KINABUKASAN, maagang nagising si Vanessa pero wala na si Angelo sa tabi niya. Hindi niya alam kung anong oras ito umalis dahil sa sobrang himbing ng kanyang tulog kagabi.
Hindi na rin niya nagawang kumain ng hapunan dahil tuloy-tuloy na ang kanyang mahimbing na pagtulog dahil sa pagod sa ginawa niyang pagliligo sa ilog. Kaya hindi na siya nagtaka kung bakit kumukulo na ang kanyang tiyan dahil sa gutom na nararamdaman.Umalis siya sa ibabaw ng kama at bahagyang kumunot ang noo nang magkita ng isang sticky note na nakadikit sa malaking salamin niya sa kwarto. Kinuha niya 'yon at may sumilay na ngiti sa labi niya nang mabasa ang nakasulat doon. Nakagat niya rin ang labi dahil sa kilig na nararamdaman dahil iyon ang unang beses na ginawa iyon ni Angelo.'Good morning, honey.. How was your sleep? Did you dream of me last night? Dahil ako, lagi kang kasama sa mga panaginip ko. I'm sorry kung di na ako nakapagpaalam bago ako umalis kagabi. Ang himbing kasi ng tulog mo at hindi naman ako gano’n kasama para gisingin ka pa. Anyway, don't forget to eat your breakfast bago ka pumunta sa bahay. Hihintayin kita..’ -C. AngeloIlang beses pa niya 'yong paulit-ulit na binasa bago niya inilagay sa drawer ang maikli pero sweet na mensaheng galing dito. Minsan lang maging sweet sa kanya si Angelo kaya itatago niya 'yon para naman kahit papaano ay may remembrance siya sa pagiging sweet nito dahil minsan lang iyon mangyari. Hindi naman masama sigurong kiligin siya. Hindi naman niya kinakalimutan ang lugar niya sa buhay ni Angelo. Kikiligin lang siya pero hindi siya aasa.Pagkatapos niyang gawin ang kanyang morning rituals ay lumabas agad siya sa kanyang kwarto. Iniwasan niya ang lumikha ng kahit na anong ingay dahil tulog pa ang kasama niya sa bahay. Maaga pa naman at nauna lang siyang nagising dahil maagang nakatulog siya kagabi.Dumiretso siya sa kusina at naghanap ng pwedeng lutuin para sa almusal. Simpleng pagkain lang naman sa almusal ang mayroon sila dahil hindi naman sila mayaman. Ginawa niya lang fried rice ang tirang kanin sa dinner kagabi at ininit niya lang ang tirang ulam. Nagprito lang din siya ng itlog at hotdog para sa kapatid niya. Nagprito rin siya ng tuyo para sa kanya at sa magulang dahil isa iyon sa hindi pwedeng mawala sa almusal nila. Katuwang ng sukang mahalang/maanghang na mayroong sibuyas at bawang.Mabilis lang siyang natapos sa pagluluto at kumain agad siya dahil maaga siyang pupunta sa bahay ng kanyang Ate Caren. Baka mainip si Angelo at puntahan na naman siya nito. Napaka-sumpungin pa naman ng lalaking 'yon. Saktong tapos na siyang kumain nang pumasok sa kusina ang kanyang mama para sana magluto ng almusal. Kasama nito ang kanyang Tito Ziggy na pinaghanda na lang nito ng pagkain nang makitang nakapagluto na siya. May trabaho ang tito niya kaya maaga rin itong kumain ng breakfast samantalang mamaya pa kakain ang mama niya kasabay ng bunso niyang kapatid.Nagpaalam lang siya sa mga ito at agad din siyang umalis ng bahay para puntahan si Angelo. Mabilis naman siyang nakasakay ng tricycle at pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating siya sa harap ng bahay ng kanyang Ate Caren. Malaya siyang nakapasok sa loob ng bahay dahil gising na ang mag-asawa at kasalukuyang nagkakape sa teresa."Good morning po, Ate Caren. Sa'yo din po, Kuya CJ. Gising na po ba ang kambal?" nakangiting wika niya at binati rin naman siya ng mga ito pabalik habang parehong may ngiti sa labi."Tulog pa ang kambal. Puntahan mo na lang si Angelo at gisingin mo na rin siya dahil may sasabihin kami sa inyong dalawa. May hihingin kaming favor sa'yo pero kailangan muna naming makausap si Angelo," nakangiting wika ng kanyang Ate Caren at kahit naguguluhan ay tumango na lang siya. Bago niya iniwan ang mga ito sa teresa para puntahan si Angelo sa kwarto nito.Malaya siyang nakapasok sa kwarto ni Angelo dahil hindi naman ito naglo-lock ng pinto lalo na kapag inaasahan siya nitong pupunta doon. Nakahiga pa ito sa kama at mahimbing na natutulog katulad nang sinabi ng kapatid nito. Wala itong suot na pang-itaas at natatakpan ng puting kumot ang ibabang bahagi ng katawan nito kaya hindi niya alam kung may suot itong pang-ibaba o wala. Pero sa ilang taon na pagkakakilala niya dito ay laging may suot itong pang-ibaba kapag natutulog at wala lang pang-itaas.Lumapit siya sa malaking bintana at hinawi ang makapal na kurtina para makapasok ang liwanag galing sa labas. Binuksan niya rin ang pinto patungo sa balcony ng kwarto nito para makapasok ang sariwang hangin. Doon lang unti-unting nagmulat ng mata si Angelo at sa kanya agad tumuon ang mga mata nito. Ilang beses pa itong pumikit na tila inaantok pa at bahagyang kinusot ang mata na parang bata. At agad na sumilay ang matamis na ngiti sa labi nito bago bumukas ang bibig para batiin siya."Good morning, honey. Damn! Namiss ko ang magising sa umaga na ikaw ang unang nakikita," malawak ang ngiting anas nito at bahagyang nag-init ang kanyang mukha dahil sa hindi niya maiwasan ang kiligin sa sinabi nito. Papaano ba niya maiiwasang hindi mahulog dito, kung sa matatamis pa lang nitong salita ay sobra na siyang apektado. Hayy..."Tigilan mo nga ako sa mga banat mong 'yan. Ang sabihin mo, na-miss mong gawin akong alarm clock sa umaga, alilain at pahirapan araw-araw," pagsusungit niya dito para pagtakpan ang totoong nararamdaman."Grabe ka naman sa'kin. Hindi naman ako gano’n kasama katulad nang sinasabi mong pinapahirapan at inaalila kita araw-araw. Ugali ko lang naman ang sobra sa'kin pero minsan lang naman," nakangusong wika nito na inikutan niya lang ng mata. May katotohanan naman ang sinabi nito kaya hindi na lang siya nakipag-debate pa dito."Pinapunta ako dito ni Ate Caren para gisingin ka at may pag-uusapan daw kayo. Kaya bumangon ka na diyan dahil tanghali na," wika niya at lumapit kay Angelo para hilahin ito paalis sa kama. Nakipaghilahan naman ito sa kanya at tinatawanan lang siya nito dahil hindi siya manalo. Hanggang sa hindi niya sinasadyang mahila ang kumot na nakabalot sa ibabang bahagi ng katawan nito at pareho silang natigilan dahil walang kahit na anong saplot sa katawan si Angelo. O-M-G!Parehong namimilog ang kanilang mga mata at base sa ekspresyon ni Angelo ay hindi rin nito inaasahan ang nangyari. Nagtaas-baba ang mata niya sa gulat na mukha ni Angelo at sa hubad nitong katawan lalo na sa pribadong parte nito. Agad naman nitong tinakpan ng unan ang private part nito nang makitang doon siya nakatingin. Sobrang nag-init ang kanyang mukha dahil sa sobrang hiya at pansin niya rin ang bahagyang pamumula ng mukha ni Angelo. Oh gosh! Bakit humantong sa ganito ang umaga niya?"B- Bakit mo hinila?" nauutal na anas nito at hindi makatingin ng diretso sa kanya. Hindi pa rin siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan dahil malinaw pa rin sa kanyang isipan ang nakita. He's really gifted sa lahat-lahat, lalo na sa parteng iyon."H-Hindi ko naman sinasadya. Hindi ko rin naman alam na wala ka palang saplot sa katawan. H-hindi ko naman nakita. Tama, hindi ko nakita," wika niya habang namumula ang mukha at parang pareho silang nailang sa isa't-isa. Bakit ba naman kasi nakahubad ito habang natutulog? At bakit gising 'yong ano— oh gosh!"Yeah, hindi mo nakita dahil hindi mo lang basta nakita. Tinitigan mo pa," may pang-aasar na wika nito na tila nakabawi na sa nangyari."A-Anong tinitigan ka diyan? Nagulat lang ako pero hindi ko tinitigan," defensive na wika niya at narinig niya ang mahina nitong pagtawa."We're married, honey. Kaya normal na sa atin ang makita ang katawan ng isa't-isa. Hindi lang natin inaasahan kanina pero soon mangyayari din naman 'yon. At kung iniisip mo na sinadya kong maghubad, you're very wrong, honey. Dahil after kong maghalf-bath kagabi pagkauwi galing sa bahay niyo ay bagsak agad ako sa ibabaw ng kama ko. Mauna ka nang lumabas ng kwarto. Susunod na lang ako after kong mag-shower," saad nito at tahimik lang siyang tumango bago may pagmamadaling lumabas ng kwarto. Narinig pa niya ang pilyo nitong pagtawa bago siya tuluyang makalabas na lalong ikinapula ng kanyang mukha dahil sa hiyang nararamdaman.Nagtungo na lang siya sa living room kung saan naghihintay ang mag-asawa. Hindi siya makatingin ng diretso sa mga ito dahil hindi pa rin siya nakakabawi sa nangyari sa loob ng kwarto ni Angelo. Nag-iinit pa rin ang tenga at mukha niya at ayaw niyang mapansin iyon ng kanyang Ate Caren dahil baka wala siyang maisagot kung sakaling magtanong ito. Hindi naman kasi niya pwedeng sabihin na nagkita siya ng 'angry bird' sa kwarto ni Angelo. Isang malaking 'angry bird'.Makalipas ang ilang minuto ay dumating din si Angelo sa living room at basa pa ang buhok nito. May pilyong ngiti ito sa labi at mabilis siyang nag-iwas dito ng tingin nang kindatan pa siya ng pilyo niyang asawa. At tila nananadya pa ito dahil sa tabi pa niya ito umupo kahit na sa pang-isahang sofa lang siya nakaupo. Kaya halos maipit siya ng malaki nitong katawan. Ipinatong pa nito ang mga braso sa sandalan ng sofa kaya parang naka-akbay na rin ito sa kanya."What? Dito ako mas kumportableng umupo," inosenteng wika nito nang makitang dito nakatuon ang atensyon ng kapatid."Okay. Ikaw na lang ang lumipat, Vanessa. Dito ka sa kabila," wika ng Ate Caren niya na ikinasimangot ng kanyang katabi. Tiningnan pa siya nito ng masama na tila tinatakot siyang huwag sumunod pero hindi siya nagpasindak dito. Lumipat siya sa kabilang sofa at wala na itong nagawa para pigilan siya."Mas kumportable pala ako dito sa kabila," wika pa nito at aktong tatayo para lumipat na naman sa tabi niya pero sinamaan ito ng tingin ng kapatid kaya nanatili na lang ito sa kinauupuan. Lihim na lang siyang napangiti nang irapan siya ni Angelo."Nag-request kahapon ang kambal at gusto raw nilang magbakasyon kasama ang kanilang lolo at lola. Kaya nagpasya kami na pagbigyan ang mga ito total naman ay nandoon na rin si Carla Jane. Magbabakasyon na rin kami at baka matagalan bago makabalik dito. Kaya gusto naming malaman kung sasama ka o dito ka lang sa isla? Hindi naman namin pwedeng isama si Vanessa dahil katulong din siya ng mama niya sa kanilang bahay at tindahan," wika ng Ate Caren niya kay Angelo at kita niya ang pagdaan ng emosyon sa mata nito. Tila nasiyahan ito sa sinabi ng kapatid at bakas din ang excitement sa mukha nito.Nag-iwas na lang siya rito ng tingin dahil halata naman sa mukha nito na sasama ito sa bakasyon ng pamilya. Nakaramdam siya ng lungkot kahit na dapat ay magdiwang siya dahil sa wakas ay makakaiwas siya kay Angelo. Mas mabuti 'yon pero bakit parang bumigat bigla ang pakiramdam niya? Nalungkot siya sa ideyang hindi niya makakasama si Angelo sa dalawang buwan sana nitong bakasyon sa isla."I'll stay here," maiksing wika ni Angelo at agad na nagsalubong ang kanilang mga mata nang tingnan niya ito. Nandoon pa rin ang saya at excitement sa mukha nito. Pero bakit? Para saan ang excitement at sayang nakikita niya sa mukha ni Angelo? Hindi naman siguro dahil sa ideyang tumatakbo ngayon sa isipan niya. Oh gosh!"Okay. At 'yon ang hihingin naming favor sa'yo, Vanessa. Gusto kong samahan mo dito si Angelo at ikaw na ang bahala sa kanya. Ipagpapaalam na lang kita sa mama mo at pwede mo namang isama dito ang kapatid mo para wala na siyang ibang iintindihin sa bahay niyo kundi ang tindahan. Pwedeng dito rin kayo matulog kung gusto niyo," wika ng kanyang Ate Caren na ikinatingin niya rito."Yes!" dinig naman niyang mahinang anas ni Angelo na hindi nakaligtas sa pandinig niya dahil malapit siya sa pwesto nito. Malawak ang ngiti nito nang sulyapan niya at mas nagningning pa ang mga mata nito sa sobrang tuwa at excitement. At doon niya lang nakumpirma na tama ang kanina pang tumatakbong ideya sa kanyang isipan kung bakit ganoon ang emosyong nakikita niya kay Angelo. Masaya at excited ito dahil masosolo siya nito. At goodluck na lang sa kanya. Sana naman ay matagalan niya ang kakaibang ugaling mayroon ang kanyang asawa.MALAWAK ang ngiti ni Angelo habang hinihintay ang pagdating ni Vanessa. Kahapon pa umalis ang kanyang Ate Caren kasama ang asawa at ang kambal na anak ng mga ito at ngayon ang unang araw na masosolo niya ang kanyang asawa.Excited na siya sa maaaring mangyari at maraming mga ideya ang tumatakbo ngayon sa kanyang isipan. Mga ideya na matagal na niyang gustong mangyari at isang magandang pagkakataon para sa kanya ang maisakatuparan iyon lalo na at solo niya si Vanessa ngayon.Kasalukuyan siyang nasa living room para hintayin ang pagdating nito at unti-unti na siyang nakakaramdam ng pagka-inip. Ilang minuto pa lang naman siyang nakaupo doon pero dahil sa masyado yata siyang excited ay ang katumbas ng isang minuto ay isang oras ngayon sa kanya. At pinipigilan niya lang ang sariling huwag puntahan si Vanessa sa bahay ng magulang nito.It's already seven in the morning at dapat sa gano’ng oras ay nandoon na si Vanessa.Naghintay pa siya ng ilang minuto dahil baka tinangh
PAGKATAPOS magluto ni Vanessa ng breakfast ay sinabayan niyang kumain si Angelo. Tahimik lang sila pareho pero ramdam niya ang matiim na titig nito sa kanya. Hindi pa rin niya maiwasan ang mailang sa mga titig nito kahit na kadalasan ay ganun ang ginagawa ni Angelo kapag magkasama silang dalawa.At halos magtaasan ang lahat ng balahibo niya sa katawan dahil pakiramdam niya ay tagos hanggang laman at sagad hanggang buto kung tumitig ito sa kanya. Parang pati yata kaluluwa niya ay nakikita nito. It's kinda creepy pero sanay na siya kay Angelo.Tunog ng kubyertos ang namamayani sa dining room at nanggagaling iyon kay Angelo dahil nakakamay lang siyang kumain. Mas gusto niya ang magkamay lang dahil pakiramdam niya ay mas nabubusog at nae-enjoy niya ang pagkain.Pero syempre, kapag nasa bahay lang naman siya o kaya ay kakilala niya ang mga taong nakakakita sa kanya. Pero kapag sa harap lang din naman ni Angelo, wala siyang pakialam kung anong isipin nito o kung
KANINA pang hindi maipinta ang mukha ni Vanessa habang pinipilit na ayusin ang cellphone niya. Nakalimutan niyang nasa bulsa niya iyon at nang maalala ay mabilis niya iyong kinuha pero huli na ang lahat. Naipit iyon ni Angelo kanina habang nakadagan sa kanya at hindi na 'yon mabuhay. Nadamay ang kawawang cellphone niya sa kalandian nito.Natuluyan na ang mumurahin niyang cellphone na kasama niya buhat pa noong una dahil iyon ang una at huli niyang cellphone na bigay pa ng mama niya. Tuluyan na itong sumuko at kasalanan iyon ni Angelo.Mula nang lumabas siya sa kwarto nito ay hindi na niya ito nakita. Iniwan niya ito sa kwarto kanina nang tumawag ang mom nito dahilan nang pagtigil nito sa pagpapak sa labi niya.Halata ang pagkainis nito sa mukha nang sagutin iyon at sinamantala na niya ang pagkakataong iyon para iwanan ito. Hindi siya nagpasindak sa masamang tingin nito dahil wala naman itong magagawa para habulin siya sapagkat kausap nito ang ina."Mabuhay ka, plea
INUBOS nila ang oras sa paglalangoy sa pool at hapon na nang umalis sila doon. Pareho nilang hindi napansin ang paglipas ng oras at sobra silang nag-enjoy habang magkasama. Walang kapilyuhan o kalokohang ginawa si Angelo sa kanya at kakaibang side ang ipinakita nito nang araw na iyon.Namayani ang tawa at halakhak nila at parang mga batang nagpaligsahan sa paglalangoy at pagsasabuyan ng tubig. Tila bumalik sila sa nakaraan dahil noong mga bata pa sila ay nangyari na rin iyon sa ilog. Nagtatawanan at nagkukulitan lang sila ni Angelo at hindi niya itatanggi na sobra niyang nagustuhan ang gano’ng side nito.Kasalukuyan siyang nasa kitchen at nagluluto ng dinner ni Angelo. Isa iyon sa dahilan kung bakit humingi ng pabor sa kanya ang kapatid nito dahil hindi ito marunong magluto.Alam na niya 'yon sa simula pa lang at isa iyon sa hindi kayang gawin ng isang Carl Angelo sa kabila ng pagiging perpekto nito sa mata ng nakararami lalo na sa mata ng mga babaeng nahu
KINABUKASAN, nagtataka si Angelo kung bakit nasa loob siya ng sariling kwarto at nakahiga sa sariling kama. Ang huling natatandaan niya ay nakipag-inuman siya sa kinikilalang ama ni Vanessa at hindi niya maalala kung papaano siya nakabalik sa bahay ng kanyang Ate Caren.Inihatid ba siya ng Tito Ziggy niya? Pero sino ang nag-asikaso sa kanya? At bakit boxer short na lang ang natitirang saplot niya sa katawan?Fuck! Gano’n pala ang pakiramdam uminom ng alak. Nakakaadik kahit na masama ang lasa. Parang habang tumatagal lalong sumasarap at mabuti na lang dahil wala siyang hangover. Pero papaano siya magkakaro'n ng hangover kung hindi pa nga niya nauubos ang isang bote ng beer ay lasing na agad siya. That was his first time at noon niya lang nalaman na mahina pala ang tolerance niya sa alak.Napailing na lang siya habang pilit na inaalala kung paano siya nakabalik sa bahay ng kanyang Ate Caren. Ang huling natatandaan niya ay nakatulog siya habang nakaupo sa tabi ni V
WALANG nagawa si Vanessa sa gusto ni Angelo at tulad nang sinabi nito ay sa bahay nila ito kumain ng tanghalian. Pero hindi pa rin ito umalis sa bahay nila at lagi itong nakasubaybay at nakasunod sa kanya. At kahit sa kwarto niya ay lihim itong nakakapasok kaya useless din ang ginagawa niyang pagkukulong doon para saglit na makaiwas dito.Mabuti na lang at hindi nakakahalata ang mama niya at mas lalong dumikit sa kanya si Angelo nang umalis sa bahay ang mama niya para bantayan ang tindahan na hindi naman kalayuan buhat sa kanilang bahay. Kasama nito ang kanyang kapatid kaya nasolo siya ng makulit niyang asawa. Daig pa nito ang isang batang naghahanap ng atensyon.Mabilis na lumipas ang oras at hindi pa rin umaalis si Angelo hanggang sa sumapit ang gabi. Sa kanila na rin ito kumain ng dinner dahil inanyayahan ito ng kanyang mama na malugod naman nitong pinaunlakan dahil pabor na pabor 'yon sa gusto nito. Baka kung may libreng kwarto lang sa bahay nila ay doon na rin i
"YOUR time is up, honey." Dinig niyang wika ni Angelo bago ito umalis sa ibabaw niya.Umalis ito sa kama at agad siyang nag-iwas ng tingin nang alisin nito ang boxer na suot. Narinig pa niya ang pilyo nitong pagtawa bago muling pumuwesto sa ibaba niya.Dahan-dahan itong gumapang pataas sa katawan niya at hinalikan nito ang bawat madaanan ng labi nito. Nagsimula ito sa paa niya pataas sa hita niya at medyo nagtagal sa kanyang kaselanan na parang gusto nitong muling sambahin iyon.Hanggang sa muling tumaas ang labi nito sa tiyan niya patungo sa kanyang dibdib at muling sinakop ng mainit na bibig nito 'yon. Sinamba ni Angelo ang buo niyang katawan at lahat ng parte ay hinalikan nito. Pakiramdam niya ay sinasamba nito ang buo niyang pagkatao at gustong-gusto niya 'yon. Pero mas gusto niyang magpaalipin sa mga haplos at halik nito.Nagpantay muli ang mukha nila at agad na sinakop ng labi nito ang labi niya. Mapusok at malalim siya nitong hinalikan at nakulong sa magkala
MAAGANG nagising si Angelo kinabukasan at agad siyang nagtungo sa living room para bantayan ang pagdating ni Vanessa. Nakapag-shower na rin siya at sinigurado niyang presentable ang hitsura bago siya humarap sa kanyang asawa.Sisimulan na niyang bihagin ang puso nito at hindi siya titigil hangga't hindi niya ito naaangkin ng buong-buo. Naangkin na niya ang katawan nito kaya puso naman nito ang aangkinin niya.Aangkinin niya ang buong pagkatao ng isang Vanessa Joy. Wala siyang ititira at lahat ay mamarkahan niya bilang pagmamay-ari niya. Kulang na lang ay ilagay niya sa balat nito ang sign na 'Angelo's Property'.And he's damn excited to see her today. He's also hoping na ayos lang ito after their sexy and hot lovemaking last night.Sana ay hindi rin ito mag-isip ng kung anong negatibo nang magising ito ngayong umaga na wala siya sa tabi nito. Baka isipin nitong 'yon lang ang habol niya at nang kanyang makuha ay iniwan niya agad ito. Dahil hindi 'yon tot
ANG akala noon ni Vanessa ay walang patutunguhan ang buhay niya mula noong sinabi niya kay Angelo na siya ang magbabayad ng kasalanan ng kanyang ama. Mula pagkabata ay itinanim na niya iyon sa kanyang murang isipan at pinaniwala niya ang sariling habambuhay na siyang mananatili sa kamay ng isang Aldover para pagbayaran ang kasalanang hindi niya ginawa.Pero mula noong manatili sila sa Isla Montellano ay naging payapa ang buhay ng pamilya niya, ibang-iba sa kinalakihan niya sa piling ng kanyang tunay na ama.Sa murang edad ay marami na siyang karanasan at mga nasasaksihang hindi angkop sa kanyang inosenteng isipan habang nasa poder siya ng baliw niyang ama. Alam niya ang nagaganap sa paligid niya lalong-lalo na ang pagtitiis at paghihirap ng kanyang ina sa mga ginagawang kabaliwan nito. At hindi lang iisang beses niyang nasaksihan iyon.Nahasa ang isip niya sa murang edad dulot ng mga nangyayari sa paligid niya. Mabuti na lang at ipinapaliwanag ng kanyang ina sa kanya ang la
NAPAPAILING na lang si Angelo sa tuwing may nakakasalubong siyang empleyado na parang naninibago sa kanya. Hindi na nawala ang kanyang malawak na ngiti mula nang umalis siya sa bahay hanggang sa makarating siya sa kumpanya ng ama kaya hindi na siya nagtaka kung bakit ganoon ang reaksyon ng mga ito kapag nakikita siya.Iyon ang unang beses na makita ng mga itong nakangiti siya at siya pa ang bumabati sa mga ito ng 'magandang umaga'. Ibang-iba sa trato niya sa mga ito noon na tingnan lang siya sa mata ay mawawalan na agad ang mga ito ng trabaho. Ibang-ibang ang Angelo na nakikita ng mga ito ngayon kumpara sa Angelo na boss ng mga ito sa nakalipas na taon.Pumasok siya sa elevator at tila nag-aalangan naman ang ibang empleyado na sumabay sa kanya kaya tinanguan niya ang mga ito at bahagyang nginitian para ipabatid sa mga ito na ayos lang na sumabay sa kanya.Nagulat ang mga ito sa ginawa niya at nag-unahan pang pumasok sa elevator para makasabay siya.Nagb
KASABAY nang pag-agos ng tubig sa katawan ni Vanessa ay ang pagbaha sa alaala niya ng mga nangyari sa pagitan niya at ni Angelo sa mga nakalipas na araw.Buhat noong unang araw na may namagitan sa kanila ay walang araw ng lumilipas na hindi siya inaangkin ni Angelo. Hindi niya alam kung anong nangyari dito at kung ano ang laman ng isipan nito basta nagpapaubaya lang siya sa asawa. Hindi na isang katulong ang turing nito sa kanya at ramdam niya ang kahalagahan niya ngayon kay Angelo.Hindi na iba ang turing nito ngayon sa kanya bilang Joy kumpara sa turing nito noon sa kanya bilang Vanessa, bilang asawa nito. At hindi niya rin alam kung nakakahalata na ba ito sa totoo niyang pagkatao dahil kapag kasama niya si Angelo ay lagi niya itong nahuhuling nakatitig at nakamasid sa kanya na para bang binabasa nito ang kanyang buong pagkatao.Ilang araw na ang mabilis na lumipas at sa bawat araw na iyon ay parang bumalik sila sa dati ni Angelo. Siya bilang Vanessa na asawa
BAHAGYANG natigilan si Vanessa sa ginawa ni Angelo at natauhan lang siya nang marinig ang pagkapunit ng kanyang bestidang suot. Hinati iyon ni Angelo sa dalawa na para lang nagpupunit ng isang papel. Nagulat siya sa ginawa nito at wala siyang ibang nagawa kundi tanggapin ang kapusukan at agresibong galaw ng asawa.Hindi ito tumigil sa pag-angkin sa labi niya at wala itong itinirang saplot sa kanyang katawan. Lahat 'yon ay sinira nito bago itinapon sa iba't-ibang parte ng kwarto. Hindi niya inaasahan na ganito ang mangyayari sa pagpasok niya sa kwarto ni Angelo at hindi niya rin alam kung magugustuhan niya ang gagawin nito sa kanya lalo na at lasing ito.Agresibo ang bawat galaw ng labi ni Angelo at idagdag pa ang isang kamay nitong nagsisimula nang maglakbay sa kanyang katawan. Habang ang isa naman ay hawak ang magkabila niyang kamay at nakadiin iyon sa pinto sa itaas ng ulo niya.Sobrang magkadikit ang kanilang katawan kaya ramdam na ramdam niya ang init na nagmumula
KATULAD ng mga nakaraang araw, maagang gumising si Vanessa para magluto ng breakfast ni Angelo. Gumising ng maaga, maglinis ng bahay at pagsilbihan ito. 'Yon na ang naging daily routine niya buhat ng maging katulong siya ng sarili niyang asawa.Nakakatawa mang isipin pero 'yon ang estado ng kung anong mayroon sila ngayon ni Angelo. Asawa noon, naging kasambahay ngayon. Napapangiti na lang siya kapag pumapasok sa isipan niya ang bagay na iyon.Tulog pa si Michael Angelo sa crib na nasa loob ng kanyang inuukupang guest room. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa araw-araw na ginagawa ni Angelo para sa kanya at para sa kanilang anak kahit na wala pa itong kaalam-alam sa totoong katauhan nilang mag-ina.Halos lahat ng pangangailangan niya lalo na ni Michael Angelo ay ibinibigay ni Angelo. At halos araw-araw sa tuwing umuuwi ito sa bahay galing trabaho ay may dala itong pasalubong sa bata. Mga laruan, damit at mga kung ano-ano pang gamit para sa bata.&
MAAGANG tinapos ni Angelo ang naiwang trabaho sa opisina para maaga rin siyang makauwi. Hindi niya alam kung bakit lagi siyang excited umuwi buhat noong makasama niya sa bahay ang mag-inang Joy at Michael Angelo.Masipag na katulong si Joy at wala siyang maipipintas sa husay nito sa gawaing-bahay. Sanay na sanay itong magtrabaho at higit sa lahat ay magaling itong magluto katulad ng namayapa niyang asawa.Sa mga nakalipas na araw ay may napapansin siya sa mag-ina. Lalo na kay Joy. Nakikita niya ang katauhan dito ni Vanessa. Mula sa boses nito maging sa kilos ay maihahalintulad niya kay Vanessa. Kung pagmamasdan ito habang nakatalikod ay aakalain niya talagang ito ang asawa niya. Pero isa iyong malaking imposible dahil matagal ng wala ang kanyang asawa. Baka nagkataon lang..Idagdag pa ang batang si Michael Angelo. Ang akala niya noong gabing una niyang nasilayan ang mag-ina ay lasing lang siya pero totoo palang kamukha niya ang bata. Pinakatitigan niya rin ang mukha n
PINIGILAN ni Vanessa ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata niya matapos niyang marinig ang sinambit ni Angelo. Nagsalubong ang kanilang mga mata at bumukas-sara ang labi nito na tila napagtanto kung sino siya. Bahagya ring namilog ang mga mata nito na parang nakakita ng multo."V-Vanessa.." he whispered at bumalik muli ang kanyang pag-asang nakilala siya ng kanyang asawa. Pero agad na naglaho 'yon nang magsalita muli si Angelo."I'm sorry.. Lasing lang yata ako. Hindi ikaw ang asawa ko. Napakalaking imposible dahil wala na siya one year ago.." dagdag nito na sinundan pa ng walang buhay na tawa. Bahagya itong umiling at hindi nakaligtas sa pang-amoy niya ang humahalong amoy ng alak sa mamahaling pabango nito.Wala na ang asawa niya one year ago? Hindi naman siya namatay, ah? Sino ang tinutukoy nitong asawa na nawala one year ago--Oh, God! Don't tell her na tama ang hinala niya. Napagkamalan nitong siya ang isa sa katawan na nasunog sa loob ng sasakyan dahil sa singsing
AFTER ONE YEAR...Katulad ng mga nakaraang araw, linggo at buwan ay parang walang buhay na nagmulat ng mga mata si Angelo para salubungin na naman ang panibagong umaga.Panibagong araw, panibagong umaga pero wala pa ring pagbabago sa nararamdaman niya dahil nandoon pa rin ang sakit nang pagkawala ng kanyang pinakamamahal na asawa at ng kanila sanang magiging anak. Mabigat pa rin sa dibdib. Masakit pa rin..Isang taon na ang mabilis na lumipas buhat noong nangyari 'yon pero sariwa pa rin sa kanya ang lahat. Sariwa pa sa kanya ang alaala nang pagkawala ng mag-ina niya at sariwa pa rin ang sugat sa kanyang puso na idinulot ng pangyayaring iyon sa bubuuin niya sanang pamilya. Parang kahapon lang nangyari ang lahat dahil sobrang sakit pa rin. At isang taon na siyang nabubuhay sa sakit.Three months old na sana ang baby nila. At sana ay kasal na silang dalawa ni Vanessa sa simbahan kung hindi lang nangyari ang napakasakit na pangyayaring iyon. Plano niya sanang pakasalan
"VANESSA..""Honey.." Hindi alam ni Angelo kung saan siya tutungo. Ilang oras na siyang naglalakad at wala siyang alam na patutunguhan. Basta lakad-takbo lang ang ginagawa niya habang sinusundan ang mahinang tinig ng kanyang asawa. Umiiyak ito at humihingi ng tulong sa kanya."Angelo.. Tulungan mo kami ng anak mo," mahinang boses galing sa kanyang asawa pero hindi niya ito makita.Nilibot niya ang buong lugar pero hindi niya ito matagpuan. Tanging makapal na usok lang ang nakikita niya at kumabog ang dibdib niya sa takot at kaba dahil doon nagmumula ang boses ni Vanessa."Vanessa? Nasaan ka? Nandito na ako, honey!" malakas na bigkas niya at agad niyang tinakbo ang lugar kung saan nagmumula ang makapal na usok.Nang marating niya ang lugar ay nakita niya ang isang nasusunog na sasakyan at nasa loob no'n si Vanessa. Pinipilit nitong lumabas pero hindi nito magawa. Nagtama ang mga mata nila at kita niya ang bawat pagpatak ng luha nito. Bakas din ang takot sa