo naman sa pamilya ng mga Deville. At ang huli ay ang Blue Card na mayro'ng nakaukit na pulang buwan, ang sumisimbolo naman sa pamilyang Moontenegro. Ang apat na pamilyang nabanggit ko ay napaka-makapangyarihan."Naalala niya kulay ginto ang card na hawak niya. "Ibig sabihin ay pamilya ni Mr. X ang sumisimbolo sa card na hawak ko. Ano naman kung card nila ang hawak ko? Pinadala lang naman 'yon sa akin ng kaibigan ko para makapag apply ako ng trabaho rito." Hindi niya maintindihan, naguguluhan talaga siya sa mga nangyayari.Nagpaliwanag sa kanya si Rima. "Hindi normal na card lang 'yon, Miss Lanchester. Binibigay lang ang card na 'yon sa napili na magiging asawa ng Mafia boss." Paliwanag nito.Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. "M-M-M-Mafia b-boss? H-Hindi ba katulad ‘yon ng mga napapanood sa telebisyon na delikado at malupit na tao? N-Niloloko niyo ba ako?" Gusto niyang isipin na niloloko siya ng dalawa pero wala siyang makita na pagbibiro sa mukha nang dalawa.Si Ester na ang sumagot sa kanya. "Kung nabigyan ka ng isang card ay isa lang ang ibig sabihin nito... Ang ibig sabihin ay naging representative ka ng isang kilalang angkan na nakatanggap ng imbitasyon na galing mismo sa pamilya ng mga Helger. Kaya kung ako sa'yo, Miss Lanchester, ay hindi nalang ako tatakas. Dahil sa oras na tumakas ka at mahuli nila ay tiyak na mamamatay ka... ayaw namin na magaya ka sa ibang naging asawa ni Mr. X—" Napahinto sa pagsasalita si Ester ng makarinig ng yabag.“Sige po, Miss Lanchester, maiwan na po namin kayo. May mga trabaho pa kami na kailangan tapusin.” Paalam ng dalawa at saka nagmamadaling umalis.Natulala siya at gulong-gulo ang utak niya. Marami siyang katanungan na hindi masagot. Bakit mayro'ng Gold card si Camille? Bakit ibinigay ito sa kanya? Napaupo pa siya sa tindi ng nginig ng tuhod niya dahil sa mga nalaman niya.Ngayon alam na niya kung bakit nakakatakot ang awra ni Mr. X, at kung bakit mukha itong nakakatakot at malupit. Hindi lang dahil makapangyarihan ang pamilya nito, kundi isa rin itong Mafia boss.“Paano na ito ngayon? Trabaho lang naman ang gusto ko at hindi ang maging asawa ng Mafia boss.”Saka ano ang ibig sabihin ni Ester na ayaw nito na magaya siya sa dating asawa ni Mr. X? Ibig sabihin ay hindi siya ang una? Kung hindi siya ang una, ano ang nangyari sa mga nauna?[Apol] "Ano ang ginawa mo dito, Miss Lanchester?" Tanong sa kanya ng lalaking tadtad ng tatto at malaki ang katawan. "Ah, eh... Nagpapahangin para bumaba ang kinain. Bakit bawal ba?" Mataray niyang tanong. Gusto lang naman niya tingnan kung tatalab na ang pagiging matapang niya 'kuno' dahil soon-to-wife naman siya ng amo nito. Kunwari ay tumayo siya ng tuwid at pinaningkitan ito ng mata. ""W-Wala po, Miss Lanchester. N-Nagtatanong lang." Magalang nitong sagot sabay yukod bago siya iniwan.Nakahinga ng maluwag. Akala niya ay asawa lang siya sa papel at hindi igagalang pero mukhang mali ang akala niya.Mahina niyang tinuktukan ang ulo at pinaalalahanan ang sarili. "Apol, mag isip ka! Hindi ka pwede maging asawa ng Mafia boss na 'yan dahil mapanganib siyang tao!" Tama... kailangan niyang umisip ng paraan kung paano siya tatakas sa lugar na ito. Napangiti siya bigla ng makita ang dalawang lalaki na nag asikaso sa kanya sa dining hall. "Hi, sa inyong dalawa. Break niyo?" Tanong niya. N
[Apol] Mabilis pa sa alas kwatro na pumikit siya. "Lord, thank you dahil nakapag asawa ako ng gwapo at napakayaman! Wala na akong hahanapin pa dahil full package na po ang binigay mo. Tuyo lang ang dasal ko no'n pero embutido ang binigay mo! Ang bait mo talaga sa'kin!" Pangbawe niya sa lahat ng mga dasal niya kanina. Sana lang ay hindi nito narinig ang mga unang sinabi niya kanina dahil baka malintikan siya. Ayaw pa niya mamaalam sa mundo ng maaga. Sa susunod talaga ay mag iingat na siya sa pananalita. Ayaw naman niyang pumanaw nang maaga at dito pa sa islang ito kung saan malayo sa kapatid niya. Hindi siya dumilat. Bahala nang mangalay ang binti niya sa pagtayo rito, basta hinding-hindi siya didilat. Baka kasi pagdilat niya ay mayro'n ng baril na nakatutok sa kanya. Unti-until siyang nagmulat ng mata nang maramdaman ang mainit at mabangong hangin na tumatama sa kanyang mukha. Muntik na siyang mahimatay sa takot ng pagdilat niya ay sobrang lapit ng mukha nito sa kanya, sa sobrang d
[Apol]Tatlong araw na ang nakalipas simula nang maikasal sila pero hanggang ngayon ay hindi niya 'yon matanggap. Ang bilis nang pangyayari, trabaho lang ang gusto niya pero asawa ang nagkaro'n siya."Mrs. Helger, nakahanda na ang pagkain at naghihintay na si Mr. X sa ibaba." Hindi niya pinansin si Miss Carol. Walang kabuhay-buhay siyang tumayo at lumabas nang kwarto.Masama ang loob niya rito. Pakiramdam niya ay niloko siya nito. Hindi kasi nilinaw nito sa kanya na kasal na pala ang pupuntahan nila. Umasa pa naman siya na ihahatid siya nito pero mali ang akala niya. Pakiramdam tuloy niya ay pinagkaisahan siya.Naabutan niya si Mr. X na nakaupo nang tuwid habang walang kasing lamig ang ekspresyon ng mukha. Wala nang bago rito, araw-araw naman kasing ganito ang hilatsa ng mukha nito. Napangiwi siya nang tumunog ng malakas ang tiyan niya. Gutom na gutom na talaga siya. Sinong hindi magugutom, eh halos tatlong araw na rin siyang hindi kumakain ng maayos. Pakiramdam niya ay binabalatan s
[Apol]"Pinatay?" Natuptop niya ang bibig sa pagkabigla. "Grabe, nakakaawa naman pala si Mr. X... masakit pala ang nangyari sa mga nauna niyang asawa." Awang-awa na siya rito. "Napakasakit pa naman ng mawalan ng mahal sa buhay."Naging malikot ang mata ni Ester na animo'y takot. "P-Pinatay silang apat ni Mr. X." Ani Ester."P-Pinatay sila ni Mr. X?" Kung kanina sila Rima at Ester lang ang namumutla, ngayon ay pati na siya. Nawalan ng kulay ang mukha niya, at tila matutumba pa siya sa pagkabigla.Kahit takot ay nagkwento si Rima. "Silang apat ay natagpuan na duguan at wala nang buhay sa loob ng kwarto ni Mr. X. Marami ang usap-usapan na pinatay ang iba dahil may nilabag sila, pero ang sabi naman ng iba namatay daw ang ibang asawa niya dahil da halik niya."Namatay sa halik?"Ano naman ang kinalaman ng halik do'n? May lason ba ang halik ni Mr. X? O baka naman mabaho ang hininga niya." Umiling-iling siya. Imposible naman 'yon dahil naamoy na niya ang hininga nito. Mabago at nakakahalina k
[Apol]"Nasaan si Mr. X, Miss Carol?" Tanong niya sa matanda habang nagpalinga-linga sa paligid."Umalis siya ngayon, Mrs. Helger. Baka tatlong araw pa ang balik niya." Sagot nito. Tumalikod siya at mahinang napa-yes. Salamat naman at wala ito ngayon. Makakalabas siya ng kwarto at makakapaglibot ng malaya at hindi natatakot na baka makita siya.Ginawa niya ang lahat para iwasan si Mr. X. Nagdadahilan siya na hindi pa rin maganda ang pakiramdam niya kaya naman sa kwarto pa rin siya kumakain. Kapag makakasalubong naman niya ito ay agad siyang lumiliko, o umiiwas para hindi siya nito makita. Mas mabuti nang umiwas siya rito kaysa naman mapadali ang buhay niya.Oo, nagpapasalamat siya sa pagtulong nito sa kapatid niya, pero kalaunan ay narealized niya na ginawa iyon ni Mr. X para ipabatid sa kanya na alam nito ang lahat tungkol sa kanya— Na kapag tumakas siya, o may ginawang hindi nito nagustuhan ay malalagot siya, o madadamay ang pamilya niya. Iyon ang dating sa kanya ng ginawa nito. Ma
[Apol]Umupo si Mr. X at iniluhod ang isang tuhod sa marmol. Hinawakan nito ang laylayan ng kanyang suot at walang pag iingat na hinila ito dahilan para mapalapit ng husto ang katawan niya rito."S-Sandali po, Mr. X—" Wala siyang nagawa kundi ang mapasinghap nalang ng hawakan nito ang tela sa tapat ng dibdib niya at padaskol siyang hilahin para magpantay ang mukha nila. "M-Mr. X, h-hindi po ako makahinga—" "Scared to death, huh?" Tila natutuwa pang usal nito.Umiling-iling siya. Sinong makakahinga, eh hawak nito ng mahigpit ang suot niya, tapos halos masakal pa siya sa paraan ng pagkakahawak nito sa kanya. "N-Nasasakal mo po kasi ako." Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para paluin ang kamay nitong nakahawak sa harapang-tela ng damit niya. Nakahinga siya ng maluwag nang bitiwan siya nito. Nang makabawi ng hangin ay masama niya itong tiningnan. "Balak mo ba akong patayin, ha?! Pwede mo naman ako kausapin ng hindi hinahawakan, ah! Saka bakit inapakan mo ang dress ko
Samantala.Kanina pa hindi paroon at parito sa paglakad si Alena sa tapat ng apartment ni Camille. Mahigit isang linggo nang hindi umuuwi ang kapatid niyang si Apol kaya nababalot na nang pag aalala ang kanyang dibdib. Oo nga at nagpadala ito ng pera para pangpacheck up at laboratory niya pero hindi siya naniniwala na galing ito sa kapatid niya.May usapan sila na sasamahan siya nito na magpunta ng hospital. Kilala niya ang kapatid. Mayro'n itong isang salita. Kaya hindi siya naniniwala na magpapadala lang ito ng pera sa kanya. Sabay pa naman silang excited na malaman kung babae ba o lalaki ang anak niya."Buntis, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na wala nang nakatira ri'yan. Lagpas isang linggo na nang umalis si Camille sa apartment niya. Sinasayang mo lang ang oras mo sa pagbalik mo rito. Mabuti pa ay magpahinga ka na. Hindi ba't malapit ka nang manganak?" Ani Aling Terry. Ito ang landlady ni Camille."Halos magdadalawang linggo na po?" Napahawak si Alena sa dibdib nang maramdama
[Apol]Isang malakas na singhap ang kumawala sa labi ni Apol nang magising siya. Sa kabila ng lamig sa kwarto niya ay ramdam niya ang pawis sa noo niya. Hindi niya maintindihan pero sobrang kinakabahan siya.Sa panaginip niya ay nag aagaw buhay daw ang Ate Alena habang nanganganak."Diyos ko, bantayan niyo po at panatilihing ligtas si Ate Alena." Paulit-ulit niyang dasal. "Sorry, ate ha. Alam kong may usapan tayo na sasamahan kita sa hospital para malaman kung ano ang gender ni baby... So-Sorry kasi hindi na yata ako makakauwi." Hindi niya mapigilan ang maluha. Kahit panaginip lang 'yon pero parang totoo.Pinahid niya ang luha at saka bumuga ng hangin para kahit paano ay gumaan ang dibdib niya. May maayos na tirahan at may perang pantustos na ang kapatid niya, sapat na 'yon para kahit paano ay mabawasan ang alalahanin niya sa dibdib. Siguro naman hindi nagsisinungaling sa kanya si Mr. X nang sabihin nitong wala nang problema pagdating sa financial ang kapatid niya."Mrs. Helger, naghih
Nanghihinayang na napailing nalang si Skye. Nakakapanghinayang naman kasi talaga kung magiging ‘baklush’ si Adius. Bukod sa ubod ito ng yaman, ubod din ito ng gwapo, tapos gifted pa sa laki ng batútá—tapos lalaki din ang hanap. Kawawa naman si Tita Alena. Umaasa na magkakaapo kay Adius. Naghintay pa siya ng bente minuto bago umakyat sa kwarto nila. Pagdating niya sa kwarto ay nakita niya si Adius na nakahiga na. Mukhang tulog na yata. Pagkatapos niyang maligo ay lumabas siya ng nakaroba. Sinilip niya pa ang binata para siguraduhin na tulog na nga ito. Nang matapos siya mag-blower ay saka siya pumasok sa walking closet. Napansin niya agad na may nagbago. Bukod sa napalitan ang kulay ng mga cabinet, kapansin-pansin din ang dim red, blue and green light na ilaw sa loob. Patay sindi pa ito kaya naman feeling niya nasa loob siya ng club. Akala niya ay maghahatid lang ng mga pinamili sila tita Alena, pero mukhang pinapalitan nito ang lahat ng mga designs at ilaw dito. Kumu
Nag-isang linya ang kilay ni Adius. “You grabbed my crotch first —“ “So, kasalanan ko pa?! Saan ka nakakita ng minamasahe na hindi hinahawakan at pinipisil-pisil?!” Napatingala si Skye sa sobrang inis, “imamasahe na nga ang batútà mo, nagagalit ka pa?! Tinanong kita at sinagot mo pa nga ako na ULO ang unahin ko! Gagawin ko na nga ang gusto mo, balak mo pa akong balian ng braso!” Pinakita niya ang braso na may pasa. “Nakita mo na ang ginawa mo?! Sinaktan mo na nga ang braso ko, nakitaan mo pa ako! Sumusobra ka na!!!!” “Wait…” tinaas ng binata ang kamay upang patigilin si Skye sa walang tigil na pagsasalita. “Do you even listen to me while we’re in the kitchen?” Taas-noong sinagot ito ng dalaga. “Oo! Binibiro nga lang kita eh… kaso sineryoso mo ang biro ko—“ “After that, did you heard what I said?” Natigilan si Skye. Sa pagkakatanda niya… may sinasabi pa ito sa kanya pero nagmamadali siyang umalis ng kusina. “Ang sabi ko, imasahe mo ang ulo at likod ko, hindi ko sinab
“Tingnan mo ito, ate. Sigurado ako na bagay na bagay kay Skye ang roba na ‘to!” Lumapit si Apol kay Alena dala ang isang kulay pulang roba. “Hmm… tama ka.” Kinuha ito ni Alena at sinipat, “hindi ba masyado naman yata itong maiksi?” “Akala ko ba gusto mong magka-apo agad?” Sabat ni Charlotte na abala sa pagpili naman ng mga nighties. “Paano ka magkaka-apo agad kung hindi mo bibilhan ng revealing clothes ang future manugang mo. Saka basta si Ate Apol ang nagrekomenda, siguradong walang palpak!” “Sabagay… tama ka.” Narito ngayon ang tatlong ginang sa isang Mall. Tinawagan ni Alena ang dalawa upang magpasama at magpatulong na bilhan ng mga bagong gamit si Skye. “Ate!!!” Nagmamadaling lumapit muli si Apol kay Alena bitbit ang isang manipis at maliit na tela. “Mas maganda kung ito nalang ang bibilhin natin para kay Skye… sigurado na maglalaway si Adius sa kanya kapag nakitanh suot ito!” Sabay-sabay na bumaba sa kani-kanilang sasakyan ang tatlong ginang. Nang makita sila ng mga s
Kilala niya si Adius, hindi ito marunong magbiro. Ayaw niyang isipin na totoo ang sinabi nito. Pero paano kung totoo nga? Pagkatapos maghugas ng pinakainan, hindi muna siya umakyat ng kwarto. Katulad nitong nakaraan, inubos niya ng oras sa panonood ng tv. Bahala ng magka-eyebag, wag lang makasama si Adius ng gising sa kwart nila. Humikab siya… inaantok na siya. Pero dahil masyado pang maaga, nanood muna siya ng mga drama sa cellphone niya. At mayamaya ay inisa-isa niyang tingnan ang mg pictures ng kuya Jhake niya sa cellphone niya. Sakto naman na nakita niya ang mga pictures nila ni Adius noong engagement party nilang dalawa. Hindi niya maiwasan na mapangiti ng makita ang ramdom pictures nilang lahat, kasama ang pamilya nito. Habang tumatagal, lalo niyang nakikilala ang mommy ni Adius at mga tita nito. Mabubuti silang tao. Hindi niya kasi alam kung mabuti bang tao ang mga lalaki sa pamilya ni Adius. Karamihan kasi sa kanila ay mukhang hindi alam ang saling NGITI. Mukhang m
Dinala ni Skye ang lahat ng wedding dress na magustuhan niya sa fitting room. Mabuti nalang at hindi ito katulad ng fitting room sa mall na masisikip. Ang fitting room sa store na ito ay halos kasing laki ng kwarto nila ni Adius. Dahil kailangan ingatan ang mga wedding dress ay may dalawang babae na nag-assist sa kanya bukod pa kay Aimee. “Look at this wedding dress, Skye. Sa palagay ko bagay ito sayo.” Umiling siya. “Ayoko nito, maiipit ang boobs ko. Gusto ko ‘yung lalabas ang kasexyhan ko.” Pinakita niya kay Aimee ang gusto niyang isukat. Isang v-neck wedding dress. Sa baba at haba ng neck line, sigurado na lilitaw ang dibdib niya. Katamtaman lang ang laki ng dibdib niya. Hindi malaki, hindi rin naman maliit. Kumbaga, may ibubuga din naman ito kahit paano. Pagkatapos isukat, parehong napaawang ang labi ni Aimee at ng dalawang babae. Kuminang ang mata niya ng makita ang sariling repleksyon sa salamin. “A-ang ganda ko! Wahhh! Ang sexy ko din dito!” Nagmamadaling hinil
“You disappeared last night. Why?” Napalunok siya ng laway. “A-ah, ano kasi… b-biglang tumawag ang kaibigan ko, ang sabi nila, hinahanap daw ako ng kuya ko. T-tama nga, yun nga!” Nauutal na dahilan niya habang hindi makatingin ng diretso dito. “W-wag kang mag alala, nagpaalam naman ako kila tita,” “Exactly, Skye. Nagpaalam ka sa kanila, pero sa akin ‘hindi.” Turan ni Adius na ikinangiwi ng dalaga. “After you eat, prepare yourself. May pupuntahan tayo.” “Ha? Akala ko ba walang pasok ngayon sa office? Teka, sandali naman!” Nakangusong sinundan ng tingin ni Skye ang binata. “Tingnan mo ‘to, parang hindi nilapa ang labi ko kagabi ah. Bumalik na naman sa pagiging masungit.” Dahil wala siyang ganang kumain ay nagligpit na siya at naghugas. Pagkatapos maghugas ay naligo siya at nagbihis. Mukhang kailangan talaga na kasama siya sa lakad ni Adius dahil hindi siya iniwan nito. “Saan ba tayo pupunta?” Imbes sagutin ang tanong ni Skye, kinuha ni Adius ang earbuds at sinagot ang tum
“Kuya!!!” Parang bata na tumakbo siya palapit sa kuya niya ng makita ito. “Kuya, namiss kita ng sobra!” “N-n-namiss din ni Jhake si ate!” Parang bata na sinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. Simula ng magtrabaho siya bilang secretary ni Adius ay dalawang beses nalang niya ito nadadalaw sa loob ng isang linggo. Hindi naman siya nag aalala masyado dahil may mga private nurse na inupahan ang binata para bantayan ang kapatid niya. Natransfer narin ito sa maganda at mas maayos na hospital kaya naman kampante siya na magagamot ito ng mas maayos. Kinuha niya ang maraming ubas na dala at mga bagong laruan. Masayang-masaya na yumakap ito sa kanya. “A-ang sabi ni Jhake s-salamat daw! T-the best talaga ang ate niya!” Ani nito sabay halik sa pisngi niya. Kinagat niya ang labi, sinubukan na hindi umiyak pero hindi niya nagawa. Kapag kaharap niya ito at kasama ay nagiging iyakin siya. Agad na binaling niya sa iba ang mukha para hindi nito makita ang luhaan niyang mukha. Sigurado kasi
“F-fiance mo si Miss Malason?” Nangatog si Jillian sa takot katulad ng kanyang ama. Nabigla si Skye ng lumuhod sa harapan nila ang mag ama. Wala na ang kanina na mapagmataas na awra ng dalawa, nasa mukha ng mga ito ang magkahalong pagkabigla, takot at pagmamakaawa. “H-humihingi kami ng tawad sa aming kapangahasan at kamangmangan. H-hindi namin alam na fiance mo pala siya!” “T-tama si daddy, Sir! Pa-patawarin mo sana kami!” Tumingala si Jillian at tumingin kay Skye ng nagmamakaawa. “Please, Miss Malason, pakiusap, patawarin mo kami!” Nang subukan na lumapit ni Jillian sa dalaga ay humarang si Adius sa kanya. “Don’t try to lay your dirty hand again on her skin. Baka mapatay kita!” Napasinghap si Skye ng tutukan ito ng baril ng binata sa ulo, maging ang mga bisitang naroon ay napasinghap sa gulat, maliban sa pamilya ng binata na hindi na nabigla sa ginawa nito. “A-adius…” kahit siya ay natakot, hindi man niya nakita ang mukha nito dahil nakatalikod ito at nakaharang sa kany
“Sigurado ka ba na peke ‘yan? May ebidensya ka?” Napaawang ang labi niya sa sinabi nito. “Ano? Pero humiram ka sa akin, sapat ng ebidensya ‘yon.” “Sa palagay mo maniniwala sila na humiram ako?” Mayabang na ngumisi ito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. “Alam ko ang background mo kaya imposibleng makabili ka ng mamahaling kwintas na katulad no’n. Isang limited edition na APL necklace na nagkakahalaga ng 65 Million? Sabihin mo nga sa akin, saan mo napulot ‘yon? Ninakaw mo? O baka naman may sugar daddy kang nagregalo sayo?” Alam ni Skye na masama ang ugali ng babaeng ito. Pero hindi niya inasahan na ganito katindi. “Ibalik mo nalang ang kwintas para matapos na ang usapang ito,” 65 million? Nanuyo ang lalamunan niya sa takot. Ngayon palang ay natatakot na siya kapag nalaman ni Adius na nawawala ang kwintas. Ngumisi lamang ito. “Hindi mo ako masagot? Siguro nga ay ninakaw mo! Magpasalamat ka nalang dahil binenta ko bago ka pa mahuli ng ninakawan mo! Subukan mo pang habulin