Home / All / Loving His Vengeance / Chapter 1 - The Past

Share

Loving His Vengeance
Loving His Vengeance
Author: Niass

Chapter 1 - The Past

Author: Niass
last update Last Updated: 2021-09-21 20:30:55

"Ano bang nangyayari sayo!" Galit na sigaw ni Dad ang umalingawngaw sa loob ng malaking mansyon. 

Nandito ako sa gitna ng hagdan habang nakasilip sa dalawang taong nagtatalo sa aking harapan. 

"Ano bang nangyayari sa 'kin? Wala nangyayari, Levi," sagot ni Mom na tila nagsusumamo. Nakita ko ang paglapit niya kay Daddy at sa pag-ambang hawakan ang kamay nito ngunit umatras si Dad.

Umiling si Dad, "Meron nagbago, Alisa. May nagbago una pa lang!" Nagtatagis ang boses niya habang ang mga mata'y maluha-luha na. 

Bumagsak ang luha ni mommy sa kanyang mga mata. "Anong dahilan para magbago ako, Levi? Masaya tayo hindi ba? Maayos tayo-" napasinghap ako ng paliparin ni Daddy ang kanyang kanan palad sa kabilang pisngi ni Mommy. 

Stop, Tama na, Dad..

"Sinungaling! Kung noon naloko mo na ako, ngayon hindi na!" Galit na galit ang boses ni Dad ng sabihin niya 'yon.

"Hinding hindi mo na ako maloloko, Alisa. Hinding-hindi na kailan man!" Ang galit at sakit na nakaguhit sa mukha ni Dad  ay biglang nawala nang ngumisi si Mommy sa kanyang harapan at nagpakawala ng malakas na halakhak. 

Mom.

Ano ito!

"Nagbago man ako ay dahil sa iyo 'yon, Levi! Kasalanan mo kung bakit ako nagkakaganito! K–Kasalanan mo lahat!" Galit na sigaw ni Mom.

"Ano pa bang kulang sa akin? Minahal kita, Levi! Binigay ko lahat na halos wala nang natira sa akin.." bumagsak ang mga luha ko habang naririnig iyon kay Mommy. 

"Ginawa ko ang lahat upang matugunan ang pagiging mabuting ina at asawa sayo. Lahat ginawa ko na pero nakuha mo pa rin akong  palitan at saktan!" lumuluhang sigaw niya habang hawak ang kanyang dibdib, "..at sa pagmamahal na 'yon, Levi.. n–naging sakim ako. Naging marumi akong makipag-laro sayo, sa kanya, at dahil iyon sa lintik kong PAGMAMAHAL!" 

Napapikit ako ng mariin dahil sa kirot na naramdaman ko. Kung patuloy kong maririnig ang mahinang hagulhol ni Mommy sa magkabila kong tainga ay madudurog lang aking puso. Kailan man ay hindi ko narinig o nakitang umiyak si Mommy ng ganito. Hindi kailan man. Dahil sanay akong nakikita siyang masaya at matapang.

Idinilat ko ang mga mata at tumama iyon kay Mommy na walang tigil sa pagluha habang nakatingin kay Daddy na puno nang pagsisisi sa kanyang mga mata. 

Tama na..Mom.. Dad... maawa kayo...

"S–Sa ating dalawa.. ikaw ang sumobra, Levi.. l–lumabis lang ako.."

Nakita ko ang pag-antras ni Daddy na parang nanghina sa kanyang mga narinig. Natigilan ako ng dahan-dahan kumawala ang maliliit na tubig sa kanyang mga mata habang nakatingin kay Mommy na walang tigil sa  paghagulhol. Umiiling siya at parang hindi na alam ang kanyang gagawin. Itinaas niya ang nanginginig niyang dalawang kamay at mariin na tinignan iyon sandali.

Nanlaki ang mga mata ko at napahakbang ng isang beses sa hagdanan nang sumugod si Dad kay Mommy at mabilis na inilagay ang dalawang kamay sa leeg nito. 

"Ahh, " sigaw ni Mommy. 

"D-Dad!" nagsimulang lumabo ang mga mata ko. Mula rito sa aking kinatatayuan ay kita ko ang paghigpit ni Dad sa leeg ni Mom, tila ayaw niyang bigyan ito ng hangin. 

"Hayop ka, Alisa! P–Paano mo nagawa iyon!?" 

"B-Bitawan mo ako. H-hindi ako makahinga, Levi! " ang kaninang maaliwalas na mukha ni Mommy ay hindi na maguhit pa. 

"Anong karapatan mong pumatay ng inosenteng tao, Alisa!? Anong karapat–"

"N–Nagagalit k–ka ba, L–Levi, dahil p–pumatay ako ng inosenteng tao o nagagalit ka d–dahil pinatay ko ang babaeng k–kinababaliwan mo.." nahihirapang tanong ni Mommy dahilan natigilan si Dad.

"A–Alin ba roon a–ang kinagagalit mo, L–Levi? Bakit g–ginagawa mo sa akin ito? M–Minahal kit–"

"Tumigil ka na!" Nanlaki ang mga mata ko at napasinghap sa nakita ko. Ang kaliwang kamao ni Dad ay malaya niyang pinalipad sa tiyan ni mommy dahilan ito'y napaluhod sa sahig at mamilipit sa sakit.

"Mom!" Naiiyak kong sigaw nguni't  hindi niya ako pinansin. Binitawan siya ni Daddy kaya't napasalampak siya sa sahig. Hindi rin nakatakas sa akin ang pagdura ni Dad kay Mom, wari'y diring-diri  sa kanya bago umalis. 

Mabilis akong bumaba sa hagdan at sinubukang lapitan si Mommy upang tulungan siyang tumayo at umalis roon gayo'n umalis na si Dad pagkatapos niyang gawin iyon sa kanya, at hindi ko alam kung saan na pumunta. 

"M–Mom" umiiyak kong tawag. Nanghihina ang mga paa ko, tila ang hirap para sa akin gumalaw dahil sa sitwasyon ni Mommy ngayon sa harapan ko.

Bakit nagawa ni Daddy ito?  Bakit kailangan niyang saktan si Mommy ng ganito?

"H-Huwag kang lalapit.." napatigil ako ng sabihin iyon ni Mommy, "d'yan ka lang, Alecia." Utos niya, halatang nahihirapan sa lagay niya ngayon. 

Umiling ako, "M-Mom, hindi po" hagulhol ko, sinubukan pa uli humakbang upang makalapit sa kanya..

"Sinabi ng d'yan ka lang!" Galit na sigaw niya dahilan napahinto ako at nagulat.

Umiling ako, "Mommy p–please.. b–baka dumating na si Daddy.. sasaktan ka niy–" 

Marahas siyang bumuntong hininga, "S-Sumunod ka sa inuutos ko, honey" pinal at nanghihinang wika ni Mommy. 

Umiling akong muli, "Mom-" napatigil ako at para bang nahigit ko ang aking hininga nang marinig ang boses ni Dad sa aking likuran. 

Bumalik siya? 

"Kung ang hayop na katulad mo ay hindi ko mabago, patawad.." dahan-dahan akong napalingon sa aking likuran at nakita ko si Dad na naglalakad sa gawi ni Mommy habang may hawak na bagay sa kanyang kanang kamay na kumislap sa aking mata.

Napaurong ako. Nagsi-unahan bumagsak ang mga luha ko sa aking mga mata habang nakatingin sa bagay na 'yon. 

"K–Kailangan kitang tapusin. Hindi  na kita hahayaan pang manakit ng iba. Mamatay ka sa ilalim ng mga kam-" agad akong napatakbo papalapit kay Dad sa takot na baka saktan niya muli si Mommy nguni't napahinto ako nang humarap siya sa aking gawi. 

Mga matang nababalutan ng galit. 

Mga matang nababalutan ng lungkot at sakit. Halo-halong emosyon ang nakikita ko ngayon sa kanyang mga mata kaya't hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya. 

"D-Dad" gumagaralgal kong tawag sa kanya habang umiiling. " H-Huwag. Huwag m-mo pong gagawin, please.." halos lumuhod na ako sasahig, sa harapan ni Daddy matigil lang ang kanyang binabalak na gawin kay Mommy. 

Tumulo ang mga luha niya sa gulat niyang mga mata. "Alecia, anak."

"H-Huwag, Dad.. n–nagmamakaawa po ako sa inyo.." patuloy akong umiiling sa kanya.

Pumikit siya ng mariin at umiling ng ilang beses na para bang may hindi siya gustong sang-ayunan, pagkatapos ay dumilat rin at doon nakita ko ang labis na poot at galit, tila mabigat ang kanyang dinadala. "Patawad, p–prinsesa ko, patawad.. Alecia.." umiiyak niyang sinabi bago lumingon sa gawi ni Mommy na hanggang ngayon ay inihinda pa rin ang sakit sa t'yan. 

Gusto kong humagulhol habang nakasalampak sa sahig. Gusto kong sumigaw at magwala sa sakit ngunit parang wala na akong boses at lakas. Sunod sunod tumulo ang mga luha ko na parang gripo sa aking pisngi at may kung ano sa puso ko ang sumabog ng masaksihan iyon..

"Die, Alisa. Die!" Sigaw ni Dad. 

"Ahh!!" Napabangon ako sa aking kama habang habol ang aking hininga. Panaginip. Panaginip na naman.

Ilang taon na ang lumipas nguni't ganito pa rin ako. Gigising sa bangungot at iiyak sa gabi o umaga.

Tumakas ang mga luha ko at mahigpit na hinawakan ang dibdib kong kumikirot. Ang sakit sakit. Kahit anong gawin ko. Nandito pa rin iyung sakit at takot, hindi mawala. Naging permanente na. 

Tumingin ako sa lamesang malapit lang sa kama ko at do'n ay nakita ko ang nakalapag na maliit kong orasan. 

Three o'clock ng pang-umaga. 

Napabuntong hininga ako at pinalis ang luhang natuyo sa aking pisngi bago bumangon sa kama at lumabas ng kwarto ko. 

Huni ng mga paniki ang aking narinig ng maingat akong bumaba sa hagdan para kumuha ng maiinom.

Ilan sa mga kapitbahay ko ang may ayaw sa akin at gusto. Karamihan rin sa iba ay takot sa akin. Natawa pa ako noon nang binansag nila ang mansyon na tinitirhan ko'y haunted house, dahil sa sobrang tahimik at walang taong nakatira kundi ako lamang. 

"Alecia" napatigil ako at napalingon sa likod ng marinig ang pangalan ko subali't walang tao. 

Umiling ako at napabuntong na lang ng hininga. Pilit inaalis ang kirot sa aking puso.

Tapos na ako uminom ng mapag-isipan ko nang tumaas sa kwarto para magpahinga.

~Kring kring kring 

(tunog ng alarm clock) 

NAGPUPUNGAY akong bumangon sa kama at lumapit sa bintana kong nahaharangan ng puting kurtina. Itinali ko ito na parang rosas dahilan nakapasok ang sinag ng araw sa aking kwarto. 

"Good morning, Alecia," bati ko sa aking sarili, bago dumeretso sa orasan kong patuloy sa pagtunog nito.

Five-Thirty ng umaga. 

Tama lang pala ang pagbangon ko dahil hindi ako malelate nito. Ang oras kasi sa pagpasok ng school ay seven o'clock at ang umpisa ng klase ay eight o'clock, kaya naman mahaba-haba pa ang oras ko. 

Nag-umpisa na ako maglinis ng kama. Pinalitan ko ang kumot at unan ko dahil ilang araw na rin itong hindi napalitan. Kahit ang pader ay nilinisan ko matanggal lang ang unting mga alikabok na nakadikit rito. Pagkatapos ay ang sahig naman. Pinunasan ko ito ng basang trapo. Dahan-dahan lang ang ginawa ko sa pagpupunas dahil baka madulas ako. Baldosa ang inaapakan ko kaya't madali lang matanggal ang malagkit o madulas nito. 

Done. 

Tapos ko na lahat ng maisipan ko nang pumasok sa banyo at maligo na. Isang minuto ang nawala bago ako lumabas sa banyo at nagbihis na. 

Bumaba na ako sa hagdan at dumeretso sa hapag kainan para mag-almusal at makapasok na sa school. 

Biyernes ngayon kaya simple lang ang suot ko. White t-shirt na V-neck and ripped jeans na black. Tuwing biyernes lang kami napapayagan mag-suot ng ganito, At kapag sumapit naman ang lunes hanggang huwebes ay dapat naka-uniform. Masungit pa man din ang guro ko sa P.E.

Napailing ako at tumingin sa pagkain kong nilalamig na sa plato dahil hindi ko ito ginagalaw. Umupo ako saglit at sumubo ng dalawang sandok na kutsarang kanin at kumurot sa pinrito kong itlog, bago uminom ng gatas at tumayo nasa upuan. 

Im done. 

Kinuha ko ang aking bag sa gilid at nilapag ito sa lamesa para ipasok ang maliit na tupperware na naglalaman ng tatlong toasted bread. Minsan ay kapag unti lang ang aking kinakain ay nagbabaon ako ng pandesal na may peanut butter sa loob at kung hindi iyon ay toasted bread. 

Nagsimula na akong maglakad nguni't napahinto nang maalala na hindi pa pala nasuklayan ang aking buhok. Napailing na lang ako at pumunta na sa malaking salamin na nasa gilid lang ng hagdan. 

Dahan-dahan ang ginawa kong pag-angat ng tingin sa salamin, wari'y natatakot at kinakabahan. 

Napatitig ako sa sarili. Everytime I look at my mirror, I always see my past.

Mga ala-ala na ayaw ko nang balikan pa. Ala-ala na pilit kong kinakalimutan sa aking isipan nguni't hinihila ako pabalik. 

Pumikit ako at napabuntong hininga bago dumilat at kinuha ang suklay na nakatali lang sa gilid ng salamin. Nakatingin lang ako sa salamin nang umpisahan kong suklayan ang aking buhok. "You're so beautiful, Alecia" napatigil ako. "Wala pa rin nagbago sayo. Ikaw pa rin ang alecia ko," wika ng isang babaeng pinagmamasdan ako kanina pa sa salamin. 

Napakuyom ang aking kamao at pilit kinalma ang sarili nang makita ko sa salamin ang paglapit niya at pagbaba niya ng ulo malapit sa 'kin tainga. "You can't escape to me, Alecia, You belong with me" bulong nito bago lumayo sa 'kin. Nakatitig lang ako sa kanya nang sumilay ang isang mala-demonyo niyang ngiti na nagpakilabot sa aking buong katawan.

Kinuha niya ang suklay sa 'kin at siya mismo tumuloy sa pagsuklay ng buhok ko. 

"Do you understand?" Mapanganib ngunit mahinahon niyang tanong. Napagitla ako ng marahan niyang pinalandas ang kaliwa niyang kamay sa mahaba kong buhok. 

"Do you understand, Alecia?" Ulit pa niya nguni't hindi ko siya sinagot. Nanatili akong tahimik at seryoso sa kanyang harapan nang bigla niyang hinugot ang aking buhok ng pagkalakas na halos ikasigaw ko na.

"I said, do you understand!?" Ngayon galit na ito. Dahil ang kaninang pula niyang mga mata'y naging itim na lahat.

Simbolo na isa siyang demonyo. 

"Y-yes" nauutal na sagot ko. Pigilan ko man ang sarili na wag matakot ay hindi ko kaya. Nanghihina ako. 

Napapikit ako at napasigaw nang kumirot ang ulo ko at napahawak ng mahigpit sa bag ko nang may nagpakitang larawan sa mga mata ko. Mga larawan na matagal ko nang nilimot. Mga ala-alang itinapon ko na sa nakaraan ngunit pilit bumabalik at nagpapakita sa aking isipan.

Napaluhod ako sa sahig dahil sa hindi ko kaya ang tindi ng kirot sa aking ulo, tila niwawasak niya ang aking isipan. 

Hinahabol ko ang aking paghinga na kahit sa pag-galaw ay hindi ko magawa dahil sa panghihina, "Good girl, Alecia" wika niya bago tuluyan nilamon ng dilim ang aking paningin. 

--

NAGISNG ako ng maramdaman ko ang lamig ng sahig plus ang malakas na hangin na tumatagos sa kurtinang puti na nasa kanan ko lang. Dahan-dahan akong umupo at tumingin sa taas ng dingding. 

Five twenty-two ng hapon. 

Malalim akong napabuntong hininga ng mapagtantong hindi ako nakapasok sa school. Tumayo ako sa pagkakaupo sa sahig at inayos ang sarili bago ang bag kong nakasabit pa rin sa aking balikat. Naglakad ako papunta sa hagdan at maingat na pumanhik sa itaas ng aking kwarto. 

Pabagsak akong nahiga sa kama, sabay pakawala ng malalim na buntong hininga. Para bang pasan ko ang bigat ng mundo kaya ganito kabigat ang nararamdaman ko. 

"W-wag, dad, p-please.. " nagmamakaawang sabi ko subali't parang hindi niya ako narinig dahil patuloy itong lumalapit kay Mommy. 

"Levi, 'W-wag. M-maawa ka.." rinig kong nanginginig na boses ni Mommy habang umuusog palayo. 

"Dad, p-please no!" Humahagulhol ko nang sigaw. 

P-please, stop. 

"N-no, Levi. I know you can-" gulat at sakit ang rumehistro sa aking mukha bago ko naramdaman ang sunod sunod kong luha na bumagsak sa aking mga mata nang makita ang kutsilyong tumagos sa leeg ni Mommy, na si Dad ang may gawa. 

Tumulo ang mga luha ko nang maalala ang trahedyang iyon. Kung paano pinatay ni Dad si Mommy sa aking harapan ng walang awa. 

Bakit ba nangyayare sa 'kin ito? 

Bakit kailangan kong danasin ang sakit na 'to? 

Pumikit ako ng mariin dahilan may tumulo muli na luha sa gilid ng aking mga mata. 

"A-akala ko nakalimot na ako. Akala ko okay na ako. A-akala ko kaya ko na.. h-hindi pa pala" mahinang bulong ko, bago ko naramdaman ang pagpikit ng aking mga mata. 

-^ ^-

🎶I remember the day

Even broke down the date, that I fell for you~

Nagising ako ng marinig ko ang cellphone kong tumutunog. Kinusot ko ng mahina ang kanang mata ko bago ko kinuha ang aking cellphone na nakalapag sa desks at sinilip kung sino ang tumatawag sa 'kin ngayon gayo'n mag-uumaga pa lang. Kumunot ang noo ko ng unknown number ang nakita ko sa screen pero sinagot ko pa rin dahil baka importante ito.

"Hello," pag-uumpisa ko. Narinig ko ang mahinang singhap sa kabilang linya ngunit hindi ito nagsalita. "Sino po sila?" Tanong ko at ilang sandali pa ang hinintay ko pero wala pa rin akong nakuhang sagot. 

Napabangon ako at umusog sa likod para sumandal sa head ng kama. "Kilala po ba kita? Anong kailangan mo?" Sunod sunod kong tanong subali't malakas na buntong hininga lang ang natanggap ko mula sa kanya. 

Napataray na lang ako sa kawalan ng mapansin na walang balak magsalita ang kausap ko ngayon sa cellphone. "Okay, kung hindi ka magsasalita?I'm gonna end thi-" naputol ang sasabihin ko nang sa wakas ay nagsalita na rin ito. 

"Ako si Lukas. Malapit lang ang condo ko sayo. Tumawag ako hindi para pahabain-" 

"Lukas?" Putol ko sa kanyang sinasabi. 

"Yeah, bingi lang?" Medyo inis niyang tanong. Napataray ako. 

Ako bingi? Ang kapal huh! 

Wait, Lukas? Saan ko ba narinig uli ang pangalan na 'yon? 

Pumikit ako at inisip kung saan ko narinig iyon dahil medyo pamilyar sa 'kin ang pangalan na lukas. 

Lukas? Lukas Santillan? Lukas Sergio? Sh*t! 

Mariin na akong nakapikit ,tila naiinis na. Hanggang sa nanlaki ang aking mga mata nang maalala ko na, "Kaklase kita! Ikaw yung nasa row 3, right?" Sigaw ko. Nasa pang-apat na row ako. Sa pinakadulo. Siya naman ang pagkakaalam ko'y nasa pang-tatlong row. Pinakadulo rin.

Napakunot-noo ako. Sa pagkakaalam ko'y masungit at mainitin ang ulo nang taong ito. Hindi rin mahilig makipag-usap kahit kanino. 

"Oo, narinig kita! Wag kang sumigaw"

Lihim akong natawa, "So, anong kailangan mo? At bakit pala na sayo ang numero ko?" Tanong ko. 

"No'ng biyernes ay wala ka" saad niya tila walang gana. Tumango ako na parang bang nakikita niya ako. 

"Oo, w-wala nga ako, bakit?" Tanong ko, kinakabahan. 

"May ipinagawa si Car-Ma'am Carol na activity satin lahat, At sabi'y by partner. By surname ang ginawa ni Ma'am, " mahabang sabi niya. Tumingin ako sa orasan kong nasa gilid. 

Three thirty-one ng mag-uumaga. 

Mukhang matagal tagal pa itong usapan. 

"Then? H-hindi ako sinali?" Tanong ko. Hindi siya sumagot. Kinabahan ako. Hindi ako sinali? Babagsak na naman ba ako? 

Napapikit ako ng mariin. Alam kong galit at ayaw sa akin ng guro 'yon pero huwag naman iyong ganito. Wala naman akong maalala na may ginawa akong masama sa kanya? Basta ang naaalala ko'y nagalit siya sa akin nang hindi ko sinasadyang natapunan si Lukas ng Chocolate na coffee sa uniporme niya. 

"Uyy, A-anong nangyare ka ko? Ibabagsak ba daw ako sa sub niya?" Dagdag kong tanong.

"Sarmiento at Sandryes.." napatigil ako at medyo nalito ng banggitin niya ang huling apelyido ko at apelyido niya. What? 

"Ikaw at ako.." aniya na nagpatigil sa akin. Para bang alam ko na ang kasunod niyang sasabihin. 

No, this can't be. 

"Tayo ang mag partner" dugtong niya dahilan nabitawan ko ang aking cellphone. 

Now, im dead. 

--

#LHV #LovingHisVengeance

Related chapters

  • Loving His Vengeance   Chapter 2 - Sandoval and Sandryes

    -- Nakatulala ako sa itaas ng kisame habang nakahiga sa aking kama at pinoproseso ang lahat ng sinabi ni Lukas. Ako at siya ay magka-partner? Pumikit ako ng mariin at nilagay ang kanang kamay sa aking mga mata, tila ang bigat ng nararamdaman ko ngayon. Parang gusto ko na lang magpahinga ng matagal. "Sandoval at Sandryes. Tayo ang mag ka-partner" napailing ako ng maalala ang huling sinabi ni Lukas kanina bago namatay ang dulo ng linya. Bakit siya? Bakit kaming dalawa pa? Ano'ng pakulo na naman ba ng guro na 'yon! May pa activity at partners pang nalalaman! "Argsh!" Hindi pwede ito. Kailangan ay may gawin ako. Kaya lang may magagawa pa ba ako? Nasabunot ko na lang ang buhok sa inis na naramdaman. Pero anong gagawin ko? Iwas ako sa mga tao lalo na sa mga kaklase ko. Nasanay akong mamuhay mag-isa at hindi kinakailangan

    Last Updated : 2021-09-22
  • Loving His Vengeance   Chapter 3 - Baliw Ka At Hindi Makaintindi

    NAGPUPUNGAY akong bumangon sa kama at lumingon sa kanan ko para silipin kung anong oras na.Seven twenty-four ng umaga.Tuluyan na akong umalis sa kama at uminat sandali bago ko naisipan na lumabas sa kwarto at dumeretso sa ibaba para mag-almusal.Sabado ngayon at wala kaming pasok sa school kaya mananatili lang ako dito sa loob ng mansyon. P'wera na lang kung may kailangan akong bilin sa labas ay lalabas talaga ako.Dumeretso ako sa malaki kong kusina at pumunta sa fridge. Pagka-bukas ko pa lang nito ay bumungad na sa 'kin ang iba't ibang pagkain. Chocolates, chips, drinks, fruits, ect.Pinupuno ko talaga ang fridge ko ng ganitong mga pagkain nang sa ganoo'y hindi na ako lalabas sa tuwing walang pasok sa school. Hindi ko alam pero nasanay akong kinukulong ang sarili sa mansyon na 'to plus hindi ko gusto makihalubilo sa iba.

    Last Updated : 2022-01-15
  • Loving His Vengeance   Chapter 4 - Honey

    Tahimik akong nakadungaw ngayon sa hagdan. Sinisilip kung nakaalis na ba si Lukas gayo'n iniwan ko siya dito nang mag-isa sa baba pagkatapos ng palitan naming salita kanina. Kumunot ang noo ko at tumaas ang kabilang kilay. Wala na siya? Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan habang palingon-lingon pa rin sa kanan at kaliwa ko. Napanguso ako. Mukhang umalis na nga siya.. Napabuntong hininga ako at hindi maiwasan mapangiti. Sa kabila ng mga narinig ko mula sa kanya. Sa kabila ng mga nasabi niya mula sa akin ay nakukuha ko pa rin ngumiti na parang wala lang ang lahat. Napailing na lang ako at nagpasiyang lumakad papunta sa loob ng kusina nang maalala ang pagkain kong iniwan ko roon. Baka lumamig na iyon. Napabuntong-hininga ako. Tapos na sana ako kumain ngayon kung hindi lang sumulpot at nagpakita ang mayabang na lalaking iyon!

    Last Updated : 2022-01-16
  • Loving His Vengeance   Chapter 5 - Infirmary

    Mga mabibigat na yapak at buntong-hininga ang tanging bumabasag sa aking paligid habang tinatahak ang hagdan papunta sa pangatlong palapag kung saan naroon ang pangalawang subject na susunod sa sched ko. Bukod sa akin, wala na akong makita na estudyante pa'ng naglalakad sa gitna ng ganitong oras at may klase na. Lalo pa't kung ikaw ay late at ang dahilan mo ay hindi makatwiran sa guro. Napailing ako. Alam kong hindi ito tama at gawain ng isang estudyanteng tulad ko pero nagagawa ko. "Stop," matigas na ingles ni Ma'am Cha ang nagpatigil sa 'kin nang pumasok ako sa pintuan nakabukas at dumiretso na parang wala lang at hindi na-late. Tumigil ako sa paglakad tulad ng sabi ng guro. Ramdam kong nakatingin sa 'kin ang lahat ng kaklase ko ngunit hindi ko 'to binigyan ng pansin o tingin man lang sa lahat. "You're late," ani Ma'am Cha, tila na huli ako sa

    Last Updated : 2022-01-16
  • Loving His Vengeance   Chapter 6 - Infirmary 2

    "O-okay na ako.. pwede mo na ako ibaba," pagbasag ko sa gitna ng katahimikan namin dalawa habang tinatahak ang papuntang clinic. Nakayuko ako kaya hindi ko nakikita ang mukha niya. Masyadong mahigpit ang hawak niya sa 'kin at malapit ang mukha 'ko sa kanya, kaya isang maling galaw at angat man lang ng ulo ko'y magtatama ang mata at labi namin dalawa. My height is 5'6 at sa tingin ko ay 5'9 siya dahil hanggang leeg niya lang ako. Mahaba rin ang buhok ko na umabot hanggang beywang at ang dulo nito ay kulot. Dahil mahaba at ayaw kong ilaglag ang buhok ay pinupusod ko na lang ito parati. "Lukas," tawag ko nang hindi niya ako kibuin. Inangat ko ang ulo ng dahan-dahan upang hindi mabangga sa kanya kung sakali man na siya'y nakayuko. Ang kanyang mga mata ay malalim nakatingin ng seryoso sa harapan habang ang dalawa niyang kilay ay hindi ko na maguhit pa. Dire-d

    Last Updated : 2022-01-20
  • Loving His Vengeance   Chapter 7 - Ma'am Cha

    Ang mga matang malalamig na binalot ng lungkot at sakit. Ang mga matang malalalim na binalot ng punong mga katanungan. "Die, Alisa! Die!" Napailing ako at nagtatakang tumingin kay ate Cynthia na seryosong lang nakatingin sa 'kin. Walang bahid man lang na emosyon akong nakita sa kanyang mga mata. Malalalim ang tingin na ibinibigay niya sa 'kin, tila may pahiwatig ang mga ito. Sumikip ang aking dibdib at parang malalagutan nang hininga. Ano itong nararamdaman ko? Bakit sa simpleng hawak niya'y kinabahan agad ako? "Anong attitude 'yan, Alecia?" Napatigil ako at napalingon ng marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Mula rito ay nakita ko na ang mabibilis na hakbang ni Lukas papunta sa kinatatayuan namin. Ang dalawang kilay niya'y magkasalubong habang ang mukha ay seryoso lang, parang handa na magi

    Last Updated : 2022-01-25
  • Loving His Vengeance   Chapter 8 - Lukas and Alecia

    Mabilis ako uli pumasok sa loob ng room at humarap kay Ma'am Cha na walang ginawa kundi magsalita."Good. Akala ko magmamatigas ka na naman," ani Ma'am Cha, nakangiti."No way–" hindi ko natuloy ang aking sa sabihin dahil mabilis na-iabot ni Ma'am Cha ang bag ni Lukas sa 'kin na sumakto rin sa kanyang pagdating.Napatingin siya sa 'kin at sa bag niyang hawak ko ngayon. Mabilis gumuhit ang ngisi sa kanyang labi bago lumapit at huminto sa harapan namin ni Ma'am Cha."Iniwan mo ako." Turan niya, na pabulong lang. Tila may kumiliti sa buo kong mukha nang h*****k ang kanyang hininga sa 'kin pisngi na nagbigay rin ng kuryente sa aking katawan.What the hell! Mabilis akong lumayo sa kanya at nagbigay ng distansya sa aming dalawa. Masyado kasing malapit."A-ano ba!" U

    Last Updated : 2022-01-26
  • Loving His Vengeance   Chapter 9 - Thank you and Sorry

    Malayo pa lang ay namamataan ko na ang ibang mga estudyanteng tumatakbo patungo sa cafeteria, tila nag-uunahan. Karamihan ay girls ang napapansin ko samantala sa boys ay kakaunti. Anong meron do'n? Nagugutom kaya nagmamadali?"Did you see him?""The who?""Lukas, Bhe! Ano bah?" Napatigil ako. Wait, Lukas? As in Lukas Sarmiento? Dahan-dahan akong naglakad upang marinig pa ang usapan ng dalawang babaeng estudyanteng naglalakad rin, medyo malayo nga lang sa akin."Waaah! Iyong baby ko?""Nah, Baby ko rin. Akin lang." Umasim ang mukha ko sa aking narinig at hindi nakatiis na lumingon sa kanila. Ano bang pinasok nila sa school na 'to? Mag-aral o lumandi? Kasi kung titignan mo sila at ibabase ang taon ko sa kanila ay mas matanda ako. I'm 18 and I think they're 15

    Last Updated : 2022-01-28

Latest chapter

  • Loving His Vengeance   Chapter 15- Flashback

    "Ngayon ko lang nalaman... na maganda ka pala.. kapag nakangiti.. Alecia.."Naipikit ko na lang ang mga mata ng mariin nang ume-cho muli sa aking teynga ang sinabi ni Lukas kanina lamang sa SaveMore. Parang nabingi ako ng sandaling sabihin niya iyon sa akin. May kung anong kiliti rin akong naramdaman ng hawiin niya ang maliit na hibla kong buhok na humarang sa aking pisngi no'n. Nagulat ako nang dumikit ang kamay niya sa mukha ko kaya't agad akong napalayo sa kanya, pero ang pinagtataka ko ay iyong tumawa siya na parang akala mo'y ako na ang pinaka katawa-tawa na babae na nakita niyang ganoon.Nagpakawala ako ng mabigat na buntong-hininga at mas lalong idinikit ang sarili sa bintana ng sasakyan ni Lukas. Medyo kumalma na ang puso ko. Hindi na ito mabilis di' gaya ng kanina.Ginala ko ang tingin sa mga bahay na nalalagpasan namin ni Lukas. Pasado alas-nuwebe ng gabi nang tignan ko sa time ng sasakyan niy

  • Loving His Vengeance   Chapter 14 – Ako at si Lukas lang

    "Sinusubukan talaga ako ng babaeng ito!" Rinig kong bulong ni Beatrice sa tabi. Naikuyom na ang nakababa niyang kanan kamay sa inis. Sa itsura pa lang niya ay parang handa na akong sugurin at tanggalan ng buhok, kung wala lang talaga sa tabi ko si Lukas. Ang makalagot-hininga na tensyon sa aming apat ay nakakasal. Subukan ko man umalis mag-isa at hayaan kay Lukas ang dalawang babaeng ito ay paniguradong magkikita't magkikita pa rin ang mga landas namin. Hindi nila ako hahayaan hangga't hindi nila ako nasasaktan, iyon ang alam ko. Inikot ko ang tingin sa paligid at nakita ang iilan sa mga mamimili banda sa kinaroroonan namin ay nakatingin. Tila ginugulo sila ngayon ng kanilang mga isipan kung anong nangyayare sa aming pagitan ni Lukas at ang dalawang babaeng ito. Napapahiya na lang akong yumuko at umiwas ng tingin, at dahil sa aking ginawa ay hindi sinasadyang tumama ang mata ko sa isang lalaking nakatingin sa 'kin ng mariin. Ang mga mata niya'y

  • Loving His Vengeance   Chapter 13 - Where it hurts

    Marami pa akong pinamili gaya ng kamatis, sibuyas, pipino o kung ano-ano pa na kasangkapan sa pagkain at pagluluto. Nang matapos na lahat ay do'n ko na naisipan hanapin si Lukas para sabay na kami pumunta at pipila sa cashier. Kumunot ang noo ko at palipat-lipat ang paningin sa paligid nang hindi ko siya natanaw sa dulo. Nasaan siya? Kanina lang ay naroon siya ah? Lumakad ako papunta roon kung saan ko siya nakita. May mga tao na sa dinadaanan ko kaya medyo nahihirapan akong iangat ang tingin. Hindi ako masyado sanay sa presensya nila. Nasaan na ba kasi siya? Nandito lang siya kanina sa mga milks pero ngayon wala na! Iniwan ba niya ako? Nainip ba sa kahihintay sa 'kin? Naiinis akong napapikit. "L–Lukas," sigaw ko, dahilan iilan sa harapan ko'y napalingon sa aking gawi. Napatigil ako. Ang mga mata nila'y seryosong nakatingin

  • Loving His Vengeance   Chapter 12 -Mall

    "Grabeh, May sasakyan ka pala?" Mangha na tanong ko, habang nakatingin sa kanyang sasakyan na maayos naka-parking sa gilid. Kulay black ang sasakyan niya, na para sa 'kin ay hindi pangit tingnan. Ang ganda-ganda! "Ano ba, Alecia" napalingon ako sa kanya nang marinig ko ang mahina niyang pagtawa, "tatayo na lang ba tayo dito?" kumunot ang noo ko. Umiling siya at lumapit sa 'kin. Nanlaki ang mga mata ko nang pumalibot ang kamay niya sa aking pulso. "Tara na," aniya. Hinila ako papunta sa kanyang sasakyan at may kung anong pinindot sa bagay na hawak niya bago ako pinagbuksan ng pintuan sa kanyang sasakyan. Oh, Gentle man? Napailing ako at pumasok na. Sa passenger seat ako naupo habang siya'y umikot pa para maupo sa front seat. "Bilis! Buhayin mo na ang sasakyan mo" wika ko, natutuwa. Bago lang sa 'kin ito. Ang makasakay sa sasakyan kasama siya ay bago! Kailan man ay hindi ko naramdaman ang ganitong saya. Hind

  • Loving His Vengeance    Chapter 11 - 1hour, 12min, 60sec

    "What the hell, Lukas!" Lumayo ako sa kanya habang siya'y tumayo na sa pagkagulat. "Sira ka ba!" Medyo galit kong sigaw, hindi na masundan ang lakas ng tibok nang puso ko sa sobrang kaba na naramdaman kanina. Nakita ko ang pag-iling niya na parang saglit nawala sa kanyang diwa bago tinaas ang dalawang kamay. "T–Tinanong lang kita.. pero hindi ko sinasadya iyong maglapi–" Napapikit ako, "Tumigil ka na!" inis kong sabi at naupo na lang uli sa upuan ko. Humarap sa harap at hindi napansin na nasa amin ni Lukas ang atensyon ng mga kaklase namin. What? Malandi na naman ba ako? Napailing na lang ako at palihim napataray. Gusto ko tuloy isigaw sa pagmumukha nila na hindi ko gusto ang ginagawa ni Lukas. Napayuko na lang ako sa desk gamit ang dalawang kamay upang takpan ang mukha ko. Gusto ko na lang matapos ang oras na ito para makauwi na ako. "Alecia," tawag niya pero hindi ko 'to kinibo. Ramdam ko ang dahan-d

  • Loving His Vengeance   Chapter 10 - Ma'am Cha's Happy

    "I–I came here.." tumitig ako sa abo niyang mga mata, "to say s-sorry and t-thank you." Shit, I'm done! Mabilis akong tumayo nang masabi ko na iyon sa kanya. Huli na 'to. Ayoko na. Bago pa man ako makaalis sa kanyang harapan ay nahawakan na niya ang kanan pulso ko. "Stay here." Wika niya, sa mababang boses. Napasinghap ako at mabilis na dinaga ang puso. Mahina lang ang pagkasabi niya no'n sapat na upang ako lang ang makarinig. Anong ginagawa mo, Lukas? "Girl, Look!" Rinig kong wika ng babae medyo malayo sa 'kin. Tinuro niya kami ni Lukas dahilan napatingin rin ang kaibigan niyang babae. Masamang tingin ang pinukol nila sa akin at mas lalong sumama iyon nang bumagsak ang mga mata nila sa pulso ko, na hawak ngayon ni Lukas. "J–just don't look at them, Alecia." Pag-agaw ni

  • Loving His Vengeance   Chapter 9 - Thank you and Sorry

    Malayo pa lang ay namamataan ko na ang ibang mga estudyanteng tumatakbo patungo sa cafeteria, tila nag-uunahan. Karamihan ay girls ang napapansin ko samantala sa boys ay kakaunti. Anong meron do'n? Nagugutom kaya nagmamadali?"Did you see him?""The who?""Lukas, Bhe! Ano bah?" Napatigil ako. Wait, Lukas? As in Lukas Sarmiento? Dahan-dahan akong naglakad upang marinig pa ang usapan ng dalawang babaeng estudyanteng naglalakad rin, medyo malayo nga lang sa akin."Waaah! Iyong baby ko?""Nah, Baby ko rin. Akin lang." Umasim ang mukha ko sa aking narinig at hindi nakatiis na lumingon sa kanila. Ano bang pinasok nila sa school na 'to? Mag-aral o lumandi? Kasi kung titignan mo sila at ibabase ang taon ko sa kanila ay mas matanda ako. I'm 18 and I think they're 15

  • Loving His Vengeance   Chapter 8 - Lukas and Alecia

    Mabilis ako uli pumasok sa loob ng room at humarap kay Ma'am Cha na walang ginawa kundi magsalita."Good. Akala ko magmamatigas ka na naman," ani Ma'am Cha, nakangiti."No way–" hindi ko natuloy ang aking sa sabihin dahil mabilis na-iabot ni Ma'am Cha ang bag ni Lukas sa 'kin na sumakto rin sa kanyang pagdating.Napatingin siya sa 'kin at sa bag niyang hawak ko ngayon. Mabilis gumuhit ang ngisi sa kanyang labi bago lumapit at huminto sa harapan namin ni Ma'am Cha."Iniwan mo ako." Turan niya, na pabulong lang. Tila may kumiliti sa buo kong mukha nang h*****k ang kanyang hininga sa 'kin pisngi na nagbigay rin ng kuryente sa aking katawan.What the hell! Mabilis akong lumayo sa kanya at nagbigay ng distansya sa aming dalawa. Masyado kasing malapit."A-ano ba!" U

  • Loving His Vengeance   Chapter 7 - Ma'am Cha

    Ang mga matang malalamig na binalot ng lungkot at sakit. Ang mga matang malalalim na binalot ng punong mga katanungan. "Die, Alisa! Die!" Napailing ako at nagtatakang tumingin kay ate Cynthia na seryosong lang nakatingin sa 'kin. Walang bahid man lang na emosyon akong nakita sa kanyang mga mata. Malalalim ang tingin na ibinibigay niya sa 'kin, tila may pahiwatig ang mga ito. Sumikip ang aking dibdib at parang malalagutan nang hininga. Ano itong nararamdaman ko? Bakit sa simpleng hawak niya'y kinabahan agad ako? "Anong attitude 'yan, Alecia?" Napatigil ako at napalingon ng marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Mula rito ay nakita ko na ang mabibilis na hakbang ni Lukas papunta sa kinatatayuan namin. Ang dalawang kilay niya'y magkasalubong habang ang mukha ay seryoso lang, parang handa na magi

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status