Napakurap kurap pa ako habang nakatingin sa kanya. Nang bigla na lamang siyang malaglag sa kinahihigaan nya. "Okay ka lang?" natatarantang tanong ko. Kaso lang ay hindi man lang ito nagsasalita. "Patay na ba siya?" Ang oa ko naman sa part na patay na siya! Sarap sampalin ng sarili ko. Tinulungan ko siya bumangon kaya lang ay ang bigat nya dahil siguro sa kalasingan nya. Ang dumi na rin ng damit nya. Napag pasyahan kong iuwi na lang siya sa bahay ni lolo kaysa mag-isa siya dito. Tsaka hindi naman talaga ako papayag na maiwan siyang ganito ang kalagayan. Kahit na hirap na hirap na akong alalayan siya sa paglalakad. Halos ka ilang beses din kaming muntik na matumba dahil sa madulas at ang bigat nya pa. Pa giwang giwang din kasi ang paglakad nya. Kapag di ko siya inaalalayan ay talagang tutumba siya. Nang malapit na kami sa bahay ay inihiga ko lamang siya sa kawayan na upuan. Ang hirap naman kasi nyang iakyat sa taas. Umakyat ako sa taas para tignan kong gising na si T
Nagising si Oliver na masakit ang ulo. Agad nyang kinapa ang lamesa na nasa gilid upang kapain ang kanyang cellphone. Nangunot ang noo nya ng mapansin nyang may kakaiba. Iminulat nya ang mata at don nya na pag tanto na hindi siya sa bahay nila. Huling natatandaan nya ay nag-inom siya at hindi nya natatandaan kong paano siya na punta rito. Pamilya ang lugar, marahang tumayo si Oliver at sumilip sa bintana. Sa loob ng bakuran ay nakita nya si Anya na may hawak na cellphone na halatang may tinatawagan. Babalik na sana sa pagkakahiga si Oliver ng marinig nito ang bati ni Anya sa kausap. "Good morning, kamusta ang tulog?" malawak ang ngiti ng dalaga na halatang tuwang-tuwa sa kausap. Hindi naman maiwasan ni Oliver na mainis. "Tsk!" "Mis mo na ba ako? Hwag kang mag-alala uuwi na ako mamaya." mas lalong nawalan ng sa mood si Oliver sa mga narinig. Hindi nya na pinakinggan pa ang pag-uusap ni Anya at Marco at lumabas na ito. Gulat naman ang naging reaction ni Tonyo sa bigl
ANYA POINT OF VIEW Matapos namin kumain ni Tonyo ay balak kong mauna na siya umuwi. Baka kasi hinahanap na rin siya sa trabaho nya nakakaabala pa ako. "Sure ka ba? Baka mahirapan ka mag hanap ng sasakyan. Tawagan mo na lang ako kapag magpapasundo ka." "Ayos lang, tsaka mamaya na ako uuwi. Magdidilig pa kasi ako ng mga halaman na nandito." Hindi naman din nag insist pa si Tonyo na mag tagal. Balak ko kasing hintayin talaga na matuyo ang damit na ni labhan ko para maibalik ko kay Oliver. Sana lang ay nandyan pa rin siya sa bahay nila kasi kong hindi ay mapipilitan akong sa condo nya mismo ibalik. Ilang oras lang matutuyo na to kasi mainit talaga ngayon. Kaya ang ginawa ko ay inalis ko na lang ang malapit ng mabulok na mga dahon sa mga halaman na nandito. Nilinasan ko rin ang mga ginamit namin ni Tonyo sa pagluluto kanina. Binalik ko rin kong saan ito nakalagay dapat. Pagkatapos ko sa baba ay umakyat na ako ulit sa taas para ayusin naman ang higaan. Parang kanina lang ay
Hinayaan ko na lamang siyang yakapin ako. Napapangiti pa ako kasi habang yakap nya ako ay naririnig ko ang pag humming nya ng sound. "Anong kanta yan?" tanong ko sa kanya. "huh?" "Sige kunwari hindi ko na lang narinig." Napansin ko na basa na pala ang kaliwang braso nya. Yun kasi ang sumasalo sa mga maliliit na talsik ng ulan dahil sa pag yakap nya sa akin. "Hindi ka ba nilalamig? Ayos ka lang ba?" "Ayos lang. Hindi naman ako magkakasakit." Napairap na lang ako sa naging sagot nya. Ilang minuto pa kaming nanataling ganon lang ang position. Halos marinig ko na nga ang pag hinga nya kahit na ang lakas naman ang ulan. "About the song? It's one of my favorite songs." "Talaga? Kahit ngayon ko lang narinig ay ang ganda." Naramdaman ko ang pag kilos ng mukha nya na sa tingin ko ay ngumiti ito. "Ikaw may gusto kang kanta?" tanong nya sa akin. Pumihit ako ng pwesto, this time hindi na siya naka yakap sa akin at hindi na ako naka talikod sa kanya. Sa harap nya na ako
Halos hindi mawala ang ngiti sa mukha ni Anya habang naglalakad ito papasok sa loob ng kanilang bahay. Tumunog ang phone nya na agad nya namang tinignan. Message ito mula kay Oliver. "Mis na kita agad." Para tuloy siyang tanga na ngumingiti habang binabasa ang text nito. "Ano ba yan mag kasama lang kaya tayo kanina. Patay na patay ka talaga sa akin." pabirong reply ni Anya. Halos hindi pa nga umaabot ng limang minuto na hindi sila mag kasama ay ganon na agad ang text nito. "Maybe, pero three years kang nawala kaya mis na kita agad." Mag t-type na sana si Anya ng reply nya nang pansin naman siya ni Irene. "Nandito ka na pala Anya, mis na mis ka na ni Marco. Akala nya iniwan mo na siya." Hindi na nito na ituloy ang pag reply dahil agad na pinuntahan ni Anya si Marco. "Mmy, where have you been?" kumakain ito ng maabutan nya. "May inasikaso lang si mommy anak. Namis kita baby, hindi ka ba nagpatigas ng ulo? Baka naman inaway mo na naman si kuya Tonyo mo." Palagi ny
ANYA POINT OF VIEW Hinatid kami ni Tonyo papunta sa venue ng party. Ang mismong hotel ang venue, syempre yon nga yong mismong party eh dahil sa opening. Kasama ko rin si Irene at Marco. Hindi na sumama pa si Tonyo sa amin, ayaw nya daw kahit anong pilit ko. Pang mayamang party daw kasi ito at baka mag mukha daw siyang magnanakaw. Pumasok na kami sa loob at ipinakita na lang ang invitation card na binigay ni lolo sa amin. Sinalubong kami ni ng isa sa mga staff may mga media din na nandito. "Miss Anya, don pa tayo." itinuro nya sa akin kong saan dapat kami. Nagtaka pa ako dahil iba ang pinuntahan namin hindi kong saan ang mga guest. "Sabi po ng lolo nyo ay antayin nyo na lang po siya dito. Kapag tinawag po kayo mula sa labas ay dito po ang daanan." Itinuro nya ang gawi kong saan parang papasok ito mismo sa isang stage. Yon ata ang mismong harap kong saan nagsasalita ang host. "Mukhang ipapakilala ka na ng lolo mo Anya. I'm so excited." Kong excited si Irene ay ako nam
Sa lagay ng itsura ni Anya kong kanina ay napaka ganda nito ngayon naman ay magulo na ang itsura nito. "Mmy, magiging okay ba si lolo?" Nakagat ni Anya ang ibabang labi. Kahit kasi siya ay hindi nya alam kong magiging maayos ba ang lolo nya. 'Bakit kailangan na lang laging may masamang mangyare sa mga taong malapit sa kanya?' Alam nyang darating talaga ang panahon na mawawala ang lolo nya katulad ng lolo Ronaldo nya. Pero sana hindi pa ngayon yon, kunting oras pa lang ang mga pinagsamahan nila. Ayaw nya ng may mawala sa kanya ulit. "I hope so baby." Nasa waiting area sila at hinihintay ang results sa lolo nya. Katabi nya lang din si Irene at Adrian. "What are you doing here? Ang kapal naman ng mukha mo na magpakita pa dito. It's all your fault?!" sigaw sa kanya ng tita Rhea nang makita siya nito. "Sabihin nyo na po ang gusto nyong sabihin pero hindi ako aalis. Pamilya ko rin si lolo kaya wala kayong karapatan na paalisin ako." Umismid ito kay Anya at tinaasan ito n
Hindi na mapakali pa si Oliver dahil kahit isang message ay walang sagot si Anya. "Mukhang nag tampo na sayo si Anya." nang-aasar pa si Bryce nyan. "Ikaw na lang muna ang maiwan dito. Iba ang kutob ko kinakabahan ako." Hindi rin kasi sumasagot si Anya sa mga tawag nya laging naka off ang phone nito. Hirap kasi siyang maka pag internet kaya hindi nya nakikita ang news. "Babalik na lang ako ulit mamaya o bukas. Ako na lang ang mag wi-withdraw ng pera sa atm. Wala na rin kasi tayong budget dito." "Sige bro, halata naman kasing nag o-overthink kana." pang-aasar na naman sa kanya ng kaibigan nyang si Bryce. "Pa-party ako kapag nangyare sayo to!" inis na sagot sa kanya ni Oliver na tinawanan lang naman ni Bryce. Ilang saglit pa ay nag byahe na si Oliver pauwi. Halos six hours ang byahe bago makarating mismo sa syudad kong saan sila nakatira. Makailang ulit na rin nagtitingin ng phone nya si Oliver pero wala talagang text or tawag ito. Sakto ng makalabas siya sa Barangay ko