Thrale’s POVKakatapos lang ng libing ng nanay ni Anissa ngunit nandidito pa rin kami sa sementeryo. Nakatingin ako kay Anissa na nakaupo pa rin sa bermuda grass, iyak siya nang iyak. Hindi ko naman siyang magawang iwan dito."Anissa, umuwi na tayo." Kanina ko pa sinasabi iyan sa kaniya ngunit ang laging sagot niya ay mamaya nalang. Siguro ay samahan ko nalang siya rito, naiintindihan ko naman kung bakit siya ganiyan ngayon. "Hindi ka pa ba nagugutom?" Kanina pa talaga kami nandidito. Ang mga tao ay wala na, ang mga nakilibing. Kakaunti na lamang. Nagugutom na rin ako.Inilibot ko ang aking paningin. Nakita ko ang kotse ni Link, alam kong sa loob no'n ay nandodoon si Thrizel. Sabi ko ay mauna na sila pero mas pinili nila kaming hintayin ni Anissa."I'm not, Thrale." Mahina niyang sagot. Kumuha ako ng upuan at umupo roon. Binantayan ko na lamang siya. Isang oras pa ang lumipas, nandidito pa rin kami. Siguro ay mahirap talagang mawalan ng magulang, nararamdaman ko ‘yon kay Anissa. Int
Thrizelʼs POVMaaga akong nagising. Papasok pa ako sa paaralan. Tila tinatamad akong tumayo pero kailangan dahil ayokong makita ngayon si Thrale. Naiinis ako ng lalo sa kaniya.Napabuntong hininga ako. "Hays." Umagang umaga siya na naman ang magiging problema ko. Paano ba kasi hindi isipin ang lalaking ‘yon? Hays, kuya ko nga pala siya.Pumunta na akong banyo para maligo. Nagsimula nang pumatak ang tubig galing sa shower. Sa bawat patak nito ay damang-dama ko. Mabilis akong natapos kaya nagbihis na. Bumaba ako at naabutan ko si manang na naghahain ng mga pagkain. Pumunta ako sa kaniyang gawi.Napatingin siya sa akin at nagsalita. "Oh, Thrizel, hija. Ang aga mo naman gumising." Tumango ako at bumati sa kaniya. "Good morning po." Naupo na ako. Nakita kong paakyat si manang sa hagdan. Marahil ay gigisingin niya sila Thrale at Link. Hindi ko na ito pinansin at nagsimula nang kumain. Bahala sila riyan. "Hi, good morning Thrizel. Ang aga mo naman yata." Napatingin ako sa nagsalita. Si
Thrizel's POVNagdidilig ako ngayon ng aming mga halaman, katulong ko ang aming kasambahay. Sabado ngayon kaya wala akong pasok. Nasa paggugupit ako ng mga dahon nang magsalita ang katulog ko rito."Ma’am, kita ko pong nag-away kayo ni Thrale noong nakaraang gabi, anong pong mayroon?" Natigilan ako ng sandali sa kaniyang tinanong. May pagkachismosa. Hmp.Ngumiti ako sa kaniya. "Tapos naman na po iyon, away magkapatid lang.""Sus, hindi naman kayo magkapatid niyan ni Sir Thrale e." Bigla itong tumawa. Iyan din iyong sabi niya kay mom nang makasama niya ito sa pag-aasikaso ng mga halaman.Nangunot ang noo ko roon. "Paano niyo po nasabi?" Saka muling bumalik sa ginagawa. "Nandito po ba kayo nang ipanganak kami?" Humalakhak ito kaya mas lalong nangunot ang aking noo. "Hindi, isang taon palang ako rito sa inyo e. Jusko, hija, hindi ka mabiro." Jusko ka rin, pinapakaba mo ako at pinag-iisip.Pinapaasa na rin, joke HAHAHAHAHAHAHA.Bigla namang may tumawag ng aking pangalan galing sa gate ka
Thrizelʼs POV Bagsak balikat akong pumasok sa loob. Nasa pinto na ako nang may marinig akong tawanan. Mukhang nandito na sina Link at mommy niya. Huminga ako nang malalim para hindi mapahalatang pinagbagsakan ako ng langit.Saktong pagpasok ko ay naagaw ko ang kanilang atensyon at ngayon ay nakatingin sila sa akin. Ngumiti ako at lumapit sa kanila. “Oh, hello hija.” “Hi, Tita.” Bati ko sa mommy ni Link. Ngumiti naman siya sa akin at niyakap ako. Niyakap ko naman ito pabalik. Pinansin ko rin ang aking pinsan at kuya. Ngumiti silang dalawa sa akin. Nagpaalam na muna ako sa kanila dahil kakauwi ko lang.“Tita, kuya at Link. Akyat na muna ako sa kwarto. Aayusin ko na muna ang binili namin ni Amira kanina.” Naglakad ako paalis sa sala at umakyat na sa kwarto. Nang nakarating ay ibinababa ang mga pinamili namin. Sumalampak ako sa aking kama kahit hindi ko pa nalilinisan ang aking katawan.Nakakapagod ang mga ginawa namin ni Amira pero mas dama ko ang lungkot dahil sa sinabi niya. Nakat
Thrizel’s POV"Aray!" Sigaw ko nang matisod ako. Ang bilis kasi maglakad ni Phryx. Matapos ang aming klase ay nakaabang siya sa paglabas ko sa aking silid-aralan. Hindi nga ako nagkakamali. May kailangan na naman siya at gusto niya akong makausap. Tsk.Kasi ito ang huli, hindi talaga gentleman ang lalaking ito. Sobrang bilis niya maglakad na halos takbuhin ko siya. Tsk, hindi niya man lang ako inalalayan o kaya hintayin. Nakakainis itong lalaking ‘to. Bakit ba kasi uto-uto rin ako at sunod sunuran sa kaniya? Argh.Kaya ang ginawa ko ay huminto. Likod niya ang aking nakikita, papalayo ito sa akin. Pagod na akong maglakad kaya ang ginawa ko ay tumalikod na. Ang kaso nagulat ako nang bigla akong umangat. Is he crazy?! Bakit niya ako binubuhat?"Ibaba mo nga ako!" Pagpalo ko sa kaniyang braso ngunit para itong walang narinig. Nandito pa naman kami sa likod ng paaralan. Baka may makakita sa aking estudiyante ngunit wala naman ng naglalakad."Phryx, ano ba?! Hindi kita kilala, don’t touch
Thrizelʼs POV “Dito muna titira sa atin si Anissa.” Masayang sabi ni kuya.Napakagat labi ako. Ngumiti sa kaniya ng pilit. “That's great, nasabi mo na ba kila mommy?” Tanong ko. Ayokong magpahalata na tutol ako sa kaniyang gusto.“Yes, pumayag naman sila.” May pagmamalaki ang pagkakasagot niya. Halatang masaya siyang nandidito si Ate Anissa. Napatango na lamang ako sa kaniyang sagot. “Ayos ka lang ba, Thrizel?” Mukhang nahalata niya ang pagrereaksyon ko. Marunong akong magtago ng nararamdaman pero sa ganito? Nahahalata agad ako.Ngumiti ako rito. “Oo naman kuya, nasaan na si ate?” Pag-iiba ko ng usapan. “Nasa kanila pa, susunduin ko mamaya.” Masaya nga siya. Kahit naman ako ay masaya dahil may makakasama akong babae bukod sa kanilang dalawa ni Link na puro lalaki pero may parte pa rin sa aking hindi. “Ah, sige, ipapaayos ko lang magiging kwarto niya.” Sabi ko rito at umalis. Tinawag ko ang isang katulong at sinabing ayusin ang bakanteng kwarto sa taas dahil may gagamit no'n. Tum
Thrizel’s POV"Good morning!" Sigaw ko sa loob ng aking kwarto, kakagising ko lamang. Tumayo ako at pumunta sa balkonahe. Ang sarap ng simoy ng hangin, nandito na rin ang sinag ng araw.Agad akong pumunta sa banyo para maligo dahil may pupuntahan ako. By the way, isang linggo ng nandidito si ate Anissa and you know what? Ang sarap niya kasama sa bahay. Hindi ako nagseselos dahil kapag niyayaya siya ni kuya or may ginagawa sila, sinasama niya ako. I love her na talaga, hmp.Nang matapos akong kumain ay bumaba na ako. Wala akong naabutang tao sa baba. Pumunta akong dinning area, wala pa rin. Himala? Bakit parang ako ang naunang nagising? May nakita akong sticky note sa refrigerator kaya kinuha ko iyon. Galing kay manang at sa pagkakabasa ko, namalengke siya at dadaanan ang kaniyang kaibigan.Agad naman akong tumakbo paakyat. Pumunta sa kwarto ni kuya. "Good morning, kuya..." Walang sumagot doon. Alam niyo na ang gawain ko, edi pumasok ako. Naabutan ko siyang nakasalampak sa kama. Hays,
Thrizelʼs POV “Kung hindi lang kita, kapatid baka magkagusto rin ako sayo.” Paulit-ulit na boses na naririnig ko aking taynga. Ramdam ko ang saya pero naalala ko na kailangan kong itigil ang kahibangan na ito. Magkapatid kami. “Hays.” Buntong hininga ko. Ito na naman ako, problemado. Siya lang talaga ang problema ko sa buhay ko. Sandali, siya lang ba ang problema ko? Isa lang pala sa mga problema ko sa buhay kong ito. Sa sobrang inis ko ay nahampas ko ang unan ko. “Thrizel.” Pagtawag sa akin ni ate Anissa. Napatingin naman ako sa pintuan ng aking kwarto at huminga nang malalim bago magsalita. “Pasok, ate.” Dahan-dahan namang bumukas ang pinto ng kwarto at saka pumasok si ate. Naglakad ito palapit sa akin at umupo sa aking tabi. “Ayos ka lang ba? Wala ka sa mood kanina pagdating mo.” Halata sa boses ang pag-aalala. Napangiti naman ako at saka sumagot. “Ayos lang ako.” “Sigurado ka?” Panigurado nito. “Ryke stop courting me.” Tumingin ako sa ibang direksyon. “Hey, Thrizel. Mag