ANYA POINT OF VIEW Naka tingin lang ako sa labas habang naghihintay sa amo ni Tonyo. Ininom ko ang in-order ko na coffee, naagaw ang atensyon ko ng may dumating na sasakyan. Sa itsura pa lang nito ay halatang mamahalin na. Hindi ko na pinansin kong sino man ang nasa loob ng sasakyan na o kong sino ang may-ari. Nakatanggap ako ng text mula kay Tonyo na nasa labas na daw ang amo nya. Inilibot ko ang pangin ko baka sakaling makita ko kong na saan ang amo nya. Wala naman bagong kapapasok na customer bukod sa bagong dating na sasakyan. Napatayo ako ng makita ang isang lalake na nagpapalinga-linga na para bang may hinahanap. Siya na ba yong amo ni Tonyo? Kumaway ako sa kanya ng mapatingin siya sa pwesto ko. Halata ang pagkunot ng noo nya ng makita ako. Habang papalapit siya sa akin ay unti-unti ko ring nakikita ng malinaw ang mukha nya. "Anya/Adrian?" sabay namin na tanong sa isat-isa. Sabay din kaming napatawa ng makilala namin ang bawat isa. Magkaharapan kaming umupo sa
"Hello, lo?" "Anya, kanina pa kita hinihintay sa office ko." "May problema po kasi, ayaw akong papasukin ng mga guard." "What?" kahit hindi ko nakikita ang pagmumukha ni lolo ay na iimagine ko ang pagkunot ng noo nya. "Papuntahin ko ang secretary ko dyan." Pinatay na ni lolo ang tawag at sinamaan ko naman ng tingin ang dalawang guard. "Umalis ka na lang po, hindi ka pa mapapagod kaka hintay." Ang kapal talaga ng mga guard na 'to. Sabagay hindi ko naman sila masisisi nag-iingat lang naman sila. Plus sinulsulan pa ni Natasha ang dalawang guard na to. Hindi ko na sila inabala pa at umupo na lang sa isang tabi. Pababa na rin naman daw ang secretary ni lolo hintayin ko na lang siya dito. "Ma'am Anya." nakangiti sa akin ang secretary ni lolo. Habang ang dalawang guard naman ay gulat ang naging reaksyon. "Kayong dalawa tandaan nyo tong mukhang 'to? Apo siya ng may-ari nitong buong building tapos ayaw nyong papasukin!" halos malaglag ang panga ng dalawang guard. "Pa-paseny
Pagkarating ko sa Estrella Village ay napaka putik ng daan. Wala rin kasing tigil ang ulan habang nasa byahe kami kanina ni Tonyo. Pero okay lang naman kasi ang lamig ng buong paligid. Ang sarap tuloy mag kape habang pinagmamasdan ko ang buong paligid. Naglakad na kami ni Tonyo papunta sa bahay ni lolo Ronaldo. Bago pa man ako makarating sa bahay ay puno na agad ng dumi ang suot ko at ang binti ko dahil sa maputik na daan. Nangunot ang noo ko ng makita kong may babaeng lumabas mula sa bahay ni lolo. Mukhang siya na yong babae na nakaraan na naabutan ko na pumasok. Agad akong nag madali para masalubong ko siya. "Tigil!" sigaw ko. Kahit si Tonyo ay nagulat sa biglaang pag sigaw ko. Agad akong lumapit sa babae kahit muntik na akong madulas para lang mahila ko siya. "Sino ka? Anong ginagawa mo rito sa bahay ng lolo ko?" gulat ang naging reaction nya sa naging tanong ko. "Po? Wala po akong ginagawang masama. Naglilinis lang po ako sa loob." lumuwag naman ang pagkakahawak
Napakurap kurap pa ako habang nakatingin sa kanya. Nang bigla na lamang siyang malaglag sa kinahihigaan nya. "Okay ka lang?" natatarantang tanong ko. Kaso lang ay hindi man lang ito nagsasalita. "Patay na ba siya?" Ang oa ko naman sa part na patay na siya! Sarap sampalin ng sarili ko. Tinulungan ko siya bumangon kaya lang ay ang bigat nya dahil siguro sa kalasingan nya. Ang dumi na rin ng damit nya. Napag pasyahan kong iuwi na lang siya sa bahay ni lolo kaysa mag-isa siya dito. Tsaka hindi naman talaga ako papayag na maiwan siyang ganito ang kalagayan. Kahit na hirap na hirap na akong alalayan siya sa paglalakad. Halos ka ilang beses din kaming muntik na matumba dahil sa madulas at ang bigat nya pa. Pa giwang giwang din kasi ang paglakad nya. Kapag di ko siya inaalalayan ay talagang tutumba siya. Nang malapit na kami sa bahay ay inihiga ko lamang siya sa kawayan na upuan. Ang hirap naman kasi nyang iakyat sa taas. Umakyat ako sa taas para tignan kong gising na si T
Nagising si Oliver na masakit ang ulo. Agad nyang kinapa ang lamesa na nasa gilid upang kapain ang kanyang cellphone. Nangunot ang noo nya ng mapansin nyang may kakaiba. Iminulat nya ang mata at don nya na pag tanto na hindi siya sa bahay nila. Huling natatandaan nya ay nag-inom siya at hindi nya natatandaan kong paano siya na punta rito. Pamilya ang lugar, marahang tumayo si Oliver at sumilip sa bintana. Sa loob ng bakuran ay nakita nya si Anya na may hawak na cellphone na halatang may tinatawagan. Babalik na sana sa pagkakahiga si Oliver ng marinig nito ang bati ni Anya sa kausap. "Good morning, kamusta ang tulog?" malawak ang ngiti ng dalaga na halatang tuwang-tuwa sa kausap. Hindi naman maiwasan ni Oliver na mainis. "Tsk!" "Mis mo na ba ako? Hwag kang mag-alala uuwi na ako mamaya." mas lalong nawalan ng sa mood si Oliver sa mga narinig. Hindi nya na pinakinggan pa ang pag-uusap ni Anya at Marco at lumabas na ito. Gulat naman ang naging reaction ni Tonyo sa bigl
ANYA POINT OF VIEW Matapos namin kumain ni Tonyo ay balak kong mauna na siya umuwi. Baka kasi hinahanap na rin siya sa trabaho nya nakakaabala pa ako. "Sure ka ba? Baka mahirapan ka mag hanap ng sasakyan. Tawagan mo na lang ako kapag magpapasundo ka." "Ayos lang, tsaka mamaya na ako uuwi. Magdidilig pa kasi ako ng mga halaman na nandito." Hindi naman din nag insist pa si Tonyo na mag tagal. Balak ko kasing hintayin talaga na matuyo ang damit na ni labhan ko para maibalik ko kay Oliver. Sana lang ay nandyan pa rin siya sa bahay nila kasi kong hindi ay mapipilitan akong sa condo nya mismo ibalik. Ilang oras lang matutuyo na to kasi mainit talaga ngayon. Kaya ang ginawa ko ay inalis ko na lang ang malapit ng mabulok na mga dahon sa mga halaman na nandito. Nilinasan ko rin ang mga ginamit namin ni Tonyo sa pagluluto kanina. Binalik ko rin kong saan ito nakalagay dapat. Pagkatapos ko sa baba ay umakyat na ako ulit sa taas para ayusin naman ang higaan. Parang kanina lang ay
Hinayaan ko na lamang siyang yakapin ako. Napapangiti pa ako kasi habang yakap nya ako ay naririnig ko ang pag humming nya ng sound. "Anong kanta yan?" tanong ko sa kanya. "huh?" "Sige kunwari hindi ko na lang narinig." Napansin ko na basa na pala ang kaliwang braso nya. Yun kasi ang sumasalo sa mga maliliit na talsik ng ulan dahil sa pag yakap nya sa akin. "Hindi ka ba nilalamig? Ayos ka lang ba?" "Ayos lang. Hindi naman ako magkakasakit." Napairap na lang ako sa naging sagot nya. Ilang minuto pa kaming nanataling ganon lang ang position. Halos marinig ko na nga ang pag hinga nya kahit na ang lakas naman ang ulan. "About the song? It's one of my favorite songs." "Talaga? Kahit ngayon ko lang narinig ay ang ganda." Naramdaman ko ang pag kilos ng mukha nya na sa tingin ko ay ngumiti ito. "Ikaw may gusto kang kanta?" tanong nya sa akin. Pumihit ako ng pwesto, this time hindi na siya naka yakap sa akin at hindi na ako naka talikod sa kanya. Sa harap nya na ako
Halos hindi mawala ang ngiti sa mukha ni Anya habang naglalakad ito papasok sa loob ng kanilang bahay. Tumunog ang phone nya na agad nya namang tinignan. Message ito mula kay Oliver. "Mis na kita agad." Para tuloy siyang tanga na ngumingiti habang binabasa ang text nito. "Ano ba yan mag kasama lang kaya tayo kanina. Patay na patay ka talaga sa akin." pabirong reply ni Anya. Halos hindi pa nga umaabot ng limang minuto na hindi sila mag kasama ay ganon na agad ang text nito. "Maybe, pero three years kang nawala kaya mis na kita agad." Mag t-type na sana si Anya ng reply nya nang pansin naman siya ni Irene. "Nandito ka na pala Anya, mis na mis ka na ni Marco. Akala nya iniwan mo na siya." Hindi na nito na ituloy ang pag reply dahil agad na pinuntahan ni Anya si Marco. "Mmy, where have you been?" kumakain ito ng maabutan nya. "May inasikaso lang si mommy anak. Namis kita baby, hindi ka ba nagpatigas ng ulo? Baka naman inaway mo na naman si kuya Tonyo mo." Palagi ny