Thrizel’s POV"Aray!" Sigaw ko nang matisod ako. Ang bilis kasi maglakad ni Phryx. Matapos ang aming klase ay nakaabang siya sa paglabas ko sa aking silid-aralan. Hindi nga ako nagkakamali. May kailangan na naman siya at gusto niya akong makausap. Tsk.Kasi ito ang huli, hindi talaga gentleman ang lalaking ito. Sobrang bilis niya maglakad na halos takbuhin ko siya. Tsk, hindi niya man lang ako inalalayan o kaya hintayin. Nakakainis itong lalaking ‘to. Bakit ba kasi uto-uto rin ako at sunod sunuran sa kaniya? Argh.Kaya ang ginawa ko ay huminto. Likod niya ang aking nakikita, papalayo ito sa akin. Pagod na akong maglakad kaya ang ginawa ko ay tumalikod na. Ang kaso nagulat ako nang bigla akong umangat. Is he crazy?! Bakit niya ako binubuhat?"Ibaba mo nga ako!" Pagpalo ko sa kaniyang braso ngunit para itong walang narinig. Nandito pa naman kami sa likod ng paaralan. Baka may makakita sa aking estudiyante ngunit wala naman ng naglalakad."Phryx, ano ba?! Hindi kita kilala, don’t touch
Thrizelʼs POV “Dito muna titira sa atin si Anissa.” Masayang sabi ni kuya.Napakagat labi ako. Ngumiti sa kaniya ng pilit. “That's great, nasabi mo na ba kila mommy?” Tanong ko. Ayokong magpahalata na tutol ako sa kaniyang gusto.“Yes, pumayag naman sila.” May pagmamalaki ang pagkakasagot niya. Halatang masaya siyang nandidito si Ate Anissa. Napatango na lamang ako sa kaniyang sagot. “Ayos ka lang ba, Thrizel?” Mukhang nahalata niya ang pagrereaksyon ko. Marunong akong magtago ng nararamdaman pero sa ganito? Nahahalata agad ako.Ngumiti ako rito. “Oo naman kuya, nasaan na si ate?” Pag-iiba ko ng usapan. “Nasa kanila pa, susunduin ko mamaya.” Masaya nga siya. Kahit naman ako ay masaya dahil may makakasama akong babae bukod sa kanilang dalawa ni Link na puro lalaki pero may parte pa rin sa aking hindi. “Ah, sige, ipapaayos ko lang magiging kwarto niya.” Sabi ko rito at umalis. Tinawag ko ang isang katulong at sinabing ayusin ang bakanteng kwarto sa taas dahil may gagamit no'n. Tum
Thrizel’s POV"Good morning!" Sigaw ko sa loob ng aking kwarto, kakagising ko lamang. Tumayo ako at pumunta sa balkonahe. Ang sarap ng simoy ng hangin, nandito na rin ang sinag ng araw.Agad akong pumunta sa banyo para maligo dahil may pupuntahan ako. By the way, isang linggo ng nandidito si ate Anissa and you know what? Ang sarap niya kasama sa bahay. Hindi ako nagseselos dahil kapag niyayaya siya ni kuya or may ginagawa sila, sinasama niya ako. I love her na talaga, hmp.Nang matapos akong kumain ay bumaba na ako. Wala akong naabutang tao sa baba. Pumunta akong dinning area, wala pa rin. Himala? Bakit parang ako ang naunang nagising? May nakita akong sticky note sa refrigerator kaya kinuha ko iyon. Galing kay manang at sa pagkakabasa ko, namalengke siya at dadaanan ang kaniyang kaibigan.Agad naman akong tumakbo paakyat. Pumunta sa kwarto ni kuya. "Good morning, kuya..." Walang sumagot doon. Alam niyo na ang gawain ko, edi pumasok ako. Naabutan ko siyang nakasalampak sa kama. Hays,
Thrizelʼs POV “Kung hindi lang kita, kapatid baka magkagusto rin ako sayo.” Paulit-ulit na boses na naririnig ko aking taynga. Ramdam ko ang saya pero naalala ko na kailangan kong itigil ang kahibangan na ito. Magkapatid kami. “Hays.” Buntong hininga ko. Ito na naman ako, problemado. Siya lang talaga ang problema ko sa buhay ko. Sandali, siya lang ba ang problema ko? Isa lang pala sa mga problema ko sa buhay kong ito. Sa sobrang inis ko ay nahampas ko ang unan ko. “Thrizel.” Pagtawag sa akin ni ate Anissa. Napatingin naman ako sa pintuan ng aking kwarto at huminga nang malalim bago magsalita. “Pasok, ate.” Dahan-dahan namang bumukas ang pinto ng kwarto at saka pumasok si ate. Naglakad ito palapit sa akin at umupo sa aking tabi. “Ayos ka lang ba? Wala ka sa mood kanina pagdating mo.” Halata sa boses ang pag-aalala. Napangiti naman ako at saka sumagot. “Ayos lang ako.” “Sigurado ka?” Panigurado nito. “Ryke stop courting me.” Tumingin ako sa ibang direksyon. “Hey, Thrizel. Mag
Thrizel's POV"Arella."Lahat kami ay nagtaka sa pagtayo ni kuya. Nakatingin ito sa labas. Para siyang may hinahanap o sinisipat. Nandodoon pa rin ang kaniyang atensyon kahit ilang beses itong tawagin ni ate Anissa.Kaya tumayo si mom. "Thrale, are you okay?" Tumingin naman sa akin si mom at muling bumalik kay kuya. "Arella? Thrale? Are you dreaming? Bakit mo pa binabanggit iyon?" Tiningnan din ni mom ang tinitingnan ni kuya, tiningnan ko rin iyon. Wala namang tao sa labas kun'di mga sasakyang dumadaan lamang.Arella? Naalala ko, binanggit ito sa akin ni kuya. Ito 'yong pinsan naming namatay, si Arella. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang banggitin iyon ni Thrale. Minumulto kaya siya?"M-Mom." Paos ang kaniyang boses. Hindi niya alam kung paano sasabihin. "I saw Arella.""She's dead, Thrale, umayos ka nga." Kalmado ang boses ni mom kaya napabalik ulirat niya si kuya.Umupo ito pero hindi mawala ang pagkunot ng kaniyang noo. Kahit kumakain siya, alam kong iniisip niya pa rin iyon."W
Thrizelʼs POVWalang gana akong bumaba para uminom ng tubig. Iniisip ko kung totoo ba ang napanaginipan ko o hindi. Napabuntong hininga ako. Nakarating na pala ako ng kusina nang hindi ko namamalayan. Kumuha ako ng tubig at ininom ito.“Kumusta ang tulog mo?” Tanong ng nasa likod ko pero hindi ko ito sinagot. Nanatiling iniisip ang aking napanaginipan.“Hey, Thrizel, wala ka yata sa sarili mo!” Napapitlag ako nang makita ko si Link. Nakatayo siya sa aking harapan pero hindi ko ito pinapansin.Nakaramdam ako ng wisik ng tubig sa aking mukha kaya napatingin ako rʼon sabay irap sa kaniya. Naglakad ako papuntang sala, wala si ate Anissa rito marahil nasa kwarto niya.“Iniiwasan mo ba ako dahil sa nalaman ko?” Tanong ni Link. Nakasunod pala ito sa akin. Psh.Tinignan ko siya at huminga nabg malalim. “Hindi kita iniiwasan, may iniisip lang ako.”Tinignan niya naman ako ng may pagsusuri. “Ano naman ang iniisip mo?” Tinaasan ako nito ng kilay. Gusto niya talagang malaman. “Hindi ko rin alam.
Thrizel’s POVNang maghapon ay umuwi na kami ni Link. Malapit lang naman ang parke sa bahay kaya nakauwi agad kami. Tiningnan ko siya dahil kanina pa nakakunot ang kaniyang noo, simula nang bumili siya ng tubig. Ang wirdo niya rin talaga minsan, I asked him kung may problema ba kaso ngumiti lang ito at umiling. Wala raw pero ganiyan siya ngayon."Are you okay?" Muli kong tanong, hindi ako mapanatag. Gusto kong alamin kung anong gumugulo sa kaniya."Pasok na tayo." Nilagpasan lang ako nito. Napabuntong hininga ako at sumunod nalang sa kaniya.Nang makapasok, hinanap agad ni Link si Thrale. Bakit? May nagawa ba si kuya? Kita ko namang pababa si Thrale ng hagdan, kunot noong tiningnan si Link."Why?""Sino ‘yong kasama mong babae kanina?" Agad na tanong ni Link. Iyon ang bumabagabag sa kaniya?"Babae?" Inisip pa ni Thrale kung ano ang tinutukoy ni Link. "Buong maghapon kong kasama si Anissa.""I saw you." Matigas na sabi pa nito. "Kanina, sa parke. Nakaput—" Hindi natuloy ang sasabihin n
Thrizelʼs POV Nakahiga na ako pero iniisip ko na naman ang pagtatalo namin ni Thrale kanina. Anong problema niya? Hindi ko na talaga siya maintindihan. Umaakto siya na parang boyfriend ko. Ayoko nang mag-overthink pero ang mga kinikilos niya’y kakaiba. Tsk. “Argh.” Napahilamos ako ng mukha dahil sa inis. Ang lakas niya pa rin umepekto sa akin. Lagi nalang ganito ang nangyayari. Kapag mag-isa ako, si Thrale ang naiisip ko. Iniisip ko! Palagi nalang. Paulit-ulit.Napagpasyahan ko nang lumabas ng aking kwarto para uminom ng tubig. Imbis na wala akong iisipin at poproblemahin, iyan na naman. Saktong pagbaba ko ng hagdan. Nakita ko si ate Anissa na nakaupo sa sofa, mukhang malalim ang iniisip. Hindi niya ako napansin, tiningnan ko na lamang siya at pumunta na sa kusina. Nagdala na rin ako ng tubig para kay ate mukha kasing kailangan niya. Naglakad ako ng palapit sa kaniya. amukhang malalim talaga ang iniisip nito dahil hindi niya ramdam ang paglapit ko. “Ate.” Agaw pansin ko. Nabalin