Thrizelʼs POVNagising ako ng sobrang pawis na pawis. Damang dama ko ang kamay ng lalaking iyon sa aking panga. Parang sa akin niya ginawa. Sino ba ang batang iyon? Bakit pati ako ay nakakaramdam ng sakit na nangyayari sa kaniya? Patuloy ako na naguguluhan. Bakit nadadamay ako?“May nangyari ba sa ‘yo, Thrizel?”Agad akong napatingin sa nagsalita. Ganoon nalang ang aking gulat nang makita ko si Thrale.Agaran ko siyang tinanong. “Oo, bakit ka nandito?” “Para gisingin ka at kumain. Ligpitin mo na rin mga gamit mo. Uuwi na tayo maya-maya but again, eat first.” Mahabang lintaya nito. Buti hindi siya nagtitipid ng salita ‘gaya ng dati. Tumango na lamang ako sa kaniyang sinabi at naunang lumabas ng kwarto. Nakarating ako sa hapagkainan. Hindi ko na dapat iniisip ang mga gano’n lalo na’t alam kong hindi ako konektado. Bangungot lang ba iyon? Panaginip? O gawa-gawa ng aking isipan? Hayaan na.“Good morning.” Naupo ako sa tabi ni Link. ‘Gaya ng lagi niyang ginagawa, nilalagyan niya na nama
Thrizel’sUmabot ng hating gabi. Nandidito pa rin kami sa pool. Wala akong ginawa, umupo lang dito habang kinakausap si Link. Medyo sumikip din ang aking pakiramdam dahil biglang dumating si Ryke. Ilang linggo kaming hindi nag-usap at nagkita kaya ganito ang aking nararamdaman. Pakiramdam ko may tensyon sa amin, pakiramdam ko ay awkward. Ako lang ba nakakaramdam nito? Kung titingnan ko kasi siya. Parang wala lang sa kaniya na nandidito ako. Did I hurt him so much?Umalis sa aking tabi si Link, papasok daw muna siya kaya ako nalang ang nandidito. Para hindi maburyo, kinuha ko ang aking selpon at ginawang abala ang aking sarili. Ayokong maramdaman ang ilang na ito lalo na’t ngayon."Thrizel, join us." Napatingin ako kay Gio. Dahil sa pagtawag niya sa akin. Lahat ng kanilang atensyon ay napunta sa akin. Si Thrale na seryosong nakatitig sa akin. Si Ryke na kalmado. Si Brooks habang naninigarilyo. Si ate Anissa na nakangiti. Kulang nalang ay si Elkhurt, makukumpleto na silang lima."No n
Thrizelʼs POV Tahimik akong nakaupo sa sofa. Wala si Thrale dito, kasama siya ni ate Anissa. Ilang araw na rin simula nang mangyari ang pag-uusap nila ni Link. Ganoon pa rin naman kami ni Link sa isa't isa. Walang nagbago sa aming pakikitungo. May dapat bang baguhin? Wala. Nabuburyo ako dahil si Link ay nasa kwarto niya habang ako rito ay nasa sala Manonood lamang. “Ma’am, meryenda na po kayo.” Nakita ko ang isang maid namin na may dalang pagkain. Tumango ako sa kaniya. “Sige po.” Simula noong sagutan nila Thrale at Link. Hindi sila gaanong nagpapansinan. Ang pagtatrato ni Thrale sa akin ay walang nagbago. Pero dahil sa katangahan ko, hindi maayos ang dalawang magpinsan. Hays.“Hindi kaya matunaw ang meryenda mo niyan?Natuod ako sa aking pagkakaupo. Hindi ako nagkakamali, kilala ko ang boses na ito. Kaya no’ng humarap ako, agad ko siyang niyakap. “Amiraaaaaaaaaaa!” Yinakap niya naman ako pabalik. My god, miss ko ang kaniyang presensya. Lahat ay namiss ko sa kaniya. Buti nalang
Brooks POV"E, anong sinabi ni kuya?" Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang pagtatanong ni Thrizel. Nandito kami ngayon sa pinagparkehan ko kanina ng kotse. Sumandal ako sa harap nito. Pinaikot sa daliri ang susi bago siya sinagot. "Sa tingin mo, anong sinabi niya?" Tinaasan ko siya ng kanang kilay dahil nag-iisip ito. Masyado niya talagang kilala si Thrale, hindi na kataka-taka kung bakit nagtatanong siya ngayon."Uhm, ano ba, ako nagtatanong!”Napatawa ako nang mahina dahil sa reaksyon niya. May red days ba ito? Kanina pa kasi ako nito sinusungitan. Parang ayaw niya akong kasama e. Isako ko ‘to."Pumayag naman siya, may tiwala iyon sa akin. Nagtataka nga siya kung bakit kita niyaya for a date, sabi ko friendly date." Bigla akong humalakhak sa aking naisip. Potek. Ang corny ko pala."Friendly date, mayroon ba no'n?""Oo, itong atin." Tinalikuran ko na siya at pumasok na sa kotse. "Sakay na, hindi kita pagbubuksan ng pinto. Minsan lang kasi ako dapuan ng pagkagentleman. Pa
Thrale's POVTanging pasunod nalang ng tingin ang aking nagawa nang tumakbo na si Thrizel. Matapos niyang umiyak sa aking harap bigla itong lumusot sa aming tatlo. Nang mawala siya sa aking paningin, humarap ako kila Amira at Link. Ang mga tingin nila ay nandodoon pa rin kung saan tumakbo ang aking kapatid. Pinakiramdaman ko ang aking sarili, hindi ito panaginip. Grabe ang kaba sa aking puso.Paulit-ulit pumapasok sa aking isipan ang kaniyang mga sinabi. My sister is in love with me? Dahil sa aking pagtatanong, mas lalo akong kinabahan. Iba ang kakaibang kaba na ito, ngayon ko lang ito naramdaman. Lalo na noong halikan ako niha ako. Hindi ako tumugon dahil nanigas agad ang aking katawan. Bigla agad akong nablanko, hindi alam ang aking gagawin. Why did you do that, Thrizel? What's wrong with you?Napahawak ako sa aking labi, hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang labi niyang gumalaw ng dalawang beses. May kakaiba sa babaeng iyon ngayon, iba ang kinikilos niya. Uminom ba ito? Lasing ba? P
Link's POV Agad akong sumunod kay Thrizel at Thrale nang malaman ko kung bakit ganoon ang mga inaakto niya simula pa kanina. Bakit hindi ko man lang nahalata? Ang akala ko ay lasing lang ito. "Link, saan ka pupunta?" Napatigil ako sa tangkang pagtakbo sa tanong ni Anissa. Hinarap ko siya ng seryoso lang ang mukha. Sa totoo kasi, minsan lang kami mag-usap ni Anissa. Siguro ay dahil sa akin, minsan lang makisalamuha. "May gagawin lang ako. Stay here. babalikan ka ni Thrale." Saka na ako tumakbo. Mabilis akong nakarating sa bahay. Pumasok ako at agad hinanap ng aking mga mata ang presensya ng magkapatid. Nakita kong nakaupo si Thrizel sa sofa habang nakayuko, hindi ito makaharap kay Thrale. Si Thrale naman ay nakatayo lang, nakaharap ito sa kaniyang kapatid. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila. Kinuha ko agad ang atensyon ni Thrizel. "Thrizel." Inangat niya ang kaniyang ulo at tumingin sa akin. "You need a rest. Let's go, pagod ka lang." Pilit ko siyang tinititigan sa mata n
Thrizelʼs POV Nakahiga pa rin ako sa kama ni Amira. Nananatiling nandito pero ang aking kaibigan ay nasa labas. Iniisip ko kung uuwi ba ako para makausap si Thrale o dito na lang. Maso kapag dito naman ako, alam kong p'wede siyang pumunta rito para mapauwi ako. Masyado siyang bossy. Napatingin ako sa pintuan nang may magsalita. Nakita ko si Amira. "Anong iniisip mo?" Kakapasok lang nito. Napaisip naman ako kung sasabihin ko ba sa kaniya ang aking iniisip. Napabuntong hininga ako, bumango at humarap sa kaniya. Hindi katagalan ay nagsalita. "Kung paano makakatakas sa pag-uusap namin ni Thrale. Wahhhh!" Binagsak ko muli ang aking sarili sa kama at naglumpasay. Nagpagulong gulong pa ako sa kama dahil hindi ko talaga alam ang gagawin. Nangunot ang kaniyang noo. Umupo ito sa kama. "Bakit ka naman tatakas? Mag-uusap lang naman kayo?" "Hindi ko alam kung paano siya haharapin pagkatapos ng ginawa ko kagabi." Napanguso ako nang maalala iyon. Bumabalot na naman sa akin ang kahihiyan kahit t
Thrale’s POVMariin akong napapikit. Bumuntong hininga ako na napahilamos ng mukha. Ilang beses ko ba siyang hahanapin? Ilang beses ba akong tatawag sa aking mga kaibigan para makakuha ng information about her? Fck. Ito ang kinaka-abalahan ko ngayon. Gusto kong mahanap si Arella. Alam kong buhay siya, kitang-kita ng aking dalawang mata. Hindi iyon gawa-gawa ng aking isip, ilusyon o ano. Nakita ko talaga siya lalo na no’ng gabi na nasa bar ako. I want to see her now."May nakita ka na bang konektado sa kaniya?" Tanong ko kay Gio na nakatutok din sa kaniyang laptop. Yes, nagpapatulong ako kay Gio, kami lang dalawa ang nakakaalam nito. "Do you know her face?" Harap nito sa akin, naghihintay ng magiging sagot ko."Y-Yeah." Nag-isip ako. Inaalala kung anong mukha ni Arella ngayon nang makita ko siya. "She has a scar on her right cheek, kagagawan iyon ng kaniyang tatay."Tumango-tango si Gio. "Ang hirap kasing hanapin kapag ang tao ay nagtatago.""Huh?""May mga konektado sa kaniyang accou