Share

Chapter 47:

Thrizelʼs POV

Walang gana akong bumaba para uminom ng tubig. Iniisip ko kung totoo ba ang napanaginipan ko o hindi. Napabuntong hininga ako. Nakarating na pala ako ng kusina nang hindi ko namamalayan. Kumuha ako ng tubig at ininom ito.

“Kumusta ang tulog mo?” Tanong ng nasa likod ko pero hindi ko ito sinagot. Nanatiling iniisip ang aking napanaginipan.

“Hey, Thrizel, wala ka yata sa sarili mo!” Napapitlag ako nang makita ko si Link. Nakatayo siya sa aking harapan pero hindi ko ito pinapansin.

Nakaramdam ako ng wisik ng tubig sa aking mukha kaya napatingin ako rʼon sabay irap sa kaniya. Naglakad ako papuntang sala, wala si ate Anissa rito marahil nasa kwarto niya.

“Iniiwasan mo ba ako dahil sa nalaman ko?” Tanong ni Link. Nakasunod pala ito sa akin. Psh.

Tinignan ko siya at huminga nabg malalim. “Hindi kita iniiwasan, may iniisip lang ako.”

Tinignan niya naman ako ng may pagsusuri. “Ano naman ang iniisip mo?” Tinaasan ako nito ng kilay. Gusto niya talagang malaman.

“Hindi ko rin alam.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status