Napanganga si Apol habang nakatingala sa gusaling nasa kanyang harapan. Hindi niya akalain na napakalaki at napakataas pala ng gusali na pag-aapplyan niya ng trabaho. Sa taas nito at laki ay mukhang hindi ito pipitsugung kumpanya lang.
Ang sabi ng kaibigan niyang si Camille na nagrekomenda sa kanya rito ay malaki ang magiging sahod niya sa kumpanyang ‘to kapag nakapasok siya. Dinukot niya sa lumang bag na dala ang Gold Card na binigay ni Camille. Gamitin daw niya ito sa pag-aapply para agad siyang matanggap. Ayon pa sa kaibigan niya ay pwede siyang bumale ng malaking pera kapag natanggap siya. Kaya naman agad niyang sinunggaban ang trabahong ‘to. Malapit ng manganak ang ate niya, meron pa ‘tong heart disease kaya naman kailangan niya talaga ng malaking pera. Kaya nga agad siyang pumayag na mag apply at pumasok rito. Napakamot si Apol sa ulo. “Mukhang sosyalin naman ang lugar na ito. Pwede kaya ang tulad ko rito?” Bumuga siya ng hangin. “Ano ka ba naman, Apol. Syempre pwede ang kahit sino basta pursigido at masipag sa trabaho!" Pagpapalakas niya sa kanyang loob. Inayos ni Apol ang suot na lumang blouse at pinagpag ito para alisin ang alikabok, inayos din niya ang pagkakatuck-in nito sa slacks niya na kulay itim. Medyo may kalumaan man dahil nabili lang niya ito sa ukay-ukay, mainam na ito kaysa wala. Pati nga ang flat shoes na suot niya ay masikip pa dahil luma na at pinagliitan pa niya. Magmula ng lumayas ang nanay nila dalawang taon na ang nakakaraan ay lalo silang naghirap ng ate niya. Huminto sila sa pag-aaral at ang ate naman niya ay nabuntis at iniwan ng kasintahan. Ngayon nga ay nagdadalantao ito at meron pang sakit sa puso. Siya nalang ang aasahan ng kapatid niya ngayon. Nahihirapan man siya hindi naman niya pwedeng pabayaan ito. Mahal na mahal niya ang ate niya kaya gagawin niya ang lahat para dito. Bente anyos na siya pero wala parin pagbabago sa buhay nila. Kahit ano ang kayod nilang magkapatid ay walang pagbabago, mas mahirap parin sila sa daga. Sinubukan naman niyang mag-apply ng trabaho pero hindi naman siya natatanggap dahil hindi naman siya nakatapos ng kolehiyo. Kaya nga nang inalok sa kanya ang trabahong ito ay agad niyang sinunggaban. Hindi raw kasi rito humahanap ng mataas ang pinag-aralan. Basta may hawak na Gold Card ay sigurado daw na makakapasok! "Ay kabayo!" Napahawak si Apol sa dibdib dahil sa gulat. Muntik na siyang masagasaan ng kulay itim na sasakyan. "Grabe, nakita naman na may tao pero hindi man lang huminto." May iba talagang mayayaman na walang modo. Kahit makasakit ay walang pakialam. Napailing nalang ang dalaga bago naglakad papasok sa gusali, pero hindi pa man niya naitatapak ang paa sa entrance ay agad siyang hinarang ng mga gwardiya. "Miss, pasensya na pero hindi kayo pwede dito." Tiningnan siya ng mga ito mula ulo hanggang paa. "Sa tingin namin ay naliligaw ka lang. Hindi rito ang botika, Miss." Sabi pa ng mga ito na bahagya pang tumatawa. Botika? Eh hindi naman siya bibili ng gamot. "Hindi po ako mali ng pinuntahan mga manong guard. Mag-a-apply po kasi ako rito." Dinukot ni Apol ang gold card na nasa bulsa at pinakita sa mga ito. Imbis tingnan ito para suriin ang hawak niya ay mas lalo pang nagtawanan ang mga ito. "Alam namin na peke iyan, Miss. Marami na ang sumubok na makalusot gamit ang istilong iyan. Mayayaman pa at kilala sa lipunan. Sila nga ay walang tunay na Gold Card ikaw pa kaya na mukhang... walang sinabi sa buhay." Muli ay pinasadahan siya ng isang gwardiya nang may pang-iinsulto habang umiiling-iling pa ito. Nanliit si Apol sa sinabi ng mga ito. Damang-dama ng dalaga ang pang-iinsulto sa kanya. Kung makaasta ang mga ito akala kung sino. Hindi ba pwede na magsalita at tumingin ng walang halong pang-iinsulto? Ganito ba talaga ang karamihan sa mga tao? Kapag alam nilang mas mababa ka ay titingnan ka nila na parang aso. Lagpag ang balikat na tumalikod siya. Ayaw niya makipagtalo dahil alam niya na hindi naman siya mananalo. Aaminin niya masakit sa dibdib ang mga sinabi nila. Mahirap na nga siya lalo pang ipapamukha sa kanya. "Miss, naiwan mo ang pekeng card mo!" Tawag ng isa sa mga gwardiya ng malaglag niya ang card na dala. Dinampot agad ng gwardiya ang Gold Card na nasa lapag. Namutla ang mga ito ng makita at mahawakan ang card. Nalaglag pa mula sa kanilang kamay ang Card. Ang may pang-iinsultong tingin ng mga ito kanina ay napalitan ng takot at pangamba. Wala naman siyang ginagawa, kaya bakit parang natakot ang mga ito? Lumapit si Apol para kunin ang card. "P-Pasensya na! Nagkamali kami, Miss! H-Humihingi kami ng tawad sa kagaspangan ng pag-uugali namin!" Nabigla siya nang sabay lumuhod ang mga ito sa harapan niya, habang nanginginig pa ang katawan. “Sandali, ano ba ang ginagawa niyo?” Nababaliw na ba sila? Hindi naman siya Diyos para luhuran, ah. “N-nagkamali kami ng paghusga! M-maaari na kayong pumasok, madam!” Napangiwi si Apol. “Madam? Tunog mayaman… hindi bagay sa akin.” Pero sandali, Ibig bang sabihin ay hindi peke ang kanyang card na hawak? Nabuhayan ng loob ang dalaga. Akala niya uuwi siya nang malungkot ngayon. Ang swerte niya, mukhang magkakatrabaho na siya. Tama nga ang kaibigan niya, basta hawak niya ang gold card, wala siyang magiging problema. Tinanggap niya ang paghingi ng pasensya ng sampung gwardiya sa kanya. Hindi naman siya mapagtanim ng sama ng loob. Ang importante ay hindi siya uuwi nang bigo. Sinamahan pa siya ng mga ito sa receptionist, na merong tinawagan sa telepono. Hindi kaya amo niya ang tinawagan ng babae? Napansin kasi ni Apol na sobrang galang nito habang nakikipag-usap nakikipag-usap rito, animo'y takot ito. Kinabahan si Apol at napadasal ng mahina. “Sana mabait ang magiging amo ko. Mas nakakagana kasing magtrabaho kapag mabuti ang amo.” "Pwede ka nang umakyat sabi ni Miss Carol, madam. Hihintayin ka nila sa itaas." Magalang at nakayuko pa na sabi ng receptionist. “Maraming salamat po.” Ngumiti si Apol rito at nagpasalamat. Ngunit hindi man lang natinag ang babae sa pagkakayuko hanggang sa makaalis ang dalaga. ‘Madam’ ba ang tawag nila sa lahat ng nag-aapply rito?’ Tanong ni Apol sa isip. Nagtaka din ang dalaga kung bakit nakayuko ang lahat ng madaanan niya? Hinatid si Apol ng mga gwardiya sa VIP elevator. Sa rooftop daw ang punta nila. Hmm… napaisip ang dalaga bigla. Hindi kaya ang maglinis ng rooftop ang kanyang magiging trabaho? Wala naman kasing nabanggit si Camille kung ano ang trabaho niya rito. Basta ang sinabi nito ay tanggapin na lang niya kung ano ang ma-assign sa kanya. Hindi naman siya namimili ng trabaho. Kahit mahirap pa ay tatanggapin niya basta malaki ang sahod at marangal. Pagkalabas ni Apol ng elevator ay sumalubong sa kanya ang isang matandang babae at napakaraming kalalakihan. Mukhang nag-aapply din ang mga ito ng trabaho dahil nakasuot pa sila ng kulay itim na suit at itim na sapatos. Ang pormal ng kasuotan nila. Samantalang ang suot niya ay luma at medyo kupas pa. Di bale, balang araw ay makabili din siya ng bagong damit nila ng ate at magiging pamangkin niya. Kailangan lang niya munang magtiis sa ngayon. Napansin ni Apol na siya lamang ang babaeng narito bukod sa matandang babae. Nagtaka ang dalaga ng lumapit ang lahat sa kanyang harapan at sabay na yumuko. Mukhang isa ito sa patakaran sa gusaling ito, ang yumukod sa mga tao. Katulad ng ginawa ng mga ito, yumukod din si Apol, mas matagal pa kumpara sa pagyukod ng mga ito. Napatayo ng tuwid si Apol ng tumikhim ang matandang babae. Instrika ang dating ng matanda, nasa singkwenta na ang edad. Nakakatakot ang tingin nito lalo pa’t manipis lamang ang kilay nito. Kung ilalarawan ito ni Apol ay kamukha ito ng mga kontrabidang madrasta na kanyang napapanood sa mga telebisyon. Mukhang ito si Miss Carol, ang babaeng tinutukoy ng receptionist kanina. "Ilang taon ka na?" Tanong ng matanda ng walang kangiti-ngiti sa labi. "Bente po." Magalang na sagot ni Apol. Tumango-tango ang matanda at pinasadahan ang kabuohan ng kaharap. "May genetic disease?" "Po?" Napalunok si Apol ng tumingin sa kanya ng seryoso ang matanda na para bang sinasabi na 'sumagot ka na lang. "Wala po." Pagsasabi nang dalaga ng totoo. Hindi alam ni Apol kung ano ang kinalaman ng tanong nito sa magiging trabaho niya. Basta ang mahalaga ngayon ay magkakatrabaho na siya at magkakapera. "Mabuti naman." Bumaling ang matanda sa mga lalaking naro’n ay sumenyas. "Dalhin na siya." Utos nang matanda. "S-Sandali! S-Saan niyo ako dadalhin? B-Bitiwan niyo ako!" Kinain ng takot ang dibdib ni Apol ng hawakan siya ng mga lalaki sa magkabilang braso. Sinubukan ng dalaga na magpumiglas ngunit hindi siya makawala. Saka lamang niya napansin ang isang chopper sa may dulo. Mukhang balak ang nga ito na dalhin siya sa ibang lugar dahil tinutumbok nila ang kinalalagyan nito. 'H-Hindi kaya mga sindikato ito na kumukuha ng mga lamang-loob ng tao?' Lalong nakadama ng takot si Apol, mas lalo siyang nagpumiglas. Panay ang sigaw niya at hingi ng saklolo subalit mukhang walang nakakarinig sa kanya dahil nasa pinakataas na bahagi sila ng gusali. Tiyak na tatangayin lamang ng malakas na hangin ang paghingi niya ng tulong. "Parang awa niyo na, pakawalan niyo ako—" Natigil sa pagsigaw si Apol ng mayro'ng tela na itakip ang isang lalaki sa kanyang ilong. Unti-unti ay nanlabo ang kanyang paningin hanggang sa tuluyan na siyang nilamon ng dilim.This story is RATES SPG‼️ Not suitable for young readers and SENSITIVE readers ‼️ READ AT YOUR OWN RISK ⚠️ Agad na bumangon si Apol nang magising. "Nasaan ako?" agad niyang kinapa ang sarili. Nakahinga ang dalaga ng maluwag nang makitang walang sugat at buo pa ang kanyang katawan. "Hay, salamat naman at buhay pa ako," ani niya. Nilibot ni Apol ng tingin ang paligid, walang ibang tao bukod sa kanya. Kinapa niya ang kama na kanyang hinigaan. “Grabe ang lambot naman nito, halatang mamahalin!” Hindi katulad ng sapin nila sa kanilang bahay na bukod sa luma na ay ubod pa ng tigas, dahil papag lamang iyon na gawa sa plywood. Naalala niya ang nangyari. "Apol, ang pagtakas ang dapat mong isipin!” Kastigo niya sa sarili sabay kutos sa kanyang ulo. Imbis pagtakas ang isipin kung ano-ano pa ang napupuna niya. Kailangan niyang tumakas habang hindi pa nagagawa ng mga ito ang masamang balak sa kanya. Hindi lang talaga niya mapigilan na mamangha sa kama. Bata palang kasi siya ay pan
[Apol]Ano daw? Asawa?"Pasensya na po, pero sa tingin ko nagkakamali po kayo. Nagpunta po ako dito para sa trabaho, Mr. X. Hindi po ako nandito para maging asawa mo-" Nabitin ang anumang sasabin niya ng may dumating na dalawang lalaki. Sabay na yumukod ang dalawa sa lalaking kaharap niya. "Mr. X, nahuli na naman si Dixon. Ano ang gagawin namin sa kanya?" Magalang na tanong ng lalaki na nakakatakot ang itsura. Mukha itong goons sa mga pelikula, maging ang kasama nito ay gano'n din ang hilatsa ng mukha. Mukha itong mga kontrabida sa mga palabas.Dumilim ang mukha ni Mr. X. "Kill that traitor." Mapanganib nitong utos.Namilog ang mata niya sa narinig, at muntik pang malaglag ang panga niya."Yes, Mr. X!" Sabay na tugon ng mga lalaki at sabay pa. Bago umalis ay muling nagsiyukod ang mga ito bilang pagbibigay galang.'D-Diyos ko! T-Tama ba ang narinig ko? K-Kill daw!' Takot na ani nang utak niya. Nanlalamig ang katawan niya sa takot ngayon, maging ang tuhod niya ay nanginginig pa. Ano b
[Apol]Pagdating nila sa dining hall ay muntik ng tumulo ang laway ni Apol sa dami ng pagkain na nakahain sa mesa. Lahat ay masasarap at halatang pagkain ng mayayaman. Kumunot ang noo niya ng makitang dalawa lang sila ni Mr. X ang narito. Umalis na lahat maging si Miss Carol. Teka, sila lang ang kakain ng lahat ito? Sa dami nito ay parang ito na ang huling hapunan nila at bibitayin na sila bukas. Daig pa ang mayro’ng piyesta sa dami, parang mayro’ng handaan.Walang sinabi si Mr. X na maupo siya, kaya naman siya ay nanataling nakatayo. Mahirap na, baka mamaya ay masabihan siyang bastos, at bigla na lamang siyang barilin. Maganda na ang sigurado; mas ayos na ang magutom ng ilang araw kaysa ang mamatay nang biglaan.Ang walang emosyon na si Mr. X ay tumingin sa kanya, kaya naman agad na yumuko siya para iwasan ang tingin nito."Why are you still standing there? Do I need to say sit?" Malamig ang boses nitong tanong. "Pasensya na po." Pinigilan niya ang mapakamot sa ulo. Siya na nga iton
[Apol] "Ano ang ginawa mo dito, Miss Lanchester?" Tanong sa kanya ng lalaking tadtad ng tatto at malaki ang katawan. "Ah, eh... Nagpapahangin para bumaba ang kinain. Bakit bawal ba?" Mataray niyang tanong. Gusto lang naman niya tingnan kung tatalab na ang pagiging matapang niya 'kuno' dahil soon-to-wife naman siya ng amo nito. Kunwari ay tumayo siya ng tuwid at pinaningkitan ito ng mata. ""W-Wala po, Miss Lanchester. N-Nagtatanong lang." Magalang nitong sagot sabay yukod bago siya iniwan.Nakahinga ng maluwag. Akala niya ay asawa lang siya sa papel at hindi igagalang pero mukhang mali ang akala niya.Mahina niyang tinuktukan ang ulo at pinaalalahanan ang sarili. "Apol, mag isip ka! Hindi ka pwede maging asawa ng Mafia boss na 'yan dahil mapanganib siyang tao!" Tama... kailangan niyang umisip ng paraan kung paano siya tatakas sa lugar na ito. Napangiti siya bigla ng makita ang dalawang lalaki na nag asikaso sa kanya sa dining hall. "Hi, sa inyong dalawa. Break niyo?" Tanong niya. N
[Apol] Mabilis pa sa alas kwatro na pumikit siya. "Lord, thank you dahil nakapag asawa ako ng gwapo at napakayaman! Wala na akong hahanapin pa dahil full package na po ang binigay mo. Tuyo lang ang dasal ko no'n pero embutido ang binigay mo! Ang bait mo talaga sa'kin!" Pangbawe niya sa lahat ng mga dasal niya kanina. Sana lang ay hindi nito narinig ang mga unang sinabi niya kanina dahil baka malintikan siya. Ayaw pa niya mamaalam sa mundo ng maaga. Sa susunod talaga ay mag iingat na siya sa pananalita. Ayaw naman niyang pumanaw nang maaga at dito pa sa islang ito kung saan malayo sa kapatid niya. Hindi siya dumilat. Bahala nang mangalay ang binti niya sa pagtayo rito, basta hinding-hindi siya didilat. Baka kasi pagdilat niya ay mayro'n ng baril na nakatutok sa kanya. Unti-until siyang nagmulat ng mata nang maramdaman ang mainit at mabangong hangin na tumatama sa kanyang mukha. Muntik na siyang mahimatay sa takot ng pagdilat niya ay sobrang lapit ng mukha nito sa kanya, sa sobrang d
[Apol]Tatlong araw na ang nakalipas simula nang maikasal sila pero hanggang ngayon ay hindi niya 'yon matanggap. Ang bilis nang pangyayari, trabaho lang ang gusto niya pero asawa ang nagkaro'n siya."Mrs. Helger, nakahanda na ang pagkain at naghihintay na si Mr. X sa ibaba." Hindi niya pinansin si Miss Carol. Walang kabuhay-buhay siyang tumayo at lumabas nang kwarto.Masama ang loob niya rito. Pakiramdam niya ay niloko siya nito. Hindi kasi nilinaw nito sa kanya na kasal na pala ang pupuntahan nila. Umasa pa naman siya na ihahatid siya nito pero mali ang akala niya. Pakiramdam tuloy niya ay pinagkaisahan siya.Naabutan niya si Mr. X na nakaupo nang tuwid habang walang kasing lamig ang ekspresyon ng mukha. Wala nang bago rito, araw-araw naman kasing ganito ang hilatsa ng mukha nito. Napangiwi siya nang tumunog ng malakas ang tiyan niya. Gutom na gutom na talaga siya. Sinong hindi magugutom, eh halos tatlong araw na rin siyang hindi kumakain ng maayos. Pakiramdam niya ay binabalatan s
[Apol]"Pinatay?" Natuptop niya ang bibig sa pagkabigla. "Grabe, nakakaawa naman pala si Mr. X... masakit pala ang nangyari sa mga nauna niyang asawa." Awang-awa na siya rito. "Napakasakit pa naman ng mawalan ng mahal sa buhay."Naging malikot ang mata ni Ester na animo'y takot. "P-Pinatay silang apat ni Mr. X." Ani Ester."P-Pinatay sila ni Mr. X?" Kung kanina sila Rima at Ester lang ang namumutla, ngayon ay pati na siya. Nawalan ng kulay ang mukha niya, at tila matutumba pa siya sa pagkabigla.Kahit takot ay nagkwento si Rima. "Silang apat ay natagpuan na duguan at wala nang buhay sa loob ng kwarto ni Mr. X. Marami ang usap-usapan na pinatay ang iba dahil may nilabag sila, pero ang sabi naman ng iba namatay daw ang ibang asawa niya dahil da halik niya."Namatay sa halik?"Ano naman ang kinalaman ng halik do'n? May lason ba ang halik ni Mr. X? O baka naman mabaho ang hininga niya." Umiling-iling siya. Imposible naman 'yon dahil naamoy na niya ang hininga nito. Mabago at nakakahalina k
[Apol]"Nasaan si Mr. X, Miss Carol?" Tanong niya sa matanda habang nagpalinga-linga sa paligid."Umalis siya ngayon, Mrs. Helger. Baka tatlong araw pa ang balik niya." Sagot nito. Tumalikod siya at mahinang napa-yes. Salamat naman at wala ito ngayon. Makakalabas siya ng kwarto at makakapaglibot ng malaya at hindi natatakot na baka makita siya.Ginawa niya ang lahat para iwasan si Mr. X. Nagdadahilan siya na hindi pa rin maganda ang pakiramdam niya kaya naman sa kwarto pa rin siya kumakain. Kapag makakasalubong naman niya ito ay agad siyang lumiliko, o umiiwas para hindi siya nito makita. Mas mabuti nang umiwas siya rito kaysa naman mapadali ang buhay niya.Oo, nagpapasalamat siya sa pagtulong nito sa kapatid niya, pero kalaunan ay narealized niya na ginawa iyon ni Mr. X para ipabatid sa kanya na alam nito ang lahat tungkol sa kanya— Na kapag tumakas siya, o may ginawang hindi nito nagustuhan ay malalagot siya, o madadamay ang pamilya niya. Iyon ang dating sa kanya ng ginawa nito. Ma
Kanina pa nila pinapatahan si Queenie. Ibang klase pala umiyak ang batang yon, hindi tumitigil. Nagsalit-salitan pa sila ni Aimee para patahanin ito. Tumayo siya at sinalubong si Adius ng dumating ito. Yumakap ito sa bewang niya at humalik sa kanya ng makalapit siya. “Where’s Queenie?” Kunot-noo na tanong nito. Nakanguso na tinuro niya ang second floor. Hindi pa kasi umuuwi sila Aimee. Ayaw pa ni Queenie, gusto daw nito hintayin ang tito Adius nito. “Nasa taas siya, hinihintay ka.” Mukhang gusto nito makasiguro na tutupad siya sa sinabi kanina. “Ibang klase pala umiyak ang batang ‘yon, hindi na tumitigil.” Kumunot ang noo ni Adius sa sinabi niya. “Really?” Parang hindi ito naniwala sa sinabi niya. “Oo nga, babe. Hinahanapan niya ako ng pinsan. Loko kasi si Xian eh, kung ano-ano ang sinasabi sa bata.” Sa lahat talaga ng pinsan ni Adius ito ang pilyo. Mabuti nalang at napatahan nila ni Aimee si Queeni. Kawawa naman kasi, paos na dahil sa kakaiyak. Pagdating nila sa second floor
Kinabukasan ay umalis din sila ni Adius. Kailangan na nilang bumalik dahil maraming trabaho na naiwan ang binata. Gusto pa sana niyang makabonding si Serena ng medyo matagal pa pero si Adius masyadong nagmamadali. Akala nga niya ay marami talagang gagawin pero gusto lang pala siyang masolo ng loko. Imbes kasi na bumalik ay nasa yate lang sila. Dalawang araw na rin sila dito. Pero ayos lang din naman sa kanya. Kahit saan basta kasama niya si Adius ay ayos lang. “Babe! Dalian mo! May nahuli akong isda!” Tuwang-tuwa na sabi niya kay Adius ng makahuli siya ng isda. Napasimangot siya ng makita kung paano siya nito tawanan ng makita ang huli niya. “Isda pa rin naman ‘to ah. Anong nakakatawa.” Mahinang bulong niya. “Throw it back into the sea, babe,” anito na nakatawa pa. “Ayoko nga.” Kahit kasing liit ito ng dilis ay isda pa rin ito. “Hmp. Mayabang ka lang kasi malaki ang nahuhuli mo. Hintayin mo lang na makahuli ako ng malaki,” parang batang bulong niya habang nakanguso. Sinunod na
Hindi maalis ang ngiti sa labi ni Skye habang kumakaway sa kuya niya na lulan ng sasakyan. Pabalik na kasi ito sa hospital kasama ang mga personal nurse at bantay nito. Lumapit siya kay Adius at umabrasiyete sa braso nito. “Salamat, babe ha. Di ko alam na may sandamakmak na sweet side ka pala.” Ang swerte ko talaga. Kilig na dugtong ng isip niya. Malayong-malayo ito sa unang lalaki na nakikala niya noon. Akala niya ay wala na itong alam kundi ang manakot at mam-blackmail ng tao, hindi naman pala. Hindi lang ito magaling sa kama, sweet at maalaga din pala. Napahagilhik siya sa naisip niya. Pagkasakay nila ng kotse ay muli siyang kumapit sa braso nito. Linta na kung linta, eh ano naman. Gustong-gusto niya kasi na nahahawakan si Adius. Ang tigas kasi ng mga muscles, ang sarap pisil-pisilin. “Hindi tayo babalik sa office?” Nakakunot ang noo na tanong niya ng mapansin na iba ang tinatahak nilang daan. “Pupunta tayo sa bahay ng pinsan ko. Kukunin ko ang mga kaibigan ko.” Sagot
Habang lulan sila ng sasakyan habang tinatahak ang daan patungo sa restaurant, narinig ni Skye na may tinawagan si Adius. “Good. Take care of him,” utos nito bago binaba ang tawag. Nang makita nitong nakatingin siya ay ngumiti ito, “Why?” Sumikdo ang dibdib niya. Ngumiti lang naman si Adius pero daig pa niya ang aatakihin sa puso sa sobrang lakas at bilis ng kabog nito. ‘Grabe ang epekto ng lalaking ito sa akin. Ang tindi!’ “Uhm, ina-appreciate ko lang ang ganda ng likha ng diyos.” He chuckled, “So, are you telling me now that I’m handsome to you?” Nang makita ng binata kung paano namula ang dalaga ay muli itong mahinang natawa. “Don’t worry, babe. I think the same.” Kunwari ay umirap si Skye at nag-tse dito. Pinigilan lang niya na huwag magpapadyak sa kilig. Pagdating nila sa restaurant ay inalalayan siya nitong bumaba ng sasakyan hanggang sa makapasok sila sa loob. Agad na umagaw ng pansin ang presensya ni Adius sa paligid. Ang lahat ng babae mapabata man o matanda a
Ngayong araw ang balik nila ni Adius sa trabaho. Malaki na ang pinagbago ng set-up nila ngayon. Kung noon ay umiiwas siyang malaman ng lahat ang pagiging fiancee ni Adius, ngayon ay hindi na. Taas-noo pa nga siyang naglalakad papasok. Mukhang kumalat na sa lahat kung sino siya, gumalang kasi ang lahat ng empleyado na nakakasalubong niya. “Rachel! Maecel!” Tawag niya sa dalawa ng makita ito. Pero imbes na lapitan siya ng dalawa ay magalang na yumuko sila na parang takot. “M-ma’am Malason, ikaw pala. M-may kailangan po kayo?” Utal na tanong ni Rachel. “P-pasensya na po pala sa mga sinabi namin noong nakaraan,” sabi naman ni Maecel. Bumuntong-hininga siya. Alam niyang nagulat ang dalawa pero hindi niya akalain na kikilos sila nang ganito. Daig pa niya ang nakakatakot ba boss at hindi nila kaibigan. “Ano ba kayong dalawa. Ako pa rin ito, si Skye, okay? Kung makareact naman kayo diyan parang hindi tayo magkakaibigan,” may tampong sabi niya. Umakbay siya sa dalawa na ikinaiktad n
Para silang bagong kasal ni Adius, palagi silang nagtata-lik kung may pagkakataon. Nakarating pa nga sila ng ibang bansa para lang magbakasyon. Pero duda si Skye doon. Tingin nya kasi ay gusto lang siyang masolo ni Adius. Hihihi. “Ahhh, sige pa, Adius! Ahhh ganyan nga!” Ung0l niya habang binabay0 siya ni Adius mula sa likuran habang nakatuwad siya dito sa kama. Bawat ul0s nito ay halos tumirik ang kanyang mata… medyo mahapdi pa rin kasi ang laki pero mas lamang na ang sarap. “Ughh! Ughh! Ughh! Fvck, Skye, you’re squeezing my c0ck… ang sarap mo—ughh!” Nahihibang na ung0l ng binata habang bumabayo ng sagad at walang hinto. Kumibot ang perlas niya at napahiyaw siya ng tamaan ni Adius ng paulit-ulit ang gspot niya, halos mamaluktot ang mag daliri niya sa sarap, “Ahhh sige pa, Adius… shit ma talaga ang sarap ng batu-ta mo ahhh… ahhh sige pa… ahhh…” Adius spanked her ass. Noon ay hindi gusto ni Adius ang babaenh maingay kata-lik, pero pagdating kay Skye ay lalo siyang nabubuhayan… pa
Napasinghap siya ng sip-sipin ni Adius ang dila niya. Oo ilang beses na silang naghalikan pero ngayon lang ginawa ito ng binata. Imbes mandiri siya dahil naghahalo ang mga laway nila ay lalo siyang nasabik… parang may gayuma ang lasa ni Adius, nakakatakam, parang ayaw niyang tigilan. Hinawakan niya ang mukha ni Adius, pinagdiinan ang labi nito sa kanya, nakuha naman nito ang gusto niya dahil mas pumusok ang halik nito, kapwa sila naghahabol ng kanilang hininga ng maglayo sila. “This is your fault, Skye…” hingal na sambit nito, “matigas kasi ang ulo mo—“ he groaned when her hand touched his length down there. Kailangan lang pala niyang tigasan palagi ang ulo niya para mapansin ng binata. Kung alam lang niya ay noon pa sana niya ito ginawa. “S-skye…” umalon ang lalamunan nito ng igalaw niya ang kamay, mahinang humihinas sa kahabaan nito na ngayon ay buhay na buhay. Pareho silang lasing ang mga mata sa pagnanasa, kahit walang salita na mamutawi sa labi nila ay makikita na pareho
Buong biyahe ay halos mangisay si Skye sa sobrang kilig. Malinaw naman kasi na nagseselos si Adius dahil ayaw nito na may umaaligid sa kanya na iba. Siguro hindi lang nito maamin kasi bago palang sila, o kaya nahihiya ito. Pero magandang sign iyon ng magandang simula ng relasyon na bubuohin nila. Akala niya ay nagbibiro lang ito ng sabihin nito na dumating na ang wedding gown na susuotin niya para sa kasal nila pero hindi pala. Naabutan niya sila ttia Alena at Aimee na abala sa pagcheck ng 4 gown na pinagawa para sa kanya. Oo, apat ang pinagawang gown para sa kanya. Isa para sa simbahan, isa para sa reception, isa para kapag sumayaw na sila at isa para sa kanilang pag-alis papunta sa honeymoon. Napanganga siya ng makita niya ang apat na gown na susuotin niya. Kulang ang salitang “wow” para ilarawan kung gaano kagaganda ang mga ito. “Skye, mabuti at dumating ka na, iha,” nilapitan ni Alena ang magiging manugang at iginiya palapit sa apat na mannequin na nakasuot ang gown, “Tingnan m
Pagkatapos nilang kumain ni Adius ay bumalik sila sa kani-kanilang trabaho. Habang pareho silang abala, hindi niya mapigilan ang sarili na magnakaw ng sulyap dito. Hindi maalis ang ngiti sa labi niya sa sobrang kilig. Nitong nakaraan lang ay masama ang loob niya, pero ngayon ay abot hanggang langit ang saya niya. Sobrang laki na kasi ng improvement ng relasyon nila ngayon. 'This is it, Skye... kaunting kembot nalang ay makukuha mo din si Adius!' Cheer ng utak niya. Pagkatapos ng trabaho ay nagligpit na siya ng mga gamit. "Bye, Sir. Mag-iingat ka," Paalam niya sa binata ng mauna na itong lumabas. Oras na kasi ng uwian. Pagkalabas niya ng opisina ay nadatnan niya sina Maecel at Rachel na naghihintay sa kanya kasama si Argus. "Tara na, Skye," "Ha? Saan?" kunot ang noo na tanong niya. "Nakalimutan mo na ba? Birthday ko ngayon kaya lalabas tayo nila Sir Argus. Treat ko!" sabi ni Maecel. Hinawakan siya ng dalawang kaibigan sa braso at saka mahinang bumulong, "Chance mo na ito, Sky