Babasahin na sana ni Anya ang sulat ng makarinig siya ng pag bukas ng gate mula sa labas. Agad nyang inilagay sa bulsa ang sulat at sa taranta nya ay tumalon na lang siya sa bintana.Mabuti na lang ay hindi ito ganon ka taas pero masakit ang kanyang likuran at ang kanyang binti ng bumangon siya. Napatingin siya sa taas ng makita umilaw ito, mukhang may kuryente na ang bahay."Sino kaya ang nagbabantay dito?"Tumago sa may puno si Anya ng makita nya ang isang babae na bumaba mula sa hagdanan. Hindi nya gaanong naaninag ang mukha nito dahil sa gabi at ang may ilaw lamang ay sa taas ng bahay.Sinundan nya ito at mukhang isa ito sa mga kapit bahay ng kanyang lolo. Pumasok kasi ito sa isang bahay na malapit din sa kinatatayuan ng bahay ng kanyang lolo.Nag balak na lang siyang bumalik ulit sa hospital baka hinahanap na siya. Naramdaman nya ang pagpatak ng maliit na tubig sa kanyang balat, mukhang uulan. Agad siyang nagmadali sa paglalakad.'Mabuti pa dito ay umuulan.'Walang ibang ma isip
ANYA POINT OF VIEWNang makarating ako sa sasakyan ay sinimulan ko ng hanapin ang key remote car. Mabuti na lang ay makulimlim hindi ako maiinitan. Umupo ako para kapain ang mga damo, pa unti-unti akong naghanap hanggang sa makarating na ako sa rice field. Kahit di ganon ka init ay napuno ako ng pawis.Nag tangka din akong bumalik sa bahay ni Lolo Ronaldo kong nandoon ba ang susi pero naka lock na ang pintuan. Ayoko naman sirain ang lock ng pintuan naka sara din ang mga bintana wala akong pwedeng akyatan.Habang naglalakad pabalik sa sasakyan ay pinagtitinginan na ako ng ibang mga nandito. Kaya ayoko talaga mag pakita dito."Oy, Anya ikaw ba yan? Ang tagal mong nawala ah. Sabi iniwan mo daw si Oliver, tsk laking sayang nun ang yaman ng tao iniwan mo lang."Hindi ko na sila pinansin pa at nagpa tuloy na ako sa paglalakad. Para akong tanga na nakatulala lang sa kawalan habang nakaupo sa tabi ng sasakyan.'Napaka malas ko talaga nakakainis!'Gusto ko ng sipain tong sasakyan kaso hindi na
ANYA POINT OF VIEWMaaga pa lang umalis na kami ni Tonyo para pumunta sa kompanya ng mga De Luca. Hindi ako sure kong papasukin ba ako doon kasi wala naman akong appointment.Wala naman kasing binigay si Lolo na contact number man lang nun, paano kaya 'to?"Anya, saan ba tayo pupunta?"Si Marco naman ay pina bantay ko muna kay Irene. Mabuti na lang ay nagising na si nanay kaya gumanda ang mood ni Irene. Mababantayan nya si Marco."Basta, i libre mo na lang akong pamasahe wala ako pera, eh.""Sige."Nag abang na kami agad ng masasakyan na tricycle papunta sa building ng mga De Luca. Nang makarating kami sa harap mismo ng building ay halos malula ako sa taas non. Hindi ko akalain na ganito pala kalaki ang company ng pamilya ni lolo."Anya, ano saan ba tayo? Ang init pa naman."Tinignan ko si Tonyo na pawis na pawis na nga kahit na naka sando lang naman siya. Hindi ko talaga alam kong may t-shirt ba na damit si Tonyo kasi laging naka sando. "Pasok tayo sa loob.""Teka ano?" humarang sa
"Hindi kita kilala." bago ay ngumiti ako ng peke di ko lang alam kong na halata nya ako.Tinulak ko siya palayo sa harapan ko at hindi pinansin. Muntik pa ako madapa dahil sa heels na suot ko, mabuti na lang talaga hindi na siiya sa akin sumunod. Bigla din kasi dumating si Natasha kaya di na talaga siya nakasunod sa akin.Sa sunod na pagkikita na lang namin magpapaliwanag ako."Anya!" halata ang pagka hingal ni Tonyo nang lumapit siya sa akin. "Kanina pa kita hinahanap, tapos na yong meeting ng lolo mo paalis na siya.""Ha? Hindi pwede tara habulin natin." Sa sobrang gusto ko siyang maabutan ay tinanggal ko na mismo ang heels na suot ko. Bahala na pag tinginan ako ng mga tao.Pasakay na sila ng Elevator kaya tumakbo na ako palapit doon. Kaso hinarang na naman ako ng dalawang security na naka bantay sa kanya."Miss, bawal po."Napatingin sa akin ang kapatid ni lolo at ngumiti ito."Hayaan nyo na mukhang nagmamadali." Bigla naman akong nahiya ng mapatingin siya sa paa ko na wala man l
ANYA POINT OF VIEWMasaya ako ngayon kasi hindi ko na kailangan pa maghanap ng pera para pang bayad. Siguro kailangan ko lang ma kausap ang amo ni Tonyo. Sana lang pumayag itong ipag bili ulit para maibalik ko kay Christian.Nag bihis ako para pumunta sa bahay ni Christian. Ano na kaya ang itsura ng bahay na yon? Gusto ko din siya kausapin about don sa lupa nang dahil naman kasi sa akin kaya nya yon na benta. Kong hindi ko lang siya pinilit edi sana sa kanya pa rin yon. Tapos halos ayaw nya pa man din ipabenta yon.Nag pahatid lang ako kay Tonyo may gamit kasi siyang motor. Hindi ko nga alam kong saan nya to nakukuha. Ang sabi nya sa akin binili nya daw gamit ang pera sa commission. Yong another half daw wala pa nabibigay ng amo nya, sabi ko nga kong incase ibigay man yon sa kanya sa kanya na lang. Bilang pasasalamat ko sa lahat ng tulong nya."Hanggang dito na lang Tonyo, salamat ah." saad ko sa kanya nang makarating na kami sa harap ng bahay mismo ni Christian.Sobrang na mis ko ang
Ngayong araw ang paglipat namin ni Marco sa bahay ng mga De Luca. Napag desisyunan kong doon na lang talaga kami ni Marco para mas ma kilala ko pa sila ng lubusan. Tsaka mas magiging maayos ang kalagayan namin kapag doon kami.Tuwang tuwa naman si Marco kasi ito ang unang nakapasok siya sa gaanong bahay. Malugod naman kaming tinanggap ni lolo at nagpa handa pa nga siya.Busog na busog tuloy kaming dalawa ni Marco.Dinala ko din sila Irene at Tonyo pero syempre kami lang ni Marco ang titira dito. Sila ay in-invite ko lang para sa pagkain. Nakakahiya naman kasi kong pati sila ay papatirahin ko dito.Bibilhan ko na lang sila ng bagong bahay para doon na sila. Tanging ang pinsan ko na si Rizza lang ang na kilala ko wala pa ang kanyang kuya na si Raven. Umalis daw kasi ito kaninang umaga hindi na namin naabutan pa at si Rizza naman ay kararating lang from bakasyon.Habang nasa kwarto kami ni Marco ay hindi ko alam kong pwede ko ba siya ma iwan dito. Wala pa kasi akong gaanong kakilala dito
OLIVER POINT OF VIEW"Ginagawa mo?" nakakunot na noong tanong ni Bryce sa akin.May hawak ako ngayong shot glass na may lamang alak at nag-iinom dito sa veranda ng bahay."Nope, trip ko lang uminom. You want?" pag-aya ko sa kanya.Tumabi naman siya sa akin bago kumuha din ng shot glass at sinalinan ito ng alak."Sabi ni Demi pina benta mo yong isa sa mga property mo na pinaka gusto mo. Why?" uminom muna siya ng isang lagok bago siya nag patuloy sa pagsasalita. "Pagkakaalam ko naghirap ka pa mag hanap ng ganoong lugar na hindi ganun kalayo dito tapos ipapabenta mo lang." Umismid ako kay Bryce bago sumagot."Anong magagawa ko? Binili ko lang naman talaga yon dati kasi alam kong magugustuhan yon ni Anya. Wala ng dahilan para i-keep pa yon. Tsaka siya rin mismo nagpumilit sa akin na ipabenta yon."Napangiti ako ng mapait at mas lalong umapoy ang galit na nararamdaman ko sa kanya. Sadyang hindi nya na talaga pinahalagahan lahat ng ginawa ko para sa kanya. Mukhang tama talaga lahat ng sina
Senior high school na ako, hindi na rin ako nakatira sa mansion. Pinalipat kasi ako ni tito Ronan dito. Mas mabuti na rin yon kahit pa paano ay hindi ko sila kailangang pakisamahan sa mansion. Si Dylan naman ay nagpatuloy ng pag-aaral sa ibang bansa habang ako dito ay mag-isa.Natuklasan ko rin na may secret organisasyon pala ang pamilya namin. Gusto kong maging parte nun kaya humingi ako ng tulong kay tito Ronan. Nagbabakasali kasi ako sa tulong non ay matagpuan ko na si Gianna. Pati na rin kong na saan ang ama ko at kong sino ang pumatay sa ina ko. Marami akong mga tanong na gusto kong malaman.Mabuti na lang din ay agad siyang pumayag na maging parte ako nun. Madami akong mga natutunan hindi lang yon kundi ang pag hawak ng baril at mag self defense.Marami na rin akong mga naging kaibigan simula ng nag high school ako. Buong akala ko nga ay wala eh, pero hindi kasi pito ang naging kaibigan ko.Nang dahil sa kanila ay marami akong naranasan na hindi ko naranasana dati. Iba pala tal