Masakit ang ulo kong nagising, hindi ko alam kong paano ako naka uwi ng bahay. Huling naaalala ko ay iniwan ako nong babaeng humalik sa akin. Hindi man lang ako pinanagutan psh!Lumabas na ako ng room ko para bumaba. "Yow bro, lasing na lasing kagabi ah.""Dylan!"Nagmadali akong maglakad palapit sa kanya. Hindi ko alam na nandito na pala siya, hindi naman kasi siya nagpasabi na darating siya."Ikaw ang nag-uwi sa akin?""Oo, sakto nga eh. Yon lang naman kasi ang malapit na club sa hotel ng family natin kaya sure akong doon ka." "Kailan ka pa dumating?""Kagabi lang din. May sinabi ka pala sa akin kagabi.." Nagtaka naman ako kong anong pwede kong sabihin sa kanya kagabi. "Sa sobrang kalasingan mo kong ano-ano na sinabi mo. Pati yong babaeng humalik sayo hahaha."Ang lakas ng tawa nya nang-aasar talaga. Wala akong matandaan na sinabi ko yon sa kanya. Epekto talaga ito ng kalasingan ko kagabi."Hanggang sa kotse sinasabi mo ang babae. Sayang may ikakasal ka na eh."Matagal na akong pi
Maaga akong gumising para makapag libot na ako sa buong village. May naka handa na rin agad na agahan sa lamesa pag punta ko sa dining.Pagkatapos kong kumain ay agad akong naka received ng message mula kay Knoxx. His one of our agent, siya ang inutusan kong mag imbistiga about sa pagkamatay ni mommy. Pati na rin ng mga sangkot doon habang si Bryce naman ay sa kapatid ko."You won't believe this bro."Yan ang nasa message nya kaya naman naging interested akong i-open ang message nya.Ilang litrato ito ng babae. Hindi lang basta babae kundi ito ang ina ko."Is this for real? Where is she?" hindi nag send ang reply ko, nawalan kasi ng signal.Hindi ko na natapos ang pagkain ko at nag madali akong lumabas at sumakay sa kotse ko. Halos paliparin ko na ang sasakyan ko para lang makarating sa bayan at para magka signal.Huminto ako ng magka signal na at nag park sa isang tabi.Agad kong tinawagan si Knoxx kong totoo ba?"Sure ka ba sa nakita mo? Where she is?""Hindi pa tayo sigurado kong s
Alam kong hindi nya inaasahan lahat ng mga pangyayare sa buhay nya. Ang bilis naman kasi yong magigising na lang siya na may tao na palang ipapakasal sa kanya. Lagi ko rin inaagahan umuwi kahit na hindi kami ganon nag-uusap. Ayoko kasing maiwan siya mag-isa lalo nong pumunta ako ng ibang bansa. Alam ko kasing makakasalumuha nya si Sapphire kaya naman ay kahit wala akong tulog ay umuwi ako agad. Mabuti na lang din ay kasama nya si Dylan alam kong hindi siya mabobored sa kaingayan nun. "See? You can't resist her?" hindi na ako nag abalang sumagot pa kay uncle Ralph. Kasi tama siya. Ito lang 'ata ang ginawa nya na ikinasaya ko. ********** The day when she cried because of Sapphire and Natasha doing, I really don't know what to do. Hinayaan ko na lang siya na umiyak na umiyak hanggang mapagod siya. Habang nasa sasakyan ay naiinis ako sa sarili ko dahil sa akin naranasan nya ang ganito. Nag ring ang phone ko at si Knoxx ang tumatawag. "You sure, you want to cancel all your
ANYA POINT OF VIEW Nagising ako sa pag ring ng phone ko, yong phone na binigay sa akin ni Oliver. Ang aga-aga pa tapos tumatawag na siya agad. "Hello?" "Pick me up here in my condo." Pinatayan nya na agad ako ng tawag. Malay ko ba kong saan ang condo nya? Nag text ako sa kanya para tanungin kong saan ang condo nya. Sakto naman ay kagigising lang ni Marco, matapos ko siyang pakainin ay susunduin siya dito nila Irene at Tonyo. Sa kanila ko lang naman talaga pwede ipa bantay si Marco. Naaawa na tuloy ako sa anak ko palagi ko na lang siyang iniiwan. Pagkaalis nila ay ako naman ang nag-ayos ng sarili ko. Tinignan ko ang phone ko kong may reply ba siya at ayun nga may reply naman kong saan yong condo nya. Kailangan kong maka punta doon before mag 7:30 am. Medyo malayo ang condo nya dito. Nagmadali na agad akong umalis baka ma late ako. Saktong 7:25 am ay dumating ako sa harap ng building na sinabi nya. 'Nandito na ako sa parking area.' text ko sa kanya. Hindi siya nag repl
Hindi naka sagot si Anya sa tanong ng kanyang anak. Ngumiti lamang siya rito at kinarga ang bata upang maka tulog. Samantalang sa Mansion ng mga De Luca ay hindi mapalagay si Rhea. Hindi siya papayag na makuha ng pamangkin nya ang lahat ng pinaghirapan nya. Simula kasi ng umalis ang kanyang uncle na lolo ni Anya ay siya na ang namahala sa mga na iwan nito. Ang buong akala nya ay hindi na siya magkakaroon pa ng problema. Lahat ng sagabal ay inalis nya mapunta lang sa kanya ang kalahati ng share ng kumpanya. Nag tipa siya sa kanyang phone at may tinawagan. "May nakalap ka na bang information?" "Ako pa ba madam? Saan po tayo magkikita?" Umalis si Rhea na may ngiti sa kanyang mga labi habang naka tingin sa mga litrato ni Anya. "Sigurado ka bang palagi siyang naroon sa condo ni Mr. Carter?" "Pagkakaalam ko po ay may relasyon sila dati. Muntik na silang ikasal pero may nangyareng hindi maganda." May na isip si Rhea para lumayo sa kanya ang kanyang pamangkin. Tinawagan
ANYA POINT OF VIEW Naka tingin lang ako sa labas habang naghihintay sa amo ni Tonyo. Ininom ko ang in-order ko na coffee, naagaw ang atensyon ko ng may dumating na sasakyan. Sa itsura pa lang nito ay halatang mamahalin na. Hindi ko na pinansin kong sino man ang nasa loob ng sasakyan na o kong sino ang may-ari. Nakatanggap ako ng text mula kay Tonyo na nasa labas na daw ang amo nya. Inilibot ko ang pangin ko baka sakaling makita ko kong na saan ang amo nya. Wala naman bagong kapapasok na customer bukod sa bagong dating na sasakyan. Napatayo ako ng makita ang isang lalake na nagpapalinga-linga na para bang may hinahanap. Siya na ba yong amo ni Tonyo? Kumaway ako sa kanya ng mapatingin siya sa pwesto ko. Halata ang pagkunot ng noo nya ng makita ako. Habang papalapit siya sa akin ay unti-unti ko ring nakikita ng malinaw ang mukha nya. "Anya/Adrian?" sabay namin na tanong sa isat-isa. Sabay din kaming napatawa ng makilala namin ang bawat isa. Magkaharapan kaming umupo sa
"Hello, lo?" "Anya, kanina pa kita hinihintay sa office ko." "May problema po kasi, ayaw akong papasukin ng mga guard." "What?" kahit hindi ko nakikita ang pagmumukha ni lolo ay na iimagine ko ang pagkunot ng noo nya. "Papuntahin ko ang secretary ko dyan." Pinatay na ni lolo ang tawag at sinamaan ko naman ng tingin ang dalawang guard. "Umalis ka na lang po, hindi ka pa mapapagod kaka hintay." Ang kapal talaga ng mga guard na 'to. Sabagay hindi ko naman sila masisisi nag-iingat lang naman sila. Plus sinulsulan pa ni Natasha ang dalawang guard na to. Hindi ko na sila inabala pa at umupo na lang sa isang tabi. Pababa na rin naman daw ang secretary ni lolo hintayin ko na lang siya dito. "Ma'am Anya." nakangiti sa akin ang secretary ni lolo. Habang ang dalawang guard naman ay gulat ang naging reaksyon. "Kayong dalawa tandaan nyo tong mukhang 'to? Apo siya ng may-ari nitong buong building tapos ayaw nyong papasukin!" halos malaglag ang panga ng dalawang guard. "Pa-paseny
Pagkarating ko sa Estrella Village ay napaka putik ng daan. Wala rin kasing tigil ang ulan habang nasa byahe kami kanina ni Tonyo. Pero okay lang naman kasi ang lamig ng buong paligid. Ang sarap tuloy mag kape habang pinagmamasdan ko ang buong paligid. Naglakad na kami ni Tonyo papunta sa bahay ni lolo Ronaldo. Bago pa man ako makarating sa bahay ay puno na agad ng dumi ang suot ko at ang binti ko dahil sa maputik na daan. Nangunot ang noo ko ng makita kong may babaeng lumabas mula sa bahay ni lolo. Mukhang siya na yong babae na nakaraan na naabutan ko na pumasok. Agad akong nag madali para masalubong ko siya. "Tigil!" sigaw ko. Kahit si Tonyo ay nagulat sa biglaang pag sigaw ko. Agad akong lumapit sa babae kahit muntik na akong madulas para lang mahila ko siya. "Sino ka? Anong ginagawa mo rito sa bahay ng lolo ko?" gulat ang naging reaction nya sa naging tanong ko. "Po? Wala po akong ginagawang masama. Naglilinis lang po ako sa loob." lumuwag naman ang pagkakahawak