[Apol]
Ano daw? Asawa?"Pasensya na po, pero sa tingin ko nagkakamali po kayo. Nagpunta po ako dito para sa trabaho, Mr. X. Hindi po ako nandito para maging asawa mo-" Nabitin ang anumang sasabin niya ng may dumating na dalawang lalaki.Sabay na yumukod ang dalawa sa lalaking kaharap niya."Mr. X, nahuli na naman si Dixon. Ano ang gagawin namin sa kanya?" Magalang na tanong ng lalaki na nakakatakot ang itsura. Mukha itong goons sa mga pelikula, maging ang kasama nito ay gano'n din ang hilatsa ng mukha. Mukha itong mga kontrabida sa mga palabas.Dumilim ang mukha ni Mr. X. "Kill that traitor." Mapanganib nitong utos.Namilog ang mata niya sa narinig, at muntik pang malaglag ang panga niya."Yes, Mr. X!" Sabay na tugon ng mga lalaki at sabay pa. Bago umalis ay muling nagsiyukod ang mga ito bilang pagbibigay galang.'D-Diyos ko! T-Tama ba ang narinig ko? K-Kill daw!' Takot na ani nang utak niya.Nanlalamig ang katawan niya sa takot ngayon, maging ang tuhod niya ay nanginginig pa. Ano ba itong lugar na napuntahan niya? Bakit parang kampon ng demonyo ang mga nakatira dito?Napatayo siya nang tuwid nang bumaling si Mr. X sa kanya. Halos hindi siya huminga sa sobrang takot."Did you say something earlier?" Hindi lang ang tingin nito ang naghatid ng kilabot sa kanyang katawan, maging ang boses din nito."A-Ah, a-ano..." Hindi niya magawang sumagot, pati ang kanyang dila ay nanginginig at namaluktot dahil sa takot.Yumuko siya, kahit ang tingnan ito ay hindi niya magawa."Come on, Apol. Tell me, what it is." Nag uutos ang boses nito.Nang mag angat siya ng tingin ay nakita niya ang mata nito na napakalamig kung tumingin, at ang mukha nitong walang bahid ng kahit anong emosyon. Kung ang ibang gwapong lalaki ay masarap tingnan, dito ay mapapayuko ka nalang dahil sa takot.Yumuko ulit siya— Maganda nang mag iwas nang tingin. Baka mamaya ay ipatanggal pa nito ang mata niya!"Hehe... I-Isa pong karangalan ang maging a-asawa mo, Mr. X." Ani niya sa nanginginig na tinig.*******'Bakit ko sinabi ang bagay na 'yon?' Iyon ang paulit-ulit niyang tanong habang inuuntog ang ulo sa pader dito sa kwarto kung saan siya nagising kanina. Wala na siyang nasabi pang iba dahil sa takot. Trabaho ang ipinunta niya rito, pero bakit asawa ang magiging bagsak niya?Panaginip ba ito?Agad na tumayo siya ng makita ang pagpasok ng dalawang babae na nakasuot ng uniporme. Sa tingin niya ay mas matanda ito sa kanya ng limang taon o higit pa. Mukhang kasambahay ang dalawang ito rito sa palasyo.Nagulat ang dalawa ng hatakin niya ang mga ito.Sana ay makahingi siya ng sagot sa mga ito. "Miss, pwede ba akong magtanong. Alam niyo ba kung nasaang lugar tayo? May cellphone ba kayo? Please, pahiram naman. Kailangan kong itext ang kapatid ko. Magpapasundo ako rito." Kung kinakailangan niyang magmakaawa ay gagawin niya para lang makauwi sa kanila.Ayaw niya magpakasal— At mas lalong ayaw niya maging asawa ni Mr. X.Nagkatinginan ang dalawa. "Miss Lanchester, pasensya ka na. Malabo na makaalis ka pa rito dahil narito tayo sa isang isolated na isla na tanging ang pamilya lamang ng mga Helger at tapat nilang mga tauhan ang nakakaalam. Saka bawal po ang cellphone sa amin rito. Bawal ang sinungaling at sumuway sa utos ang lahat ng narito. Kapag sumuway ka tiyak na makakatanggap ka ng parusa."Napanganga siya sa narinig. "I-Ibig mong sabihin k-kapag namatay ako dito walang makakaalam?" Parang nauupos na kandila siya na napaupo ng tumango ang dalawa. Nang aalis na ang dalawa ay nagmamakaawang humawak siya sa braso ng mga ito. "I-Ibig niyo bang sabihin ay may chance na mamatay talaga ako rito?"Umilap ang mata ng dalawa.Naalala niya ang sinabi ni Mr. X sa dalawang tauhan nito kanina. 'Kill' daw... Hindi lang ang awra nito ang nakakatakot, maging ang ugali nito!Inalis ng mga ito ang pagkakahawak niya. "Kailangan na namin umalis, Miss Lanchester. Baka mapagalitan kami ni Miss Carol kapag nagtagal pa kami rito." Nakayukong paalam ng dalawa.Hindi siya papayag na mamatay dito. Kaya nga siya lumalaban sa hirap ng buhay dahil gusto niyang mabuhay. Mas lalo siyang nanghina ng makaramdam ng gutom. Mabuti nalang at hindi nagtagal ay dumating si Miss Carol, ang matandang nagdala sa kanya rito. Ang kaso hindi rin sila agad nakababa dahil kailangan daw muna niyang maligo at magbihis.Ilang beses siyang nagpaikot-ikot sa harap ng salamin. Ang sosyal ng ipinasuot sa kanya. Isang mahabang itim na bestida na may palamuti na tila diyamante sa dulo. Mabuti at mahaba ang manggas nito dahil ang napakalamig dito sa palasyo. Pinasuot din siya ng kulay itim na sandals ng matanda at mga alahas.Para siyang 'reyna' sa ayos niya. Ngayon lang siya nakapagsuot ng ganito kagandang mga alahas at damit. Tapos kumpleto pa lahat ng kailangan niya bilang babae rito sa kwarto. Gusto pa sana niyang magtagal sa pagsusukat, pero tumikhim na si Miss Carol."Hindi gusto ni Mr. X ang pinaghihintay siya, Miss Lanchester." Paalala ng matanda.Tamang-tama, gutom na gutom na rin talaga siya. Habang pababa sila ng hagdan ay napatingin siya sa family picture na napakalaki. Ngayon alam na niya kung sino ang batang nasa gitna- Si Mr. X. Cute pa dito ang lalaki, hindi pa mukhang demonyo- Nanlaki ang mata niya ng dumulas ang paa niya at napagulong-gulong sa tatlong baitang paibaba."A-Aray ko po." D***g niya. Pakiramdam niya ay nagdalawa ang paningin niya sa sakit dahil nauntog ang ulo niya. Mabuti nalang at hindi siya sa pinaka-itaas nahulog kundi ay baka patay na siya ngayon.Napahigit siya ng hininga ng maramdaman ang paglagay ng kung sino ng kamay sa ilalim ng kilikili niya at saka siya ini-angat nang walang kahirap-hirap para maitayo. Nang tumingala siya ay nakita niya si Mr. X na ngayon ay madilim ang mukha na natingin sa kanya."Ayoko ng asawang tatanga-tanga kaya mag iingat ka sa susunod." Madilim ang mukha na turan nito bago siya iniwan.Napaawang ang labi niya ng mapagtanto ang sinabi nito. Kung wala lang si Miss Carol ay baka naghuhurumentado na siya sa kinatatayuan ngayon. Aksidente naman 'yon kaya paano siya naging tanga?Grabe naman, wala itong preno magsalita. Wala itong[Apol]Pagdating nila sa dining hall ay muntik ng tumulo ang laway ni Apol sa dami ng pagkain na nakahain sa mesa. Lahat ay masasarap at halatang pagkain ng mayayaman. Kumunot ang noo niya ng makitang dalawa lang sila ni Mr. X ang narito. Umalis na lahat maging si Miss Carol. Teka, sila lang ang kakain ng lahat ito? Sa dami nito ay parang ito na ang huling hapunan nila at bibitayin na sila bukas. Daig pa ang mayro’ng piyesta sa dami, parang mayro’ng handaan.Walang sinabi si Mr. X na maupo siya, kaya naman siya ay nanataling nakatayo. Mahirap na, baka mamaya ay masabihan siyang bastos, at bigla na lamang siyang barilin. Maganda na ang sigurado; mas ayos na ang magutom ng ilang araw kaysa ang mamatay nang biglaan.Ang walang emosyon na si Mr. X ay tumingin sa kanya, kaya naman agad na yumuko siya para iwasan ang tingin nito."Why are you still standing there? Do I need to say sit?" Malamig ang boses nitong tanong. "Pasensya na po." Pinigilan niya ang mapakamot sa ulo. Siya na nga iton
[Apol] "Ano ang ginawa mo dito, Miss Lanchester?" Tanong sa kanya ng lalaking tadtad ng tatto at malaki ang katawan. "Ah, eh... Nagpapahangin para bumaba ang kinain. Bakit bawal ba?" Mataray niyang tanong. Gusto lang naman niya tingnan kung tatalab na ang pagiging matapang niya 'kuno' dahil soon-to-wife naman siya ng amo nito. Kunwari ay tumayo siya ng tuwid at pinaningkitan ito ng mata. ""W-Wala po, Miss Lanchester. N-Nagtatanong lang." Magalang nitong sagot sabay yukod bago siya iniwan.Nakahinga ng maluwag. Akala niya ay asawa lang siya sa papel at hindi igagalang pero mukhang mali ang akala niya.Mahina niyang tinuktukan ang ulo at pinaalalahanan ang sarili. "Apol, mag isip ka! Hindi ka pwede maging asawa ng Mafia boss na 'yan dahil mapanganib siyang tao!" Tama... kailangan niyang umisip ng paraan kung paano siya tatakas sa lugar na ito. Napangiti siya bigla ng makita ang dalawang lalaki na nag asikaso sa kanya sa dining hall. "Hi, sa inyong dalawa. Break niyo?" Tanong niya. N
[Apol] Mabilis pa sa alas kwatro na pumikit siya. "Lord, thank you dahil nakapag asawa ako ng gwapo at napakayaman! Wala na akong hahanapin pa dahil full package na po ang binigay mo. Tuyo lang ang dasal ko no'n pero embutido ang binigay mo! Ang bait mo talaga sa'kin!" Pangbawe niya sa lahat ng mga dasal niya kanina. Sana lang ay hindi nito narinig ang mga unang sinabi niya kanina dahil baka malintikan siya. Ayaw pa niya mamaalam sa mundo ng maaga. Sa susunod talaga ay mag iingat na siya sa pananalita. Ayaw naman niyang pumanaw nang maaga at dito pa sa islang ito kung saan malayo sa kapatid niya. Hindi siya dumilat. Bahala nang mangalay ang binti niya sa pagtayo rito, basta hinding-hindi siya didilat. Baka kasi pagdilat niya ay mayro'n ng baril na nakatutok sa kanya. Unti-until siyang nagmulat ng mata nang maramdaman ang mainit at mabangong hangin na tumatama sa kanyang mukha. Muntik na siyang mahimatay sa takot ng pagdilat niya ay sobrang lapit ng mukha nito sa kanya, sa sobrang d
[Apol]Tatlong araw na ang nakalipas simula nang maikasal sila pero hanggang ngayon ay hindi niya 'yon matanggap. Ang bilis nang pangyayari, trabaho lang ang gusto niya pero asawa ang nagkaro'n siya."Mrs. Helger, nakahanda na ang pagkain at naghihintay na si Mr. X sa ibaba." Hindi niya pinansin si Miss Carol. Walang kabuhay-buhay siyang tumayo at lumabas nang kwarto.Masama ang loob niya rito. Pakiramdam niya ay niloko siya nito. Hindi kasi nilinaw nito sa kanya na kasal na pala ang pupuntahan nila. Umasa pa naman siya na ihahatid siya nito pero mali ang akala niya. Pakiramdam tuloy niya ay pinagkaisahan siya.Naabutan niya si Mr. X na nakaupo nang tuwid habang walang kasing lamig ang ekspresyon ng mukha. Wala nang bago rito, araw-araw naman kasing ganito ang hilatsa ng mukha nito. Napangiwi siya nang tumunog ng malakas ang tiyan niya. Gutom na gutom na talaga siya. Sinong hindi magugutom, eh halos tatlong araw na rin siyang hindi kumakain ng maayos. Pakiramdam niya ay binabalatan s
[Apol]"Pinatay?" Natuptop niya ang bibig sa pagkabigla. "Grabe, nakakaawa naman pala si Mr. X... masakit pala ang nangyari sa mga nauna niyang asawa." Awang-awa na siya rito. "Napakasakit pa naman ng mawalan ng mahal sa buhay."Naging malikot ang mata ni Ester na animo'y takot. "P-Pinatay silang apat ni Mr. X." Ani Ester."P-Pinatay sila ni Mr. X?" Kung kanina sila Rima at Ester lang ang namumutla, ngayon ay pati na siya. Nawalan ng kulay ang mukha niya, at tila matutumba pa siya sa pagkabigla.Kahit takot ay nagkwento si Rima. "Silang apat ay natagpuan na duguan at wala nang buhay sa loob ng kwarto ni Mr. X. Marami ang usap-usapan na pinatay ang iba dahil may nilabag sila, pero ang sabi naman ng iba namatay daw ang ibang asawa niya dahil da halik niya."Namatay sa halik?"Ano naman ang kinalaman ng halik do'n? May lason ba ang halik ni Mr. X? O baka naman mabaho ang hininga niya." Umiling-iling siya. Imposible naman 'yon dahil naamoy na niya ang hininga nito. Mabago at nakakahalina k
[Apol]"Nasaan si Mr. X, Miss Carol?" Tanong niya sa matanda habang nagpalinga-linga sa paligid."Umalis siya ngayon, Mrs. Helger. Baka tatlong araw pa ang balik niya." Sagot nito. Tumalikod siya at mahinang napa-yes. Salamat naman at wala ito ngayon. Makakalabas siya ng kwarto at makakapaglibot ng malaya at hindi natatakot na baka makita siya.Ginawa niya ang lahat para iwasan si Mr. X. Nagdadahilan siya na hindi pa rin maganda ang pakiramdam niya kaya naman sa kwarto pa rin siya kumakain. Kapag makakasalubong naman niya ito ay agad siyang lumiliko, o umiiwas para hindi siya nito makita. Mas mabuti nang umiwas siya rito kaysa naman mapadali ang buhay niya.Oo, nagpapasalamat siya sa pagtulong nito sa kapatid niya, pero kalaunan ay narealized niya na ginawa iyon ni Mr. X para ipabatid sa kanya na alam nito ang lahat tungkol sa kanya— Na kapag tumakas siya, o may ginawang hindi nito nagustuhan ay malalagot siya, o madadamay ang pamilya niya. Iyon ang dating sa kanya ng ginawa nito. Ma
[Apol]Umupo si Mr. X at iniluhod ang isang tuhod sa marmol. Hinawakan nito ang laylayan ng kanyang suot at walang pag iingat na hinila ito dahilan para mapalapit ng husto ang katawan niya rito."S-Sandali po, Mr. X—" Wala siyang nagawa kundi ang mapasinghap nalang ng hawakan nito ang tela sa tapat ng dibdib niya at padaskol siyang hilahin para magpantay ang mukha nila. "M-Mr. X, h-hindi po ako makahinga—" "Scared to death, huh?" Tila natutuwa pang usal nito.Umiling-iling siya. Sinong makakahinga, eh hawak nito ng mahigpit ang suot niya, tapos halos masakal pa siya sa paraan ng pagkakahawak nito sa kanya. "N-Nasasakal mo po kasi ako." Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para paluin ang kamay nitong nakahawak sa harapang-tela ng damit niya. Nakahinga siya ng maluwag nang bitiwan siya nito. Nang makabawi ng hangin ay masama niya itong tiningnan. "Balak mo ba akong patayin, ha?! Pwede mo naman ako kausapin ng hindi hinahawakan, ah! Saka bakit inapakan mo ang dress ko
Samantala.Kanina pa hindi paroon at parito sa paglakad si Alena sa tapat ng apartment ni Camille. Mahigit isang linggo nang hindi umuuwi ang kapatid niyang si Apol kaya nababalot na nang pag aalala ang kanyang dibdib. Oo nga at nagpadala ito ng pera para pangpacheck up at laboratory niya pero hindi siya naniniwala na galing ito sa kapatid niya.May usapan sila na sasamahan siya nito na magpunta ng hospital. Kilala niya ang kapatid. Mayro'n itong isang salita. Kaya hindi siya naniniwala na magpapadala lang ito ng pera sa kanya. Sabay pa naman silang excited na malaman kung babae ba o lalaki ang anak niya."Buntis, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na wala nang nakatira ri'yan. Lagpas isang linggo na nang umalis si Camille sa apartment niya. Sinasayang mo lang ang oras mo sa pagbalik mo rito. Mabuti pa ay magpahinga ka na. Hindi ba't malapit ka nang manganak?" Ani Aling Terry. Ito ang landlady ni Camille."Halos magdadalawang linggo na po?" Napahawak si Alena sa dibdib nang maramdama