Thraleʼs POV Nakahiga ako habang iniisip kung paano ko makikita si Arella. Gusto ko na siyang makita. Gustong bumawi sa kaniya sa panahong wala ako sa tabi niya. Alam ko talagang buhay siya, iyon ang sinasabi sa akin ng aking puso, nararamdaman ko. Kapag nakita ko na ito, sisiguraduhin ko na walang makakasakit dito. Poprotektahan ko dahil hindi ko nagawa iyon sa kaniya noong sa tatay niya.Ngayon ko gagawin kapag nakita ko na siya kaya sana malaman na ni Gio kung saan nakatira si Arella. Iyon nalang ang hinihintay ko. Napagpasyahan kong pumunta sa bahay nila Gio para malaman kung may bagong balita sa paghahanap niya kay Arella.Pagbaba ko ay nakita ko si Anissa. Niyakap ko ito at nagpaalam sa kaniya na aalis muna ako. Maglalakad na sana ako nang bigla niyang tawagin ang aking pangalan. “Thrale.” Napalingon ako sa kaniya at hinihintay ang susunod niyang sasabihin. “Mag-ingat ka.” Nakangiting sabi nito. Nginitian ko siya saka ipinagpatuloy ang paglalakad. Nakapasok na ako sa aking
Brook’s POVAko lagi ang pinagtatanongan nila kung nasaan si Thrizel. Ilang beses ko bang sasabihing hindi ko alam? Alam na ba nila na magkakilala kami ng babaeng ‘yon? Hindi p’wedeng malaman ni Thrale na kilala ko ang kapatid niya. Malamang ay babakod na naman ‘yon, ang alam niya lang ay niyaya ko ng date. Iyon lang, wala na. Dapat talaga kapag nasa bahay ako nila Thrale. Umaakto akong walang pakialam kay Thrizel."What?" Irita kong tanong kay Elkhurt. Ayoko siyang kausap sa phone dahil ang lakas mang-asar. Kapag naman nandito siya sa tabi ko, nakakaganti ako. Iba ang trip ng lalaking ‘to."Hi, baby." See? I told you."Anong kailangan mo?" Tamad kong tanong ulit. Ayokong iparamdam sa kaniyang interesado akong kausap siya. Kapag iyan natutuwa, mang-aasar na ‘yan."Parang malumanay na ang mga mata mo kung iisipin ko." Nangunot ang aking noo dahil sa kaniyang sinabi. "Tamad na tamad ‘yan? HAHAHAHAHAHAHAHAHA, puro tattoo naman. Kadiri, Kein.""Manahimik ka nga, salamat ka nasa States ka.
Thraleʼs POVTahimik akong nakaupo sa kama habang iniisip ang ginawa ko kanina at ang mga na sabi ko sa aking kapatid. Alam kong mali ako dahil sa kaniya pero naibuntong ang aking inis pero tama ba ang kaniyang ginawa? Hindi ko namalayan na nawawala ito dahil na kay Arella lang ang aking atensyon at ito ang pagkakamali ko. Napabuntong hininga ako, napahilamos ng mukha dahil sa inis na nararamdaman ko ngayon. Ayoko na muna ng kausap kahit sino. "Thrale." Rinig kong pagtawag ni Anissa sa pangalan ko. Alam kong kakausapin niya ako, hindi pa ganoon kagaan ang aking pakiramdaman. Ayokong makipagtalo sa kaniya lalo na't alam kong nawawalan na rin ako ng oras sa kaniya."Can we talk, Thrale?" Dagdag niya pa.Napakaamo ng boses ni Anissa, kahit kanina noong pinutol niya ang aking pagsasalita. Kalmado pa rin at masarap pakinggan. That's why I love her so much."Gusto mo talagang mapag-isa. Mukhang wala na akong magagawa. I'm always here, Thrale, kakampi mo ako sa lahat. Kung gusto mo ng may
Dominic’s POVI’m here at the coffee shop, I’m with Link. Bago pa magbakasyon si Link kila Thrizel ay magkakilala na kami. Magkaklase kami noong elementary, magkaibigan na rin at sa hindi inaasahan, ang kumuha ng atensyon ko ay pinsan niya pala. What a coincidence, I like it."I can’t locate Thrizel that time. Iniwan niya ang kaniyang cellphone sa kwarto. Paano ko malalaman kung saan siya?" Like me, confused si Link kung saan nga ba pumunta ang kaniyang pinsan. Pumasok lang yata kami sa buhay ni Thrizel para mag-aalala sa babaeng ‘yon. Para ipagtanggol siya sa kuya niyang walang ibang ginawa kun’di isipin ang sarili.Sumimsim ako ng kape at humarap sa kaniya. "I don’t have idea too." Iniisip ko rin kung saan pumunta si Thrizel, hindi ko naman alam na aalis siya ng kanilang bahay kaya hindi ko nasundan. Ang iniisip ko ngayon, sinong nagtago sa babaeng ‘yon? Halos magdadalawang araw na bago niya naisipang umuwi. Hindi palakaibigan ‘yon kaya wala siyang mapupuntahan.Tumingin ako kay L
Thrizelʼs POV Nakatitig ako sa kisame habang nag-iisip. Napatigil ako sa pag-iisip nang maalala kong may utak ba ako para mag-isip? Nahampas ko na lamang ang aking noo dahil sa aking naisip. Katangahan na naman ang pinapairal mo, Thrizel. Napabulong na lamang ako sa aking sarili. "Nababaliw na ako." Gumulong-gulong nalang ako sa kama. Tumigil din naman. Napabuntong hininga ako. Pinikit ang aking mga mata. Katatapos ko lang kausapin si mommy kaya nagpapahinga ako. Maya-maya ay nakaramdam ako ng lamig kaya kinuha ko ang aking comforter para mainitin ang katawan. Nakatulog din ako. "THRIZEL, gising na." Narinig ko ang boses ni Thrale dahilan para ako ay magising. Para lang akong umidlip pero ramdam kong gumaan ang aking pakiramdam. Seryoso akong sumagot sa kaniya. "Pababa na." Akala ko ay wala na ito ngunit nakita ko itong naghihintay sa akin. Tiningnan ko na lamang siya at nauna na sa kaniya maglakad. Nakarating ako sa kusina, kami nalang pala ni kuya ang hinihintay. Nagsimula na
Thrale’s POVMasyado na akong pinaglalaruan ni Ryke, kilala niya ako. Alam niya kung paano niya ako maiinis. Hindi porque kaibigan ko siya, p’wede niya nang kunin ang kapatid ko at dalhin kung saan-saan. Pero... sinabi ko kay Thrizel na malaki na siya, hindi ko na siya kailangang pakialaman. Pero anong pakialam ko? Naiirita ako sa presensya nilang dalawa!"Argh!" Binato ko ang unan na nasa aking uluhan. Nalagay ko ang aking dalawang braso sa likod ng ulo para gawing unan. Pumikit ako para pakalmahin ang aking sarili ngunit kahit isipin ko, pumapasok pa rin sa aking isip ang presensya nila Ryke at Thrizel. Hindi ko alam kung anong pakiramdam ‘to."Thrale."Agaran akong napatingin sa aking pintuan. Nakakapagtaka, sa tagal tagal, ngayon nalang ulit ako tinawag ni Thrizel dito sa aking kwarto. Ano namang kailangan niya? Umiiwas siya sa akin, sigurado akong napilitan lang ito."Come in."Hindi ako tumayo, binalik ko ang aking tingin sa kisame. Rinig ko namang pumasok siya kaya tiningnan k
Thrizel's POVTahimik lang akong nakatingin habang inaasikaso ni Thrale ang pinsan namin. Hagip naman ng aking mata ang pagtitig sa akin ni Gio, may dumi na naman ba ang mukha ko? Tiningnan ko siya baka sakaling alisin niya ang tingin sa akin pero hindi niya pa rin inaalis kaya nagtaka na ako. Hindi ako nagpatalo, nakipagtitigan ako sa kaniya. Naputol ang pagtitigan namin noong tawagin siya ni Thrale. Tiningnan niya ito saglit at muling bumaling sa akin para ngumiti.Napabulong na lamang ako sa kaniyang inakto. Baliw.Tiningnan ko si ate Anissa na hanggang ngayon ay hindi pa rin pinapansin ni Thrale. Napabuntong hininga na lamang ako at umakyat na sa aking kwarto. Gusto kong makausap ang pinsan namin pero mamaya na lang siguro kapag wala na si Thrale sa tabi niya. Ayokong makaharap o makadikit man lang siya.Paakyat na ako, nagkasalubong kami ni Gio at iyan na naman ang mapanuri niyang tingin. Tiningnan ko lamang siya ng saglit at pumunta na sa aking kwarto. Nahagip ng mga mata ko si
Blue’s POV"Ang gwapo naman natin ngayon, Boss Brooks." Puna ko kay Boss nang makita ko itong pumasok sa hideout. Mabilis akong pumunta sa kaniya, naglakad ako paikot dito habang sinusuri ang kaniyang porma. Napawow ako dahil doon. Kahit simple ang suot niya, sobrang gwapo niya."Baka bumaliko ka niyan." Natigilan ako sa kaniyang sinabi. Umangal ako at sumampa sa kaniyang likuran. Agad ko itong hinalikan sa pisngi. "Mwa, mwa, kish—""Blue! Ang baho ng hininga mo! Magtoothbrush ka!""Aray!" Napahawak ako sa aking p'wet nang ilaglag ako nito. Hinarap ko siya. "Ang sama ng ugali mo. Walang mali sa friendly kiss!" Lumayo ako sa kaniya. Umupo ako sa upuan na nakanguso ang labi."Friendly mo mukha mo." Kumuha siya ng alcohol, nagspray sa panyo at pinunas sa pisngi niya kung saan ako humalik. Ganiyan kaarte si Boss Brooks kapag nakaporma. Wala namang girlfriend o nililigawan, nagpapagwapo lang talaga."Alis muna ako." Tumayo ako at kinuha ang aking leather jacket. Kinuha ko rin ang selpo