ANG akala noon ni Vanessa ay walang patutunguhan ang buhay niya mula noong sinabi niya kay Angelo na siya ang magbabayad ng kasalanan ng kanyang ama. Mula pagkabata ay itinanim na niya iyon sa kanyang murang isipan at pinaniwala niya ang sariling habambuhay na siyang mananatili sa kamay ng isang Aldover para pagbayaran ang kasalanang hindi niya ginawa.
Pero mula noong manatili sila sa Isla Montellano ay naging payapa ang buhay ng pamilya niya, ibang-iba sa kinalakihan niya sa piling ng kanyang tunay na ama.Sa murang edad ay marami na siyang karanasan at mga nasasaksihang hindi angkop sa kanyang inosenteng isipan habang nasa poder siya ng baliw niyang ama. Alam niya ang nagaganap sa paligid niya lalong-lalo na ang pagtitiis at paghihirap ng kanyang ina sa mga ginagawang kabaliwan nito. At hindi lang iisang beses niyang nasaksihan iyon.Nahasa ang isip niya sa murang edad dulot ng mga nangyayari sa paligid niya. Mabuti na lang at ipinapaliwanag ng kanyang ina sa kanya ang laHindi mapigilan ng batang si Carl Angelo ang maawa sa nakatatandang kapatid na si Caren habang naririnig niya ang pag-iyak at paghihirap nito. Kasalukuyan siyang nasa labas ng kwarto ng kapatid kasama ang kanyang magulang na katulad niya ay walang ibang magawa para tulungan ang kanyang Ate Caren. Bakas din ang pagkahabag ng magulang sa kanyang kapatid na lalong ikinatiim ng kanyang bagang dahil sa namumuong galit para sa taong gumawa noon sa pamilya niya lalo na sa kanyang Ate Caren.Sa murang edad ay alam na niya ang lahat ng nangyari noon dahil walang inilihim sa kanya ang magulang. Kung saan nagsimula ang lahat at kung ano ang pinagdaanan at dinanas ng mga ito sa kamay ng isang baliw na lalaki. Kung paano nito sinubukang sirain ang kanyang pamilya lalong-lalo na ang buhay ng Ate Caren niya.Alam din niyang isa siyang bunga sa hindi inaasahang pagkakataon. Dahil nabuo siya sa isang napakasamang araw sa buhay ng pamilya niya. Nabuo siya dahil sa kabaliwan ng lal
Unang araw na walang pasok si Vanessa sa school kaya tinatamad siyang bumangon buhat sa kanyang kama. Feel na feel pa niya ang humiga dahil wala din naman siyang masyadong gagawin sa bahay. Linis at luto lang dahil kadalasan ay katulong lang siya ng kanyang ina sa mga gawaing-bahay. Nasa bahay lang din naman ito para alagaan ang kanyang pitong taong gulang na kapatid na babae.Twelve years na ang mabilis na lumipas buhat nang lumipat sila sa Isla Montellano. At sa mga taong lumipas na iyon ay naging tahimik ang kanilang pamumuhay doon. Nagsimula sila bilang isang buong pamilya kasama ang kanyang Tito Ziggy na ngayon ay itinuturing niyang ama. Ito rin ang lalaking tumulong sa kanila para tumakas at kahit noon pa ay sadyang malapit na ang kanyang loob sa ginoo.Mula noong bata pa siya ay ito na ang tumayong kanyang ama. Ito ang kasama ng mama niya sa pagpapalaki sa kanya at mas naging ama pa ito kumpara sa totoong papa niya. Mahal din naman siya ng kanyang papa pero mas
"Ate, wala pa ba si Vanessa? Wala ba siyang text? Hindi ba siya natawag sa cellphone mo?" naiinip at hindi maipinta ang mukhang anas ni Angelo habang pabalik-balik siya sa tabi ng Ate Caren niya.Kasalukuyan itong may ginagawa sa kusina at nasa living room naman ang kambal na abala sa paglalaro. Ang panganay naman nitong anak na babae na si Carla Jane ay kasama ng mom at dad niya para doon magbakasyon. Abala naman ang Kuya Jayvee niya sa laptop nito at nandoon din ito sa loob ng kitchen na hindi na niya ipinagtaka dahil kung nasaan ang Ate Caren niya ay nandoon din lagi ito. Kahit nga yata sa bathroom ay magkasama lagi ang mga ito.It's already nine in the morning pero hindi pa dumadating si Vanessa at kanina pa niya ito hinihintay. Kanina pang hindi maipinta ang kanyang mukha dahil inaasahan niyang paggising sa umaga ay nandoon na si Vanessa sa bahay ng kanyang Ate Caren pero halos tanghali na ay wala pa ito.Kagabi pa niya ito gustong makita pero gabi na
HALOS kalahating oras nang pabalik-balik sa paglalangoy si Vanessa sa ilog pero hindi man lang siya nakakaramdam ng pagod. Labis ang sayang kanyang nararamdaman dahil sa wakas ay muli siyang nakaligo doon. Hindi na niya maalala ang huling beses na pumunta at naligo siya doon dahil lagi siyang abala sa school at tuwing bakasyon lang siya nakakapunta doon kapag may libreng oras siya. Kaya susulitin na niya ang araw na iyon habang hindi pa muling nagpaparamdam sa kanya si Angelo. Dahil sigurado siyang hindi na naman ito mawawala sa tabi niya at magkakaroon na naman siya ng mga limitasyon. Pilit niyang inalis sa isipan si Angelo dahil nagsisimula na namang mapuno ng imahe nito ang kanyang isipan. Kaya siya nagpunta sa ilog ay para magsaya bago muling humarap dito pero hanggang doon ay pilit pa rin itong sumisiksik sa isipan niya.Wala na nga siyang takas kapag nasa paligid niya ito pati ba naman sa kanyang isipan ay nagagawa niton
HAPON na nang naisipan nilang umuwi at kasalukuyan silang sakay sa sasakyan ni Angelo. Tahimik lang siya sa tabi nito at doon niya lang naramdaman ang pagod sa ginawa niyang halos maghapon na pagliligo at paglalangoy sa ilog.Sinamahan siya doon ni Angelo at hindi na ito umalis sa tabi niya. Naligo rin ito at hindi naman nito sinira ang araw niya pero ang ginulo naman nito ay ang kanyang isipan dahil sa nangyaring halik sa pagitan nila.Hindi na naman 'yon naulit dahil dumidistanya siya dito na tinatawanan lang ng pilyo niyang asawa. Yeah, asawa niya. Wala rin naman siyang ibang magagawa kundi tanggapin ang katotohanang asawa na niya si Angelo.Hindi naman sa ayaw niya dahil magsisinungaling lang siya sa sarili kung itatanggi niyang hindi niya gusto ang ideyang asawa siya ni Angelo. Sa halos twelve years na kasama niya ito ay hindi maiiwasan ang mahulog ang loob niya dito pero iyon ang matagal at pilit niyang sinusupil at pinipigilan dahil alam niyang masasaktan
KINABUKASAN, maagang nagising si Vanessa pero wala na si Angelo sa tabi niya. Hindi niya alam kung anong oras ito umalis dahil sa sobrang himbing ng kanyang tulog kagabi.Hindi na rin niya nagawang kumain ng hapunan dahil tuloy-tuloy na ang kanyang mahimbing na pagtulog dahil sa pagod sa ginawa niyang pagliligo sa ilog. Kaya hindi na siya nagtaka kung bakit kumukulo na ang kanyang tiyan dahil sa gutom na nararamdaman.Umalis siya sa ibabaw ng kama at bahagyang kumunot ang noo nang magkita ng isang sticky note na nakadikit sa malaking salamin niya sa kwarto.Kinuha niya 'yon at may sumilay na ngiti sa labi niya nang mabasa ang nakasulat doon. Nakagat niya rin ang labi dahil sa kilig na nararamdaman dahil iyon ang unang beses na ginawa iyon ni Angelo.'Good morning, honey.. How was your sleep? Did you dream of me last night? Dahil ako, lagi kang kasama sa mga panaginip ko. I'm sorry kung di na ako nakapagpaalam bago ako umalis kagabi. Ang himbing kasi ng tulog
MALAWAK ang ngiti ni Angelo habang hinihintay ang pagdating ni Vanessa. Kahapon pa umalis ang kanyang Ate Caren kasama ang asawa at ang kambal na anak ng mga ito at ngayon ang unang araw na masosolo niya ang kanyang asawa.Excited na siya sa maaaring mangyari at maraming mga ideya ang tumatakbo ngayon sa kanyang isipan. Mga ideya na matagal na niyang gustong mangyari at isang magandang pagkakataon para sa kanya ang maisakatuparan iyon lalo na at solo niya si Vanessa ngayon.Kasalukuyan siyang nasa living room para hintayin ang pagdating nito at unti-unti na siyang nakakaramdam ng pagka-inip. Ilang minuto pa lang naman siyang nakaupo doon pero dahil sa masyado yata siyang excited ay ang katumbas ng isang minuto ay isang oras ngayon sa kanya. At pinipigilan niya lang ang sariling huwag puntahan si Vanessa sa bahay ng magulang nito.It's already seven in the morning at dapat sa gano’ng oras ay nandoon na si Vanessa.Naghintay pa siya ng ilang minuto dahil baka tinangh
PAGKATAPOS magluto ni Vanessa ng breakfast ay sinabayan niyang kumain si Angelo. Tahimik lang sila pareho pero ramdam niya ang matiim na titig nito sa kanya. Hindi pa rin niya maiwasan ang mailang sa mga titig nito kahit na kadalasan ay ganun ang ginagawa ni Angelo kapag magkasama silang dalawa.At halos magtaasan ang lahat ng balahibo niya sa katawan dahil pakiramdam niya ay tagos hanggang laman at sagad hanggang buto kung tumitig ito sa kanya. Parang pati yata kaluluwa niya ay nakikita nito. It's kinda creepy pero sanay na siya kay Angelo.Tunog ng kubyertos ang namamayani sa dining room at nanggagaling iyon kay Angelo dahil nakakamay lang siyang kumain. Mas gusto niya ang magkamay lang dahil pakiramdam niya ay mas nabubusog at nae-enjoy niya ang pagkain.Pero syempre, kapag nasa bahay lang naman siya o kaya ay kakilala niya ang mga taong nakakakita sa kanya. Pero kapag sa harap lang din naman ni Angelo, wala siyang pakialam kung anong isipin nito o kung
ANG akala noon ni Vanessa ay walang patutunguhan ang buhay niya mula noong sinabi niya kay Angelo na siya ang magbabayad ng kasalanan ng kanyang ama. Mula pagkabata ay itinanim na niya iyon sa kanyang murang isipan at pinaniwala niya ang sariling habambuhay na siyang mananatili sa kamay ng isang Aldover para pagbayaran ang kasalanang hindi niya ginawa.Pero mula noong manatili sila sa Isla Montellano ay naging payapa ang buhay ng pamilya niya, ibang-iba sa kinalakihan niya sa piling ng kanyang tunay na ama.Sa murang edad ay marami na siyang karanasan at mga nasasaksihang hindi angkop sa kanyang inosenteng isipan habang nasa poder siya ng baliw niyang ama. Alam niya ang nagaganap sa paligid niya lalong-lalo na ang pagtitiis at paghihirap ng kanyang ina sa mga ginagawang kabaliwan nito. At hindi lang iisang beses niyang nasaksihan iyon.Nahasa ang isip niya sa murang edad dulot ng mga nangyayari sa paligid niya. Mabuti na lang at ipinapaliwanag ng kanyang ina sa kanya ang la
NAPAPAILING na lang si Angelo sa tuwing may nakakasalubong siyang empleyado na parang naninibago sa kanya. Hindi na nawala ang kanyang malawak na ngiti mula nang umalis siya sa bahay hanggang sa makarating siya sa kumpanya ng ama kaya hindi na siya nagtaka kung bakit ganoon ang reaksyon ng mga ito kapag nakikita siya.Iyon ang unang beses na makita ng mga itong nakangiti siya at siya pa ang bumabati sa mga ito ng 'magandang umaga'. Ibang-iba sa trato niya sa mga ito noon na tingnan lang siya sa mata ay mawawalan na agad ang mga ito ng trabaho. Ibang-ibang ang Angelo na nakikita ng mga ito ngayon kumpara sa Angelo na boss ng mga ito sa nakalipas na taon.Pumasok siya sa elevator at tila nag-aalangan naman ang ibang empleyado na sumabay sa kanya kaya tinanguan niya ang mga ito at bahagyang nginitian para ipabatid sa mga ito na ayos lang na sumabay sa kanya.Nagulat ang mga ito sa ginawa niya at nag-unahan pang pumasok sa elevator para makasabay siya.Nagb
KASABAY nang pag-agos ng tubig sa katawan ni Vanessa ay ang pagbaha sa alaala niya ng mga nangyari sa pagitan niya at ni Angelo sa mga nakalipas na araw.Buhat noong unang araw na may namagitan sa kanila ay walang araw ng lumilipas na hindi siya inaangkin ni Angelo. Hindi niya alam kung anong nangyari dito at kung ano ang laman ng isipan nito basta nagpapaubaya lang siya sa asawa. Hindi na isang katulong ang turing nito sa kanya at ramdam niya ang kahalagahan niya ngayon kay Angelo.Hindi na iba ang turing nito ngayon sa kanya bilang Joy kumpara sa turing nito noon sa kanya bilang Vanessa, bilang asawa nito. At hindi niya rin alam kung nakakahalata na ba ito sa totoo niyang pagkatao dahil kapag kasama niya si Angelo ay lagi niya itong nahuhuling nakatitig at nakamasid sa kanya na para bang binabasa nito ang kanyang buong pagkatao.Ilang araw na ang mabilis na lumipas at sa bawat araw na iyon ay parang bumalik sila sa dati ni Angelo. Siya bilang Vanessa na asawa
BAHAGYANG natigilan si Vanessa sa ginawa ni Angelo at natauhan lang siya nang marinig ang pagkapunit ng kanyang bestidang suot. Hinati iyon ni Angelo sa dalawa na para lang nagpupunit ng isang papel. Nagulat siya sa ginawa nito at wala siyang ibang nagawa kundi tanggapin ang kapusukan at agresibong galaw ng asawa.Hindi ito tumigil sa pag-angkin sa labi niya at wala itong itinirang saplot sa kanyang katawan. Lahat 'yon ay sinira nito bago itinapon sa iba't-ibang parte ng kwarto. Hindi niya inaasahan na ganito ang mangyayari sa pagpasok niya sa kwarto ni Angelo at hindi niya rin alam kung magugustuhan niya ang gagawin nito sa kanya lalo na at lasing ito.Agresibo ang bawat galaw ng labi ni Angelo at idagdag pa ang isang kamay nitong nagsisimula nang maglakbay sa kanyang katawan. Habang ang isa naman ay hawak ang magkabila niyang kamay at nakadiin iyon sa pinto sa itaas ng ulo niya.Sobrang magkadikit ang kanilang katawan kaya ramdam na ramdam niya ang init na nagmumula
KATULAD ng mga nakaraang araw, maagang gumising si Vanessa para magluto ng breakfast ni Angelo. Gumising ng maaga, maglinis ng bahay at pagsilbihan ito. 'Yon na ang naging daily routine niya buhat ng maging katulong siya ng sarili niyang asawa.Nakakatawa mang isipin pero 'yon ang estado ng kung anong mayroon sila ngayon ni Angelo. Asawa noon, naging kasambahay ngayon. Napapangiti na lang siya kapag pumapasok sa isipan niya ang bagay na iyon.Tulog pa si Michael Angelo sa crib na nasa loob ng kanyang inuukupang guest room. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa araw-araw na ginagawa ni Angelo para sa kanya at para sa kanilang anak kahit na wala pa itong kaalam-alam sa totoong katauhan nilang mag-ina.Halos lahat ng pangangailangan niya lalo na ni Michael Angelo ay ibinibigay ni Angelo. At halos araw-araw sa tuwing umuuwi ito sa bahay galing trabaho ay may dala itong pasalubong sa bata. Mga laruan, damit at mga kung ano-ano pang gamit para sa bata.&
MAAGANG tinapos ni Angelo ang naiwang trabaho sa opisina para maaga rin siyang makauwi. Hindi niya alam kung bakit lagi siyang excited umuwi buhat noong makasama niya sa bahay ang mag-inang Joy at Michael Angelo.Masipag na katulong si Joy at wala siyang maipipintas sa husay nito sa gawaing-bahay. Sanay na sanay itong magtrabaho at higit sa lahat ay magaling itong magluto katulad ng namayapa niyang asawa.Sa mga nakalipas na araw ay may napapansin siya sa mag-ina. Lalo na kay Joy. Nakikita niya ang katauhan dito ni Vanessa. Mula sa boses nito maging sa kilos ay maihahalintulad niya kay Vanessa. Kung pagmamasdan ito habang nakatalikod ay aakalain niya talagang ito ang asawa niya. Pero isa iyong malaking imposible dahil matagal ng wala ang kanyang asawa. Baka nagkataon lang..Idagdag pa ang batang si Michael Angelo. Ang akala niya noong gabing una niyang nasilayan ang mag-ina ay lasing lang siya pero totoo palang kamukha niya ang bata. Pinakatitigan niya rin ang mukha n
PINIGILAN ni Vanessa ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata niya matapos niyang marinig ang sinambit ni Angelo. Nagsalubong ang kanilang mga mata at bumukas-sara ang labi nito na tila napagtanto kung sino siya. Bahagya ring namilog ang mga mata nito na parang nakakita ng multo."V-Vanessa.." he whispered at bumalik muli ang kanyang pag-asang nakilala siya ng kanyang asawa. Pero agad na naglaho 'yon nang magsalita muli si Angelo."I'm sorry.. Lasing lang yata ako. Hindi ikaw ang asawa ko. Napakalaking imposible dahil wala na siya one year ago.." dagdag nito na sinundan pa ng walang buhay na tawa. Bahagya itong umiling at hindi nakaligtas sa pang-amoy niya ang humahalong amoy ng alak sa mamahaling pabango nito.Wala na ang asawa niya one year ago? Hindi naman siya namatay, ah? Sino ang tinutukoy nitong asawa na nawala one year ago--Oh, God! Don't tell her na tama ang hinala niya. Napagkamalan nitong siya ang isa sa katawan na nasunog sa loob ng sasakyan dahil sa singsing
AFTER ONE YEAR...Katulad ng mga nakaraang araw, linggo at buwan ay parang walang buhay na nagmulat ng mga mata si Angelo para salubungin na naman ang panibagong umaga.Panibagong araw, panibagong umaga pero wala pa ring pagbabago sa nararamdaman niya dahil nandoon pa rin ang sakit nang pagkawala ng kanyang pinakamamahal na asawa at ng kanila sanang magiging anak. Mabigat pa rin sa dibdib. Masakit pa rin..Isang taon na ang mabilis na lumipas buhat noong nangyari 'yon pero sariwa pa rin sa kanya ang lahat. Sariwa pa sa kanya ang alaala nang pagkawala ng mag-ina niya at sariwa pa rin ang sugat sa kanyang puso na idinulot ng pangyayaring iyon sa bubuuin niya sanang pamilya. Parang kahapon lang nangyari ang lahat dahil sobrang sakit pa rin. At isang taon na siyang nabubuhay sa sakit.Three months old na sana ang baby nila. At sana ay kasal na silang dalawa ni Vanessa sa simbahan kung hindi lang nangyari ang napakasakit na pangyayaring iyon. Plano niya sanang pakasalan
"VANESSA..""Honey.." Hindi alam ni Angelo kung saan siya tutungo. Ilang oras na siyang naglalakad at wala siyang alam na patutunguhan. Basta lakad-takbo lang ang ginagawa niya habang sinusundan ang mahinang tinig ng kanyang asawa. Umiiyak ito at humihingi ng tulong sa kanya."Angelo.. Tulungan mo kami ng anak mo," mahinang boses galing sa kanyang asawa pero hindi niya ito makita.Nilibot niya ang buong lugar pero hindi niya ito matagpuan. Tanging makapal na usok lang ang nakikita niya at kumabog ang dibdib niya sa takot at kaba dahil doon nagmumula ang boses ni Vanessa."Vanessa? Nasaan ka? Nandito na ako, honey!" malakas na bigkas niya at agad niyang tinakbo ang lugar kung saan nagmumula ang makapal na usok.Nang marating niya ang lugar ay nakita niya ang isang nasusunog na sasakyan at nasa loob no'n si Vanessa. Pinipilit nitong lumabas pero hindi nito magawa. Nagtama ang mga mata nila at kita niya ang bawat pagpatak ng luha nito. Bakas din ang takot sa