Loving His Vengeance

Loving His Vengeance

last updateLast Updated : 2022-04-17
By:   Niass  Ongoing
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
8.8
4 ratings. 4 reviews
15Chapters
1.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1 - The Past

"Ano bang nangyayari sayo!" Galit na sigaw ni Dad ang umalingawngaw sa loob ng malaking mansyon. Nandito ako sa gitna ng hagdan habang nakasilip sa dalawang taong nagtatalo sa aking harapan. "Ano bang nangyayari sa 'kin? Wala nangyayari, Levi," sagot ni Mom na tila nagsusumamo. Nakita ko ang paglapit niya kay Daddy at sa pag-ambang hawakan ang kamay nito ngunit umatras si Dad. Umiling si Dad, "Meron nagbago, Alisa. May nagbago una pa lang!" Nagtatagis ang boses niya habang ang mga mata'y maluha-luha na. Bumagsak ang luha ni mommy sa kanyang mga mata. "Anong dahilan para magbago ako, Levi? Masaya tayo hindi ba? Maayos tayo-" napasinghap ako ng paliparin ni Daddy ang kanyang kanan palad sa kabilang pisngi ni Mommy. Stop, Tama na, Dad.. "Sinungaling! Kung noon naloko mo na ako, ngayon hindi na!" Galit na galit ang boses ni Dad...

Interesting books of the same period

Comments

user avatar
Hidaya Srl
super ganda ......
2024-03-31 11:07:37
1
user avatar
MATECA
finally nasa app na rin..........
2021-11-22 19:24:11
2
user avatar
Kyutypatooty Wp
bawat basa ko pakiramdam ko may pasabog na mangyayari haha lol.
2022-02-22 18:13:27
4
default avatar
Lania Sairola
Kahit wala ng update dito, suporta pa din ako sa novel na akin sinulat. ......️
2024-07-06 23:01:18
0
15 Chapters
Chapter 1 - The Past
"Ano bang nangyayari sayo!" Galit na sigaw ni Dad ang umalingawngaw sa loob ng malaking mansyon.    Nandito ako sa gitna ng hagdan habang nakasilip sa dalawang taong nagtatalo sa aking harapan.    "Ano bang nangyayari sa 'kin? Wala nangyayari, Levi," sagot ni Mom na tila nagsusumamo. Nakita ko ang paglapit niya kay Daddy at sa pag-ambang hawakan ang kamay nito ngunit umatras si Dad.   Umiling si Dad, "Meron nagbago, Alisa. May nagbago una pa lang!" Nagtatagis ang boses niya habang ang mga mata'y maluha-luha na.    Bumagsak ang luha ni mommy sa kanyang mga mata. "Anong dahilan para magbago ako, Levi? Masaya tayo hindi ba? Maayos tayo-" napasinghap ako ng paliparin ni Daddy ang kanyang kanan palad sa kabilang pisngi ni Mommy.    Stop, Tama na, Dad..   "Sinungaling! Kung noon naloko mo na ako, ngayon hindi na!" Galit na galit ang boses ni Dad
last updateLast Updated : 2021-09-21
Read more
Chapter 2 - Sandoval and Sandryes
-- Nakatulala ako sa itaas ng kisame habang nakahiga sa aking kama at pinoproseso ang lahat ng sinabi ni Lukas.    Ako at siya ay magka-partner?    Pumikit ako ng mariin at nilagay ang kanang kamay sa aking mga mata, tila ang bigat ng nararamdaman ko ngayon. Parang gusto ko na lang magpahinga ng matagal.    "Sandoval at Sandryes. Tayo ang mag ka-partner" napailing ako ng maalala ang huling sinabi ni Lukas kanina bago namatay ang dulo ng linya.   Bakit siya? Bakit kaming dalawa pa? Ano'ng pakulo na naman ba ng guro na 'yon! May pa activity at partners pang nalalaman!   "Argsh!" Hindi pwede ito. Kailangan ay may gawin ako. Kaya lang may magagawa pa ba ako?    Nasabunot ko na lang ang buhok sa inis na naramdaman. Pero anong gagawin ko? Iwas ako sa mga tao lalo na sa mga kaklase ko. Nasanay akong mamuhay mag-isa at hindi kinakailangan
last updateLast Updated : 2021-09-22
Read more
Chapter 3 - Baliw Ka At Hindi Makaintindi
NAGPUPUNGAY akong bumangon sa kama at lumingon sa kanan ko para silipin kung anong oras na.Seven twenty-four ng umaga.Tuluyan na akong umalis sa kama at uminat sandali bago ko naisipan na lumabas sa kwarto at dumeretso sa ibaba para mag-almusal.Sabado ngayon at wala kaming pasok sa school kaya mananatili lang ako dito sa loob ng mansyon. P'wera na lang kung may kailangan akong bilin sa labas ay lalabas talaga ako.Dumeretso ako sa malaki kong kusina at pumunta sa fridge. Pagka-bukas ko pa lang nito ay bumungad na sa 'kin ang iba't ibang pagkain. Chocolates, chips, drinks, fruits, ect.Pinupuno ko talaga ang fridge ko ng ganitong mga pagkain nang sa ganoo'y hindi na ako lalabas sa tuwing walang pasok sa school. Hindi ko alam pero nasanay akong kinukulong ang sarili sa mansyon na 'to plus hindi ko gusto makihalubilo sa iba.
last updateLast Updated : 2022-01-15
Read more
Chapter 4 - Honey
Tahimik akong nakadungaw ngayon sa hagdan. Sinisilip kung nakaalis na ba si Lukas gayo'n iniwan ko siya dito nang mag-isa sa baba pagkatapos ng palitan naming salita kanina. Kumunot ang noo ko at tumaas ang kabilang kilay. Wala na siya? Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan habang palingon-lingon pa rin sa kanan at kaliwa ko. Napanguso ako. Mukhang umalis na nga siya.. Napabuntong hininga ako at hindi maiwasan mapangiti. Sa kabila ng mga narinig ko mula sa kanya. Sa kabila ng mga nasabi niya mula sa akin ay nakukuha ko pa rin ngumiti na parang wala lang ang lahat. Napailing na lang ako at nagpasiyang lumakad papunta sa loob ng kusina nang maalala ang pagkain kong iniwan ko roon. Baka lumamig na iyon. Napabuntong-hininga ako. Tapos na sana ako kumain ngayon kung hindi lang sumulpot at nagpakita ang mayabang na lalaking  iyon! 
last updateLast Updated : 2022-01-16
Read more
Chapter 5 - Infirmary
Mga mabibigat na yapak at buntong-hininga ang tanging bumabasag sa aking paligid habang tinatahak ang hagdan papunta sa pangatlong palapag kung saan naroon ang pangalawang subject na susunod sa sched ko.    Bukod sa akin, wala na akong makita na estudyante pa'ng naglalakad sa gitna ng ganitong oras at may klase na. Lalo pa't kung ikaw ay late at ang dahilan mo ay hindi makatwiran sa guro.   Napailing ako. Alam kong hindi ito tama at gawain ng isang estudyanteng tulad ko pero nagagawa ko.    "Stop," matigas na ingles ni Ma'am Cha ang nagpatigil sa 'kin nang pumasok ako sa pintuan nakabukas at dumiretso na parang wala lang at hindi na-late.    Tumigil ako sa paglakad tulad ng sabi ng guro. Ramdam kong nakatingin sa 'kin ang lahat ng kaklase ko ngunit hindi ko 'to binigyan ng pansin o tingin man lang sa lahat.    "You're late," ani Ma'am Cha, tila na huli ako sa
last updateLast Updated : 2022-01-16
Read more
Chapter 6 - Infirmary 2
"O-okay na ako.. pwede mo na ako ibaba," pagbasag ko sa gitna ng katahimikan namin dalawa habang tinatahak ang papuntang clinic. Nakayuko ako kaya hindi ko nakikita ang mukha niya. Masyadong mahigpit ang hawak niya sa 'kin at malapit ang mukha 'ko sa kanya, kaya isang maling galaw at angat man lang ng ulo ko'y magtatama ang mata at labi namin dalawa. My height is 5'6 at sa tingin ko ay 5'9 siya dahil hanggang leeg niya lang ako. Mahaba rin ang buhok ko na umabot hanggang beywang at ang  dulo nito ay kulot. Dahil mahaba at ayaw kong ilaglag ang buhok ay pinupusod ko na lang ito parati. "Lukas," tawag ko nang hindi niya ako kibuin. Inangat ko ang ulo ng dahan-dahan upang hindi mabangga sa kanya kung sakali man na siya'y nakayuko. Ang kanyang mga mata ay malalim nakatingin ng seryoso sa harapan habang ang dalawa niyang kilay ay hindi ko na maguhit pa. Dire-d
last updateLast Updated : 2022-01-20
Read more
Chapter 7 - Ma'am Cha
Ang mga matang malalamig na binalot ng lungkot at sakit. Ang mga matang malalalim na binalot ng punong mga katanungan. "Die, Alisa! Die!" Napailing ako at nagtatakang tumingin kay ate Cynthia na seryosong lang nakatingin sa 'kin. Walang bahid man lang na emosyon akong nakita sa kanyang mga mata. Malalalim ang tingin na ibinibigay niya sa 'kin, tila may pahiwatig ang mga ito. Sumikip ang aking dibdib at parang malalagutan nang hininga. Ano itong nararamdaman ko? Bakit sa simpleng hawak niya'y kinabahan agad ako? "Anong attitude 'yan, Alecia?" Napatigil ako at napalingon ng marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Mula rito ay nakita ko na ang mabibilis na hakbang ni Lukas papunta sa kinatatayuan namin. Ang dalawang kilay niya'y magkasalubong habang ang mukha ay seryoso lang, parang handa na magi
last updateLast Updated : 2022-01-25
Read more
Chapter 8 - Lukas and Alecia
Mabilis ako uli pumasok sa loob ng room at humarap kay Ma'am Cha na walang ginawa kundi magsalita."Good. Akala ko magmamatigas ka na naman," ani Ma'am Cha, nakangiti."No way–" hindi ko natuloy ang aking sa sabihin dahil mabilis na-iabot ni Ma'am Cha ang bag ni Lukas sa 'kin na sumakto rin sa kanyang pagdating.Napatingin siya sa 'kin at sa bag niyang hawak ko ngayon. Mabilis gumuhit ang ngisi sa kanyang labi bago lumapit at huminto sa harapan namin ni Ma'am Cha."Iniwan mo ako." Turan niya, na pabulong lang. Tila may kumiliti sa buo kong mukha nang h*****k ang kanyang hininga sa 'kin pisngi na nagbigay rin ng kuryente sa aking katawan.What the hell! Mabilis akong lumayo sa kanya at nagbigay ng distansya sa aming dalawa. Masyado kasing malapit."A-ano ba!" U
last updateLast Updated : 2022-01-26
Read more
Chapter 9 - Thank you and Sorry
Malayo pa lang ay namamataan ko na ang ibang mga estudyanteng tumatakbo patungo sa cafeteria, tila nag-uunahan. Karamihan ay girls ang napapansin ko samantala sa boys ay kakaunti. Anong meron do'n? Nagugutom kaya nagmamadali?"Did you see him?""The who?""Lukas, Bhe! Ano bah?" Napatigil ako. Wait, Lukas? As in Lukas Sarmiento? Dahan-dahan akong naglakad upang marinig pa ang usapan ng dalawang babaeng estudyanteng naglalakad rin, medyo malayo nga lang sa akin."Waaah! Iyong baby ko?""Nah, Baby ko rin. Akin lang." Umasim ang mukha ko sa aking narinig at hindi nakatiis na lumingon sa kanila. Ano bang pinasok nila sa school na 'to? Mag-aral o lumandi? Kasi kung titignan mo sila at ibabase ang taon ko sa kanila ay mas matanda ako. I'm 18 and I think they're 15
last updateLast Updated : 2022-01-28
Read more
Chapter 10 - Ma'am Cha's Happy
"I–I came here.." tumitig ako sa abo niyang mga mata, "to say s-sorry and t-thank you." Shit, I'm done! Mabilis akong tumayo nang masabi ko na iyon sa kanya. Huli na 'to. Ayoko na. Bago pa man ako makaalis sa kanyang harapan ay nahawakan na niya ang kanan pulso ko. "Stay here." Wika niya, sa mababang boses. Napasinghap ako at mabilis na dinaga ang puso. Mahina lang ang pagkasabi niya no'n sapat na upang ako lang ang makarinig. Anong ginagawa mo, Lukas? "Girl, Look!" Rinig kong wika ng babae medyo malayo sa 'kin. Tinuro niya kami ni Lukas dahilan napatingin rin ang kaibigan niyang babae. Masamang tingin ang pinukol nila sa akin at mas lalong sumama iyon nang bumagsak ang mga mata nila sa pulso ko, na hawak ngayon ni Lukas. "J–just don't look at them, Alecia." Pag-agaw ni
last updateLast Updated : 2022-01-31
Read more
DMCA.com Protection Status