Thrizel’s POV"Aray!" Sigaw ko nang madiinan ni Link ang aking sugat. Ginagamot niya ito ngayon, akala ko ay hindi niya nakitang dumudugo ang paa ko kanina. Sinundan pala ako nito papunta sa aking kwarto. Ayokong si Thrale ang makakita, dahil ang aking akala ay gagamotin niya, baka tumaliwas at hayaan lang ako nito. Baka roon bumuhos ang aking luha, ayoko ng umiyak sa kaniyang harapan. Ayoko ng makita niya ang mga luha kong bumabagsak na siya ang dahilan."Wala talagang kwenta ang kuya mo." Hindi ako tiningnan ni Link nang sabihin niya iyon. Masama ang loob niya kay Thrale base sa tono ng pananalita nito. Kung maintindihin lang ako ‘gaya ni Ate Anissa, baka maayos kami ni kuya ngayon. Pero hindi, ayaw mawala ng mali kong nararamdaman. Kahit anong gawin ko, umiwas man o pigilan ‘to, hindi ako nananalo. Nananalo ang mali kaysa sa mga naiisip kong tamang gawin."Bakit mo ba kasi sinabihan ng gano’n si Arella? Malay mo siya ang pinsan natin, ‘di ba? Kahit ako nainis sa sinabi mo no’ng g
Thrizel's POV Tahimik akong nakaupo sa gilid ng aking kama habang iniisip ang napag-usapan namin ni Thrale. Mali ba ang naging sagot ko? Kasalanan ba na ayoko siyang maging kuya? Kasalanan din bang mahal ko siya? Argh, Thrizel, your words. Napabuga ako ng hangin dahil sa pag-iisip ko sa aking kuya, kayang kaya niya talaga pasakitin ang aking ulo. Lumabas ako ng kwarto, pagbaba ko, salamat naman dahil wala akong Thrale na nakita. Nasaan ba siya? Wala rin akong nakitang tao. May naririnig akong ingay sa may dinning area. Kumakain pala sila. Nagdadalawang isip ako kung sasabay ba sa kanila o hahayaan lang sila. Wala ako sa magandang kalagayan para makipagtawanan kaya umalis na ako at pumuntang sa hardin. Nakakapagpahinga ako kapag maraming halaman at puno. Ang sarap sa pakiramdam.“Parang pagod na pagod ka riyan?” Narinig kong pagtatanong ni Link sa akin. Kahit nakapikit ako, alam na alam ko ang kaniyang boses. Minulat ko ang aking mga mata at sumagot sa kaniya. “Hindi naman gaano.”
Ryke’s POVMatapos kong ihatid si Thrizel, dumiretso ako kay Kein na tinatawag din na Brooks. Kahit hindi niya ipagsabi na iisa sila, kaya kong malaman iyon. Kung si Gio marunong maghanap ng ebidensya. Kung si Thrale magaling magdeduction. Ako naman ay mabilis makakilatis. Kaming tatlo ang malalakas ang pakiramdam sa ganito. Kung ipapasok sina Brooks at Elkhurt, puro kalokohan lang ang alam nila. Kahit gano’n, may ambag ang personality nilang ‘yon.Kaming limang magkakaibigan, ang apat kong kaibigan ay kaya kong basahin at punahin. Gano’n din naman si Thrale pero masyado siyang tumutuon sa iisang tao kaya gumugulo ang pakiramdam niya. Sa ganitong punahan, hirap akong kalabanin sina Dominic at Link. Hindi pa kami nag-uusap pero nang makita ko ang dalawang magkasama. Grabe ang coordination nila. Lahat ay kayang ibulgar. Iyon ang hindi ko mabasa kung paano nila nagagawa iyon."Napadalaw ka?" Bungad sa akin ni Kein nang buksan ko ang pinto ng kaniyang hideout. Hindi na siya magtataka kung
Link’s POVNagmamadali akong pumasok, hinanap kung nasaan si Thrizel. Kitang-kita ko ang takot sa kaniya habang kaharap si Thrale. Agad kong nilapitan ito dahil halata sa kaniyang mukha na wala itong lakas para tumakbo. Mula sa kaniyang kapatid, binuhat ko siya at naglakad patungo sa hagdan paakyat sa kaniyang kwarto. Ano na namang ginagawa ni Thrale sa kaniyang kapatid?Nakita kong minulat niya ang kaniyang mga mata. Nang makita niyang ako ang bumuhat sa kaniya, biglang kumalma ang mukha nito. Mabilis kaming nakarating sa kwarto, inalalayan ko siyang makaupo at agad na hinanap ang first aid. Nahanap ko naman agad, ginamot na ang kaniyang sugat sa braso. Hindi ito malaki pero malalim kaya panay agos ang dugo. Natapos ko itong gamutin, inalalayan ko siyang maisandal ang kaniyang likod sa head board ng kama.Seryoso akong nagtanong na may halong pag-aalala. “Kumusta ang pakiramdam mo. Ayos ka na ba? Walang kwenta iyang kuya mo.”Tipid siyang ngumiti sa akin. "Yes, I’m okay." Kahit ako n
Link’s POVNakatulog ako mahigit isang oras, pababa ako ngayon sa kusina para kumuha ng maligamgam na tubig at bimpo. Hindi ko pa kasi nasisilip si Thrizel. Nang makarating akong kusina, isang babae lang ang nakita ko roon, walang iba kun’di si Arella. Nilibot ko ang aking paningin, mukhang walang si Thrale. Walang bantay dito.Kaya bago ako pumunta sa lababo, nilapitan ko muna ito. "Kumusta ang noo mo?" Seryoso kong pagtatanong sa kaniya."I-I’m okay." Nauutal siya dahil doon ay napangisi ako. Iyan, matakot ka sa akin."Hindi mo ba kukumustahin ang pinsan mong si Thrizel?" Napaigtad ito. Wala pa akong ginagawa sa ‘yo. Bakit ganiyan ka na agad magreaksyon?"I know na ayos na siya dahil nasa tabi ka niya.""Oh, exactly." Yumukod ako para magkapantay ang mukha namin. "Kapag wala ako rito, kawawa iyon. Saka wala akong pakialam kung may amnesia ka, ang dapat mo lang gawin, umusad sa pagiging isip bata. Nakita ko ang pangyayari no’n sa hardin, pasalamat ka, hindi kita nilalaglag.""Hindi k
Thrizel’s POV Nahiga ako sa aking kwarto habang iniisip kung nasaan si Link. Ayokong lumabas, ayokong makita si Thrale. Link, where are you now? Huminga muna ako nang malalim bago ipinikit ang aking mga mata. Gusto kong magpahinga ngayon. Pakiramdam ko ay wala akong lakas kahit wala akong ginagawa. “Thrizel, gising ka ba?” Narinig ko ang boses ni Arella. Hindi ko ito sinagot, ayoko muna ng kausap. Gusto ko magpahinga kaya hinayaan ko lang siyang kumatok nang kumatok sa aking kwarto. Nakakawalang gana makisalamuha, mas gusto kong mapag-isa rito sa aking kwarto. “Siguro nagpapahinga, Arella. Hayaan na lang muna natin, kakain din iyon kapag nagutom.” Rinig kong sabi ni Thrale. Alagang-alaga niya talaga ang pinsan namin, pati sa pagtawag sa akin ay sasamahan niya pa. Mukha ba akong mananakit ng tao? Napagat ako ng labi sa aking naisip, kapatid ako nito dapat ay kilala niya ako. Kapatid ako nito dapat iniintindi niya ako kahit na umamin ako ng nararamdaman ko sa kaniya. Sana hindi si
Dominic's POV"I need to go, mauna ka na, Demzell. Bonding with your friend, huwag kang sumama sa akin. Mabuburyo ka lang." Nandito kami sa resto ng aking kapatid. Kumakain. Hindi ko alam kung anong trip nito at nakipagkita sa akin para lang dito. Hindi siya tumayo kaya tinaasan ko siya ng kilay. Ngumuso muna ito sa akin bago umalis.Napahinga naman ako nang malalim at sinandal ang likod sa upuan. Ayos lang naman sa aking magyaya siya nito dahil wala naman akong gawain, buryo na rin ako sa bahay dahil wala man lang mapaglibangan. Bakit ba kasi tapos na ang school year? Walang thrill ang buhay ko kung araw-araw lang akong ganito."So gross, maghanap ka ng ibang mauupuan, please?" Napatigil ako sa pag-iisip. Tiningnan ko ang babaeng nagsalita, may pinaalis itong lalaki. Dahil sa pagtataka, sinundan ko ng tingin ang lalaki kung saan pupunta. Napaupo ako nang maayos nang umupo ito sa inupuan ni Demzell. Magkaharap kaming dalawa ngayon. Tiningnan ko ang kaniyang hitsura, gan'on nalang ak
Thrale's POV"Why? Hindi niyo ba nakitang umalis?"Napahilamos ako ng aking mukha. Nakailang tawag ako kay Thrizel sa kaniyang kwarto ngunit hindi ito sumasagot. Wala akong double key ng kaniyang pinto kaya hindi ko alam kung paano ako makakapasok. Sarado rin ang kaniyang balkonahe at bintana sa taas. Anong pakana ng babaeng 'yon?"Wala, nandito ako sa sala. Wala akong nakitang Thrizel na lumabas." Pagpapaliwanag sa akin ni Arella. Napailing-iling ako at napahilamos ng mukha. "Argh!" Iba ang pakiramdam ko ngayon. Nakailang tawag na rin ako sa kaniyang selpon ngunit tunog lang ito nang tunog sa kaniyang kwarto. "Thrale." Biglang pumasok si Anissa. Tumingin ako sa kaniya. "Wala ang kotse ni Thrizel sa garahe. Marunong ba siya magmaneho? Wala siyang student license." Iyon ang hindi ko alam. Hindi ko alam kung marunong magmaneho si Thrizel. Nang matapos ang school year, wala na akong alam sa kaniyang pinaggagawa."Lagot ako kay mom kapag naglayas ulit si Thrizel." Inis kong sabi sa kan