Thrizel’s POVNandito ako ngayon sa aking kwarto, kanina pa ako hindi lumalabas. Hindi ko makalimutan ang sinabi ni kuya. No’ng unang panliligaw ni kuya kay Ate Anissa ay tuwang tuwa ako. Sabik na maging sila pero bakit ngayon? Ibang iba ang pakiramdam ko no’ng una. Ngayon na nasasaktan ako, hindi ko matanggap. Kahit anong gawin kong paglayo at pag-iwas, bumabalik pa rin talaga itong ibang pakiramdam. Isa nalang siguro ang paraan, ang gumamit ng tao para mawala itong nararamdaman ko kay Thrale pero iisipin ko palang nagaganap iyon, parang nakokonsensya agad ako.Napatingin ako sa aking pintuan nang may kumakatok. Hindi ako sumagot, pinakinggan ko lang ang bawat katok dito. Nakakatamad magsalita. Hindi katagalan, nagsalita na ang taong nasa labas ng aking kwarto. "I know you need a rest pero kailangan mo ring kumain, lumabas ka na riyan. Masyado mong dinadamdam ang hindi dapat." Lagi namang si Link ang nandiyadiyan. Buti nalang dito siya nagbakasyon sa amin. Kung hindi at wala siya
Thrizelʼs POV Walang nagawa si Thrale kun'di ako ang paunahin ang pagligo sa banyo. Ako ang bunso, dapat siya ang magparaya. Ayaw pa niya magpaubaya kanina tapos ako rin pala ang papaunahin. Nyenye. "Ang bagal mo, Thrizel." Iritable ang kaniyang boses. Bahala siya riyan. Matagal talaga akong maligo. P'wede namang sa labas nalang siya e. "Maghintay ka!" Sigaw ko naman mula sa loob ng banyo. Nagsasabon naman na ako ng katawan at sinigurado kong sinarado ko ang pinto. Nang matapos na akong maligo. Nagsuot na rin ako ng damit sa banyo dahil ayokong matulad muli ang nangyari noong dait. Pahamak na tuwalya at sabon na iyan. "Oh, I'm done, atat." Sabi ko agad pagbukas ko ng pinto. Agad namang naglakad palapit si Thrale. Nagkasalubong kami pero hindi ko na ito pinansin pa. Nakadadala kasi ang pangyayaring iyon. Kapag nandodoon ako sa banyo, dapat talagang iwasan ko si Thrale.Umakyat na ako para mag-ayos. Naghanap na rin ako ng mga dadalhin kong gamit. Sinukbit ko ang aking bag. Kinuha
Thrizel's POVLumapit ako kay kay kuya dahil tinawag ako nito. Seryoso lang ang kaniyang mukha, hindi ko mawari kung anoman ang kaniyang dahilan. Nang makalapit ako, sa iba siya bumaling. Tiningnan ko rin ang kaniyang tinitingnan, ngayon ko lang napagtantong maraming lalaki ang nakatingin sa akin. Kung titingnan mo, mahahalata mo agad na magkakasama sila."Magpalit ka ng damit doon, masyadong maiksi iyan." Utos sa akin ni Thrale, maowtoridad.Umangal agad ako sa kaniya. "Anong gusto mo? Magjacket ako at magpanjamas gano'n? Saka ayos na ito, ang pogi naman ng nasa gitn-""Thrizel!"Dinilaan ko lang siya at bumalik na sa dagat. Napailing-iling naman ito, wala ng nagawa kun'di ang pumunta kay Ate Anissa. Bahala ka riyan. Nananahimik akong naliligo rito, tatawagin mo ako. Hindi ko na nga kayo pinapakialam ng girlfriend mo. Gusto kong mapag-isa, sa totoo lang.Nakita ko namang papunta sa aking gawi si Link. Lumusob siya sa tubig at pumunta sa akin. Hindi ko siya pinansin, lumubog ako at lu
Thrizelʼs POV Nandito ako sa kwarto para magpahinga. Nakakapagod ang maligo sa dagat. Isama mo si Sittie na akala niya mauutakan niya ako. "Thrizel, mukhang malalim ang iniisip mo?" Biglang sulpot ni Ate Anissa. Kanina ay nasa baba ito. "Hindi naman, ate." Sagot ko sa kaniya at pinikit ang aking mga mata. Gusto ko nalang matulog. "Magkasama kayo ni Link kanina, saan kayo galing?" Natigilan ako sa kaniyang tanong pero agad ding nakabawi. "Sumakay lang ng bangka, ate." Ayokong sabihin sa iba ang ginawa ni Sittie sa akin. Ayokong malaman ni Manang Perry na ganoon ang pag-uugali ni Sittie. "Mukhang pagod ka, magpahinga ka na muna." Iniwan niya akong nakahiga sa kama. Napahinga ako nNg malalim. "Makatulog na nga." Kausap ko sa aking sarili.Ipipikit na ang mata nang biglang may kumalabog ng pinto ng kwarto kaya napatingin ako. Si Sittie iyon. Siya na naman. "Kailangan?" Tamad ko na tanong sa kaniya. Imbis na sumagot ito sa aking tanong ay dire-diretso siyang pumasok sa kwarto. Ra
Thrale’s POV"Kailan kayo matatapos?"Agad silang napatingin sa aking gawi, naglayuan din sa isa’t isa. Bumaling ako sa iba at humawak nalang ng kung ano-ano. Nagtatanong lang ako, wala ng ibig sabihin iyon. Maayos ang reaksyon ko, walang kataka-taka roon. Gusto ko lang alamin kung bakit kailangan pang mangganoon? Lumalabas ba na wala akong tiwala kay Link? Hindi, may tiwala ako sa kaniya. Nagtataka ako sa aking isipan. Inuulit ko, anong gusto nilang iparating?"Thrale, magpinsan naman sila. Wala ka dapat ipag-alala."Nanlaki ang aking mga mata, natigilan ako. Hindi ko alam kung paano gagalaw para humarap kay Anissa. Anong ibig sabihin niya? Anong nasa isip nito? Ang pagtatanong ko ay kung kailan sila matatapos. Bakit iba ang pagsasabi nito sa akin? May nahahalata ba siyang iba? Wala dapat, dahil wala naman talaga."What are you saying, hon?" Lumapit ako sa kaniya. Pinulupot ko ang kanang kamay ko sa kaniyang baywang. "I’m just asking, wala naman dapat akong ipag-alala." Huminga ako n
Thrizelʼs POVNagising ako ng sobrang pawis na pawis. Damang dama ko ang kamay ng lalaking iyon sa aking panga. Parang sa akin niya ginawa. Sino ba ang batang iyon? Bakit pati ako ay nakakaramdam ng sakit na nangyayari sa kaniya? Patuloy ako na naguguluhan. Bakit nadadamay ako?“May nangyari ba sa ‘yo, Thrizel?”Agad akong napatingin sa nagsalita. Ganoon nalang ang aking gulat nang makita ko si Thrale.Agaran ko siyang tinanong. “Oo, bakit ka nandito?” “Para gisingin ka at kumain. Ligpitin mo na rin mga gamit mo. Uuwi na tayo maya-maya but again, eat first.” Mahabang lintaya nito. Buti hindi siya nagtitipid ng salita ‘gaya ng dati. Tumango na lamang ako sa kaniyang sinabi at naunang lumabas ng kwarto. Nakarating ako sa hapagkainan. Hindi ko na dapat iniisip ang mga gano’n lalo na’t alam kong hindi ako konektado. Bangungot lang ba iyon? Panaginip? O gawa-gawa ng aking isipan? Hayaan na.“Good morning.” Naupo ako sa tabi ni Link. ‘Gaya ng lagi niyang ginagawa, nilalagyan niya na nama
Thrizel’sUmabot ng hating gabi. Nandidito pa rin kami sa pool. Wala akong ginawa, umupo lang dito habang kinakausap si Link. Medyo sumikip din ang aking pakiramdam dahil biglang dumating si Ryke. Ilang linggo kaming hindi nag-usap at nagkita kaya ganito ang aking nararamdaman. Pakiramdam ko may tensyon sa amin, pakiramdam ko ay awkward. Ako lang ba nakakaramdam nito? Kung titingnan ko kasi siya. Parang wala lang sa kaniya na nandidito ako. Did I hurt him so much?Umalis sa aking tabi si Link, papasok daw muna siya kaya ako nalang ang nandidito. Para hindi maburyo, kinuha ko ang aking selpon at ginawang abala ang aking sarili. Ayokong maramdaman ang ilang na ito lalo na’t ngayon."Thrizel, join us." Napatingin ako kay Gio. Dahil sa pagtawag niya sa akin. Lahat ng kanilang atensyon ay napunta sa akin. Si Thrale na seryosong nakatitig sa akin. Si Ryke na kalmado. Si Brooks habang naninigarilyo. Si ate Anissa na nakangiti. Kulang nalang ay si Elkhurt, makukumpleto na silang lima."No n
Thrizelʼs POV Tahimik akong nakaupo sa sofa. Wala si Thrale dito, kasama siya ni ate Anissa. Ilang araw na rin simula nang mangyari ang pag-uusap nila ni Link. Ganoon pa rin naman kami ni Link sa isa't isa. Walang nagbago sa aming pakikitungo. May dapat bang baguhin? Wala. Nabuburyo ako dahil si Link ay nasa kwarto niya habang ako rito ay nasa sala Manonood lamang. “Ma’am, meryenda na po kayo.” Nakita ko ang isang maid namin na may dalang pagkain. Tumango ako sa kaniya. “Sige po.” Simula noong sagutan nila Thrale at Link. Hindi sila gaanong nagpapansinan. Ang pagtatrato ni Thrale sa akin ay walang nagbago. Pero dahil sa katangahan ko, hindi maayos ang dalawang magpinsan. Hays.“Hindi kaya matunaw ang meryenda mo niyan?Natuod ako sa aking pagkakaupo. Hindi ako nagkakamali, kilala ko ang boses na ito. Kaya no’ng humarap ako, agad ko siyang niyakap. “Amiraaaaaaaaaaa!” Yinakap niya naman ako pabalik. My god, miss ko ang kaniyang presensya. Lahat ay namiss ko sa kaniya. Buti nalang
Third Person’s POVPuno ng kaba ang puso ni Thrale. Hindi niya alam kung anong irereaksyon, matutuwa ba dahil maipapanganak na ang kaniyang anak? O matatakot dahil alam niyang nahihirapan ang kaniyang asawa sa pagluwal nito? Dahil hindi siya makapili, pinaghalo niya ang dalawa. Panay tapik ang kaniyang tatay sa balikat nito para pakalmahin dahil kanina pa siya palakad-lakad. Hinihintay niyang lumabas ang doktor. “Calm down, Thrale. Ikalma mo ang sarili mo dahil kanina pa kami nahihilo sa ‘yo.” Hindi maibanat ang labi ni Link para sa ngiti. Mas lalo siyang nagiging seryoso kapag tumatanda. Magkasalungat talaga ang magpinsan.Agaran siyang bumaling sa pinsan na nanginginig pa rin sa kaba. “You don’t know the feeling like this, Link.” Napasabunot siya sa sarili bago umupo sa upuan. “Kanina ko pa gustong magkita ang mag-ina ko, dad. Ang tagal naman lumabas ng doktor.” Iisipin niya pa lang kung gaano nahihirapan ang asawa sa loob, hindi niya na kayang makita ‘yon. Atat na atat siyang pas
Thrale's POVPuno ang puso ko ng kaba. Lahat ay nakaabang sa kaniya. Ito ang isa sa pinakamasayang araw ko, ang pakasalanan ang babaeng matagal ko ng mahal. I could not lose my sight to the church door. We were all excited to see her. I looked at dad. He smiled at me. His eyes were happy because this is what he wanted to happen to me, to be happy.Lahat ay napatingin sa pintuan nang bumukas. Ang mga tingin ko ay nag-umpisa sa sahig, tinungo ang puting tela na ibaba ng kaniyang wedding gown. Mula paa hanggang ulo, sinuyod ko siya. I will never tire of admitting to myself that the woman I am going to marry today is so beautiful. Kahit hindi ko masyado maaninag ang kaniyang mukha dahil sa layo, alam kong masaya ang kaniyang mga tingin.Agad siyang nilapitan ni dad, kumapit siya sa braso nito para sabay maglakad. Sa kantang nangingibabaw, agad na nagtubig ang aking mga mata. Habang papalapit siya sa akin, hindi ko maiwasang tumingin sa kawalan dahil sunod-sunod ang pagtulo ng aking mga lu
Thrale's POVNagising ako nang kumalam ang aking tiyan. Tiningnan ko ang babaeng nakahiga sa kama. Hanggang ngayon ay natutulog pa rin siya. Imbes na bumaba ako para kumain, nakuha kong pumuntang banyo para maligo. Nakita ko rin naman ang naiwan kong damit dito, iyon na lang ang susuotin ko. Dahan-dahan akong pumasok sa loob para hindi siya magising. Halata sa malalim niyang paghinga ang pagod. Mukhang may ginawa na naman sila ni Amira.Pumasok na akong banyo. Huminga ako nang malalim nang magbagsakan ang tubig sa aking katawan. Habang naliligo, ang tanging nasa isip ko lang ang aming pagtatalik. Hindi ko inaasahang mangyayari 'yon. Tapos na pero ito ako ngayon, may humahaplos sa puso at kumukurba ang ngiti sa labi. Gustong-gusto ko na lang siyang mahalin lalo na't wala ng handlang sa amin. Gustong-gusto ko siyang mapasaakin.Natapos akong maligo. Humiga ako sa kaniyang tabi. Nakatalikod ako mula sa kaniya dahil sakop niya ang kaniyang buong kama. Papikit na sana muli nang kumalam na
Thrizel’s POVNagising ako sa sinag ng araw mula sa aking bintana nang tumapat ito sa aking mukha. Papikit-pikit pa ako na tila hinahanap ang sipag para sa pagbangon. Nang maramdaman kong may buhok na tumutusok sa aking balat, agad akong napabaling sa aking tabi. Imbes na magulat, ngiti agad ang sumilay. Mahimbing ang kaniyang tulog habang ginagawang unan ang aking braso. Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya, inamoy ko ang kaniyang buhok.Gamit ang isang hintuturo, hinawakan ko siya sa kilay. Sunod ay sa ilong pababa sa labi. Kahit tulog siya, may ngiting nakakurba pa rin sa kaniyang labi. Halatang masaya ang kaniyang tulog. Ang sarap titigan ng kaniyang mukha. Hindi ako magsasawang sabihin na perpekto talaga ang sa kaniya. Makapal ang mga kilay, mahaba ang pilik mata, matamis ang ilong at pulang-pula ang labi. Tila buhok pa ng mais ang kulay ng kaniyang buhok. Sa pagtitig kong ‘yon, may humahaplos sa aking puso. Hindi makapaniwalang nasa bisig ko siya ngayon. Kaharap ko ang lalaking mah
A/N: WARNING!Thrizel’s POV“One tequila.”Mabilis na binigay ng bartender kaya agad kong ininom. Napatakip pa ako ng bibig dala ng antok. Dumadalawa na ang aking paningin dahil kanina pa kami nandirito ni Silas. Hindi ko makalimutan ang pinag-usapan namin kanina ni Thrale. Hindi ko matanggap na tinalikuran niya ako. Ito ang paraan ni Silas para hindi ako malunod sa pag-iyak. Agad siyang remesponde para makalimot sa pangyayari kanina. Nagtagumpay naman siya, imbes na umiyak ako animo akong nababaliw dito na natatawa mag-isa.“Naunang umuwi sa ‘yo si Thrale, ‘di ba? Nakita ko talagang nakasakay si Anissa sa kaniyang kotse.” Pagpapatuloy ni Silas sa kaniyang pagkukwento. Nang bumalik kasi ako sa loob, hindi ko na naktia si Ate Anissa. Mukhang nagkasalisi kami. “Bakit naman magkasama ang dalawang ‘yon? Nakakainis si Thrale. Kakatapos lang ng pag-uusap niyong iyon, dumidikit na sa ex-girlfriend.”“Ayos lang naman sa akin ‘yon.” Muli kong ininom ang nilapag ng bartender. “Alam ko namang hi
Thrizel’s POV“Ano nga bang nangyari sa loob ng sasakyan ni Callum? Bakit ganoon ang buhok mo?” Tinaasan pa ako ni Silas habang nakatayo sa aking harapan. Nandirito ako sa lamesa habang kumakain ng umagahan.“He tried to kiss me.” Diretso kong sagot para mangunot ang kaniyang noo. “Sa kaniya, wala lang ‘yon dahil alam kong pinaglalaruan niya lang ako. Bastos na lalaki.” Napadiin pa ang hawak ko sa kubyertos dahil sa inis na nararamdaman. Naalala ko na naman ang kalokohan niya.“He deserve your slaps.” Umupo si Silas sa harapang upuan na may seryosong mukha. “Huwag ka nang lumapit doon. Alam mo namang kapahamakan lang ang dala niya sa ‘yo. Hindi mapagkakatiwalaan ‘yon.”Tumingin ako sa kaniyang mukha. Nasa ibang direksyon ang kaniyang tingin. “Ano palang nangyari kina Thrale at Callum? Anong ginawa sa kanila ni dad?”Hinarap niya ako na may nanunuring tingin. “Kanino ka naman interesado, huh?” Tinaasan ko siya ng kanang kilay dahil beripakadong nagbibigay malisya. Napabuntong-hininga s
Thrizel’s POV“Do you like Ate Anissa?” Tanong ko nang mapansin kong nakatitig na naman si Silas kay Anissa. Kapag talaga titingin siya kay Anissa, napapako na agad ang titig niya.“Of course not.” Pagtanggi niya at inilihis na ang paningin. “May naalala lang ako.”Napatango-tango na lang ako. Ininom ang juice na sa aking harapan. “Huwag mo nang ituloy. Alam ko kung ano ‘yan.” Hindi ko siya tiningnan. Tumingin ako kina Thrale at Anissa na nag-uusap. Nanahimik na rin si Silas na halatang nalaman ang tinutukoy ko.“Kumusta na kaya ni Brooks, ‘no?” Pagtatanong niya. Hindi niya na talaga mapigilan ang pagiging madaldal niya simula nang umuwi ako.“Baka may anak na sila ni Isla.” Nilapag ko ang juice nang maubos ko. Humalukipkip ako. “Move on ka naman na kay Isla, ‘di ba? Kapag umuwi si Brooks, kailangan mong suportahan. Ayos na rin naman kayo.”“Alam ko ang mga gagawin ko.” Bahagya niya pa akong sinimangutan. “Himala, hindi ka panay, Thrale. Nagkakagusto na ba sa iba?”Sa tanong siya, nat
Thrale’s POVLahat kami ay nandirito sa korte, maging ibang pulis at detective. Sa argumentong ito, kasama ni Dominic ang aking kapatid. Kasama naman ni Thrizel sina Link at Blue. Natahimik kami nang mag-umpisa na ang argumento. Nailabas na rin naman ang ibang ebidensya.Ang unang bumida ay si Mr. Sanford. Mayor Valencia’s lawyer. “I call Mrs. Valencia for the stand.” Tumayo ang asawa ng alkalde. Agaran itong nagpaliwanag. “I’m the wife of Mayor Valencia.” Lahat kami ay nakikinig sa susunod nilang sasabihin.“So Mr. Valencia, what can you say about your husband’s case?” Mr. Sanford asked.“Hindi iyon magagawa ng asawa ko dahil malinis ang intensyon niya sa aming barangay.” Ang mga tingin niya ay na kay Mayor Valencia na seryoso lamang ang reaksyon. “Tuwing gabi, hindi umaalis ang asawa ko. Araw-araw siyang subsob sa trabaho kaya pagpatak ng takip-silim, agad na malalim ang tulog niya.”Napatango-tango si Mr. Sanford. “He never really go out at night? In all the evidence, there’s a mo
Thrale’s POVIlang araw na ang lumipas. Nandito kaming dalawa ni Dominic sa presinto habang kausap si Captain na kasama rin sa aming kaso. Gustong makausap ni Dominic ng harapan ang witness na baka may makuha siyang ibang ebidensya rito. Ngayon, dalawang video ang binigay. Pinanood namin ang dalawa, ang nauna ay nagtapos sa oras na isang minuto at labing tatlong segundo. Ang pumangalawa naman ay isang minuto at isang segundo. Hindi putol ang mga kuha dahil napanood namin ang pangyayari kung paano pinatay ang biktima.“Kaninang umaga, may lalaking patay na inaanod sa ilog.” Striktong sabi ni Captain. Iniisip kung anong susunod na sasabihin. “Sa pangatlong video, masasabi kong iyon ang lalaking pinatay kagabi. Wala pa tayong sapat na ebidensya. Tagong-tago ang mukha ng alkalde. Hindi natin p’wedeng arestuhin nalang iyon.”Nangunot ang noo ni Mr. Reyes sa wika ni Captain. Mukhang hindi sang-ayon sa desisyon. “May apat na tayong ebidensya! Kung hindi sila maniniwala, ididiin ko ang hayop