Share

Kabanata IV

Author: jhoelleoalina
last update Huling Na-update: 2021-09-13 20:45:13

HAPON na nang naisipan nilang umuwi at kasalukuyan silang sakay sa sasakyan ni Angelo. Tahimik lang siya sa tabi nito at doon niya lang naramdaman ang pagod sa ginawa niyang halos maghapon na pagliligo at paglalangoy sa ilog.

Sinamahan siya doon ni Angelo at hindi na ito umalis sa tabi niya. Naligo rin ito at hindi naman nito sinira ang araw niya pero ang ginulo naman nito ay ang kanyang isipan dahil sa nangyaring halik sa pagitan nila. 

Hindi na naman 'yon naulit dahil dumidistanya siya dito na tinatawanan lang ng pilyo niyang asawa. Yeah, asawa niya. Wala rin naman siyang ibang magagawa kundi tanggapin ang katotohanang asawa na niya si Angelo. 

Hindi naman sa ayaw niya dahil magsisinungaling lang siya sa sarili kung itatanggi niyang hindi niya gusto ang ideyang asawa siya ni Angelo. Sa halos twelve years na kasama niya ito ay hindi maiiwasan ang mahulog ang loob niya dito pero iyon ang matagal at pilit niyang sinusupil at pinipigilan dahil alam niyang masasaktan lang siya.

Inaamin niyang may lihim na pagtingin siya kay Angelo pero wala siyang planong sabihin iyon dito. Wala rin siyang balak na palalimin pa iyon dahil mas lalo lang siyang mahihirapang makaahon kapag masyado na siyang nahulog dito. 

At hindi niya ito masisisi kapag nangyari iyon dahil mula sa umpisa ay maliwanag pa sa sikat ng araw na kaya lang siya nasa tabi nito ay para pagbayaran ang kasalanan ng kanyang ama.

Ginagamit lang siya nito sa paghihiganti kaya’t hanggang kaya niya ay pipigilan niya ang sariling huwag mas lalong mahulog dito. Dahil hindi rin naman siya nito magagawang saluhin. 

Babagsak lang siya at sa bandang huli ay wala siyang ibang mapapala kundi ang lumuha, madurog at masaktan. At baka sa mga oras na iyon ay walang isang Carl Angelo ang magbangon sa kanya. Iyon ang masakit na katotohanan. 

Masakit at mahirap tanggapin pero hindi bale nang masaktan sa katotohanan, huwag lang patuloy na umasa sa isang bagay na alam na niyang malabong mangyari sa simula pa lang. 

Dahil habang patuloy siyang aasa, patuloy lang din siyang masasaktan. Kaya tanggap na niyang isa lang siyang kasangkapan sa buhay ni Angelo. Ginagamit lang siya nito at imposibleng magkaroon ng pag-asang masuklian nito ang nararamdaman niya para dito.

"Gusto ko paggising ko bukas ay nasa bahay ka na ni Ate Caren. Huwag mong subukang muling paghintayin ako dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa’yo." Naputol ang malalim niyang iniisip nang marinig niya ang boses ni Angelo sa tabi niya.

Inikutan na lang niya ng mata ang pagiging bossy nito bago siya humarap kay Angelo pero napangiwi siya nang makitang nakatingin pala ito sa kanya. At base sa magkasalubong na kilay at seryosong ekspresyon ng mukha nito ay nahuli nito ang ginawang pag-irap niya.

Wala sa sariling nakagat niya ang sariling labi dahil nakasanayan na niyang gawin 'yon kapag kinakabahan siya. Doon agad natuon ang atensyon ni Angelo pero agad din itong nag-iwas ng tingin at tumikhim na tila may bara ang lalamunan nito.

"Stop biting your lips. Sa susunod na gawin mo pa 'yan, hindi ako magdadalawang isip na halikan ka kahit sa harap ng magulang mo o kahit sa harap ng maraming tao," saad nito at pinigilan niya ang muling ikutan ito ng mata dahil baka mahuli na naman siya nito. 

Hindi na lang siya nagsalita at nag-iwas na lang dito ng tingin kahit na deep inside ay halos umusok na ang ilong niya dahil sa sobrang inis kay Angelo.

Wala naman siyang masamang ginagawa at kailan pa naging bawal ang kagatin ang sariling labi? At hindi na siya magtataka kung dumating ang araw na kahit pagngiti at pakikipag-usap sa iba ay ipagbawal din nito. Lalo na sa mga lalaki.. 

Napaka-possessive pa naman nito pagdating sa kanya pero siya kaya? May karapatan din kaya siyang pagbawalan at maging possessive rin dito? 

Asawa lang naman siya nito sa papel at hindi naman sila nagmamahalan. Siya lang ang lihim na nagmamahal dito. One sided love lang ang mayroon sa kanilang dalawa.

"Wala naman akong naaalala na pinagbawalan kitang magsalita pero bakit ang tahimik mo ngayon?" bakas ang pagka-inis sa boses nito pero hindi niya ito pinansin. 

Nanatili lang siyang tahimik pero agad siyang napatingin dito ng bigla nitong ihinto ang sasakyan. Ano na namang problema nito?

"Magsasalita ka ba o hahalikan kita?" magkasalubong ang kilay na anas nito at bakas ang pagka-inis sa mukha ni Angelo. 

Umayos siya ng upo dahil sa kaseryosohan nito at pinigilan niyang kagatin ang sariling labi kahit na kinakabahan siya.

"Wala naman akong sasabihin," mahinang anas niya at nagbaba ng tingin sa kanyang mga kamay na nasa kanyang kandungan.

"Look at me," utos nito na kaagad niyang sinunod. 

Sunod-sunod siyang napalunok dahil sa kabang nararamdaman lalo na nang lumapit ang mukha nito sa kanya.

"Natatakot ka ba sa'kin?" marahang anas nito and she nodded dahil iyon ang totoo. Natatakot siya kay Angelo. Natatakot siya sa maaaring gawin nito.

Narinig niya ang buntong-hininga nito bago niya naramdaman ang magaang paglapat ng labi nito sa labi niya. Marahan siya nitong hinalikan pero agad din itong humiwalay sa kanya pero nanatiling magkalapit ang kanilang mukha.

"I'm sorry. Huwag kang matakot sa'kin dahil hindi kita magagawang saktan. Possessive lang ako, bossy at masyadong demanding pero kahit kailan hindi kita pagbubuhatan ng kamay. Maaaring masaktan kita ng emosyonal pero umasa kang hindi kita sasaktan ng pisikal. Pagpasensyahan mo na ang pagiging moody ko," malumanay na wika ni Angelo bago siya matagal na hinalikan sa noo. 

Pinatakan din siya nito nang magaang halik sa labi bago ito umayos ng upo at sinimulan muling imaneho ang sasakyan.

Wala siyang naging sagot sa mga sinabi nito at nanatili siyang tahimik hanggang sa makarating sila sa tapat ng kanilang bahay. 

Maya't-maya niyang naririnig ang buntong-hininga nito pero wala na siyang narinig na salita galing kay Angelo. Lalabas na sana siya sa sasakyan pero hinawakan nito ang kamay niya kaya napatingin siya dito. At pinigilan niyang matawa sa ekspresyon sa mukha nito dahil para itong problemado sa pagiging tahimik niya. Para itong batang nakanguso na napagalitan ng ina.

"Galit ka ba?" tila nag-aalangang anas nito at umiling lang siya bilang sagot. "Then talk to me, honey. Bakit ang tahimik mo? May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan? May nagawa ba akong mali? Tell me, honey.. Tungkol ba sa pagiging possessive at demanding ko? Kahit mahirap, babawasan ko. Sa halik ba? Wala na akong magagawa pagdating sa bagay na 'yon. Masanay ka na lang dahil higit pa sa halik ang gagawin natin kapag handa ka na," pagpapatuloy nito na parang hindi mapakali dahil sa silent treatment niya dito. 

Kunot-noo lang siya habang nakatingin dito dahil hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang reaksyon at ikinikilos ni Angelo sa pagiging tahimik niya. 

Masama bang maging tahimik dahil wala siyang gustong sabihin? Idagdag pa na napagod siya sa ginawa niyang halos maghapon na paglalangoy kanina kaya gusto na niyang magpahinga. Kaya tamad na tamad din siyang magsalita at idagdag pa na wala naman siyang gustong sabihin dito.

"Talk to me, please.. Ayaw ko ng ganito. Para akong mababaliw, honey. Pangako, magbabago na ako. Babawasan ko na ang ayaw mo sa ugali ko," pagpapatuloy nito at kinuha ang kamay niya at bahagyang pinisil 'yon. 

Gustong-gusto niya ang mga salitang lumalabas sa bibig nito at hindi niya maiwasan ang hindi umasa na may nararamdaman din ito sa kanya pero alam naman niyang malabong mangyari iyon.

Hindi lang ito sanay sa pagiging tahimik niya dahil kadalasan ay sinasalungat niya lahat ng sinasabi nito kaya ganito ang reaksyon ni Angelo. Dahil kadalasan ay para silang aso't pusa kapag magkasama silang dalawa.

"Pagod lang ako, Angelo. At isa pa, wala naman akong karapatang magalit sa'yo. Wala rin akong karapatan na magreklamo sa lahat ng gusto mo. Pinagbabayaran ko ang kasalanan ng ama ko sa pamilya mo kaya wala akong karapatang suwayin lahat ng mga utos at gusto mo. Alam ko namang ginagamit mo lang ak—" Naputol ang lahat ng sasabihin niya nang angkinin ni Angelo ang labi niya. 

Malalim siya nitong hinalikan at tumigil lang ito ng pareho silang kapusin ng paghinga.

"Huwag mo nang ituloy ang gusto mong sabihin, honey. Masakit sa tenga at hindi naman ako gano’n kasama. Inaamin kong may katotohanan naman ang mga sinabi mo pero may iba pa akong rason, Vanessa. At malalaman mo rin iyon pagdating ng tamang panahon," wika nito na ikinaikot ng kanyang mata. 

Mahina lang nitong tinawanan ang ginawa niya bago siya mabilis na ninakawan ng halik sa labi.

"Bakit? Masakit bang marinig ang katotohanan? At kailan pa dadating ang tamang panahon na 'yan? Kapag wala na ako sa tabi mo?" masungit na anas niya dahil biglang nabuhay ang palaban side niya. Napangiwi si Angelo pero agad din na sumeryoso ang mukha nito.

"Hindi ko itinatanggi ang katotohanang 'yon pero hinding-hindi mangyayari na mawawala ka sa tabi ko. Asawa na kita kaya dapat lang na nasa tabi kita at lagi kitang kasama. Hindi kita hahayaan na makalayo pa sa'kin. Lagi mong tatandaan na nakatali ka na sa akin, Vanessa. At kahit anong gawin mo ay hindi ka na makakawala. Akin ka lang and always remember that, honey. You. Are. Mine," seryosong wika nito at muling inangkin ang labi niya. 

Mas mapusok at mas malalim. Tila nang-aangkin at wala siyang ibang nagawa kundi ang magpaubaya at magpadala sa bawat galaw ng labi nito.

Hindi niya alam kung papaano nangyari pero natagpuan na lang niya ang sariling nakaupo sa kandungan ni Angelo habang patuloy pa rin nitong inaangkin ang labi niya. 

Ang mas nakakagulat ay ginagantihan niya ang halik nito na parang nasa ilalim siya ng isang hipnotismo. At wala siyang lakas para labanan iyon dahil lolokohin niya lang ang sarili kung itatanggi niyang hindi niya nagugustuhan ang halik ni Angelo.

"Fuck!" daing nito pagkatapos nilang maghiwalay sa malalim at matagal na halikan. Parehas nilang habol ang paghinga at may naglalarong ngiti sa labi ni Angelo na parang sobra itong nasiyahan sa ginawa niyang pagtugon sa halik nito.

"Papasok na ako sa bahay," nahihiyang anas niya habang hindi makatingin sa mga mata nito. Nanatili siyang nakaupo sa lap nito at nasa hita niya ang kamay ni Angelo. At doon lang nag-sink in sa kanya ang kanilang posisyon.

"Much better, honey.. Dahil baka hindi ako makapagpigil at maangkin kita dito," nakataas ang sulok ng labi na anas nito na mas lalong ikinapula ng kanyang mukha. Umalis siya sa mga hita ni Angelo pero ninakawan pa siya nito ng mabilis na halik sa labi bago siya tuluyang nakaalis sa kandungan nito.

Lumabas siya ng sasakyan at agad na pumasok sa kanilang bahay. Naabutan niya sa kusina ang mama niya na abala sa pagluluto ng kanilang magiging hapunan. Nandoon na rin ang Tito Ziggy niya habang nasa mga hita nito ang kanyang bunsong kapatid.

"Nandito ka na pala, Vanessa. Si Angelo? Pinuntahan ka ba niya sa ilog? Siya ba ang naghatid sa'yo? Hindi mo muna siya pinapasok para dito na maghapunan," wika ng mama niya nang mapansin siya nitong nakatayo sa bukana ng kusina.

"Opo, mama. Pero nakaalis na po siya," wika niya at tumango naman ito.

"Oh siya, pumasok ka na sa kwarto mo at magpalit ng damit. Malapit na rin akong matapos dito. Sabay-sabay na tayong kumain bago ka magpahinga." 

"Mauna na lang po kayong kumain, mama. Mamaya na lang po ako kakain at magpapahinga lang po muna ako sa kwarto," wika niya at pumayag naman ang kanyang ina dahil nahalata nito ang pagod sa kanyang mukha. 

Totoo namang pagod siya at ang gusto niya lang gawin sa mga oras na iyon ay ang humiga at matulog sa ibabaw ng kanyang kama. 

Binuksan niya ang pinto ng kanyang kwarto at muntik pa siyang napasigaw sa gulat ng may kamay na humila sa kanya papasok at agad na tinakpan ang kanyang bibig ng malaki nitong kamay para hindi siya makasigaw. 

Namimilog ang matang tiningnan niya ang taong gumawa no'n at nakahinga siya ng maluwag nang makitang si Angelo ang nasa harap niya.

"A-Anong ginagawa mo rito?" mahinang anas niya nang alisin nito ang kamay sa bibig niya. 

Umalis ito sa kanyang harapan bago humiga sa ibabaw ng kanyang kama na parang pagmamay-ari nito ‘yon.

"Wala rin naman akong gagawin sa bahay ng kapatid ko kaya dito na lang muna ako. Uuwi na lang ako kapag nakatulog ka na," simpleng wika nito at napahinga na lang siya ng malalim para kalmahin ang sarili.

Nagulat lang siya sa ginawa nitong paghila kanina pero hindi na siya nagulat nang makitang nasa loob ng kanyang kwarto si Angelo. Dahil sa mga nakalipas na taon ay malaya itong nakakapasok sa kwarto niya, gusto man niya o hindi. 

Dumadaan ito sa maliit na balkonahe ng kanyang kwarto at hindi niya alam kung papaano nito nabubuksan ang pinto doon.

Wala naman itong ibang ginagawa sa kanya at tinatabihan lang siya nito sa ibabaw ng kanyang kama. At wala rin naman siyang ibang magawa para pigilan ito dahil kahit ilang beses na niyang pagsabihan si Angelo ay hindi ito nakikinig sa kanya. 

Para itong batang pagsabihan, hindi nakikinig at napakakulit. Sobrang tigas ng ulo at ang gusto lagi ang nasusunod.

"Come here. Alam kong pagod ka at gusto mo nang magpahinga. May space pa naman dito sa tabi ko," wika nito at wala siyang nagawa kundi ang humiga sa tabi nito. Kanina pa gustong pumikit ng kanyang mga mata dahil sa pagod na nararamdaman. 

Malaki naman ang tiwala niya kay Angelo na wala itong ibang gagawin sa kanya dahil kung may binabalak man ito ay dapat noon pa lang ay ginawa na nito ‘yon. Dahil katulad nga nang sinabi niya ay hindi lang 'yon iisang beses na nangyari. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na nitong napasok ang kanyang kwarto at doon lagi ito natutulog sa tabi niya. Minsan nga nagigising na lang siyang nasa tabi niya ito.

"Goodnight. Dream of me, honey," mahinang anas nito at niyakap siya buhat sa likod. 

Naramdaman din niya ang paghalik nito sa kanyang buhok bago siya hilahin ng pagod at tangayin ng antok hanggang sa tuluyan siyang nakatulog.

Kaugnay na kabanata

  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata V

    KINABUKASAN, maagang nagising si Vanessa pero wala na si Angelo sa tabi niya. Hindi niya alam kung anong oras ito umalis dahil sa sobrang himbing ng kanyang tulog kagabi.Hindi na rin niya nagawang kumain ng hapunan dahil tuloy-tuloy na ang kanyang mahimbing na pagtulog dahil sa pagod sa ginawa niyang pagliligo sa ilog. Kaya hindi na siya nagtaka kung bakit kumukulo na ang kanyang tiyan dahil sa gutom na nararamdaman.Umalis siya sa ibabaw ng kama at bahagyang kumunot ang noo nang magkita ng isang sticky note na nakadikit sa malaking salamin niya sa kwarto.Kinuha niya 'yon at may sumilay na ngiti sa labi niya nang mabasa ang nakasulat doon. Nakagat niya rin ang labi dahil sa kilig na nararamdaman dahil iyon ang unang beses na ginawa iyon ni Angelo.'Good morning, honey.. How was your sleep? Did you dream of me last night? Dahil ako, lagi kang kasama sa mga panaginip ko. I'm sorry kung di na ako nakapagpaalam bago ako umalis kagabi. Ang himbing kasi ng tulog

    Huling Na-update : 2021-09-13
  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata VI

    MALAWAK ang ngiti ni Angelo habang hinihintay ang pagdating ni Vanessa. Kahapon pa umalis ang kanyang Ate Caren kasama ang asawa at ang kambal na anak ng mga ito at ngayon ang unang araw na masosolo niya ang kanyang asawa.Excited na siya sa maaaring mangyari at maraming mga ideya ang tumatakbo ngayon sa kanyang isipan. Mga ideya na matagal na niyang gustong mangyari at isang magandang pagkakataon para sa kanya ang maisakatuparan iyon lalo na at solo niya si Vanessa ngayon.Kasalukuyan siyang nasa living room para hintayin ang pagdating nito at unti-unti na siyang nakakaramdam ng pagka-inip. Ilang minuto pa lang naman siyang nakaupo doon pero dahil sa masyado yata siyang excited ay ang katumbas ng isang minuto ay isang oras ngayon sa kanya. At pinipigilan niya lang ang sariling huwag puntahan si Vanessa sa bahay ng magulang nito.It's already seven in the morning at dapat sa gano’ng oras ay nandoon na si Vanessa.Naghintay pa siya ng ilang minuto dahil baka tinangh

    Huling Na-update : 2021-09-13
  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata VII

    PAGKATAPOS magluto ni Vanessa ng breakfast ay sinabayan niyang kumain si Angelo. Tahimik lang sila pareho pero ramdam niya ang matiim na titig nito sa kanya. Hindi pa rin niya maiwasan ang mailang sa mga titig nito kahit na kadalasan ay ganun ang ginagawa ni Angelo kapag magkasama silang dalawa.At halos magtaasan ang lahat ng balahibo niya sa katawan dahil pakiramdam niya ay tagos hanggang laman at sagad hanggang buto kung tumitig ito sa kanya. Parang pati yata kaluluwa niya ay nakikita nito. It's kinda creepy pero sanay na siya kay Angelo.Tunog ng kubyertos ang namamayani sa dining room at nanggagaling iyon kay Angelo dahil nakakamay lang siyang kumain. Mas gusto niya ang magkamay lang dahil pakiramdam niya ay mas nabubusog at nae-enjoy niya ang pagkain.Pero syempre, kapag nasa bahay lang naman siya o kaya ay kakilala niya ang mga taong nakakakita sa kanya. Pero kapag sa harap lang din naman ni Angelo, wala siyang pakialam kung anong isipin nito o kung

    Huling Na-update : 2021-09-13
  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata VIII

    KANINA pang hindi maipinta ang mukha ni Vanessa habang pinipilit na ayusin ang cellphone niya. Nakalimutan niyang nasa bulsa niya iyon at nang maalala ay mabilis niya iyong kinuha pero huli na ang lahat. Naipit iyon ni Angelo kanina habang nakadagan sa kanya at hindi na 'yon mabuhay. Nadamay ang kawawang cellphone niya sa kalandian nito.Natuluyan na ang mumurahin niyang cellphone na kasama niya buhat pa noong una dahil iyon ang una at huli niyang cellphone na bigay pa ng mama niya. Tuluyan na itong sumuko at kasalanan iyon ni Angelo.Mula nang lumabas siya sa kwarto nito ay hindi na niya ito nakita. Iniwan niya ito sa kwarto kanina nang tumawag ang mom nito dahilan nang pagtigil nito sa pagpapak sa labi niya.Halata ang pagkainis nito sa mukha nang sagutin iyon at sinamantala na niya ang pagkakataong iyon para iwanan ito. Hindi siya nagpasindak sa masamang tingin nito dahil wala naman itong magagawa para habulin siya sapagkat kausap nito ang ina."Mabuhay ka, plea

    Huling Na-update : 2021-09-13
  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata IX

    INUBOS nila ang oras sa paglalangoy sa pool at hapon na nang umalis sila doon. Pareho nilang hindi napansin ang paglipas ng oras at sobra silang nag-enjoy habang magkasama. Walang kapilyuhan o kalokohang ginawa si Angelo sa kanya at kakaibang side ang ipinakita nito nang araw na iyon.Namayani ang tawa at halakhak nila at parang mga batang nagpaligsahan sa paglalangoy at pagsasabuyan ng tubig. Tila bumalik sila sa nakaraan dahil noong mga bata pa sila ay nangyari na rin iyon sa ilog. Nagtatawanan at nagkukulitan lang sila ni Angelo at hindi niya itatanggi na sobra niyang nagustuhan ang gano’ng side nito.Kasalukuyan siyang nasa kitchen at nagluluto ng dinner ni Angelo. Isa iyon sa dahilan kung bakit humingi ng pabor sa kanya ang kapatid nito dahil hindi ito marunong magluto.Alam na niya 'yon sa simula pa lang at isa iyon sa hindi kayang gawin ng isang Carl Angelo sa kabila ng pagiging perpekto nito sa mata ng nakararami lalo na sa mata ng mga babaeng nahu

    Huling Na-update : 2021-09-13
  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata X

    KINABUKASAN, nagtataka si Angelo kung bakit nasa loob siya ng sariling kwarto at nakahiga sa sariling kama. Ang huling natatandaan niya ay nakipag-inuman siya sa kinikilalang ama ni Vanessa at hindi niya maalala kung papaano siya nakabalik sa bahay ng kanyang Ate Caren.Inihatid ba siya ng Tito Ziggy niya? Pero sino ang nag-asikaso sa kanya? At bakit boxer short na lang ang natitirang saplot niya sa katawan?Fuck! Gano’n pala ang pakiramdam uminom ng alak. Nakakaadik kahit na masama ang lasa. Parang habang tumatagal lalong sumasarap at mabuti na lang dahil wala siyang hangover. Pero papaano siya magkakaro'n ng hangover kung hindi pa nga niya nauubos ang isang bote ng beer ay lasing na agad siya. That was his first time at noon niya lang nalaman na mahina pala ang tolerance niya sa alak.Napailing na lang siya habang pilit na inaalala kung paano siya nakabalik sa bahay ng kanyang Ate Caren. Ang huling natatandaan niya ay nakatulog siya habang nakaupo sa tabi ni V

    Huling Na-update : 2021-09-13
  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata XI

    WALANG nagawa si Vanessa sa gusto ni Angelo at tulad nang sinabi nito ay sa bahay nila ito kumain ng tanghalian. Pero hindi pa rin ito umalis sa bahay nila at lagi itong nakasubaybay at nakasunod sa kanya. At kahit sa kwarto niya ay lihim itong nakakapasok kaya useless din ang ginagawa niyang pagkukulong doon para saglit na makaiwas dito.Mabuti na lang at hindi nakakahalata ang mama niya at mas lalong dumikit sa kanya si Angelo nang umalis sa bahay ang mama niya para bantayan ang tindahan na hindi naman kalayuan buhat sa kanilang bahay. Kasama nito ang kanyang kapatid kaya nasolo siya ng makulit niyang asawa. Daig pa nito ang isang batang naghahanap ng atensyon.Mabilis na lumipas ang oras at hindi pa rin umaalis si Angelo hanggang sa sumapit ang gabi. Sa kanila na rin ito kumain ng dinner dahil inanyayahan ito ng kanyang mama na malugod naman nitong pinaunlakan dahil pabor na pabor 'yon sa gusto nito. Baka kung may libreng kwarto lang sa bahay nila ay doon na rin i

    Huling Na-update : 2021-09-13
  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata XII

    "YOUR time is up, honey." Dinig niyang wika ni Angelo bago ito umalis sa ibabaw niya.Umalis ito sa kama at agad siyang nag-iwas ng tingin nang alisin nito ang boxer na suot. Narinig pa niya ang pilyo nitong pagtawa bago muling pumuwesto sa ibaba niya.Dahan-dahan itong gumapang pataas sa katawan niya at hinalikan nito ang bawat madaanan ng labi nito. Nagsimula ito sa paa niya pataas sa hita niya at medyo nagtagal sa kanyang kaselanan na parang gusto nitong muling sambahin iyon.Hanggang sa muling tumaas ang labi nito sa tiyan niya patungo sa kanyang dibdib at muling sinakop ng mainit na bibig nito 'yon. Sinamba ni Angelo ang buo niyang katawan at lahat ng parte ay hinalikan nito. Pakiramdam niya ay sinasamba nito ang buo niyang pagkatao at gustong-gusto niya 'yon. Pero mas gusto niyang magpaalipin sa mga haplos at halik nito.Nagpantay muli ang mukha nila at agad na sinakop ng labi nito ang labi niya. Mapusok at malalim siya nitong hinalikan at nakulong sa magkala

    Huling Na-update : 2021-09-13

Pinakabagong kabanata

  • Lovin' My Enemy's Daughter   Wakas

    ANG akala noon ni Vanessa ay walang patutunguhan ang buhay niya mula noong sinabi niya kay Angelo na siya ang magbabayad ng kasalanan ng kanyang ama. Mula pagkabata ay itinanim na niya iyon sa kanyang murang isipan at pinaniwala niya ang sariling habambuhay na siyang mananatili sa kamay ng isang Aldover para pagbayaran ang kasalanang hindi niya ginawa.Pero mula noong manatili sila sa Isla Montellano ay naging payapa ang buhay ng pamilya niya, ibang-iba sa kinalakihan niya sa piling ng kanyang tunay na ama.Sa murang edad ay marami na siyang karanasan at mga nasasaksihang hindi angkop sa kanyang inosenteng isipan habang nasa poder siya ng baliw niyang ama. Alam niya ang nagaganap sa paligid niya lalong-lalo na ang pagtitiis at paghihirap ng kanyang ina sa mga ginagawang kabaliwan nito. At hindi lang iisang beses niyang nasaksihan iyon.Nahasa ang isip niya sa murang edad dulot ng mga nangyayari sa paligid niya. Mabuti na lang at ipinapaliwanag ng kanyang ina sa kanya ang la

  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata XXXII

    NAPAPAILING na lang si Angelo sa tuwing may nakakasalubong siyang empleyado na parang naninibago sa kanya. Hindi na nawala ang kanyang malawak na ngiti mula nang umalis siya sa bahay hanggang sa makarating siya sa kumpanya ng ama kaya hindi na siya nagtaka kung bakit ganoon ang reaksyon ng mga ito kapag nakikita siya.Iyon ang unang beses na makita ng mga itong nakangiti siya at siya pa ang bumabati sa mga ito ng 'magandang umaga'. Ibang-iba sa trato niya sa mga ito noon na tingnan lang siya sa mata ay mawawalan na agad ang mga ito ng trabaho. Ibang-ibang ang Angelo na nakikita ng mga ito ngayon kumpara sa Angelo na boss ng mga ito sa nakalipas na taon.Pumasok siya sa elevator at tila nag-aalangan naman ang ibang empleyado na sumabay sa kanya kaya tinanguan niya ang mga ito at bahagyang nginitian para ipabatid sa mga ito na ayos lang na sumabay sa kanya.Nagulat ang mga ito sa ginawa niya at nag-unahan pang pumasok sa elevator para makasabay siya.Nagb

  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata XXXI

    KASABAY nang pag-agos ng tubig sa katawan ni Vanessa ay ang pagbaha sa alaala niya ng mga nangyari sa pagitan niya at ni Angelo sa mga nakalipas na araw.Buhat noong unang araw na may namagitan sa kanila ay walang araw ng lumilipas na hindi siya inaangkin ni Angelo. Hindi niya alam kung anong nangyari dito at kung ano ang laman ng isipan nito basta nagpapaubaya lang siya sa asawa. Hindi na isang katulong ang turing nito sa kanya at ramdam niya ang kahalagahan niya ngayon kay Angelo.Hindi na iba ang turing nito ngayon sa kanya bilang Joy kumpara sa turing nito noon sa kanya bilang Vanessa, bilang asawa nito. At hindi niya rin alam kung nakakahalata na ba ito sa totoo niyang pagkatao dahil kapag kasama niya si Angelo ay lagi niya itong nahuhuling nakatitig at nakamasid sa kanya na para bang binabasa nito ang kanyang buong pagkatao.Ilang araw na ang mabilis na lumipas at sa bawat araw na iyon ay parang bumalik sila sa dati ni Angelo. Siya bilang Vanessa na asawa

  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata XXX

    BAHAGYANG natigilan si Vanessa sa ginawa ni Angelo at natauhan lang siya nang marinig ang pagkapunit ng kanyang bestidang suot. Hinati iyon ni Angelo sa dalawa na para lang nagpupunit ng isang papel. Nagulat siya sa ginawa nito at wala siyang ibang nagawa kundi tanggapin ang kapusukan at agresibong galaw ng asawa.Hindi ito tumigil sa pag-angkin sa labi niya at wala itong itinirang saplot sa kanyang katawan. Lahat 'yon ay sinira nito bago itinapon sa iba't-ibang parte ng kwarto. Hindi niya inaasahan na ganito ang mangyayari sa pagpasok niya sa kwarto ni Angelo at hindi niya rin alam kung magugustuhan niya ang gagawin nito sa kanya lalo na at lasing ito.Agresibo ang bawat galaw ng labi ni Angelo at idagdag pa ang isang kamay nitong nagsisimula nang maglakbay sa kanyang katawan. Habang ang isa naman ay hawak ang magkabila niyang kamay at nakadiin iyon sa pinto sa itaas ng ulo niya.Sobrang magkadikit ang kanilang katawan kaya ramdam na ramdam niya ang init na nagmumula

  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata XXIX

    KATULAD ng mga nakaraang araw, maagang gumising si Vanessa para magluto ng breakfast ni Angelo. Gumising ng maaga, maglinis ng bahay at pagsilbihan ito. 'Yon na ang naging daily routine niya buhat ng maging katulong siya ng sarili niyang asawa.Nakakatawa mang isipin pero 'yon ang estado ng kung anong mayroon sila ngayon ni Angelo. Asawa noon, naging kasambahay ngayon. Napapangiti na lang siya kapag pumapasok sa isipan niya ang bagay na iyon.Tulog pa si Michael Angelo sa crib na nasa loob ng kanyang inuukupang guest room. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa araw-araw na ginagawa ni Angelo para sa kanya at para sa kanilang anak kahit na wala pa itong kaalam-alam sa totoong katauhan nilang mag-ina.Halos lahat ng pangangailangan niya lalo na ni Michael Angelo ay ibinibigay ni Angelo. At halos araw-araw sa tuwing umuuwi ito sa bahay galing trabaho ay may dala itong pasalubong sa bata. Mga laruan, damit at mga kung ano-ano pang gamit para sa bata.&

  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata XXVIII

    MAAGANG tinapos ni Angelo ang naiwang trabaho sa opisina para maaga rin siyang makauwi. Hindi niya alam kung bakit lagi siyang excited umuwi buhat noong makasama niya sa bahay ang mag-inang Joy at Michael Angelo.Masipag na katulong si Joy at wala siyang maipipintas sa husay nito sa gawaing-bahay. Sanay na sanay itong magtrabaho at higit sa lahat ay magaling itong magluto katulad ng namayapa niyang asawa.Sa mga nakalipas na araw ay may napapansin siya sa mag-ina. Lalo na kay Joy. Nakikita niya ang katauhan dito ni Vanessa. Mula sa boses nito maging sa kilos ay maihahalintulad niya kay Vanessa. Kung pagmamasdan ito habang nakatalikod ay aakalain niya talagang ito ang asawa niya. Pero isa iyong malaking imposible dahil matagal ng wala ang kanyang asawa. Baka nagkataon lang..Idagdag pa ang batang si Michael Angelo. Ang akala niya noong gabing una niyang nasilayan ang mag-ina ay lasing lang siya pero totoo palang kamukha niya ang bata. Pinakatitigan niya rin ang mukha n

  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata XXVII

    PINIGILAN ni Vanessa ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata niya matapos niyang marinig ang sinambit ni Angelo. Nagsalubong ang kanilang mga mata at bumukas-sara ang labi nito na tila napagtanto kung sino siya. Bahagya ring namilog ang mga mata nito na parang nakakita ng multo."V-Vanessa.." he whispered at bumalik muli ang kanyang pag-asang nakilala siya ng kanyang asawa. Pero agad na naglaho 'yon nang magsalita muli si Angelo."I'm sorry.. Lasing lang yata ako. Hindi ikaw ang asawa ko. Napakalaking imposible dahil wala na siya one year ago.." dagdag nito na sinundan pa ng walang buhay na tawa. Bahagya itong umiling at hindi nakaligtas sa pang-amoy niya ang humahalong amoy ng alak sa mamahaling pabango nito.Wala na ang asawa niya one year ago? Hindi naman siya namatay, ah? Sino ang tinutukoy nitong asawa na nawala one year ago--Oh, God! Don't tell her na tama ang hinala niya. Napagkamalan nitong siya ang isa sa katawan na nasunog sa loob ng sasakyan dahil sa singsing

  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata XXVI

    AFTER ONE YEAR...Katulad ng mga nakaraang araw, linggo at buwan ay parang walang buhay na nagmulat ng mga mata si Angelo para salubungin na naman ang panibagong umaga.Panibagong araw, panibagong umaga pero wala pa ring pagbabago sa nararamdaman niya dahil nandoon pa rin ang sakit nang pagkawala ng kanyang pinakamamahal na asawa at ng kanila sanang magiging anak. Mabigat pa rin sa dibdib. Masakit pa rin..Isang taon na ang mabilis na lumipas buhat noong nangyari 'yon pero sariwa pa rin sa kanya ang lahat. Sariwa pa sa kanya ang alaala nang pagkawala ng mag-ina niya at sariwa pa rin ang sugat sa kanyang puso na idinulot ng pangyayaring iyon sa bubuuin niya sanang pamilya. Parang kahapon lang nangyari ang lahat dahil sobrang sakit pa rin. At isang taon na siyang nabubuhay sa sakit.Three months old na sana ang baby nila. At sana ay kasal na silang dalawa ni Vanessa sa simbahan kung hindi lang nangyari ang napakasakit na pangyayaring iyon. Plano niya sanang pakasalan

  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata XXV

    "VANESSA..""Honey.." Hindi alam ni Angelo kung saan siya tutungo. Ilang oras na siyang naglalakad at wala siyang alam na patutunguhan. Basta lakad-takbo lang ang ginagawa niya habang sinusundan ang mahinang tinig ng kanyang asawa. Umiiyak ito at humihingi ng tulong sa kanya."Angelo.. Tulungan mo kami ng anak mo," mahinang boses galing sa kanyang asawa pero hindi niya ito makita.Nilibot niya ang buong lugar pero hindi niya ito matagpuan. Tanging makapal na usok lang ang nakikita niya at kumabog ang dibdib niya sa takot at kaba dahil doon nagmumula ang boses ni Vanessa."Vanessa? Nasaan ka? Nandito na ako, honey!" malakas na bigkas niya at agad niyang tinakbo ang lugar kung saan nagmumula ang makapal na usok.Nang marating niya ang lugar ay nakita niya ang isang nasusunog na sasakyan at nasa loob no'n si Vanessa. Pinipilit nitong lumabas pero hindi nito magawa. Nagtama ang mga mata nila at kita niya ang bawat pagpatak ng luha nito. Bakas din ang takot sa

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status