Share

Kabanata III

Author: jhoelleoalina
last update Huling Na-update: 2021-09-13 20:44:43

HALOS kalahating oras nang pabalik-balik sa paglalangoy si Vanessa sa ilog pero hindi man lang siya nakakaramdam ng pagod. Labis ang sayang kanyang nararamdaman dahil sa wakas ay muli siyang nakaligo doon. 

Hindi na niya maalala ang huling beses na pumunta at naligo siya doon dahil lagi siyang abala sa school at tuwing bakasyon lang siya nakakapunta doon kapag may libreng oras siya. 

Kaya susulitin na niya ang araw na iyon habang hindi pa muling nagpaparamdam sa kanya si Angelo. Dahil sigurado siyang hindi na naman ito mawawala sa tabi niya at magkakaroon na naman siya ng mga limitasyon.

Pilit niyang inalis sa isipan si Angelo dahil nagsisimula na namang mapuno ng imahe nito ang kanyang isipan. Kaya siya nagpunta sa ilog ay para magsaya bago muling humarap dito pero hanggang doon ay pilit pa rin itong sumisiksik sa isipan niya. 

Wala na nga siyang takas kapag nasa paligid niya ito pati ba naman sa kanyang isipan ay nagagawa nitong guluhin siya?

Hayyss.. Wala na yata talaga siyang kawala sa isang Carl Angelo. Dahil pati sistema niya ay na-corrupt na nito. Nakatatak na yata ito sa kanyang buong pagkatao. At alam niyang baka sa mga susunod na araw ay pati katawan niya ay mamarkahan na rin nito.

Nagpatuloy na lang siya sa paglalangoy at parang batang nagtampisaw sa ilog. Mag-isa lang siya doon kaya solo niya ang buong lugar. Hindi naman siya nakakaramdam ng takot o pangamba na baka may magsamantala sa kanya dahil wala siyang kasama sapagkat halos kilala niya lahat ng tao sa kanilang lugar. 

Wala rin namang ibang taong nagagawi roon at idagdag pa na hindi naman masyadong pinupuntahan ang ilog na 'yon. Siya lang ang madalas na pumunta doon para maligo.

Bahagya siyang natigilan sa kanyang paglalangoy nang maramdamang parang may nanonood sa kanya. Pamilyar iyon dahil nararamdaman niya lang ang ganoong pakiramdam kapag ang nakatingin o nakatitig sa kanya ay si Carl Angelo. 

Parang nagtataasan ang lahat ng balahibo niya sa katawan sa hindi malamang dahilan pero nang libutin niya ng tingin ang buong ilog ay wala siyang ibang taong makita. Tanging namamayani doon ay ang mga huni ng ibon sa paligid at ang agos ng tubig.

Ipinagsawalang-bahala na lang niya ang nararamdaman at babalik na sana siya sa paglalangoy pero halos himatayin siya sa sobrang gulat ng biglang may sumulpot sa harapan niya galing sa ilalim ng tubig.

"Angelo!?" gulat at namimilog ang matang wika niya nang masilayan ang taong nasa harapan niya. 

Hindi niya inaasahang pupuntahan siya doon ni Angelo at mas lalong hindi niya inaasahan na basta na lang ito susulpot sa kanyang harapan. 

"Got ‘yah, honey," anas nito habang nakataas ang sulok ng labi.

 

Lalayo sana siya dito dahil halos magkadikit na ang kanilang katawan pero mabilis nitong hinapit ang bewang niya dahilan nang mas pagdidikit ng katawan nila. 

At agad na namula ang kanyang mukha dahil naipit sa pagitan nila ang kanyang dibdib at doon tumuon ang mata ni Angelo. Hindi lang basta nakatingin dahil nakatitig ito sa dibdib niya.

"Bastos!" namumula ang mukhang sigaw niya at pilit na itinulak ito pero hindi siya nito pinakawalan. Nag-angat ito ng tingin sa kanya at bakas doon ang pagkamangha at kapilyuhan.

"I'm not doing anything, honey. Kaya papaano ako naging bastos? Hindi ko naman hinawakan, sinulyapan ko lang. Asawa mo naman ako kaya normal lang na makita ko ang katawan mo. And very soon hahaplusin ko rin 'yan at aangkinin kaya dapat lang na masanay ka na. And if I'm not mistaken, it became bigger than before. Perfectly fit for my hands and I'm dying to feel how soft—" he was cut off nang takpan niya ang bibig nito dahil hindi niya kinaya ang lumalabas sa bibig ni Angelo. 

Tinawanan lang siya nito at agad niyang binawi ang kamay nang maramdaman niya ang bahagya nitong pagkagat at pagdila doon. 

Namimilog ang matang tiningnan niya ito habang aliw na aliw naman ito sa reaksyon niya. Nakataas ang sulok ng labi at bakas ang kapilyuhan sa mukha. 

Oh God! Wala pang ilang minuto niya itong nakakasama, ganito na agad ang nangyayari sa kanila. Papaano pa kaya sa mga susunod pang mga araw?

"A-Anong ginagawa mo dito?" tanong niya matapos niyang makabawi sa kapilyuhang ginawa ni Angelo. 

Magkadikit pa rin ang katawan nila at nanatiling nakapulupot ang braso nito sa bewang niya. Hindi na lang niya sinubukan pang kumawala sa mga bisig nito dahil sa bawat pagpupumiglas niya para subukang kumawala doon ay mas lalong humihigpit ang pagkakagapos ng braso nito sa katawan niya. 

Mas lalong nagdidikit din ang kanilang katawan at ramdam niya ang angking kakisigan ng katawan nito. At hindi niya maiwasan ang mailang dahil sa may nararamdaman siyang matigas na bagay na nakadiin sa kanyang tiyan at hindi naman siya ganoon kainosente para hindi niya malaman kung ano ang bagay na 'yon.

"Sinundan kita. Hinintay kita sa bahay ni Ate Caren at hindi ka man lang nagpaalam na hindi ka pala pupunta doon ngayong araw. Tinatakasan mo ba ako? Huwag mo nang subukan dahil masama akong magalit, honey. Kakaiba akong magbigay ng parusa," seryosong wika nito at nawala ang kapilyuhan sa mukha ni Angelo. 

Napalunok siya dahil doon at hindi niya maiwasan ang hindi makaramdam ng takot dito dahil alam niyang seryoso ito sa mga sinabi nito. At hindi niya nanaisin ang maparusahan ng isang Carl Angelo. Hindi nga ba?

"Hala! Nakalimutan ko palang magpaalam kay Ate Caren. Pasensya na dahil masyado lang akong na-excite na pumunta dito kaya nawala sa isip kong magpaalam. Pero pangako hindi kita tinatakasan. Plano ko talagang magpaalam kanina," paliwanag niya dito pero hindi nagbago ang ekspresyon at emosyon sa mukha ni Angelo. Seryoso pa rin itong nakatingin sa kanya na parang hindi nito tinatanggap ang paliwanag niya. Lagot siya nito..

Bahagya niyang nakagat ang labi dahil sa kabang nararamdaman at doon natuon ang atensyon ni Angelo. May kumislap na kung anong emosyon sa mata nito at umigting din ang bagang na lalong ikinakabog ng dibdib niya dahil sa kaba.

"Tatanggapin ko ang paliwanag mo pero pagkatapos kong gawin ito, honey," anas nito at napasinghap na lang siya kasabay nang pamimilog ng kanyang mga mata dahil mabilis nitong inangkin ang labi niya.

Gulat at hindi makapaniwalang nakatingin siya dito pero unti-unti ring pumikit ang kanyang mga mata katulad ng mga mata ni Angelo nang simulan nitong igalaw ang labing nakadikit sa labi niya. 

Bahagya rin nitong kinagat ‘yon na kanyang ikinasinghap. Kinuha nito iyong magandang pagkakataon para mas palalimin ang halik na iginagawad nito sa kanya. 

Para siyang nauubusan ng lakas sa bawat paggalaw ng labi nito at wala siyang ibang nagawa kundi ang magpaubaya kay Angelo. 

Hindi niya magawang gantihan ang halik nito dahil hindi niya alam kung papaano. It was her first kiss, not counted nang ninakawan siya nito ng halik noong mga bata pa sila. At wala rin siyang makapang pagtutol sa dibdib niya sa ginagawa nitong pag-angkin sa labi niya ngayon.

"Y-You kissed me.." hindi makapaniwalang anas niya nang maghiwalay ang labi nila.

Habol nila pareho ang paghinga at bakas ang kislap ng kasiyahan sa mata nito habang nakatingin sa labi niya bago sinalubong ang kanyang mga mata.

"Yeah.. And your lips taste sweet, honey. I want more, Vanessa. Can I kiss you again?" he huskily said at hindi niya alam pero parang nahipnotismo siya nito dahil natagpuan na lang niya ang sariling tumatango bilang sagot. 

Parang may mahika ang binitawang salita ni Angelo at napasinghap na lang siya ng muli nitong angkinin ang kanyang labi. Mapang-angkin, mapangahas at mapusok siya nitong hinalikan.

"Hhmm.." 

Hindi niya napigilan ang kumawalang daing sa labi niya lalo na nang bumaba ang kamay nito sa kanyang pang-upo at mas idiniin siya sa katawan nito. 

Mas naramdaman niya ang kahandaan nito at pakiramdam niya ay tila mas naging matikas iyon.

"Kiss me back, honey.." utos nito habang patuloy na inaangkin ang labi niya pero hindi niya alam kung paano. 

Idagdag pa na napakabilis at napakapusok nang paghalik nito at hindi niya alam kung kaya niyang sabayan 'yon. 

"Kiss me back, Vanessa. Or else I'm gonna take you here right now sa ayaw at sa gusto mo." banta nito at bahagyang humiwalay sa kanya. 

Habol nito ang paghinga at matiim itong nakatitig sa kanya. Ramdam niya ang medyo pamamanhid ng kanyanag labi dahil sa paghalik na ginawa nito. Parang gigil na gigil at sabik na sabik sa kanya si Angelo.

"P-Pero hindi ko alam kung paano humalik," nahihiyang anas niya at nag-iwas dito ng tingin. 

Hindi naman siya katulad nitong parang marami ng karanasan pagdating sa bagay na iyon dahil hindi niya itatanggi na magaling itong humalik. Nakakadala at parang gusto pa niyang halikan siya ni Angelo. Walang katapusang halik at paulit-ulit..

"It's okay, honey. Just move your lips dahil kahit ako wala pang karanasan pagdating sa bagay na ito. It's also my first kiss kaya patas lang tayo," anas nito habang magaang pinapatakan ng halik ang labi niya. 

Tila inaakit siya nito at effective iyon dahil unti-unti niyang hinahabol ang labi nito hanggang sa tuluyan nitong sakupin ang labi niya at natagpuan na lang niya ang sariling tinutugon ang halik ni Angelo.

Hindi siya makapaniwala na 'yon din ang first kiss ni Angelo katulad niya dahil parang bihasa na ito sa bagay na iyon and she won’t deny the fact that she likes the way he kiss her. 

Masarap at malambot ang labi nito at hindi niya maiwasan ang makagat iyon pero parang hindi 'yon napapansin ni Angelo. O mas tamang sabihin na hindi nito iyon binibigyang pansin dahil alam nitong hindi pa siya marunong pagdating sa ganoong bagay.

Sinundan at ginaya niya ang mabagal na paggalaw ng labi nito at nakaya naman niyang pantayan ang intensidad ng halik ni Angelo. Hanggang sa unti-unti 'yong naging mapusok at malalim at nahirapan siyang tugunin iyon. Idagdag pa na naging agresibo at mabilis ang pag-angkin nito sa labi niya na parang nanggigigil ito sa ginagawa niyang pagtugon.

"Angelo!" gulat na anas niya dahil sa bilis ng pangyayari ay natagpuan na lang niya ang sariling nakasandal sa bato habang patuloy nitong inaangkin ang labi niya. 

Hindi na niya magawang tugunan ang halik nito dahil tila nawalan na nang control si Angelo. Ramdam na rin niya ang pamamanhid ng kanyang labi at bahagya siyang kinabahan nang ipulupot nito ang binti niya sa bewang nito at naramdaman niya ang kahandaan nitong nakadiin sa kanya. 

Bahagya siyang napasinghap nang igalaw nito ang balakang at malakas niya itong itinulak nang maramdaman ang kahandaan nitong kumikiskis sa nasa pagitan ng kanyang mga hita. Oh gosh!

"Fuck! Fuck! Fuck!" Sunod-sunod ang murang kumawala sa bibig nito at bahagya siyang nakaramdam ng takot sa kaharap. 

Sinabunutan din nito ang sariling buhok at nayakap niya ang sariling katawan nang tumingin ito sa kanya. 

Namumula ang mukha nito at  bakas ang halo-halong emosyon sa mata ni Angelo pero mas nangingibaw doon ang kagustuhang maangkin siya.

"S-Sorry.. Hindi pa kasi ako handa. Pero pangako, sa’yo ko lang ibibigay ang katawan ko pero hindi muna ngayon. Hintayin mo mun—"

"It's okay, honey. Naiintindihan ko and I'm sorry kung natakot kita. Nadala lang ako at medyo nawala sa control. Handa naman akong maghintay hanggang sa maging handa ka na," pagputol nito sa sasabihin niya na ikinahinga niya ng maluwag. 

Nawala rin ang pangamba at takot na nararamdaman niya dahil sa mga sinabi ni Angelo.

Nanatili siyang nakasandal sa bato habang nasa harap niya ito. May maliit na espasyo sa pagitan nila pero halos ramdam pa rin niya ang init na nagmumula sa katawan nito. Hanggang leeg niya ang tubig at hanggang dibdib lang iyon ni Angelo dahil matangkad ito kumapara sa kanya.

Napigilan niya ang kanyang paghinga nang itukod nito ang mga braso sa batong sinasandalan niya. Nakulong siya sa mga bisig nito at hindi siya nakaiwas nang muli nitong idikit ang katawan sa kanya dahil na-corner siya nito sa bato. 

Ramdam na ramdam niya ang matigas na katawan nito at ang init na nagmumula doon. Hindi sapat ang lamig ng tubig para matupok iyon at sa hindi malamang dahilan ay parang nag-iinit din siya sa tuwing nagdidikit ang katawan nila ni Angelo. 

Parang nadadala at nadadarang siya sa init na hatid nito. Masarap sa pakiramdam pero pilit niyang nilalabanan. At hindi niya alam kung hanggang kailan niya makakayang labanan ‘yon.

Unti-unting lumapit ang mukha ni Angelo sa kanya habang nakatitig ito sa kanyang labi. Pigil naman niya ang paghingang hinintay ang muling paglalapat ng labi nila at kusang pumikit ang kanyang mga mata pero pareho silang natigilan ng malakas na tumunog ang kanyang tiyan. 

Sobra ang hiyang naramdaman niya dahil narinig iyon ni Angelo. At napuno ng malakas na halakhak nito ang buong lugar na lalong ikinapula ng kanyang mukha.

"Did you bring food for lunch? O kahit snacks lang?" nakangiting tanong nito matapos nitong makabawi sa malakas na pagtawa. 

Amuse itong nakatingin sa kanya at nag-iinit pa rin ang kanyang mukha dahil sa pagkapahiya. Bakit kasi panira ng moment ang tiyan niya? Galing ng timing. Tss..

"May dala ako. Good for two naman 'yon kaya magkakasya 'yon sa atin." Hindi siya makatingin dito ng diretso at narinig niya ang mahina nitong pagtawa na tila aliw na aliw sa kanya.

Hinawakan nito ang mukha niya at iniharap sa gawi nito bago siya muling hinalikan. Marahan lang ang bawat galaw ng labi nito na tila ninanamnam ang labi niya. 

Bahagya rin nitong kinakagat at sinisipsip iyon at may kumawalang daing sa bibig niya dahil sa hindi maipaliwanag na dulot no'n sa kanya.

"Good. Siguraduhin mo lang na mabubusog ako sa dalang pagkain mo. Dahil kung hindi.. ikaw ang kakainin ko," pilyong anas ni Angelo matapos siya nitong halikan bago ito lumangoy palayo sa kanya. 

Habang siya naman ay kunot ang noo at bahagyang natigilan sa kanyang pwesto. At pilit na pinoproseso ang sinabi ni Angelo. 

Siya? Kakainin? Kailan pa siya naging pagkain?

Napailing na lang siya dahil hindi niya maintindihan ang sinabi ni Angelo. Sinundan na lang niya ito dahil sobrang nagugutom na siya. Minsan talaga ay hindi niya agad makuha ang kahulugan ng ibang sinasabi ni Angelo. Lalo na pagdating sa kapilyuhang taglay nito.

Kaugnay na kabanata

  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata IV

    HAPON na nang naisipan nilang umuwi at kasalukuyan silang sakay sa sasakyan ni Angelo. Tahimik lang siya sa tabi nito at doon niya lang naramdaman ang pagod sa ginawa niyang halos maghapon na pagliligo at paglalangoy sa ilog.Sinamahan siya doon ni Angelo at hindi na ito umalis sa tabi niya. Naligo rin ito at hindi naman nito sinira ang araw niya pero ang ginulo naman nito ay ang kanyang isipan dahil sa nangyaring halik sa pagitan nila.Hindi na naman 'yon naulit dahil dumidistanya siya dito na tinatawanan lang ng pilyo niyang asawa. Yeah, asawa niya. Wala rin naman siyang ibang magagawa kundi tanggapin ang katotohanang asawa na niya si Angelo.Hindi naman sa ayaw niya dahil magsisinungaling lang siya sa sarili kung itatanggi niyang hindi niya gusto ang ideyang asawa siya ni Angelo. Sa halos twelve years na kasama niya ito ay hindi maiiwasan ang mahulog ang loob niya dito pero iyon ang matagal at pilit niyang sinusupil at pinipigilan dahil alam niyang masasaktan

    Huling Na-update : 2021-09-13
  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata V

    KINABUKASAN, maagang nagising si Vanessa pero wala na si Angelo sa tabi niya. Hindi niya alam kung anong oras ito umalis dahil sa sobrang himbing ng kanyang tulog kagabi.Hindi na rin niya nagawang kumain ng hapunan dahil tuloy-tuloy na ang kanyang mahimbing na pagtulog dahil sa pagod sa ginawa niyang pagliligo sa ilog. Kaya hindi na siya nagtaka kung bakit kumukulo na ang kanyang tiyan dahil sa gutom na nararamdaman.Umalis siya sa ibabaw ng kama at bahagyang kumunot ang noo nang magkita ng isang sticky note na nakadikit sa malaking salamin niya sa kwarto.Kinuha niya 'yon at may sumilay na ngiti sa labi niya nang mabasa ang nakasulat doon. Nakagat niya rin ang labi dahil sa kilig na nararamdaman dahil iyon ang unang beses na ginawa iyon ni Angelo.'Good morning, honey.. How was your sleep? Did you dream of me last night? Dahil ako, lagi kang kasama sa mga panaginip ko. I'm sorry kung di na ako nakapagpaalam bago ako umalis kagabi. Ang himbing kasi ng tulog

    Huling Na-update : 2021-09-13
  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata VI

    MALAWAK ang ngiti ni Angelo habang hinihintay ang pagdating ni Vanessa. Kahapon pa umalis ang kanyang Ate Caren kasama ang asawa at ang kambal na anak ng mga ito at ngayon ang unang araw na masosolo niya ang kanyang asawa.Excited na siya sa maaaring mangyari at maraming mga ideya ang tumatakbo ngayon sa kanyang isipan. Mga ideya na matagal na niyang gustong mangyari at isang magandang pagkakataon para sa kanya ang maisakatuparan iyon lalo na at solo niya si Vanessa ngayon.Kasalukuyan siyang nasa living room para hintayin ang pagdating nito at unti-unti na siyang nakakaramdam ng pagka-inip. Ilang minuto pa lang naman siyang nakaupo doon pero dahil sa masyado yata siyang excited ay ang katumbas ng isang minuto ay isang oras ngayon sa kanya. At pinipigilan niya lang ang sariling huwag puntahan si Vanessa sa bahay ng magulang nito.It's already seven in the morning at dapat sa gano’ng oras ay nandoon na si Vanessa.Naghintay pa siya ng ilang minuto dahil baka tinangh

    Huling Na-update : 2021-09-13
  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata VII

    PAGKATAPOS magluto ni Vanessa ng breakfast ay sinabayan niyang kumain si Angelo. Tahimik lang sila pareho pero ramdam niya ang matiim na titig nito sa kanya. Hindi pa rin niya maiwasan ang mailang sa mga titig nito kahit na kadalasan ay ganun ang ginagawa ni Angelo kapag magkasama silang dalawa.At halos magtaasan ang lahat ng balahibo niya sa katawan dahil pakiramdam niya ay tagos hanggang laman at sagad hanggang buto kung tumitig ito sa kanya. Parang pati yata kaluluwa niya ay nakikita nito. It's kinda creepy pero sanay na siya kay Angelo.Tunog ng kubyertos ang namamayani sa dining room at nanggagaling iyon kay Angelo dahil nakakamay lang siyang kumain. Mas gusto niya ang magkamay lang dahil pakiramdam niya ay mas nabubusog at nae-enjoy niya ang pagkain.Pero syempre, kapag nasa bahay lang naman siya o kaya ay kakilala niya ang mga taong nakakakita sa kanya. Pero kapag sa harap lang din naman ni Angelo, wala siyang pakialam kung anong isipin nito o kung

    Huling Na-update : 2021-09-13
  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata VIII

    KANINA pang hindi maipinta ang mukha ni Vanessa habang pinipilit na ayusin ang cellphone niya. Nakalimutan niyang nasa bulsa niya iyon at nang maalala ay mabilis niya iyong kinuha pero huli na ang lahat. Naipit iyon ni Angelo kanina habang nakadagan sa kanya at hindi na 'yon mabuhay. Nadamay ang kawawang cellphone niya sa kalandian nito.Natuluyan na ang mumurahin niyang cellphone na kasama niya buhat pa noong una dahil iyon ang una at huli niyang cellphone na bigay pa ng mama niya. Tuluyan na itong sumuko at kasalanan iyon ni Angelo.Mula nang lumabas siya sa kwarto nito ay hindi na niya ito nakita. Iniwan niya ito sa kwarto kanina nang tumawag ang mom nito dahilan nang pagtigil nito sa pagpapak sa labi niya.Halata ang pagkainis nito sa mukha nang sagutin iyon at sinamantala na niya ang pagkakataong iyon para iwanan ito. Hindi siya nagpasindak sa masamang tingin nito dahil wala naman itong magagawa para habulin siya sapagkat kausap nito ang ina."Mabuhay ka, plea

    Huling Na-update : 2021-09-13
  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata IX

    INUBOS nila ang oras sa paglalangoy sa pool at hapon na nang umalis sila doon. Pareho nilang hindi napansin ang paglipas ng oras at sobra silang nag-enjoy habang magkasama. Walang kapilyuhan o kalokohang ginawa si Angelo sa kanya at kakaibang side ang ipinakita nito nang araw na iyon.Namayani ang tawa at halakhak nila at parang mga batang nagpaligsahan sa paglalangoy at pagsasabuyan ng tubig. Tila bumalik sila sa nakaraan dahil noong mga bata pa sila ay nangyari na rin iyon sa ilog. Nagtatawanan at nagkukulitan lang sila ni Angelo at hindi niya itatanggi na sobra niyang nagustuhan ang gano’ng side nito.Kasalukuyan siyang nasa kitchen at nagluluto ng dinner ni Angelo. Isa iyon sa dahilan kung bakit humingi ng pabor sa kanya ang kapatid nito dahil hindi ito marunong magluto.Alam na niya 'yon sa simula pa lang at isa iyon sa hindi kayang gawin ng isang Carl Angelo sa kabila ng pagiging perpekto nito sa mata ng nakararami lalo na sa mata ng mga babaeng nahu

    Huling Na-update : 2021-09-13
  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata X

    KINABUKASAN, nagtataka si Angelo kung bakit nasa loob siya ng sariling kwarto at nakahiga sa sariling kama. Ang huling natatandaan niya ay nakipag-inuman siya sa kinikilalang ama ni Vanessa at hindi niya maalala kung papaano siya nakabalik sa bahay ng kanyang Ate Caren.Inihatid ba siya ng Tito Ziggy niya? Pero sino ang nag-asikaso sa kanya? At bakit boxer short na lang ang natitirang saplot niya sa katawan?Fuck! Gano’n pala ang pakiramdam uminom ng alak. Nakakaadik kahit na masama ang lasa. Parang habang tumatagal lalong sumasarap at mabuti na lang dahil wala siyang hangover. Pero papaano siya magkakaro'n ng hangover kung hindi pa nga niya nauubos ang isang bote ng beer ay lasing na agad siya. That was his first time at noon niya lang nalaman na mahina pala ang tolerance niya sa alak.Napailing na lang siya habang pilit na inaalala kung paano siya nakabalik sa bahay ng kanyang Ate Caren. Ang huling natatandaan niya ay nakatulog siya habang nakaupo sa tabi ni V

    Huling Na-update : 2021-09-13
  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata XI

    WALANG nagawa si Vanessa sa gusto ni Angelo at tulad nang sinabi nito ay sa bahay nila ito kumain ng tanghalian. Pero hindi pa rin ito umalis sa bahay nila at lagi itong nakasubaybay at nakasunod sa kanya. At kahit sa kwarto niya ay lihim itong nakakapasok kaya useless din ang ginagawa niyang pagkukulong doon para saglit na makaiwas dito.Mabuti na lang at hindi nakakahalata ang mama niya at mas lalong dumikit sa kanya si Angelo nang umalis sa bahay ang mama niya para bantayan ang tindahan na hindi naman kalayuan buhat sa kanilang bahay. Kasama nito ang kanyang kapatid kaya nasolo siya ng makulit niyang asawa. Daig pa nito ang isang batang naghahanap ng atensyon.Mabilis na lumipas ang oras at hindi pa rin umaalis si Angelo hanggang sa sumapit ang gabi. Sa kanila na rin ito kumain ng dinner dahil inanyayahan ito ng kanyang mama na malugod naman nitong pinaunlakan dahil pabor na pabor 'yon sa gusto nito. Baka kung may libreng kwarto lang sa bahay nila ay doon na rin i

    Huling Na-update : 2021-09-13

Pinakabagong kabanata

  • Lovin' My Enemy's Daughter   Wakas

    ANG akala noon ni Vanessa ay walang patutunguhan ang buhay niya mula noong sinabi niya kay Angelo na siya ang magbabayad ng kasalanan ng kanyang ama. Mula pagkabata ay itinanim na niya iyon sa kanyang murang isipan at pinaniwala niya ang sariling habambuhay na siyang mananatili sa kamay ng isang Aldover para pagbayaran ang kasalanang hindi niya ginawa.Pero mula noong manatili sila sa Isla Montellano ay naging payapa ang buhay ng pamilya niya, ibang-iba sa kinalakihan niya sa piling ng kanyang tunay na ama.Sa murang edad ay marami na siyang karanasan at mga nasasaksihang hindi angkop sa kanyang inosenteng isipan habang nasa poder siya ng baliw niyang ama. Alam niya ang nagaganap sa paligid niya lalong-lalo na ang pagtitiis at paghihirap ng kanyang ina sa mga ginagawang kabaliwan nito. At hindi lang iisang beses niyang nasaksihan iyon.Nahasa ang isip niya sa murang edad dulot ng mga nangyayari sa paligid niya. Mabuti na lang at ipinapaliwanag ng kanyang ina sa kanya ang la

  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata XXXII

    NAPAPAILING na lang si Angelo sa tuwing may nakakasalubong siyang empleyado na parang naninibago sa kanya. Hindi na nawala ang kanyang malawak na ngiti mula nang umalis siya sa bahay hanggang sa makarating siya sa kumpanya ng ama kaya hindi na siya nagtaka kung bakit ganoon ang reaksyon ng mga ito kapag nakikita siya.Iyon ang unang beses na makita ng mga itong nakangiti siya at siya pa ang bumabati sa mga ito ng 'magandang umaga'. Ibang-iba sa trato niya sa mga ito noon na tingnan lang siya sa mata ay mawawalan na agad ang mga ito ng trabaho. Ibang-ibang ang Angelo na nakikita ng mga ito ngayon kumpara sa Angelo na boss ng mga ito sa nakalipas na taon.Pumasok siya sa elevator at tila nag-aalangan naman ang ibang empleyado na sumabay sa kanya kaya tinanguan niya ang mga ito at bahagyang nginitian para ipabatid sa mga ito na ayos lang na sumabay sa kanya.Nagulat ang mga ito sa ginawa niya at nag-unahan pang pumasok sa elevator para makasabay siya.Nagb

  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata XXXI

    KASABAY nang pag-agos ng tubig sa katawan ni Vanessa ay ang pagbaha sa alaala niya ng mga nangyari sa pagitan niya at ni Angelo sa mga nakalipas na araw.Buhat noong unang araw na may namagitan sa kanila ay walang araw ng lumilipas na hindi siya inaangkin ni Angelo. Hindi niya alam kung anong nangyari dito at kung ano ang laman ng isipan nito basta nagpapaubaya lang siya sa asawa. Hindi na isang katulong ang turing nito sa kanya at ramdam niya ang kahalagahan niya ngayon kay Angelo.Hindi na iba ang turing nito ngayon sa kanya bilang Joy kumpara sa turing nito noon sa kanya bilang Vanessa, bilang asawa nito. At hindi niya rin alam kung nakakahalata na ba ito sa totoo niyang pagkatao dahil kapag kasama niya si Angelo ay lagi niya itong nahuhuling nakatitig at nakamasid sa kanya na para bang binabasa nito ang kanyang buong pagkatao.Ilang araw na ang mabilis na lumipas at sa bawat araw na iyon ay parang bumalik sila sa dati ni Angelo. Siya bilang Vanessa na asawa

  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata XXX

    BAHAGYANG natigilan si Vanessa sa ginawa ni Angelo at natauhan lang siya nang marinig ang pagkapunit ng kanyang bestidang suot. Hinati iyon ni Angelo sa dalawa na para lang nagpupunit ng isang papel. Nagulat siya sa ginawa nito at wala siyang ibang nagawa kundi tanggapin ang kapusukan at agresibong galaw ng asawa.Hindi ito tumigil sa pag-angkin sa labi niya at wala itong itinirang saplot sa kanyang katawan. Lahat 'yon ay sinira nito bago itinapon sa iba't-ibang parte ng kwarto. Hindi niya inaasahan na ganito ang mangyayari sa pagpasok niya sa kwarto ni Angelo at hindi niya rin alam kung magugustuhan niya ang gagawin nito sa kanya lalo na at lasing ito.Agresibo ang bawat galaw ng labi ni Angelo at idagdag pa ang isang kamay nitong nagsisimula nang maglakbay sa kanyang katawan. Habang ang isa naman ay hawak ang magkabila niyang kamay at nakadiin iyon sa pinto sa itaas ng ulo niya.Sobrang magkadikit ang kanilang katawan kaya ramdam na ramdam niya ang init na nagmumula

  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata XXIX

    KATULAD ng mga nakaraang araw, maagang gumising si Vanessa para magluto ng breakfast ni Angelo. Gumising ng maaga, maglinis ng bahay at pagsilbihan ito. 'Yon na ang naging daily routine niya buhat ng maging katulong siya ng sarili niyang asawa.Nakakatawa mang isipin pero 'yon ang estado ng kung anong mayroon sila ngayon ni Angelo. Asawa noon, naging kasambahay ngayon. Napapangiti na lang siya kapag pumapasok sa isipan niya ang bagay na iyon.Tulog pa si Michael Angelo sa crib na nasa loob ng kanyang inuukupang guest room. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa araw-araw na ginagawa ni Angelo para sa kanya at para sa kanilang anak kahit na wala pa itong kaalam-alam sa totoong katauhan nilang mag-ina.Halos lahat ng pangangailangan niya lalo na ni Michael Angelo ay ibinibigay ni Angelo. At halos araw-araw sa tuwing umuuwi ito sa bahay galing trabaho ay may dala itong pasalubong sa bata. Mga laruan, damit at mga kung ano-ano pang gamit para sa bata.&

  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata XXVIII

    MAAGANG tinapos ni Angelo ang naiwang trabaho sa opisina para maaga rin siyang makauwi. Hindi niya alam kung bakit lagi siyang excited umuwi buhat noong makasama niya sa bahay ang mag-inang Joy at Michael Angelo.Masipag na katulong si Joy at wala siyang maipipintas sa husay nito sa gawaing-bahay. Sanay na sanay itong magtrabaho at higit sa lahat ay magaling itong magluto katulad ng namayapa niyang asawa.Sa mga nakalipas na araw ay may napapansin siya sa mag-ina. Lalo na kay Joy. Nakikita niya ang katauhan dito ni Vanessa. Mula sa boses nito maging sa kilos ay maihahalintulad niya kay Vanessa. Kung pagmamasdan ito habang nakatalikod ay aakalain niya talagang ito ang asawa niya. Pero isa iyong malaking imposible dahil matagal ng wala ang kanyang asawa. Baka nagkataon lang..Idagdag pa ang batang si Michael Angelo. Ang akala niya noong gabing una niyang nasilayan ang mag-ina ay lasing lang siya pero totoo palang kamukha niya ang bata. Pinakatitigan niya rin ang mukha n

  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata XXVII

    PINIGILAN ni Vanessa ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata niya matapos niyang marinig ang sinambit ni Angelo. Nagsalubong ang kanilang mga mata at bumukas-sara ang labi nito na tila napagtanto kung sino siya. Bahagya ring namilog ang mga mata nito na parang nakakita ng multo."V-Vanessa.." he whispered at bumalik muli ang kanyang pag-asang nakilala siya ng kanyang asawa. Pero agad na naglaho 'yon nang magsalita muli si Angelo."I'm sorry.. Lasing lang yata ako. Hindi ikaw ang asawa ko. Napakalaking imposible dahil wala na siya one year ago.." dagdag nito na sinundan pa ng walang buhay na tawa. Bahagya itong umiling at hindi nakaligtas sa pang-amoy niya ang humahalong amoy ng alak sa mamahaling pabango nito.Wala na ang asawa niya one year ago? Hindi naman siya namatay, ah? Sino ang tinutukoy nitong asawa na nawala one year ago--Oh, God! Don't tell her na tama ang hinala niya. Napagkamalan nitong siya ang isa sa katawan na nasunog sa loob ng sasakyan dahil sa singsing

  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata XXVI

    AFTER ONE YEAR...Katulad ng mga nakaraang araw, linggo at buwan ay parang walang buhay na nagmulat ng mga mata si Angelo para salubungin na naman ang panibagong umaga.Panibagong araw, panibagong umaga pero wala pa ring pagbabago sa nararamdaman niya dahil nandoon pa rin ang sakit nang pagkawala ng kanyang pinakamamahal na asawa at ng kanila sanang magiging anak. Mabigat pa rin sa dibdib. Masakit pa rin..Isang taon na ang mabilis na lumipas buhat noong nangyari 'yon pero sariwa pa rin sa kanya ang lahat. Sariwa pa sa kanya ang alaala nang pagkawala ng mag-ina niya at sariwa pa rin ang sugat sa kanyang puso na idinulot ng pangyayaring iyon sa bubuuin niya sanang pamilya. Parang kahapon lang nangyari ang lahat dahil sobrang sakit pa rin. At isang taon na siyang nabubuhay sa sakit.Three months old na sana ang baby nila. At sana ay kasal na silang dalawa ni Vanessa sa simbahan kung hindi lang nangyari ang napakasakit na pangyayaring iyon. Plano niya sanang pakasalan

  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata XXV

    "VANESSA..""Honey.." Hindi alam ni Angelo kung saan siya tutungo. Ilang oras na siyang naglalakad at wala siyang alam na patutunguhan. Basta lakad-takbo lang ang ginagawa niya habang sinusundan ang mahinang tinig ng kanyang asawa. Umiiyak ito at humihingi ng tulong sa kanya."Angelo.. Tulungan mo kami ng anak mo," mahinang boses galing sa kanyang asawa pero hindi niya ito makita.Nilibot niya ang buong lugar pero hindi niya ito matagpuan. Tanging makapal na usok lang ang nakikita niya at kumabog ang dibdib niya sa takot at kaba dahil doon nagmumula ang boses ni Vanessa."Vanessa? Nasaan ka? Nandito na ako, honey!" malakas na bigkas niya at agad niyang tinakbo ang lugar kung saan nagmumula ang makapal na usok.Nang marating niya ang lugar ay nakita niya ang isang nasusunog na sasakyan at nasa loob no'n si Vanessa. Pinipilit nitong lumabas pero hindi nito magawa. Nagtama ang mga mata nila at kita niya ang bawat pagpatak ng luha nito. Bakas din ang takot sa

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status