Dominic’s POVI’m here at the coffee shop, I’m with Link. Bago pa magbakasyon si Link kila Thrizel ay magkakilala na kami. Magkaklase kami noong elementary, magkaibigan na rin at sa hindi inaasahan, ang kumuha ng atensyon ko ay pinsan niya pala. What a coincidence, I like it."I can’t locate Thrizel that time. Iniwan niya ang kaniyang cellphone sa kwarto. Paano ko malalaman kung saan siya?" Like me, confused si Link kung saan nga ba pumunta ang kaniyang pinsan. Pumasok lang yata kami sa buhay ni Thrizel para mag-aalala sa babaeng ‘yon. Para ipagtanggol siya sa kuya niyang walang ibang ginawa kun’di isipin ang sarili.Sumimsim ako ng kape at humarap sa kaniya. "I don’t have idea too." Iniisip ko rin kung saan pumunta si Thrizel, hindi ko naman alam na aalis siya ng kanilang bahay kaya hindi ko nasundan. Ang iniisip ko ngayon, sinong nagtago sa babaeng ‘yon? Halos magdadalawang araw na bago niya naisipang umuwi. Hindi palakaibigan ‘yon kaya wala siyang mapupuntahan.Tumingin ako kay L
Thrizelʼs POV Nakatitig ako sa kisame habang nag-iisip. Napatigil ako sa pag-iisip nang maalala kong may utak ba ako para mag-isip? Nahampas ko na lamang ang aking noo dahil sa aking naisip. Katangahan na naman ang pinapairal mo, Thrizel. Napabulong na lamang ako sa aking sarili. "Nababaliw na ako." Gumulong-gulong nalang ako sa kama. Tumigil din naman. Napabuntong hininga ako. Pinikit ang aking mga mata. Katatapos ko lang kausapin si mommy kaya nagpapahinga ako. Maya-maya ay nakaramdam ako ng lamig kaya kinuha ko ang aking comforter para mainitin ang katawan. Nakatulog din ako. "THRIZEL, gising na." Narinig ko ang boses ni Thrale dahilan para ako ay magising. Para lang akong umidlip pero ramdam kong gumaan ang aking pakiramdam. Seryoso akong sumagot sa kaniya. "Pababa na." Akala ko ay wala na ito ngunit nakita ko itong naghihintay sa akin. Tiningnan ko na lamang siya at nauna na sa kaniya maglakad. Nakarating ako sa kusina, kami nalang pala ni kuya ang hinihintay. Nagsimula na
Thrale’s POVMasyado na akong pinaglalaruan ni Ryke, kilala niya ako. Alam niya kung paano niya ako maiinis. Hindi porque kaibigan ko siya, p’wede niya nang kunin ang kapatid ko at dalhin kung saan-saan. Pero... sinabi ko kay Thrizel na malaki na siya, hindi ko na siya kailangang pakialaman. Pero anong pakialam ko? Naiirita ako sa presensya nilang dalawa!"Argh!" Binato ko ang unan na nasa aking uluhan. Nalagay ko ang aking dalawang braso sa likod ng ulo para gawing unan. Pumikit ako para pakalmahin ang aking sarili ngunit kahit isipin ko, pumapasok pa rin sa aking isip ang presensya nila Ryke at Thrizel. Hindi ko alam kung anong pakiramdam ‘to."Thrale."Agaran akong napatingin sa aking pintuan. Nakakapagtaka, sa tagal tagal, ngayon nalang ulit ako tinawag ni Thrizel dito sa aking kwarto. Ano namang kailangan niya? Umiiwas siya sa akin, sigurado akong napilitan lang ito."Come in."Hindi ako tumayo, binalik ko ang aking tingin sa kisame. Rinig ko namang pumasok siya kaya tiningnan k
Thrizel's POVTahimik lang akong nakatingin habang inaasikaso ni Thrale ang pinsan namin. Hagip naman ng aking mata ang pagtitig sa akin ni Gio, may dumi na naman ba ang mukha ko? Tiningnan ko siya baka sakaling alisin niya ang tingin sa akin pero hindi niya pa rin inaalis kaya nagtaka na ako. Hindi ako nagpatalo, nakipagtitigan ako sa kaniya. Naputol ang pagtitigan namin noong tawagin siya ni Thrale. Tiningnan niya ito saglit at muling bumaling sa akin para ngumiti.Napabulong na lamang ako sa kaniyang inakto. Baliw.Tiningnan ko si ate Anissa na hanggang ngayon ay hindi pa rin pinapansin ni Thrale. Napabuntong hininga na lamang ako at umakyat na sa aking kwarto. Gusto kong makausap ang pinsan namin pero mamaya na lang siguro kapag wala na si Thrale sa tabi niya. Ayokong makaharap o makadikit man lang siya.Paakyat na ako, nagkasalubong kami ni Gio at iyan na naman ang mapanuri niyang tingin. Tiningnan ko lamang siya ng saglit at pumunta na sa aking kwarto. Nahagip ng mga mata ko si
Blue’s POV"Ang gwapo naman natin ngayon, Boss Brooks." Puna ko kay Boss nang makita ko itong pumasok sa hideout. Mabilis akong pumunta sa kaniya, naglakad ako paikot dito habang sinusuri ang kaniyang porma. Napawow ako dahil doon. Kahit simple ang suot niya, sobrang gwapo niya."Baka bumaliko ka niyan." Natigilan ako sa kaniyang sinabi. Umangal ako at sumampa sa kaniyang likuran. Agad ko itong hinalikan sa pisngi. "Mwa, mwa, kish—""Blue! Ang baho ng hininga mo! Magtoothbrush ka!""Aray!" Napahawak ako sa aking p'wet nang ilaglag ako nito. Hinarap ko siya. "Ang sama ng ugali mo. Walang mali sa friendly kiss!" Lumayo ako sa kaniya. Umupo ako sa upuan na nakanguso ang labi."Friendly mo mukha mo." Kumuha siya ng alcohol, nagspray sa panyo at pinunas sa pisngi niya kung saan ako humalik. Ganiyan kaarte si Boss Brooks kapag nakaporma. Wala namang girlfriend o nililigawan, nagpapagwapo lang talaga."Alis muna ako." Tumayo ako at kinuha ang aking leather jacket. Kinuha ko rin ang selpo
Thrizel's POV Umakyat na muna ako sa taas para makapagpalit ng damit. Gusto ko ring daldalin si Arella, gusto ko ang attitude niya. Nagbibihis ako nang bigla kong naalala si Brooks, hindi na pala kami gaanong nag-uusap at hindi ko rin siya nakikita. Pero hayaan na, mas ayos nga ito para naman mabawasan ang sakit sa ulo ko ngayon dahil masyado ng mahirap ang mag-isip nang mag-isip sa kanila. Dominic at Thrale sama mo na si Gio.Napabuntong hininga na lamang ako sa aking mga naiisip. Nakapaligid lang sila sa akin pero napapasakit na nila ang ulo ko. Bumaba na ako para daldalin si Arella pero wala siya sa sala. Hinanap ko ito sa hardin pero wala pa rin. Nasaan na siya? Umalis ba? Lagot kami nito kay Thrale.Maya-maya ay may narinig akong parang may lumalangoy sa swimming pool. Hindi nga ako nagkamali, si Arella ito. And nice, she can swim. “Thrizel, titingnan mo nalang ba ako?” Nagulat ako sa kaniyang sinabi. Akala ko ay hindi niya napansin ang aking presensya. Nagkamali ako roon. Nag
Thrizel’s POV"Aray!" Sigaw ko nang madiinan ni Link ang aking sugat. Ginagamot niya ito ngayon, akala ko ay hindi niya nakitang dumudugo ang paa ko kanina. Sinundan pala ako nito papunta sa aking kwarto. Ayokong si Thrale ang makakita, dahil ang aking akala ay gagamotin niya, baka tumaliwas at hayaan lang ako nito. Baka roon bumuhos ang aking luha, ayoko ng umiyak sa kaniyang harapan. Ayoko ng makita niya ang mga luha kong bumabagsak na siya ang dahilan."Wala talagang kwenta ang kuya mo." Hindi ako tiningnan ni Link nang sabihin niya iyon. Masama ang loob niya kay Thrale base sa tono ng pananalita nito. Kung maintindihin lang ako ‘gaya ni Ate Anissa, baka maayos kami ni kuya ngayon. Pero hindi, ayaw mawala ng mali kong nararamdaman. Kahit anong gawin ko, umiwas man o pigilan ‘to, hindi ako nananalo. Nananalo ang mali kaysa sa mga naiisip kong tamang gawin."Bakit mo ba kasi sinabihan ng gano’n si Arella? Malay mo siya ang pinsan natin, ‘di ba? Kahit ako nainis sa sinabi mo no’ng g
Thrizel's POV Tahimik akong nakaupo sa gilid ng aking kama habang iniisip ang napag-usapan namin ni Thrale. Mali ba ang naging sagot ko? Kasalanan ba na ayoko siyang maging kuya? Kasalanan din bang mahal ko siya? Argh, Thrizel, your words. Napabuga ako ng hangin dahil sa pag-iisip ko sa aking kuya, kayang kaya niya talaga pasakitin ang aking ulo. Lumabas ako ng kwarto, pagbaba ko, salamat naman dahil wala akong Thrale na nakita. Nasaan ba siya? Wala rin akong nakitang tao. May naririnig akong ingay sa may dinning area. Kumakain pala sila. Nagdadalawang isip ako kung sasabay ba sa kanila o hahayaan lang sila. Wala ako sa magandang kalagayan para makipagtawanan kaya umalis na ako at pumuntang sa hardin. Nakakapagpahinga ako kapag maraming halaman at puno. Ang sarap sa pakiramdam.“Parang pagod na pagod ka riyan?” Narinig kong pagtatanong ni Link sa akin. Kahit nakapikit ako, alam na alam ko ang kaniyang boses. Minulat ko ang aking mga mata at sumagot sa kaniya. “Hindi naman gaano.”