“He’s my uncle.”Lumipat sa akin ang tingin ni Markus kaya nanlamig ang buong katawan ko. Mukhang hindi niya inaasahang ipapakilala ko siya bilang uncle. Kahit naman boyfriend ko siya, bawal malaman ng iba ang totoong relasyon naming dalawa.“Uncle? I just noticed that you two have the same surname. Bakit ko ba nakaligtaan na Dela Vega nga din pala ang apelyido mo, Markus?” bakas ang pagiging sarkastiko sa tanong ni Sir Uno. Umismid naman si Markus. “Baka pumupurol na ang memorya mo. Matanda ka na kasi.”I gasped with what Markus said. Then Sir Uno suddenly laughed sarcastically.“We’re of the same age, Markus. Sabay nga tayong lumaki, ‘di ba? Actually, we can consider each other as childhood friends.”“No need. I'm fine with having you as my enemy, Uno,” Markus answered before he glanced to me. “Are you done? Let’s go.”Ibinigay niya sa akin ang bulaklak at tinanggap ko ito. Kinuha niya naman ang mga gamit ko na hawak ni Gretta. Nilingon ko ulit si Sir Uno na seryoso na rin ngayon.
As soon as I opened my eyes, I was greeted by the the white ceiling. I tried to remember what happened and where am I, only to realize that I was in the hospital.I was shot. Iyon ang naaalala ko. Magkasama kami ni Markus sa gubat habang may nagpapaputok ng baril. At nadaplisan ng bala ang braso ko. Inilibot ko ang paningin sa silid kung nasaan ako at nakita ko sila lolo at lola sa sofa. Pareho silang natutulog habang nakasandal si lola sa balikat ni lolo. Sinubukan kong bumangon para makaupo pero nagising sila sa pagkilos ko. Kaagad na tumayo si lola at lumapit sa akin.“Angel, how are you? May masakit pa ba sa ‘yo?” nag-aalalang tanong ni lola.Pinakiramdaman ko ang sarili ko pero wala naman akong naramdamang kahit anong sakit. Napatingin tuloy ako bigla sa braso ko na naka-bandage. Siguro dahil may anesthesia or pain killers kaya hindi ko maramdaman ang sakit.Umiling ako. “Wala naman po. Maayos na po ako.”Nakahinga nang maluwag si lola. “Salamat sa Diyos. Nag-alala kami nang s
Hindi ko alam kung tamang desisyon ba na sabihin ko kay Gretta ang totoo. Pero kasi nahihirapan ako sa sitwasyon ko ngayon. Gusto ko lang ng may makausap tungkol dito na alam kong mapagkakatiwalaan ko.I suddenly missed Neri and Joyce. They were always there whenever I needed a friend to talk to. Pero ngayon kasi, malayo sila sa akin at alam kong busy rin sila.“W-What? May relasyon kayo ni Sir Markus?” gulat na tanong ni Gretta. Tumango ako. “Pero...uncle mo siya, ‘di ba?”Bumuntonghininga ako bago umiling. “Not really. He's not a real Dela Vega. Adopted son siya ng grandparents ko.”Natulala siya saglit habang pinoproseso ang sinabi ko. Mayamaya lang ay dahandahan siyang tumango. Mukhang naintindihan niya na ang sitwasyon ko.“Gano’n pala. Pero sa paningin ng lahat, tito mo pa din siya. Mali pa din ang relasyon n'yo. Hindi naman sa nanghihimasok ako, sinasabi ko lang ang totoo,” paliwanag niya.Pilit akong ngumiti. “Alam ko. Mali na talaga ‘to sa simula pa lang pero hindi ko mapigil
I couldn't believe this. Dad knew it all along. Alam niyang si Joyce ang salarin sa pagkalat ng video ko pero hindi niya man lang sinabi sa akin. Para akong tanga na nag-iisip kung sino ang may galit sa akin na gagawa no’n. Si Joyce lang pala.Suminghap ako. “Gusto kitang pahirapan, Joyce. Gusto kitang ipakulong. Pero dahil buntis ka, limitado ang pwede kong gawin para gantihan ka.”Tumayo ako at tinitigan siya nang masama. Kinuha ko ang iced coffee na in-order ko at mahigpit itong hinawakan.“Hindi mo alam kung gaano katinding kahihiyan ang tinamo ko. I blamed myself because somehow, it was my fault. At kasalanan ko din na kinaibigan kita. Ayaw na kitang makita, Joyce. Get lost.”Pagkatapos kong sabihin ‘yon ay isinaboy ko sa kaniya ang hawak kong iced coffee. Napasinghap siya sa gulat. Maging ang ibang nakakita ay napasinghap din pero wala akong pakialam.Tinalikuran ko na siya at agad akong lumabas ng coffee shop. Sunod-sunod na nagbagsakan ang mga luha ko. Agad ko itong pinunasan
There was something in his stares that I couldn't comprehend. It was as if he was thinking of something...bad. But I didn't want to be judgmental. Madalas din akong mapagkamalang masungit dahil sa paraan ng pagtitig ko. Pero hindi naman talaga ako masungit. Kaya I’ll give Sir Uno the benefit of the doubt.Tumayo siya at umikot para lapitan ako. Napatayo rin tuloy ako dahil ang awkward naman kung nakaupo lang ako. “This way. Sasamahan kita kung nasaan ang mga new designs namin,” sabi niya at inilahad ang palad niya sa pinto.Nauna akong lumabas doon at sumunod naman siya kaagad. Muling naglingunan sa amin ang mga empleyado at mas kita ko ngayon ang pang-uusisa nila. Sumakay kami sa elevator at pinindot ni Sir Uno ang number three sa button. Sabay kaming naglakad ni Sir Uno bago siya huminto sa harap ng isa pang pinto. Binuksan niya iyon at pinauna ako ulit pumasok. Bumungad sa akin ang iba't ibang mga klase ng damit. Nakaayos ang mga iyon sa bawat sulok ng kwartong pinasukan namin a
Kinlabutan ako pagkatapos niyang sabihin iyon. Bigla naman siyang tumawa kaya mas lalo akong kinabahan. Parang ibang katauhan niya na ang kaharap ko. O baka naman ito talaga ang tunay na siya? “Just kidding. Hindi naman ako masama para paghubarin ka dito. I won't give my men that kind of satisfaction,” he said.Napalunok naman ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong makahinga nang maluwag sa sinabi niya. Basta kailangan ko nang makalabas dito. Hindi na ako ligtas hangga't kasama ko ang lalaking ‘to.“Let’s go,” he told the driver.Agad na umandar ang van kaya nag-panic ako. Sinubukan kong humanap ng daanan palabas pero nasa side ni Uno ang pintuan. Hawak ko ang bag ko at nasa loob nito ang aking phone. Pero hindi naman ako makakatawag ng tulong dahil nasa tabi ko si Uno.“Saan tayo pupunta? Pauwiin mo na ‘ko, please,” I begged him.He smirked. “We'll do a photoshoot. Just one photoshoot and I’ll let you go.”“P-Pero hindi pa ako pumipirma sa kontrata. Hindi mo pa ako model,” sabi ko.
Monday came and our driver drove me to school. Ang akala ko ay makikita ko si Markus ngayong umaga pero hindi. Simula rin noong Sabado ay hindi ko pa siya nakikita at nakakausap. “Wala ka yata sa mood?” tanong ni Gretta.Lunch time na at sabay kaming nagpunta sa canteen. Bumuntonghininga lang ako sa tanong niya at pinilit kainin ang cake na in-order ko.“May problema ka ba?” tanong niya ulit.Bumuntonghininga na naman ako. “Si Markus...galit siya sa ‘kin.”Pansin kong medyo natigilan pa siya. Inusog ko ang platito dahil wala na akong ganang kainin ang pagkain. Kahit matamis ito, parang mapait ang panlasa ko.“Bakit naman? Nag-away kayo?” Tumango ako. “Kasalanan ko. Hindi kasi ako nakinig sa sinabi niya kaya muntik na akong mapahamak. Now, I don't know how to make it up for him.”She also sighed. “Nag-sorry ka na ba?”“Oo naman. Pero sobrang galit talaga siya sa ‘kin,” sabi ko.“Siguro nga malaki ang kasalanan mo. Hindi ko din alam kung anong gagawin dahil wala naman akong experience
Ang akala ko ay nakaisip na talaga ako ng ireregalo kay Markus. Pero kulang pala ang mga materials ko dito. Hindi naman na ako pwedeng pumunta sa bilihan dahil sarado na ‘yon.Bumuntonghininga ako at tumayo na lang para mag-stretch. Nakaramdam ako ng uhaw kaya lumabas ako ng kwarto para magtungo sa kusina. “Angel, bakit gising ka pa?”Muntik pa akong masamid nang biglang may nagsalita sa likuran ko. Nilingon ko iyon at nakita si lola. Nakapantulog na siya at mukhang nagising lang din para bumaba. Napahikab muna ako bago sumagot. “Gumawa po ako ng activities then naghanap na din po ako ng ireregalo kay Uncle Markus.”That was half lied. Ni wala pa nga akong nasisimulan sa mga activities ko. Pero kayang-kaya ko namang tapusin ‘yon bukas. “You really want to give him a gift?” lola asked and I nodded.“Ayaw ko po sanang bumili na lang. Mas maganda kung may effort po. Pero wala naman po akong maisip na ibibigay sa kanya at kulang din ang materials ko.”Napangiti si lola. “I know somethi