[THREE YEARS LATER] (YES PO THREE YEARS NA! WAG NYO NA INTINDIHIN YONG PAST PARA NAMAN HINDI NA MAGULO BUHAY NI ANYA HAHA)ANYA POINT OF VIEWNagising ako ng maaga para tumulong sa pag harvest ng mga gulay ganun din ang mga itlog na ibebenta namin sa palengke.Ganito lang ang naging routine ko sa tatlong taon. Nakakahiya naman kasi kong hindi ako tutulong sa kanila lalo na sila ang nagpapakain sa amin ng anak ko."Anya, tapos ka na ba dyan? Tara na baka matanghalian tayo!"Halos sa isang linggo ay tatlo o apat na beses kaming naghahatid ng mga gulay sa palengke, prutas at itlog. Nagtsatsaga din kami na maglakad ng halos mahigit isang oras bago makarating sa mismong kalsada. Tapos maglalakad na naman kami para makarating sa mismong bayan. Mahirap man pero kinakaya ko naman.Totoo nga talaga ang sinasabi ni lolo sa akin dati na mahirap pala talaga ang ganitong buhay."Ito na," habang dala ko ang mga gulay na nasa basket. "Nay, kayo na muna bahala kay Marco." bilin ko kay nanay Delhia.S
ANYA POINT OF VIEWKumakain kami ng pananghalian ng dumating si Tonyo. Si Tonyo ay pinsan nila Irene na laging pumupunta dito sa amin."Ano ba yan Tonyo ang aga-aga nandito ka na agad." halata ang irita sa boses ni Irene ng makita si Tonyo, napapailing na lang ako.Madalas talaga yang silang dalawa na ganyan."Hindi naman ikaw ang pinunta ko dito!" tumingin ito sa akin at kumaway "Hi Anya." bati nya.Nginitian ko lang ito bilang ganti, busy din kasi ako sa pagsubo kay Marco."Hoy Tonyo, wag yang si Anya, mahiya ka naman sa itsura mo!" "Tumahimik ka nga dyan! Hindi kita kinakausap.. Anya baka gusto mo rumaket, meron ako?""Anyang, wag ka maniwala dyan panay kalokohan lang naman alam nyan.""Hwag ka ngang umepal!" inis na sabi ni Tonyo."Ano ba yon Tonyo?" tanong ko.Kami lang dito ngayon wala si nanay, tatay at si Peter. May nilakad sila kanina at hindi pa bumabalik hanggang ngayon."Yong amo ko kasi nagpapahanap ng mabiling lupa na malapit sa beach. Gusto mo ba sumama sayang yon may
"Mukha bang afford namin?" nakamot sa ulong wika ni Tonyo. "Napag-utusan lang talaga kami ng amo ko. Matagal nya ng gustong bilhin to at ngayon ka lang din daw umuwi sa Pilipinas. Kaya pumunta kami agad ng mapag-alaman naming nandito ka na."Namulsa naman si Oliver at mataman kaming pinag masdan na dalawa."Hindi ko pinagbibinta ito, kong ibebenta ko man I know that your boss can't afford it!" nakita ko pa ang palihim na pag smirk nito. "Kong wala na kayong kailangan pwede na kayong umalis."Nagtama saglit ang mga mata naming dalawa na agad ko namang iniwasan. Hindi nya na kami binigyan pa ng pansin at umalis na siya sa harapan namin.Hinatid na kami palabas ni ate na nag patuloy sa amin kanina."Pag pasensyahan nyo na si sir mukhang wala ata siya sa mood.""Ayos lang po, thank you po pala."Habang papalayo kami ni Tonyo ay sumulyap pa ako sa bahay at pinag masdan ito."Mukhang sayang ang lakad natin, Anya.""Ikaw kasi hindi ka nag-ayos ng maayos, baka pinagkamalan tayong scammer nun!
Babasahin na sana ni Anya ang sulat ng makarinig siya ng pag bukas ng gate mula sa labas. Agad nyang inilagay sa bulsa ang sulat at sa taranta nya ay tumalon na lang siya sa bintana.Mabuti na lang ay hindi ito ganon ka taas pero masakit ang kanyang likuran at ang kanyang binti ng bumangon siya. Napatingin siya sa taas ng makita umilaw ito, mukhang may kuryente na ang bahay."Sino kaya ang nagbabantay dito?"Tumago sa may puno si Anya ng makita nya ang isang babae na bumaba mula sa hagdanan. Hindi nya gaanong naaninag ang mukha nito dahil sa gabi at ang may ilaw lamang ay sa taas ng bahay.Sinundan nya ito at mukhang isa ito sa mga kapit bahay ng kanyang lolo. Pumasok kasi ito sa isang bahay na malapit din sa kinatatayuan ng bahay ng kanyang lolo.Nag balak na lang siyang bumalik ulit sa hospital baka hinahanap na siya. Naramdaman nya ang pagpatak ng maliit na tubig sa kanyang balat, mukhang uulan. Agad siyang nagmadali sa paglalakad.'Mabuti pa dito ay umuulan.'Walang ibang ma isip
ANYA POINT OF VIEWNang makarating ako sa sasakyan ay sinimulan ko ng hanapin ang key remote car. Mabuti na lang ay makulimlim hindi ako maiinitan. Umupo ako para kapain ang mga damo, pa unti-unti akong naghanap hanggang sa makarating na ako sa rice field. Kahit di ganon ka init ay napuno ako ng pawis.Nag tangka din akong bumalik sa bahay ni Lolo Ronaldo kong nandoon ba ang susi pero naka lock na ang pintuan. Ayoko naman sirain ang lock ng pintuan naka sara din ang mga bintana wala akong pwedeng akyatan.Habang naglalakad pabalik sa sasakyan ay pinagtitinginan na ako ng ibang mga nandito. Kaya ayoko talaga mag pakita dito."Oy, Anya ikaw ba yan? Ang tagal mong nawala ah. Sabi iniwan mo daw si Oliver, tsk laking sayang nun ang yaman ng tao iniwan mo lang."Hindi ko na sila pinansin pa at nagpa tuloy na ako sa paglalakad. Para akong tanga na nakatulala lang sa kawalan habang nakaupo sa tabi ng sasakyan.'Napaka malas ko talaga nakakainis!'Gusto ko ng sipain tong sasakyan kaso hindi na
ANYA POINT OF VIEWMaaga pa lang umalis na kami ni Tonyo para pumunta sa kompanya ng mga De Luca. Hindi ako sure kong papasukin ba ako doon kasi wala naman akong appointment.Wala naman kasing binigay si Lolo na contact number man lang nun, paano kaya 'to?"Anya, saan ba tayo pupunta?"Si Marco naman ay pina bantay ko muna kay Irene. Mabuti na lang ay nagising na si nanay kaya gumanda ang mood ni Irene. Mababantayan nya si Marco."Basta, i libre mo na lang akong pamasahe wala ako pera, eh.""Sige."Nag abang na kami agad ng masasakyan na tricycle papunta sa building ng mga De Luca. Nang makarating kami sa harap mismo ng building ay halos malula ako sa taas non. Hindi ko akalain na ganito pala kalaki ang company ng pamilya ni lolo."Anya, ano saan ba tayo? Ang init pa naman."Tinignan ko si Tonyo na pawis na pawis na nga kahit na naka sando lang naman siya. Hindi ko talaga alam kong may t-shirt ba na damit si Tonyo kasi laging naka sando. "Pasok tayo sa loob.""Teka ano?" humarang sa
"Hindi kita kilala." bago ay ngumiti ako ng peke di ko lang alam kong na halata nya ako.Tinulak ko siya palayo sa harapan ko at hindi pinansin. Muntik pa ako madapa dahil sa heels na suot ko, mabuti na lang talaga hindi na siiya sa akin sumunod. Bigla din kasi dumating si Natasha kaya di na talaga siya nakasunod sa akin.Sa sunod na pagkikita na lang namin magpapaliwanag ako."Anya!" halata ang pagka hingal ni Tonyo nang lumapit siya sa akin. "Kanina pa kita hinahanap, tapos na yong meeting ng lolo mo paalis na siya.""Ha? Hindi pwede tara habulin natin." Sa sobrang gusto ko siyang maabutan ay tinanggal ko na mismo ang heels na suot ko. Bahala na pag tinginan ako ng mga tao.Pasakay na sila ng Elevator kaya tumakbo na ako palapit doon. Kaso hinarang na naman ako ng dalawang security na naka bantay sa kanya."Miss, bawal po."Napatingin sa akin ang kapatid ni lolo at ngumiti ito."Hayaan nyo na mukhang nagmamadali." Bigla naman akong nahiya ng mapatingin siya sa paa ko na wala man l
ANYA POINT OF VIEWMasaya ako ngayon kasi hindi ko na kailangan pa maghanap ng pera para pang bayad. Siguro kailangan ko lang ma kausap ang amo ni Tonyo. Sana lang pumayag itong ipag bili ulit para maibalik ko kay Christian.Nag bihis ako para pumunta sa bahay ni Christian. Ano na kaya ang itsura ng bahay na yon? Gusto ko din siya kausapin about don sa lupa nang dahil naman kasi sa akin kaya nya yon na benta. Kong hindi ko lang siya pinilit edi sana sa kanya pa rin yon. Tapos halos ayaw nya pa man din ipabenta yon.Nag pahatid lang ako kay Tonyo may gamit kasi siyang motor. Hindi ko nga alam kong saan nya to nakukuha. Ang sabi nya sa akin binili nya daw gamit ang pera sa commission. Yong another half daw wala pa nabibigay ng amo nya, sabi ko nga kong incase ibigay man yon sa kanya sa kanya na lang. Bilang pasasalamat ko sa lahat ng tulong nya."Hanggang dito na lang Tonyo, salamat ah." saad ko sa kanya nang makarating na kami sa harap ng bahay mismo ni Christian.Sobrang na mis ko ang