Share

Kabanata II

Author: jhoelleoalina
last update Last Updated: 2021-07-08 10:39:53

"Ate, wala pa ba si Vanessa? Wala ba siyang text? Hindi ba siya natawag sa cellphone mo?" naiinip at hindi maipinta ang mukhang anas ni Angelo habang pabalik-balik siya sa tabi ng Ate Caren niya.

Kasalukuyan itong may ginagawa sa kusina at nasa living room naman ang kambal na abala sa paglalaro. Ang panganay naman nitong anak na babae na si Carla Jane ay kasama ng mom at dad niya para doon magbakasyon. Abala naman ang Kuya Jayvee niya sa laptop nito at nandoon din ito sa loob ng kitchen na hindi na niya ipinagtaka dahil kung nasaan ang Ate Caren niya ay nandoon din lagi ito. Kahit nga yata sa bathroom ay magkasama lagi ang mga ito.

It's already nine in the morning pero hindi pa dumadating si Vanessa at kanina pa niya ito hinihintay. Kanina pang hindi maipinta ang kanyang mukha dahil inaasahan niyang paggising sa umaga ay nandoon na si Vanessa sa bahay ng kanyang Ate Caren pero halos tanghali na ay wala pa ito. 

Kagabi pa niya ito gustong makita pero gabi na siyang nakarating sa isla kaya pinalipas niya muna ang magdamag (whole night) total naman ay pupunta rin doon si Vanessa. Pero heto nga at tanghali na pero wala pa rin ito. Damn! Ginagalit yata siya ng babaeng 'yon..

"Wala siyang text at hindi rin siya tumatawag, Angelo. Huwag ka ngang makulit diyan. Kanina ka pa pabalik-balik dito at ako ang nahihilo sa'yo. Umupo ka na nga lang doon sa living room at doon mo hintayin si Vanessa. O mas mabuti kayang puntahan mo na siya sa bahay nila," wika ng kapatid niya habang abala ito sa ginagawa. Alam niyang nakukulitan na ito sa kanya dahil hindi lang iisang beses na niya itong tinanong tungkol kay Vanessa. At hindi na rin niya mabilang kung ilang beses na.

"Yeah, mas mabuti pa nga. Kanina ko pa ring naiisip 'yan. Makikita talaga ng babaeng 'yan ang hinahanap niya pag wala siyang magandang dahilan kung bakit hindi siya pumunta dito ngayon," nakasimangot na anas niya na mahina lang tinawanan ng dalawang kasama niya sa kusina. Mapaparusahan niya talaga ito..

"Relax lang, Angelo. Baka naman may ginagawa lang si Vanessa. At isa pa, first day ngayon ng bakasyon kaya baka gusto muna niyang magpahinga bago pumunta dito," wika ng Kuya Jayvee niya habang hindi nito inaalis ang atensyon sa laptop nito. 

May punto naman ang sinabi ng Kuya Jayvee niya pero bakit hindi man lang ito nagpaalam. May cellphone naman ito at alam nito ang phone number ng Ate Caren niya. Damn! Inuubos yata nito ang pasensya niya.

"Yeah. Pero bakit hindi man lang siya nag-text o tumawag para ipaalam na hindi siya makakapunta ngayon? Damn! Dapat talaga kinuha ko na ang cellphone number niya noon. Tss.." Naiinis na ginulo na lang niya ang buhok bago lumabas ng kusina.

"At ano ba ang inirereklamo mo diyan? May sariling buhay naman si Vanessa kaya natural lang na hindi lang sa'yo at sa kambal umiikot ang mundo niya. At isa pa, bakit ba masyado kang mahigpit kay Vanessa? Daig mo pa ang boyfriend o asawa niya kung umasta ka. Pabayaan mo nga siya sa mga gusto niyang gawin," dinig pa niyang anas ng kapatid niya na hindi na lang niya pinansin. 

Baka hindi lang niya mapigilan ang sariling sabihin sa mga ito ang totoong estado ng relasyon nila ni Vanessa. Gustuhin man niyang ipaalam sa lahat na asawa na niya si Vanessa pero inirerespeto pa rin naman niya ang desisyon nito. Kahit na kadalasan ay siya ang nasusunod sa kanilang dalawa pero minsan naman ay iniisip niya rin ang desisyon ni Vanessa.

Lumabas na lang siya ng bahay at sumakay sa kanyang sasakyan. Binuhay niya agad iyon at minaneho patungo sa bahay ng magulang ni Vanessa. Siguraduhin lang nitong may maganda itong rason o dahilan kung bakit hindi ito pumunta sa bahay ng Ate Caren niya. Mabibigyan niya talaga ito ng parusa. Isang parusang tatatak sa isipan at buong pagkatao nito na kahit kailan ay hindi nito makakalimutan.

Medyo malayo ang bahay ng magulang ni Vanessa sa bahay ng kanyang Ate Caren kaya medyo mahaba ang kanyang naging biyahe. Habang nasa daan ay napupuno ng imahe ni Vanessa ang isipan niya at lalo siyang nasasabik na masilayan ito dahil ilang buwan din ang lumipas buhat ng huli niya itong makita. At aaminin niyang sobrang namimiss na niya ito. Sobra..

Wala silang ibang komunikasyon kapag nasa lungsod siya dahil baka lalo lang siyang hindi makatiis para puntahan at laging bantayan ito kapag nagkausap sila through phone. Isa iyon sa dahilan kung bakit hindi niya kinukuha ang phone number ng dalaga pero ngayon ay pinagsisisihan na niya iyon dahil hindi man lang niya ito ma-contact. Hindi naman niya iyon magawang hingin sa kapatid dahil baka makahalata ito. Wala rin siyang maisip na magandang dahilan kung sakaling kunin niya ang number ni Vanessa sa kapatid.

Dalawang taon na buhat nang sekreto niyang pakasalan si Vanessa. Ginawa niya iyon para magkaroon siya ng karapatan kung sakaling hindi niya mapigilan ang sariling angkinin ito. Para magkaroon din siya ng karapatan na ipagdamot ang dalaga sa iba. Para magkaroon siya ng karapatan sa pagiging possessive at territorial niya dito. Dahil para sa kanya, pagmamay-ari niya si Vanessa mula noong una pa niya itong masilayan. Para sa isang Carl Angelo Aldover ang isang Vanessa Joy Gayla.

Bahala na kung anong isipin nito sa mga ginagawa niya. Isipin na nitong kaya niya ginagawa ang lahat ng iyon ay dahil ginagamit niya lang ito. Oo nga at may parteng ginagamit niya lang si Vanessa pero hindi naman umabot sa puntong dito niya ibubuhos ang paghihiganti niya sa ama nito. Ginamit niya lang iyong dahilan para mapasunod niya ito sa lahat ng gusto niya.

He's just using her para mapalabas at mahuli ang ama nito dahil alam niyang mahal si Vanessa ng totoo nitong ama. Alam niyang hindi ito makakatiis lalo na pag nakita nitong nasa mga kamay niya si Vanessa. Lalo na kung ipakikita niya ditong ginagamit niya lang ang dalaga kahit na ang totoo ay may iba pa siyang rason kung bakit niya ginagawa ang lahat ng iyon. May iba pa siyang plano at mangyayari lang iyon kapag nahuli at nakulong na ang ama nito.

Ginagamit niya si Vanessa pero wala siyang planong paglaruan at saktan ang damdamin nito. Alam niyang malaki ang posibilidad na masasaktan ito sa mga plano niyang gawin pero aayusin niyang lahat 'yon kapag nagawa na niyang maisakatuparan ang plan A niya. At iyon ang makulong ang ama nito para pagbayaran nito ang kasalanan nitong ginawa sa pamilya niya lalo na sa kanyang Ate Caren. Nakahanda na rin ang kanyang plan B at sekreto muna 'yon sa ngayon. At silang dalawa lang ni Vanessa ang involve sa plano niyang iyon.

Alam niyang hindi maiiwasang masaktan si Vanessa sa mga gagawin niya lalo na at ang alam lang nito ay ginagamit niya lang ito sa kanyang paghihiganti. It's also part of his plan. Hahayaan niyang isipin nito iyon para hindi ito mahulog sa kanya na baka maging dahilan pa para magbago ang kanyang pinaplanong paghihiganti.

May tamang oras para sa lahat lalo na para sa kanilang dalawa. Hindi pa iyon sa ngayon pero sisiguraduhin niyang sa bandang huli ay magiging kanya pa rin si Vanessa. Gagawin niya ang kanyang mga plano at hindi iyon mapipigilan ng emosyong nararamdaman niya para dito. Stick to plan A muna siya. Bago na ang plan B kapag nagtagumpay na siya sa kanyang plan A.

Naputol lang ang malalim na pag-iisip niya nang makarating siya sa tapat ng bahay ng magulang nito. Agad siyang lumabas ng sasakyan at pumasok sa bakuran kung saan niya nakikitang naglalaro ang kapatid ni Vanessa habang abala sa paglilipat ng halaman ang mama nito. Nakuha niya ang atensyon ng mga ito kaya tumigil ang mga ito sa ginagawa.

"Kuya!" masayang sigaw ng kapatid ni Vanessa at tumatawang sumalubong sa kanya. Nakangiting ginulo niya ang buhok nito bago binati ang mama ni Vanessa na papalapit sa kanyang pwesto.

"Magandang umaga po. Nand'yan po ba si Vanessa?" magalang na wika niya sa ginang. 

"Mgandang umaga din, Angelo. Wala dito ang anak ko. Hay naku.. Mukhang nakalimutan na ng batang 'yon na tawagan ang iyong Ate Caren para magpaalam na hindi siya makakapunta ngayong araw," naiiling na wika ng ginang na ikinakunot ng kanyang noo. Magpaalam? May pinuntahan ba ito?

"Po? May pinuntahan po ba si Vanessa? Maaari ko po bang malaman kung saan siya nagpunta?" wika niya at tumango sa kanya ang ginang. Tss.. Balak pa yata siyang takasan ng babaeng 'yon. Hindi ba nito alam na napaka-importante para sa kanya ang bawat araw na nandito siya sa isla? Two months na nga lang niya itong makakasama tapos tatakasan pa siya nito. 

"Nagpunta siya sa ilog, Angelo. Ang sabi niya sa akin kanina ay bukas na lang daw siya pupunta sa bahay ng Ate Caren mo. Ipapaalam na lang daw niya sa kapatid mo na hindi siya makakapunta pero mukhang nakalimutan na ng batang 'yon. Puntahan mo na lang siya doon sa ilog. Pakisamahan mo na rin dahil wala siyang kasamang pumunta doon," wika ng ginang na ikinatango niya.

"Sige po. Alis na po ako. Puntahan ko na lang po siya sa ilog," paalam niya bago siya tumalikod para bumalik sa kanyang sasakyan.

"Sige. Mag-iingat ka, Angelo."

May nabuong pilyong ngiti sa kanyang labi habang minamaneho ang sasakyan sa direksyon kung nasaan ang ilog. Hindi doon makakapasok ng diretso ang kanyang sasakyan kaya kailangan niyang maglakad. Pero ayos lang iyon sa kanya dahil sulit naman kung sila lang dalawa doon ni Vanessa. Dahil masosolo niya doon ang dalaga. No.. hindi na pala dalaga dahil asawa na niya ito. He smiled.

Bumaba agad siya ng sasakyan nang marating niya ang dulo ng daan kung hanggang saan lang pwede ang kahit na anong sasakyan. Mga fifteen to twenty minutes pang lalakarin bago niya marating ang ilog dahil medyo malayo iyon. Kaya hindi rin 'yon masyadong pinupuntahan ng mga tao dahil bukod sa malayo ay mahirap pa ang daan patungo doon. Idagdag pa na medyo madulas at masukal ang daan.

Hindi lang naman 'yon ang unang beses niyang pumunta doon dahil kadalasan ay doon naliligo si Vanessa. At kung nasaan si Vanessa ay dapat nandoon din siya kapag nandito siya sa isla. Umaalis lang siya sa tabi nito kapag nasa bahay na ito ng magulang.

Halos araw-araw ay gano'n ang kanyang ginagawa na kinasanayan na ng dalaga. Alam niyang sobra na ang kanyang ginagawa pero masama bang bakuran ang pagmamay-ari niya? Masama bang bantayan ito lalo na at hindi lingid sa kanyang kaalaman na marami rin ang lalaking umaaligid dito? 

At ang alam nito ay wala siyang alam sa ilang kaibigang lalaki nito sa school pero doon ito nagkakamali. Dahil alam niya ang lahat ng tungkol kay Vanessa. Isang pagkakamali lang nito na magiging dahilan para lumabas ang iba pang katauhan niya.. tuluyan niyang aangkinin ang dapat lang ay matagal na niyang nakuha noon pa.

Madali lang para sa kanya ang tahakin ang medyo mahirap at masukal na daan. Kaya mabilis lang n'yang narating ang ilog at buhat sa kanyang kinatatayuan ay natatanaw niya si Vanessa na abala sa paglalangoy at sunod-sunod siyang napalunok nang masilayan ang katawan ng dalaga. Agad na nag-init ang kanyang pakiramdam kasabay nang pagpintig ng kanyang kaibigan sa ibaba.

"Shit!" mura niya dahil sa magandang tanawin na kanyang nasisilayan. Hindi pa napapansin ni Vanessa ang kanyang presensya kaya malaya niya itong napagmamasdan.

Tanging maikling shorts lang ang suot nitong pang-ibaba at isang puting brassiere naman ang suot nitong pang-itaas. Malaya niyang nasisilayan ang magandang hubog ng katawan nito lalo na ang may katamtamang sukat nitong dibdib. Mas nahubog pa ang katawan nito buhat ng huli niya itong makita at mas lalo itong naging kaakit-akit sa kanyang mga mata. Mas lalo rin itong gumanda na lalo niyang ikinahumaling sa dalaga na ngayon ay kanya ng asawa.

Napailing na lang siya dahil mukhang magiging doble pa ang gagawin niyang pagbabantay kay Vanessa. Kaya pala mas dumami ang mga lalaking umaaligid dito habang nasa lungsod siya. Marami na naman siyang tatakutin at marami na ulit makakatikim ng kamao niya. Dahil kanya lang si Vanessa. Kanya lang ang kanyang asawa.

Kinuha niya ang magandang pagkakataon habang nakatalikod sa kanya si Vanessa. Hinubad niya ang kanyang pang-itaas at pang-ibabang kasuotan at tanging boxer brief lang ang kanyang itinirang saplot sa kanyang katawan. Bago siya dahan-dahang lumusong sa tubig na hindi napapansin ni Vanessa at agad na sumisid sa ilalim nang tumingin ito sa pwesto niya.

Mukhang naramdaman na nito ang kanyang presensya kaya sa ilalim na siya ng tubig lumangoy papalapit sa pwesto nito. Malinaw naman ang tubig at malalim din iyon kaya alam niyang hindi siya nakikita ni Vanessa buhat sa ibabaw. Hanggang sa makita niya ang katawan nito sa ilalim at sa mismong harap siya nito umalsa/lumitaw na ikinagulat nito.

"Angelo!?" namimilog ang mata at gulat na anas nito na ikinataas ng sulok ng labi niya. 

"Got yah, honey," nakataas ang sulok ng labing anas niya at agad na hinuli ang bewang nito nang akto itong lalayo sa katawan niya. Hinapit niya ito papalapit sa kanyang katawan dahilan nang pagdidikit ng dibdib nila na sunod-sunod niyang ikinamura sa kanyang isipan. Fuck! Wrong move, Angelo.. wrong move.

Related chapters

  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata III

    HALOS kalahating oras nang pabalik-balik sa paglalangoy si Vanessa sa ilog pero hindi man lang siya nakakaramdam ng pagod. Labis ang sayang kanyang nararamdaman dahil sa wakas ay muli siyang nakaligo doon. Hindi na niya maalala ang huling beses na pumunta at naligo siya doon dahil lagi siyang abala sa school at tuwing bakasyon lang siya nakakapunta doon kapag may libreng oras siya. Kaya susulitin na niya ang araw na iyon habang hindi pa muling nagpaparamdam sa kanya si Angelo. Dahil sigurado siyang hindi na naman ito mawawala sa tabi niya at magkakaroon na naman siya ng mga limitasyon. Pilit niyang inalis sa isipan si Angelo dahil nagsisimula na namang mapuno ng imahe nito ang kanyang isipan. Kaya siya nagpunta sa ilog ay para magsaya bago muling humarap dito pero hanggang doon ay pilit pa rin itong sumisiksik sa isipan niya.Wala na nga siyang takas kapag nasa paligid niya ito pati ba naman sa kanyang isipan ay nagagawa niton

    Last Updated : 2021-09-13
  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata IV

    HAPON na nang naisipan nilang umuwi at kasalukuyan silang sakay sa sasakyan ni Angelo. Tahimik lang siya sa tabi nito at doon niya lang naramdaman ang pagod sa ginawa niyang halos maghapon na pagliligo at paglalangoy sa ilog.Sinamahan siya doon ni Angelo at hindi na ito umalis sa tabi niya. Naligo rin ito at hindi naman nito sinira ang araw niya pero ang ginulo naman nito ay ang kanyang isipan dahil sa nangyaring halik sa pagitan nila.Hindi na naman 'yon naulit dahil dumidistanya siya dito na tinatawanan lang ng pilyo niyang asawa. Yeah, asawa niya. Wala rin naman siyang ibang magagawa kundi tanggapin ang katotohanang asawa na niya si Angelo.Hindi naman sa ayaw niya dahil magsisinungaling lang siya sa sarili kung itatanggi niyang hindi niya gusto ang ideyang asawa siya ni Angelo. Sa halos twelve years na kasama niya ito ay hindi maiiwasan ang mahulog ang loob niya dito pero iyon ang matagal at pilit niyang sinusupil at pinipigilan dahil alam niyang masasaktan

    Last Updated : 2021-09-13
  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata V

    KINABUKASAN, maagang nagising si Vanessa pero wala na si Angelo sa tabi niya. Hindi niya alam kung anong oras ito umalis dahil sa sobrang himbing ng kanyang tulog kagabi.Hindi na rin niya nagawang kumain ng hapunan dahil tuloy-tuloy na ang kanyang mahimbing na pagtulog dahil sa pagod sa ginawa niyang pagliligo sa ilog. Kaya hindi na siya nagtaka kung bakit kumukulo na ang kanyang tiyan dahil sa gutom na nararamdaman.Umalis siya sa ibabaw ng kama at bahagyang kumunot ang noo nang magkita ng isang sticky note na nakadikit sa malaking salamin niya sa kwarto.Kinuha niya 'yon at may sumilay na ngiti sa labi niya nang mabasa ang nakasulat doon. Nakagat niya rin ang labi dahil sa kilig na nararamdaman dahil iyon ang unang beses na ginawa iyon ni Angelo.'Good morning, honey.. How was your sleep? Did you dream of me last night? Dahil ako, lagi kang kasama sa mga panaginip ko. I'm sorry kung di na ako nakapagpaalam bago ako umalis kagabi. Ang himbing kasi ng tulog

    Last Updated : 2021-09-13
  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata VI

    MALAWAK ang ngiti ni Angelo habang hinihintay ang pagdating ni Vanessa. Kahapon pa umalis ang kanyang Ate Caren kasama ang asawa at ang kambal na anak ng mga ito at ngayon ang unang araw na masosolo niya ang kanyang asawa.Excited na siya sa maaaring mangyari at maraming mga ideya ang tumatakbo ngayon sa kanyang isipan. Mga ideya na matagal na niyang gustong mangyari at isang magandang pagkakataon para sa kanya ang maisakatuparan iyon lalo na at solo niya si Vanessa ngayon.Kasalukuyan siyang nasa living room para hintayin ang pagdating nito at unti-unti na siyang nakakaramdam ng pagka-inip. Ilang minuto pa lang naman siyang nakaupo doon pero dahil sa masyado yata siyang excited ay ang katumbas ng isang minuto ay isang oras ngayon sa kanya. At pinipigilan niya lang ang sariling huwag puntahan si Vanessa sa bahay ng magulang nito.It's already seven in the morning at dapat sa gano’ng oras ay nandoon na si Vanessa.Naghintay pa siya ng ilang minuto dahil baka tinangh

    Last Updated : 2021-09-13
  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata VII

    PAGKATAPOS magluto ni Vanessa ng breakfast ay sinabayan niyang kumain si Angelo. Tahimik lang sila pareho pero ramdam niya ang matiim na titig nito sa kanya. Hindi pa rin niya maiwasan ang mailang sa mga titig nito kahit na kadalasan ay ganun ang ginagawa ni Angelo kapag magkasama silang dalawa.At halos magtaasan ang lahat ng balahibo niya sa katawan dahil pakiramdam niya ay tagos hanggang laman at sagad hanggang buto kung tumitig ito sa kanya. Parang pati yata kaluluwa niya ay nakikita nito. It's kinda creepy pero sanay na siya kay Angelo.Tunog ng kubyertos ang namamayani sa dining room at nanggagaling iyon kay Angelo dahil nakakamay lang siyang kumain. Mas gusto niya ang magkamay lang dahil pakiramdam niya ay mas nabubusog at nae-enjoy niya ang pagkain.Pero syempre, kapag nasa bahay lang naman siya o kaya ay kakilala niya ang mga taong nakakakita sa kanya. Pero kapag sa harap lang din naman ni Angelo, wala siyang pakialam kung anong isipin nito o kung

    Last Updated : 2021-09-13
  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata VIII

    KANINA pang hindi maipinta ang mukha ni Vanessa habang pinipilit na ayusin ang cellphone niya. Nakalimutan niyang nasa bulsa niya iyon at nang maalala ay mabilis niya iyong kinuha pero huli na ang lahat. Naipit iyon ni Angelo kanina habang nakadagan sa kanya at hindi na 'yon mabuhay. Nadamay ang kawawang cellphone niya sa kalandian nito.Natuluyan na ang mumurahin niyang cellphone na kasama niya buhat pa noong una dahil iyon ang una at huli niyang cellphone na bigay pa ng mama niya. Tuluyan na itong sumuko at kasalanan iyon ni Angelo.Mula nang lumabas siya sa kwarto nito ay hindi na niya ito nakita. Iniwan niya ito sa kwarto kanina nang tumawag ang mom nito dahilan nang pagtigil nito sa pagpapak sa labi niya.Halata ang pagkainis nito sa mukha nang sagutin iyon at sinamantala na niya ang pagkakataong iyon para iwanan ito. Hindi siya nagpasindak sa masamang tingin nito dahil wala naman itong magagawa para habulin siya sapagkat kausap nito ang ina."Mabuhay ka, plea

    Last Updated : 2021-09-13
  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata IX

    INUBOS nila ang oras sa paglalangoy sa pool at hapon na nang umalis sila doon. Pareho nilang hindi napansin ang paglipas ng oras at sobra silang nag-enjoy habang magkasama. Walang kapilyuhan o kalokohang ginawa si Angelo sa kanya at kakaibang side ang ipinakita nito nang araw na iyon.Namayani ang tawa at halakhak nila at parang mga batang nagpaligsahan sa paglalangoy at pagsasabuyan ng tubig. Tila bumalik sila sa nakaraan dahil noong mga bata pa sila ay nangyari na rin iyon sa ilog. Nagtatawanan at nagkukulitan lang sila ni Angelo at hindi niya itatanggi na sobra niyang nagustuhan ang gano’ng side nito.Kasalukuyan siyang nasa kitchen at nagluluto ng dinner ni Angelo. Isa iyon sa dahilan kung bakit humingi ng pabor sa kanya ang kapatid nito dahil hindi ito marunong magluto.Alam na niya 'yon sa simula pa lang at isa iyon sa hindi kayang gawin ng isang Carl Angelo sa kabila ng pagiging perpekto nito sa mata ng nakararami lalo na sa mata ng mga babaeng nahu

    Last Updated : 2021-09-13
  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata X

    KINABUKASAN, nagtataka si Angelo kung bakit nasa loob siya ng sariling kwarto at nakahiga sa sariling kama. Ang huling natatandaan niya ay nakipag-inuman siya sa kinikilalang ama ni Vanessa at hindi niya maalala kung papaano siya nakabalik sa bahay ng kanyang Ate Caren.Inihatid ba siya ng Tito Ziggy niya? Pero sino ang nag-asikaso sa kanya? At bakit boxer short na lang ang natitirang saplot niya sa katawan?Fuck! Gano’n pala ang pakiramdam uminom ng alak. Nakakaadik kahit na masama ang lasa. Parang habang tumatagal lalong sumasarap at mabuti na lang dahil wala siyang hangover. Pero papaano siya magkakaro'n ng hangover kung hindi pa nga niya nauubos ang isang bote ng beer ay lasing na agad siya. That was his first time at noon niya lang nalaman na mahina pala ang tolerance niya sa alak.Napailing na lang siya habang pilit na inaalala kung paano siya nakabalik sa bahay ng kanyang Ate Caren. Ang huling natatandaan niya ay nakatulog siya habang nakaupo sa tabi ni V

    Last Updated : 2021-09-13

Latest chapter

  • Lovin' My Enemy's Daughter   Wakas

    ANG akala noon ni Vanessa ay walang patutunguhan ang buhay niya mula noong sinabi niya kay Angelo na siya ang magbabayad ng kasalanan ng kanyang ama. Mula pagkabata ay itinanim na niya iyon sa kanyang murang isipan at pinaniwala niya ang sariling habambuhay na siyang mananatili sa kamay ng isang Aldover para pagbayaran ang kasalanang hindi niya ginawa.Pero mula noong manatili sila sa Isla Montellano ay naging payapa ang buhay ng pamilya niya, ibang-iba sa kinalakihan niya sa piling ng kanyang tunay na ama.Sa murang edad ay marami na siyang karanasan at mga nasasaksihang hindi angkop sa kanyang inosenteng isipan habang nasa poder siya ng baliw niyang ama. Alam niya ang nagaganap sa paligid niya lalong-lalo na ang pagtitiis at paghihirap ng kanyang ina sa mga ginagawang kabaliwan nito. At hindi lang iisang beses niyang nasaksihan iyon.Nahasa ang isip niya sa murang edad dulot ng mga nangyayari sa paligid niya. Mabuti na lang at ipinapaliwanag ng kanyang ina sa kanya ang la

  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata XXXII

    NAPAPAILING na lang si Angelo sa tuwing may nakakasalubong siyang empleyado na parang naninibago sa kanya. Hindi na nawala ang kanyang malawak na ngiti mula nang umalis siya sa bahay hanggang sa makarating siya sa kumpanya ng ama kaya hindi na siya nagtaka kung bakit ganoon ang reaksyon ng mga ito kapag nakikita siya.Iyon ang unang beses na makita ng mga itong nakangiti siya at siya pa ang bumabati sa mga ito ng 'magandang umaga'. Ibang-iba sa trato niya sa mga ito noon na tingnan lang siya sa mata ay mawawalan na agad ang mga ito ng trabaho. Ibang-ibang ang Angelo na nakikita ng mga ito ngayon kumpara sa Angelo na boss ng mga ito sa nakalipas na taon.Pumasok siya sa elevator at tila nag-aalangan naman ang ibang empleyado na sumabay sa kanya kaya tinanguan niya ang mga ito at bahagyang nginitian para ipabatid sa mga ito na ayos lang na sumabay sa kanya.Nagulat ang mga ito sa ginawa niya at nag-unahan pang pumasok sa elevator para makasabay siya.Nagb

  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata XXXI

    KASABAY nang pag-agos ng tubig sa katawan ni Vanessa ay ang pagbaha sa alaala niya ng mga nangyari sa pagitan niya at ni Angelo sa mga nakalipas na araw.Buhat noong unang araw na may namagitan sa kanila ay walang araw ng lumilipas na hindi siya inaangkin ni Angelo. Hindi niya alam kung anong nangyari dito at kung ano ang laman ng isipan nito basta nagpapaubaya lang siya sa asawa. Hindi na isang katulong ang turing nito sa kanya at ramdam niya ang kahalagahan niya ngayon kay Angelo.Hindi na iba ang turing nito ngayon sa kanya bilang Joy kumpara sa turing nito noon sa kanya bilang Vanessa, bilang asawa nito. At hindi niya rin alam kung nakakahalata na ba ito sa totoo niyang pagkatao dahil kapag kasama niya si Angelo ay lagi niya itong nahuhuling nakatitig at nakamasid sa kanya na para bang binabasa nito ang kanyang buong pagkatao.Ilang araw na ang mabilis na lumipas at sa bawat araw na iyon ay parang bumalik sila sa dati ni Angelo. Siya bilang Vanessa na asawa

  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata XXX

    BAHAGYANG natigilan si Vanessa sa ginawa ni Angelo at natauhan lang siya nang marinig ang pagkapunit ng kanyang bestidang suot. Hinati iyon ni Angelo sa dalawa na para lang nagpupunit ng isang papel. Nagulat siya sa ginawa nito at wala siyang ibang nagawa kundi tanggapin ang kapusukan at agresibong galaw ng asawa.Hindi ito tumigil sa pag-angkin sa labi niya at wala itong itinirang saplot sa kanyang katawan. Lahat 'yon ay sinira nito bago itinapon sa iba't-ibang parte ng kwarto. Hindi niya inaasahan na ganito ang mangyayari sa pagpasok niya sa kwarto ni Angelo at hindi niya rin alam kung magugustuhan niya ang gagawin nito sa kanya lalo na at lasing ito.Agresibo ang bawat galaw ng labi ni Angelo at idagdag pa ang isang kamay nitong nagsisimula nang maglakbay sa kanyang katawan. Habang ang isa naman ay hawak ang magkabila niyang kamay at nakadiin iyon sa pinto sa itaas ng ulo niya.Sobrang magkadikit ang kanilang katawan kaya ramdam na ramdam niya ang init na nagmumula

  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata XXIX

    KATULAD ng mga nakaraang araw, maagang gumising si Vanessa para magluto ng breakfast ni Angelo. Gumising ng maaga, maglinis ng bahay at pagsilbihan ito. 'Yon na ang naging daily routine niya buhat ng maging katulong siya ng sarili niyang asawa.Nakakatawa mang isipin pero 'yon ang estado ng kung anong mayroon sila ngayon ni Angelo. Asawa noon, naging kasambahay ngayon. Napapangiti na lang siya kapag pumapasok sa isipan niya ang bagay na iyon.Tulog pa si Michael Angelo sa crib na nasa loob ng kanyang inuukupang guest room. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa araw-araw na ginagawa ni Angelo para sa kanya at para sa kanilang anak kahit na wala pa itong kaalam-alam sa totoong katauhan nilang mag-ina.Halos lahat ng pangangailangan niya lalo na ni Michael Angelo ay ibinibigay ni Angelo. At halos araw-araw sa tuwing umuuwi ito sa bahay galing trabaho ay may dala itong pasalubong sa bata. Mga laruan, damit at mga kung ano-ano pang gamit para sa bata.&

  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata XXVIII

    MAAGANG tinapos ni Angelo ang naiwang trabaho sa opisina para maaga rin siyang makauwi. Hindi niya alam kung bakit lagi siyang excited umuwi buhat noong makasama niya sa bahay ang mag-inang Joy at Michael Angelo.Masipag na katulong si Joy at wala siyang maipipintas sa husay nito sa gawaing-bahay. Sanay na sanay itong magtrabaho at higit sa lahat ay magaling itong magluto katulad ng namayapa niyang asawa.Sa mga nakalipas na araw ay may napapansin siya sa mag-ina. Lalo na kay Joy. Nakikita niya ang katauhan dito ni Vanessa. Mula sa boses nito maging sa kilos ay maihahalintulad niya kay Vanessa. Kung pagmamasdan ito habang nakatalikod ay aakalain niya talagang ito ang asawa niya. Pero isa iyong malaking imposible dahil matagal ng wala ang kanyang asawa. Baka nagkataon lang..Idagdag pa ang batang si Michael Angelo. Ang akala niya noong gabing una niyang nasilayan ang mag-ina ay lasing lang siya pero totoo palang kamukha niya ang bata. Pinakatitigan niya rin ang mukha n

  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata XXVII

    PINIGILAN ni Vanessa ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata niya matapos niyang marinig ang sinambit ni Angelo. Nagsalubong ang kanilang mga mata at bumukas-sara ang labi nito na tila napagtanto kung sino siya. Bahagya ring namilog ang mga mata nito na parang nakakita ng multo."V-Vanessa.." he whispered at bumalik muli ang kanyang pag-asang nakilala siya ng kanyang asawa. Pero agad na naglaho 'yon nang magsalita muli si Angelo."I'm sorry.. Lasing lang yata ako. Hindi ikaw ang asawa ko. Napakalaking imposible dahil wala na siya one year ago.." dagdag nito na sinundan pa ng walang buhay na tawa. Bahagya itong umiling at hindi nakaligtas sa pang-amoy niya ang humahalong amoy ng alak sa mamahaling pabango nito.Wala na ang asawa niya one year ago? Hindi naman siya namatay, ah? Sino ang tinutukoy nitong asawa na nawala one year ago--Oh, God! Don't tell her na tama ang hinala niya. Napagkamalan nitong siya ang isa sa katawan na nasunog sa loob ng sasakyan dahil sa singsing

  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata XXVI

    AFTER ONE YEAR...Katulad ng mga nakaraang araw, linggo at buwan ay parang walang buhay na nagmulat ng mga mata si Angelo para salubungin na naman ang panibagong umaga.Panibagong araw, panibagong umaga pero wala pa ring pagbabago sa nararamdaman niya dahil nandoon pa rin ang sakit nang pagkawala ng kanyang pinakamamahal na asawa at ng kanila sanang magiging anak. Mabigat pa rin sa dibdib. Masakit pa rin..Isang taon na ang mabilis na lumipas buhat noong nangyari 'yon pero sariwa pa rin sa kanya ang lahat. Sariwa pa sa kanya ang alaala nang pagkawala ng mag-ina niya at sariwa pa rin ang sugat sa kanyang puso na idinulot ng pangyayaring iyon sa bubuuin niya sanang pamilya. Parang kahapon lang nangyari ang lahat dahil sobrang sakit pa rin. At isang taon na siyang nabubuhay sa sakit.Three months old na sana ang baby nila. At sana ay kasal na silang dalawa ni Vanessa sa simbahan kung hindi lang nangyari ang napakasakit na pangyayaring iyon. Plano niya sanang pakasalan

  • Lovin' My Enemy's Daughter   Kabanata XXV

    "VANESSA..""Honey.." Hindi alam ni Angelo kung saan siya tutungo. Ilang oras na siyang naglalakad at wala siyang alam na patutunguhan. Basta lakad-takbo lang ang ginagawa niya habang sinusundan ang mahinang tinig ng kanyang asawa. Umiiyak ito at humihingi ng tulong sa kanya."Angelo.. Tulungan mo kami ng anak mo," mahinang boses galing sa kanyang asawa pero hindi niya ito makita.Nilibot niya ang buong lugar pero hindi niya ito matagpuan. Tanging makapal na usok lang ang nakikita niya at kumabog ang dibdib niya sa takot at kaba dahil doon nagmumula ang boses ni Vanessa."Vanessa? Nasaan ka? Nandito na ako, honey!" malakas na bigkas niya at agad niyang tinakbo ang lugar kung saan nagmumula ang makapal na usok.Nang marating niya ang lugar ay nakita niya ang isang nasusunog na sasakyan at nasa loob no'n si Vanessa. Pinipilit nitong lumabas pero hindi nito magawa. Nagtama ang mga mata nila at kita niya ang bawat pagpatak ng luha nito. Bakas din ang takot sa

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status