Hinayaan ko na lamang siyang yakapin ako. Napapangiti pa ako kasi habang yakap nya ako ay naririnig ko ang pag humming nya ng sound. "Anong kanta yan?" tanong ko sa kanya. "huh?" "Sige kunwari hindi ko na lang narinig." Napansin ko na basa na pala ang kaliwang braso nya. Yun kasi ang sumasalo sa mga maliliit na talsik ng ulan dahil sa pag yakap nya sa akin. "Hindi ka ba nilalamig? Ayos ka lang ba?" "Ayos lang. Hindi naman ako magkakasakit." Napairap na lang ako sa naging sagot nya. Ilang minuto pa kaming nanataling ganon lang ang position. Halos marinig ko na nga ang pag hinga nya kahit na ang lakas naman ang ulan. "About the song? It's one of my favorite songs." "Talaga? Kahit ngayon ko lang narinig ay ang ganda." Naramdaman ko ang pag kilos ng mukha nya na sa tingin ko ay ngumiti ito. "Ikaw may gusto kang kanta?" tanong nya sa akin. Pumihit ako ng pwesto, this time hindi na siya naka yakap sa akin at hindi na ako naka talikod sa kanya. Sa harap nya na ako
Halos hindi mawala ang ngiti sa mukha ni Anya habang naglalakad ito papasok sa loob ng kanilang bahay. Tumunog ang phone nya na agad nya namang tinignan. Message ito mula kay Oliver. "Mis na kita agad." Para tuloy siyang tanga na ngumingiti habang binabasa ang text nito. "Ano ba yan mag kasama lang kaya tayo kanina. Patay na patay ka talaga sa akin." pabirong reply ni Anya. Halos hindi pa nga umaabot ng limang minuto na hindi sila mag kasama ay ganon na agad ang text nito. "Maybe, pero three years kang nawala kaya mis na kita agad." Mag t-type na sana si Anya ng reply nya nang pansin naman siya ni Irene. "Nandito ka na pala Anya, mis na mis ka na ni Marco. Akala nya iniwan mo na siya." Hindi na nito na ituloy ang pag reply dahil agad na pinuntahan ni Anya si Marco. "Mmy, where have you been?" kumakain ito ng maabutan nya. "May inasikaso lang si mommy anak. Namis kita baby, hindi ka ba nagpatigas ng ulo? Baka naman inaway mo na naman si kuya Tonyo mo." Palagi ny
ANYA POINT OF VIEW Hinatid kami ni Tonyo papunta sa venue ng party. Ang mismong hotel ang venue, syempre yon nga yong mismong party eh dahil sa opening. Kasama ko rin si Irene at Marco. Hindi na sumama pa si Tonyo sa amin, ayaw nya daw kahit anong pilit ko. Pang mayamang party daw kasi ito at baka mag mukha daw siyang magnanakaw. Pumasok na kami sa loob at ipinakita na lang ang invitation card na binigay ni lolo sa amin. Sinalubong kami ni ng isa sa mga staff may mga media din na nandito. "Miss Anya, don pa tayo." itinuro nya sa akin kong saan dapat kami. Nagtaka pa ako dahil iba ang pinuntahan namin hindi kong saan ang mga guest. "Sabi po ng lolo nyo ay antayin nyo na lang po siya dito. Kapag tinawag po kayo mula sa labas ay dito po ang daanan." Itinuro nya ang gawi kong saan parang papasok ito mismo sa isang stage. Yon ata ang mismong harap kong saan nagsasalita ang host. "Mukhang ipapakilala ka na ng lolo mo Anya. I'm so excited." Kong excited si Irene ay ako nam
Sa lagay ng itsura ni Anya kong kanina ay napaka ganda nito ngayon naman ay magulo na ang itsura nito. "Mmy, magiging okay ba si lolo?" Nakagat ni Anya ang ibabang labi. Kahit kasi siya ay hindi nya alam kong magiging maayos ba ang lolo nya. 'Bakit kailangan na lang laging may masamang mangyare sa mga taong malapit sa kanya?' Alam nyang darating talaga ang panahon na mawawala ang lolo nya katulad ng lolo Ronaldo nya. Pero sana hindi pa ngayon yon, kunting oras pa lang ang mga pinagsamahan nila. Ayaw nya ng may mawala sa kanya ulit. "I hope so baby." Nasa waiting area sila at hinihintay ang results sa lolo nya. Katabi nya lang din si Irene at Adrian. "What are you doing here? Ang kapal naman ng mukha mo na magpakita pa dito. It's all your fault?!" sigaw sa kanya ng tita Rhea nang makita siya nito. "Sabihin nyo na po ang gusto nyong sabihin pero hindi ako aalis. Pamilya ko rin si lolo kaya wala kayong karapatan na paalisin ako." Umismid ito kay Anya at tinaasan ito n
Hindi na mapakali pa si Oliver dahil kahit isang message ay walang sagot si Anya. "Mukhang nag tampo na sayo si Anya." nang-aasar pa si Bryce nyan. "Ikaw na lang muna ang maiwan dito. Iba ang kutob ko kinakabahan ako." Hindi rin kasi sumasagot si Anya sa mga tawag nya laging naka off ang phone nito. Hirap kasi siyang maka pag internet kaya hindi nya nakikita ang news. "Babalik na lang ako ulit mamaya o bukas. Ako na lang ang mag wi-withdraw ng pera sa atm. Wala na rin kasi tayong budget dito." "Sige bro, halata naman kasing nag o-overthink kana." pang-aasar na naman sa kanya ng kaibigan nyang si Bryce. "Pa-party ako kapag nangyare sayo to!" inis na sagot sa kanya ni Oliver na tinawanan lang naman ni Bryce. Ilang saglit pa ay nag byahe na si Oliver pauwi. Halos six hours ang byahe bago makarating mismo sa syudad kong saan sila nakatira. Makailang ulit na rin nagtitingin ng phone nya si Oliver pero wala talagang text or tawag ito. Sakto ng makalabas siya sa Barangay ko
Nawalan ng malay ang batang si Marco dahil sa pagod. Agad na ipinasok ni Oliver si Marco sa loob ng sasakyan. Hindi na rin nag abala pang habulin ito ng tatlong inutusan ni Natasha. May dumating na rin kasing isang sasakyan at lulan nito si Knoxx. Alam kasi nilang mahihirapan sila kunin ang bata dito kahit na sabihin pa nilang kamag-anak nila ito. Sa itsura pa lang nila ay halata na silang may hindi gagawing mabuti. Isa pa ay hindi naman kilala ng mga ito si Marco at kong sakaling mag sumbong man ang bata ay for sure ay hindi rin ito maiintindihan ng mga ito. Gagawan na lang nila ng paraan na makuha ulit ang bata. Yun nga lang ay hindi nila alam kong paano sasabihin kay Natasha ang kapalpakan nila. "Ayos na ba ang kotse mo?" sumilip si Knoxx sa bukas na bintana. "I don't know, bigla lang kasing hindi umandar." Napansin naman ni Knoxx ang batang katabi lang ni Oliver na walang malay. Tumaas lang ang kilay nito at nagpigil na ngumiti. Hindi na siya nag tanong pa kong paan
Nagising si Marco na may halong takot pero agad itong nawala ng makita nya si Oliver na nasa tabing upuan na natutulog. May sumilid na ngiti sa gilid ng labi ng batang si Marco. Pinagmasdan nya ito at hindi siya nagkakamali na ito ang kanyang ama. Nawala ang takot sa kanya ng makilala nya kong sino ito. Napa isip naman si Marco dahil sa sinabi sa kanya ng ina na hindi siya kilala nito. Gusto nya ng gisingin ito at yakapin ng mahigpit pero nag pigil siya sa kanyang sarili at baka ay ito magalit. Agad siyang bumalik pagkakahiga ng mapansin nyang gumalaw na ito at mukhang nagising na. Hindi siya nag panggap na tulog para ma pansin siya nito at makausap siya ng kanyang ama. Agad na napansin ni Oliver na gising na si Marco kaya naman umupo siya sa gilid ng kama nito. Tumingin sa kanya si Marco at agad nyang na pansin ang kulay ng mga mata nito. Hindi lang nga ito ganon ka tingkad kagaya ng sa kanya. "Na saan ako?" tanong ng batang si Marco. "Home." sagot sa kanya ni Olive
------ Napuno ng kaba ang dibdib ni Anya ng makita ang kanyang anak na karga ni Knoxx. Hindi nya alam kong anong sasabihin nya dito, paano kong alam na ni Oliver ang lahat? "Mmy!" sigaw ni Marco kay Anya, ibinaba naman ni Knoxx si Marco para makalapit ito sa ina. "Akala ko kong ano na ang nangyare sayo!" naiiyak na wika ni Anya habang yakap ang anak. "Ayos lang po ako, mmy." masiglang sagot sa kanya ni Marco. "Wala bang masakit sayo? Hindi ka ba nasaktan?" agad naman umiling si Marco. Hinarap naman ni Anya si Knoxx. "Thank you." "No problem." "Paano mo nga pala—?" naputol ang tanong ni Anya ng dumating ang doctor ng kanyang lolo. "Nagising na po ang pasyente." Nawala na sa isipan ni Anya ang itatanong kay Knoxx at agad silang nagmadali na pumasok sa loob. Pag pasok nila sa loob ay nandon ang dalawang apo ni Mr. De Luca na si Raven and Rizza kaya naman ay nag pigil si Anya. Alam nyang mas may karapatan ang dalawang pinsan nya sa lolo nila. "Anya." ngumiti