Thrizel’s POVHindi ako nakagalaw, nakatingin lamang ako kay Brooks. Kaibigan siya ni kuya? Paano? Saka bakit Kein ang pangalan niya? Nagkamali ba kami ng kwarto? Parehas gulat ang aming mukha ni Brooks, kahit ako ay hindi ko inaakala ito. Saka bakit siya nagulat? Dapat ako ‘yon, ‘di ba? Salit-salitan ang tingin sa amin ni kuya. Nakakunot ang noo marahil ay nagtataka kung bakit ganito ang aming reaksyon. Dapat una palang, inobserbahan ko na agad si Brooks. ‘Gaya no'ng sa birthday ni Gio, ibang school sila ni Blue pero bakit nandodoon sila? Sa kadahilanan bang kaibigan din ni Brooks si Gio? O sa kadahilanang kaibigan ni Brooks si kuya?"Magkakilala kayo?" Seryosong tanong ni kuya at umupo sa sofa. Nilapag niya ang dalang bulaklak sa mesa.Sasagot na sana ako ng oo ngunit inunahan ako ni Brooks. "Ah, no, ang laki na pala ng kapatid mo. Medyo nagulat lang ako." Natigilan ulit ako roon. Nangunot ang noo, bakit hindi niya sinabing magkakilala kami? Inalis ni Brooks ang tingin niya sa ak
Thrale's POV Nakahiga ako sa kwarto ko habang iniisip ang reaksyon ni Thrizel at Kein noong nagkita sila kanina. Para bang magkakilala na sila. Pinapakiramdaman ko sila kanina pero mukhang normal naman. Masyado akong pagod kaya napagpasyahan ko munang matulog. “Kuya, gising na, kakain na!” Rinig kong sigaw ni Thrizel mula sa labas ng pintuan ng aking kwarto. Mukhang kanina pa ako nito ginigising dahil sumisigaw na siya. Asar na siguro. “Oo na.” Pumunta akong banyo para maglinis ng katawan. Lumabas na ako ng kwarto pagkatapos kong maligo. Naabutan kong nakaupo na rin sila. “Kuya mo, Thrizel, nasaan na?” Tanong ni Anissa. Tinignan ako ni Thrizel at tinuro. Tiningnan niya naman ako at nginitian. "Let's eat, Thrale. Umupo ka na rito."Ginawa ko naman ito, hindi ako tumabi sa kaniya kun’di sa harap nila Link at Thrizel. Nagdasal muna kami saka kumain na. “Kumusta ang lakad niyo kanina ni Thrale, Thrizel?” Pagbubukas ng usapan ni Link habang nilalagyan niya ng pagkain ang plato ni T
Thrizel’s POVNandito ako ngayon sa aking kwarto, kanina pa ako hindi lumalabas. Hindi ko makalimutan ang sinabi ni kuya. No’ng unang panliligaw ni kuya kay Ate Anissa ay tuwang tuwa ako. Sabik na maging sila pero bakit ngayon? Ibang iba ang pakiramdam ko no’ng una. Ngayon na nasasaktan ako, hindi ko matanggap. Kahit anong gawin kong paglayo at pag-iwas, bumabalik pa rin talaga itong ibang pakiramdam. Isa nalang siguro ang paraan, ang gumamit ng tao para mawala itong nararamdaman ko kay Thrale pero iisipin ko palang nagaganap iyon, parang nakokonsensya agad ako.Napatingin ako sa aking pintuan nang may kumakatok. Hindi ako sumagot, pinakinggan ko lang ang bawat katok dito. Nakakatamad magsalita. Hindi katagalan, nagsalita na ang taong nasa labas ng aking kwarto. "I know you need a rest pero kailangan mo ring kumain, lumabas ka na riyan. Masyado mong dinadamdam ang hindi dapat." Lagi namang si Link ang nandiyadiyan. Buti nalang dito siya nagbakasyon sa amin. Kung hindi at wala siya
Thrizelʼs POV Walang nagawa si Thrale kun'di ako ang paunahin ang pagligo sa banyo. Ako ang bunso, dapat siya ang magparaya. Ayaw pa niya magpaubaya kanina tapos ako rin pala ang papaunahin. Nyenye. "Ang bagal mo, Thrizel." Iritable ang kaniyang boses. Bahala siya riyan. Matagal talaga akong maligo. P'wede namang sa labas nalang siya e. "Maghintay ka!" Sigaw ko naman mula sa loob ng banyo. Nagsasabon naman na ako ng katawan at sinigurado kong sinarado ko ang pinto. Nang matapos na akong maligo. Nagsuot na rin ako ng damit sa banyo dahil ayokong matulad muli ang nangyari noong dait. Pahamak na tuwalya at sabon na iyan. "Oh, I'm done, atat." Sabi ko agad pagbukas ko ng pinto. Agad namang naglakad palapit si Thrale. Nagkasalubong kami pero hindi ko na ito pinansin pa. Nakadadala kasi ang pangyayaring iyon. Kapag nandodoon ako sa banyo, dapat talagang iwasan ko si Thrale.Umakyat na ako para mag-ayos. Naghanap na rin ako ng mga dadalhin kong gamit. Sinukbit ko ang aking bag. Kinuha
Thrizel's POVLumapit ako kay kay kuya dahil tinawag ako nito. Seryoso lang ang kaniyang mukha, hindi ko mawari kung anoman ang kaniyang dahilan. Nang makalapit ako, sa iba siya bumaling. Tiningnan ko rin ang kaniyang tinitingnan, ngayon ko lang napagtantong maraming lalaki ang nakatingin sa akin. Kung titingnan mo, mahahalata mo agad na magkakasama sila."Magpalit ka ng damit doon, masyadong maiksi iyan." Utos sa akin ni Thrale, maowtoridad.Umangal agad ako sa kaniya. "Anong gusto mo? Magjacket ako at magpanjamas gano'n? Saka ayos na ito, ang pogi naman ng nasa gitn-""Thrizel!"Dinilaan ko lang siya at bumalik na sa dagat. Napailing-iling naman ito, wala ng nagawa kun'di ang pumunta kay Ate Anissa. Bahala ka riyan. Nananahimik akong naliligo rito, tatawagin mo ako. Hindi ko na nga kayo pinapakialam ng girlfriend mo. Gusto kong mapag-isa, sa totoo lang.Nakita ko namang papunta sa aking gawi si Link. Lumusob siya sa tubig at pumunta sa akin. Hindi ko siya pinansin, lumubog ako at lu
Thrizelʼs POV Nandito ako sa kwarto para magpahinga. Nakakapagod ang maligo sa dagat. Isama mo si Sittie na akala niya mauutakan niya ako. "Thrizel, mukhang malalim ang iniisip mo?" Biglang sulpot ni Ate Anissa. Kanina ay nasa baba ito. "Hindi naman, ate." Sagot ko sa kaniya at pinikit ang aking mga mata. Gusto ko nalang matulog. "Magkasama kayo ni Link kanina, saan kayo galing?" Natigilan ako sa kaniyang tanong pero agad ding nakabawi. "Sumakay lang ng bangka, ate." Ayokong sabihin sa iba ang ginawa ni Sittie sa akin. Ayokong malaman ni Manang Perry na ganoon ang pag-uugali ni Sittie. "Mukhang pagod ka, magpahinga ka na muna." Iniwan niya akong nakahiga sa kama. Napahinga ako nNg malalim. "Makatulog na nga." Kausap ko sa aking sarili.Ipipikit na ang mata nang biglang may kumalabog ng pinto ng kwarto kaya napatingin ako. Si Sittie iyon. Siya na naman. "Kailangan?" Tamad ko na tanong sa kaniya. Imbis na sumagot ito sa aking tanong ay dire-diretso siyang pumasok sa kwarto. Ra
Thrale’s POV"Kailan kayo matatapos?"Agad silang napatingin sa aking gawi, naglayuan din sa isa’t isa. Bumaling ako sa iba at humawak nalang ng kung ano-ano. Nagtatanong lang ako, wala ng ibig sabihin iyon. Maayos ang reaksyon ko, walang kataka-taka roon. Gusto ko lang alamin kung bakit kailangan pang mangganoon? Lumalabas ba na wala akong tiwala kay Link? Hindi, may tiwala ako sa kaniya. Nagtataka ako sa aking isipan. Inuulit ko, anong gusto nilang iparating?"Thrale, magpinsan naman sila. Wala ka dapat ipag-alala."Nanlaki ang aking mga mata, natigilan ako. Hindi ko alam kung paano gagalaw para humarap kay Anissa. Anong ibig sabihin niya? Anong nasa isip nito? Ang pagtatanong ko ay kung kailan sila matatapos. Bakit iba ang pagsasabi nito sa akin? May nahahalata ba siyang iba? Wala dapat, dahil wala naman talaga."What are you saying, hon?" Lumapit ako sa kaniya. Pinulupot ko ang kanang kamay ko sa kaniyang baywang. "I’m just asking, wala naman dapat akong ipag-alala." Huminga ako n
Thrizelʼs POVNagising ako ng sobrang pawis na pawis. Damang dama ko ang kamay ng lalaking iyon sa aking panga. Parang sa akin niya ginawa. Sino ba ang batang iyon? Bakit pati ako ay nakakaramdam ng sakit na nangyayari sa kaniya? Patuloy ako na naguguluhan. Bakit nadadamay ako?“May nangyari ba sa ‘yo, Thrizel?”Agad akong napatingin sa nagsalita. Ganoon nalang ang aking gulat nang makita ko si Thrale.Agaran ko siyang tinanong. “Oo, bakit ka nandito?” “Para gisingin ka at kumain. Ligpitin mo na rin mga gamit mo. Uuwi na tayo maya-maya but again, eat first.” Mahabang lintaya nito. Buti hindi siya nagtitipid ng salita ‘gaya ng dati. Tumango na lamang ako sa kaniyang sinabi at naunang lumabas ng kwarto. Nakarating ako sa hapagkainan. Hindi ko na dapat iniisip ang mga gano’n lalo na’t alam kong hindi ako konektado. Bangungot lang ba iyon? Panaginip? O gawa-gawa ng aking isipan? Hayaan na.“Good morning.” Naupo ako sa tabi ni Link. ‘Gaya ng lagi niyang ginagawa, nilalagyan niya na nama