Nasa balkonahe si Samantha and Oliver."I remember when you are a child you used to be a sweet kid, a passionate one. But when you grown up you always avoiding me. Hindi mo alam kong gaano kasakit sa akin ang malayo sayo. Ang laki ng pinagbago mo hindi na ikaw yong batang inalagaan ko. Still I'm proud of you, you're just like your father."Pinigilan ni Oliver na lumabas ang emosyong nararamdaman."I'm not like my father. Hinding hindi ako magiging katulad nya. I will not do the same that he always do to you."Tumulo ang mga luha ni Samantha. Ang akala nya ay wala na sa kanyang pakialam ang kanyang anak. Kahit na hindi nya ito totoong anak ay napalapit siya dito noong bata pa ito. Siya ang nagdala dito pero sa tuwing makikita nya ang ash gray na mga mata nito ay nasasaktan siya. Because he reminded him of her late sister."Akala ko ay mapapalaki kita na malapit sa akin. Pero hindi ko alam ay ang taong inampon ko ay isang traydor.""You're the traitor one! Why? Why would you need to kill
"Mom, what are you doing?" natigilan si Samantha ng dumating si Sapphire. "I know everything. Tatanggapin kong lahat wag ka lang mawala, I promise I'll be good." luhaang wika nito.Lumapit si Sapphire kay Samantha at niyakap ito. "Don't do this please, kahit tayong dalawa lang okay ako. Hindi na ako magtatampo sayo kong bakit ka nagagalit sa akin. Hindi ako magtatanong ng kong ano-ano, wag mo lang akong iwan."Hindi na nag abala pa si Oliver na pakinggan ang mag-ina ng makatanggap siya ng text mula kay Bryce na may lead na sila kay Anya.**********Nang makarating si Anya sa sinabing address ni Sabrina ay iniwan nya na lamang ang kanyang sasakyan sa kalsada. Maliit kasi ang daan papasok hindi magkakasya ang sasakyan.Hindi matao ang lugar at sa di kalayuan ay natatanaw ni Anya ang isang tower house. Maingat siyang naglakad papunta doon na hindi gumagawa ng ingay.Hindi nya gaanong maaninag ang daan dahil sa gabi na. Hindi din siya pwedeng gumamit ng flashlight dahil kapag ginawa nya i
Umayos si Sabrina at Anya ng makarinig sila ng yapak na paparating. Gulat ang naging reaction ni Adrian ng makita si Sabrina at Anya na nasa selda."What you two doing here?" hindi makapaniwalang tanong ni Adrian."Drian, help us." agad naman tumango si Adrian.Inutusan nya ang dalawa sa mga tauhan na pakawalan si Anya at Sabrina."Sir, mahigpit na pinagbabawal ni bossing na palayain yang dalawa." pag-aalangan ng bantay."Sino ba ang mas mataas sa atin dito? Hindi ko naman sila papalayain kailangan ko lang sila makausap kaya buksan mo tong tarangkahan!" wala namang nagawa ang bantay, kahit na nag-aalangan ay sinunod nya pa din ito.Nang makalabas ang dalawa ay agad na sumunod ang mga ito kay Adrian."Hindi ko alam kong anong buong nangyayare pero dahil sa kaibigan ko kayong dalawa kaya mas pipiliin kong iligtas kayo."Binuksan ni Adrian ang isang maliit na pintuan, underground ito palabas sa tower house."Thank you Drian, kasi palagi kang nandito para sa amin ni Sabrina." "Sige na."
"I told you tito hindi nakakabuti yong babaeng yon para kay Oliver." naiiyak na wika ni Natasha habang kausap ang ama ni Oliver.Nakahawak ang kamay nito sa kamay ni Oliver na ngayon ay nakahiga at walang malay. Walang nakakaalam kong kailan ito magigising. Isang linggo na ang lumipas pero hindi pa din ito nagigising."Natasha kilala ko si Anya, alam kong hindi nya ito gagawin kay Oliver kong walang mabigat na dahilan." pag depensa ni Dylan."Talaga ba? Unang-una kasalanan mo din alam nyo ng isa siyang spy pero hinayaan nyo pa ding siyang makalapit kay Oliver.""Ilang beses ko ba sayong sasabihin na hindi yon gagawin ni Anya ng walang mabigat na dahilan!""Mukhang na lason na nga ng babaeng yon ang utak mo! Nang dahil sa kapabayaan nyo na mapahamak si Oliver!""Enough, the two of you!" saway sa kanila ni Ralph. "May point si Natasha, Dylan. Matagal nyo na palang alam na fake ang identity ni Anya pero hinayaan nyo pa ding mapalapit siya kay Oliver!""At anong karapatan mo tito? Unang-un
[THREE YEARS LATER] (YES PO THREE YEARS NA! WAG NYO NA INTINDIHIN YONG PAST PARA NAMAN HINDI NA MAGULO BUHAY NI ANYA HAHA)ANYA POINT OF VIEWNagising ako ng maaga para tumulong sa pag harvest ng mga gulay ganun din ang mga itlog na ibebenta namin sa palengke.Ganito lang ang naging routine ko sa tatlong taon. Nakakahiya naman kasi kong hindi ako tutulong sa kanila lalo na sila ang nagpapakain sa amin ng anak ko."Anya, tapos ka na ba dyan? Tara na baka matanghalian tayo!"Halos sa isang linggo ay tatlo o apat na beses kaming naghahatid ng mga gulay sa palengke, prutas at itlog. Nagtsatsaga din kami na maglakad ng halos mahigit isang oras bago makarating sa mismong kalsada. Tapos maglalakad na naman kami para makarating sa mismong bayan. Mahirap man pero kinakaya ko naman.Totoo nga talaga ang sinasabi ni lolo sa akin dati na mahirap pala talaga ang ganitong buhay."Ito na," habang dala ko ang mga gulay na nasa basket. "Nay, kayo na muna bahala kay Marco." bilin ko kay nanay Delhia.S
ANYA POINT OF VIEWKumakain kami ng pananghalian ng dumating si Tonyo. Si Tonyo ay pinsan nila Irene na laging pumupunta dito sa amin."Ano ba yan Tonyo ang aga-aga nandito ka na agad." halata ang irita sa boses ni Irene ng makita si Tonyo, napapailing na lang ako.Madalas talaga yang silang dalawa na ganyan."Hindi naman ikaw ang pinunta ko dito!" tumingin ito sa akin at kumaway "Hi Anya." bati nya.Nginitian ko lang ito bilang ganti, busy din kasi ako sa pagsubo kay Marco."Hoy Tonyo, wag yang si Anya, mahiya ka naman sa itsura mo!" "Tumahimik ka nga dyan! Hindi kita kinakausap.. Anya baka gusto mo rumaket, meron ako?""Anyang, wag ka maniwala dyan panay kalokohan lang naman alam nyan.""Hwag ka ngang umepal!" inis na sabi ni Tonyo."Ano ba yon Tonyo?" tanong ko.Kami lang dito ngayon wala si nanay, tatay at si Peter. May nilakad sila kanina at hindi pa bumabalik hanggang ngayon."Yong amo ko kasi nagpapahanap ng mabiling lupa na malapit sa beach. Gusto mo ba sumama sayang yon may
"Mukha bang afford namin?" nakamot sa ulong wika ni Tonyo. "Napag-utusan lang talaga kami ng amo ko. Matagal nya ng gustong bilhin to at ngayon ka lang din daw umuwi sa Pilipinas. Kaya pumunta kami agad ng mapag-alaman naming nandito ka na."Namulsa naman si Oliver at mataman kaming pinag masdan na dalawa."Hindi ko pinagbibinta ito, kong ibebenta ko man I know that your boss can't afford it!" nakita ko pa ang palihim na pag smirk nito. "Kong wala na kayong kailangan pwede na kayong umalis."Nagtama saglit ang mga mata naming dalawa na agad ko namang iniwasan. Hindi nya na kami binigyan pa ng pansin at umalis na siya sa harapan namin.Hinatid na kami palabas ni ate na nag patuloy sa amin kanina."Pag pasensyahan nyo na si sir mukhang wala ata siya sa mood.""Ayos lang po, thank you po pala."Habang papalayo kami ni Tonyo ay sumulyap pa ako sa bahay at pinag masdan ito."Mukhang sayang ang lakad natin, Anya.""Ikaw kasi hindi ka nag-ayos ng maayos, baka pinagkamalan tayong scammer nun!
Babasahin na sana ni Anya ang sulat ng makarinig siya ng pag bukas ng gate mula sa labas. Agad nyang inilagay sa bulsa ang sulat at sa taranta nya ay tumalon na lang siya sa bintana.Mabuti na lang ay hindi ito ganon ka taas pero masakit ang kanyang likuran at ang kanyang binti ng bumangon siya. Napatingin siya sa taas ng makita umilaw ito, mukhang may kuryente na ang bahay."Sino kaya ang nagbabantay dito?"Tumago sa may puno si Anya ng makita nya ang isang babae na bumaba mula sa hagdanan. Hindi nya gaanong naaninag ang mukha nito dahil sa gabi at ang may ilaw lamang ay sa taas ng bahay.Sinundan nya ito at mukhang isa ito sa mga kapit bahay ng kanyang lolo. Pumasok kasi ito sa isang bahay na malapit din sa kinatatayuan ng bahay ng kanyang lolo.Nag balak na lang siyang bumalik ulit sa hospital baka hinahanap na siya. Naramdaman nya ang pagpatak ng maliit na tubig sa kanyang balat, mukhang uulan. Agad siyang nagmadali sa paglalakad.'Mabuti pa dito ay umuulan.'Walang ibang ma isip
1 YEAR LATER ANYA POINT OF VIEW Maaga akong gumising para makapagluto ng almusal. Tahimik ang buong paligid at malamig rin ang simoy ng hangin. Ngayon ang ikalimang kaarawan ni Marco at wala pa akong naiisip na regalo sa kanya. Pinag masdan ko muna ang mag-ama ko habang mahimbing silang natutulog. Akala ko ay hindi na darating ang araw na 'to ang magiging kumpleto kami. Hindi ko rin akalain na matutupad talaga ang pangarap ko na ang magkaroon ng simpleng buhay, na malayo sa gulo. Dumiritso na ako sa kusina para makapag handa ng agahan. Habang naka salang ang sinaing ay naisipan ko rin muna na tumambay sa balkonahe ng bahay. Ang ganda ng view na makikita dito kahit na hindi pa ganon kaliwanag ang paligid. Nag timpla rin ako ng kape habang naka tingin sa magandang tanawin. Hindi pa rin ako makapaniwala na naranasan ko na ito. Matapos kasi ng kasal namin ni Oliver ay dito na kami nag pasya na tumira. Alam nya kasing matagal ko na 'tong pangarap, kahit na malayo man kami s
"Alam ko ang gago ko, kasi napagod akong intindihin ka pero hindi ako napagod na mahalin ka. Ang tanga ko lang sa part na nong iniwan mo ako hindi kita hinanap. Akala ko kasi nun wala kang pakialam sa akin, ang labo mo kasi." Napasimangot naman ako sa huli nyang sinabi. Ang ganda na kasi ng speech nya tapos may ganon. Pero tama naman talaga siya hindi ako nag bigay ng assurance sa kanya na gusto ko siya before ako mawala. "I'm sorry, will you still accept me again Anya?" Dapat ako yong nagtatanong nito sa kanya, ako yong may kasalanan tapos siya pa tong nag so-sorry. "Ano bang pinagsasabi mo? Valid naman lahat ng galit mo eh, ako yong may kasalanan. Umalis akong walang paalam sayo, tapos hindi ko man lang sinasabi sayo yong mga nangyayare sa akin kahit na alam kong willing ka gawin ang lahat para sa akin. Ako tong ang tanga-tanga na lagi kang sinasaktan. Iniisip ko nga kong ano bang ginawa ko sa past life ko kong bakit ibinigay ka sa akin. Sobrang swerte ko kasi ikaw yong lala
Sobrang gulo na ng kwarto ni Knoxx kakahanap lang sa papel na hindi nya naman alam kong ano. "Baka nasa bulsa ng mga luma kong pantalon sana lang ay hindi pa yon gutay-gutay kong sakaling makita ko man. Bakit pa kasi kailangan hanapin kong pwede naman mismo itanong kay Anya kong ano karugtong ng sulat! Ako pa pinapahirapan ng mga to!" Sa kabilang banda ay dumating si Natasha sa bahay ni Oliver. "Oliver, akala ko ay hindi ka na babalik pa dito sa bahay mo. I'm happy kasi nakita mo na ang sister mo. I want to see her kaso lang ay nasa puder siya ni Tito Craige." Humarap naman si Oliver kay Natasha na puno ng galit ang mga mata nito. Napa atras si Natasha ng bigla na lamang siya nitong sinakal. "O-oliver na-a-sa-saktan ako!" Binitiwan naman na ni Oliver si Natasha na naghahabol ng hininga nya. "What are you doing? Ano bang kasalanan ko sayo para ganituhin mo ako?" "Really huh? You don't know?" napa atras ulit si Natasha ng akmang papalapit ulit sa kanya ito. "Hindi ko m
******** ANYA POINT OF VIEW Mahigit dalawang linggo na ang nakakalipas pero mabigat pa rin ang dibdib ko. Gusto kong mag kaayos na kami ni Oliver pero hindi ko magawa. Lalo na ay nagkaka problema ang company ni lolo. Gusto ko sana siyang puntahan kong na saan siya ngayon pero baka makagulo lang ako. Hindi ko rin alam kong paano ko sisimulang ayusin ang papalabog na company namin. Marami nang mga investor na nag back-out dahil sa nangyare kay lolo at bumaba din ang rating ng hotel dahil sa pagiging attitude ni tita Rhea. Plus na ang shares ni Raven at ni Tita Rhea ay na punta na sa iba. Ganun nya na lang binalewala ang pinaghirapan lahat ng papa nya. Kinompronta ko na siya kong bakit nya yon ginawa. Ang tanging sinagot nya lang sa akin ay mas mabuti na daw na mapunta sa iba ang company kaysa sa akin. Ganon ka taas ang pride nya pag dating sa akin. Sa ngayon ay ibang tao na ang magiging CEO ng company. Pero hinding-hindi ako papayag na mapunta sa iba ang company nila lo
****** Walang hupa ang pag-iyak ni Anya hindi nya na nga alintana ang mga dumadaan na sasakyan. Hindi nya na rin maaninag gaano ang paligid dahil sa luha nyang hindi tumitigil. Nasilaw si Anya sa sasakyan na paparating na para bang sasagasaan siya nito. Bago pa man siya tuluyang mabangga nito ay huminto ang sasakyan. Bumaba ang babaeng sakay nito. "Ano papasagasa ka na lang talaga dyan? Hindi ka man lang lumayo!" halata ang inis sa boses nito. Pero agad din nawala ang inis sa mukha nito ng makita nya si Anya na umiiyak. Tumayo si Anya para harapin ang babae. "S-sorry a-aalis na —" natigil sa pagsasalita si Anya ng maaninag nya ang mukha nito. "Sab?" "Bakit ka ba umiiyak? Ang daming pwedeng iyakan na lugar gusto mo pa talaga dito sa kalsada? Gusto mo na bang mamatay? Akala ko ba gusto mo pang maranasan mamuhay sa tahimik na lugar?" Pinunasan ni Anya ang mga luha nya. "Ikaw ba talaga yan? Baka hindi ka totoo?" umirap naman sa kanya si Sabrina. "Syempre ako to, mi
****** Nagtataka si Anya habang nagliligpit sila ng gamit ay tahimik pa rin talaga si Marco. "Nagtatampo ka ba kay mommy?" tanong ni Anya sa anak. Agad naman itong umiling. "Kong hindi bakit ang tahimik mo? Magsabi ka sa akin ng totoo baka naman may nanakit sayo?" "Wala po mmy! Nalulungkot lang ako kasi aalis na tayo rito. Tsaka saan po ba tayo pupunta?" "Kila Adrian muna tayo, okay? Siya lang kasi ang pwede nating lapitan sa ngayon." agad naman nag bago ang mukha ni Marco. "Bakit siya? I don't want mommy!" Nagulat pa si Anya sa biglaang pag tantrums ng anak nya. "Marco! Stop it! Wala tayong choice okay?" "Hmp!" hindi na siya pinansin pa ni Marco. Hindi na rin nag abalang aluin ni Anya si Marco. Lalo na't busy siya sa pag ligpit ng gamit nila. Nasa mansion kasi sila ngayon ng mga De Luca at nagliligpit. Susunduin lang sila ni Tonyo para maka punta sa mismong sinabi na address ni Adrian na tutuluyan nila. Matapos niyang maka pag ligpit ay nag pasya siyang ma
Bago natulog si Anya ay nakatanggap siya mula kay Oliver ng message. Mapa ito at pangalan ng lugar, ang tanging sinabi lang nito sa kanya ay magkita sila doon bukas. Kaya naman kinabukasan ay maaga siyang nagising. Gusto nyang makabawi kasi dito. Sinundan nya lang ang mapa na binigay nito, hindi siya pamilyar sa lugar na binigay nito. Hindi kasi siya nagagawi dito. Nang makarating siya sa lugar ay hindi naman ganun ka crowded ang lugar. Naglakad na lamang siya dahil sa makipot na ang lugar sa mismong naka pin sa mapa. Isang Flower Garden and shop ang hinintuan nya. May Entrance ito kaya naman nag bayad pa siya papasok dito. Nagpalinga linga rin siya sa paligid pero hindi nya makita si Oliver. Hindi nya rin na pansin ang kotse nito na naka park kong saan siya nag park. 'Wala pa ba siya dito? Masyado ba akong maaga?' tanong ni Anya. Nag tingin tingin na lang siya ng mga tanim na bulaklak. Ibat-ibang uri ng bulaklak ang nakatanim dito, pwede ka rin bumili ng flower sa mismo
------ Napuno ng kaba ang dibdib ni Anya ng makita ang kanyang anak na karga ni Knoxx. Hindi nya alam kong anong sasabihin nya dito, paano kong alam na ni Oliver ang lahat? "Mmy!" sigaw ni Marco kay Anya, ibinaba naman ni Knoxx si Marco para makalapit ito sa ina. "Akala ko kong ano na ang nangyare sayo!" naiiyak na wika ni Anya habang yakap ang anak. "Ayos lang po ako, mmy." masiglang sagot sa kanya ni Marco. "Wala bang masakit sayo? Hindi ka ba nasaktan?" agad naman umiling si Marco. Hinarap naman ni Anya si Knoxx. "Thank you." "No problem." "Paano mo nga pala—?" naputol ang tanong ni Anya ng dumating ang doctor ng kanyang lolo. "Nagising na po ang pasyente." Nawala na sa isipan ni Anya ang itatanong kay Knoxx at agad silang nagmadali na pumasok sa loob. Pag pasok nila sa loob ay nandon ang dalawang apo ni Mr. De Luca na si Raven and Rizza kaya naman ay nag pigil si Anya. Alam nyang mas may karapatan ang dalawang pinsan nya sa lolo nila. "Anya." ngumiti
Nagising si Marco na may halong takot pero agad itong nawala ng makita nya si Oliver na nasa tabing upuan na natutulog. May sumilid na ngiti sa gilid ng labi ng batang si Marco. Pinagmasdan nya ito at hindi siya nagkakamali na ito ang kanyang ama. Nawala ang takot sa kanya ng makilala nya kong sino ito. Napa isip naman si Marco dahil sa sinabi sa kanya ng ina na hindi siya kilala nito. Gusto nya ng gisingin ito at yakapin ng mahigpit pero nag pigil siya sa kanyang sarili at baka ay ito magalit. Agad siyang bumalik pagkakahiga ng mapansin nyang gumalaw na ito at mukhang nagising na. Hindi siya nag panggap na tulog para ma pansin siya nito at makausap siya ng kanyang ama. Agad na napansin ni Oliver na gising na si Marco kaya naman umupo siya sa gilid ng kama nito. Tumingin sa kanya si Marco at agad nyang na pansin ang kulay ng mga mata nito. Hindi lang nga ito ganon ka tingkad kagaya ng sa kanya. "Na saan ako?" tanong ng batang si Marco. "Home." sagot sa kanya ni Olive