Share

Love for Rent
Love for Rent
Author: Maria Bonifacia

Kabanata 0001

Unang araw ni Hannah sa trabaho bilang dyanitres. Inagahan niya ang alis ng bahay upang hindi siya ma-late. Dumukot siya ng pera sa pitaka. Isandaan na lang ang pera niya. Mamayang uwian ay maglalakad na lamang siya. Nakaupo siya sa gawing dulo. Siksikan na naman sa dyip. Ang tagal magsukli ni manong. Kinakabahan siya, nakasalalay dito ang limang araw niyang pamasahe. Baka nakalimutan nito.

“Manong, sukli po ng one hundred, pababa na po sa kanto.”

“Iha, walang one hundred sa lagayan ko. Hindi ka pa nagbabayad.”

Uminit ang bumbunan niya. “Manong driver, hindi ako maaaring magkamali dahil iyan na lang ang pera ko. Inabot ko po ang bayad kanina.” Muli niyang binuksan ang pitaka, wala talaga ang isandaan.

Nilingon niya ang katabi. Ang kaso ay ibang tao na ito. Nakababa na ang pasaherong pinag-abutan niya ng bayad.

“Iha, kung ayaw mong magbayad, magsabi ka hindi ‘yang nang-iiscam ka.” Malakas na ang boses ng driver.

Hindi siya magpapatalo, isandaan ang nakataya dito. “Manong, ibigay mo na ang sukli ko! Pababa na ako sa kanto.” Sumigaw na din siya.

“Sa presinto kita ibababa kapag hindi ka pa bumaba ngayon!” Nanggagalaiti na si manong.

Bumaba na siya at halos mangiyak ngiyak. Napakahirap kumita ng pera ngayon. Binuksan niya ang payong na dala at nahulog ang one hundred pesos na hinahabol niya kanina. Tinampal niya ang noo. Sorry naman kay manong driver. Hindi niya sinasadyang hindi magbayad.

Tinuruan siya kung ano ang kanyang gagawin ni ate Mila, ang senior cleaner ng Unicorn Marketing Agency, ang nagungunang advertising company sa Pilipinas. Nag-umpisa na siyang mag-mop ng floor bago magsidating ang mga empleyado ng alas-otso.

Habang nagma-mop ay okupado ang isipan niya kung saan kukuha ng pang-chemotherapy ng kapatid na may ovarian cancer. Bente dos anyos pa lamang ito at gagawin niya ang lahat upang madugtungan ang buhay ng bunsong kapatid. Sa susunod na linggo ay session na naman nito. Nalapitan na din niya ang lahat ng sangay ng gobyerno. Kulang ang kinikita niya sa mga raket niya. Naubos na ang nakuha niyang kalahating milyong sa pagbebenta ng katawan sa isang mayamang lalaki. May bidding na naganap sa party at may isang lalaki na willing magbayad ng 500,000 pesos para sa isang gabi niya.

Ipinilig niya ang ulo. Gusto na niyang kalimutan ang gabing iyon ng maiwala niya ang iniingatang virginity. May mga maiinit na eksena na nag-flashback sa utak niya. Agad niyang inalis sa isip ang mga naganap. Ngunit wala naman siyang pinagsisihan dahil nagamit ang pera upang maipagamot ang kapatid.

Habang nagma-mop ay may nakita siyang kwintas sa sahig. Dinampot niya ito at tinitigan. Ito ang kwintas niya na naiwan sa bahay na pinagdausan ng party. Ngunit bakit naman ito nandito? Namamaligno na yata siyang talaga. Kanina ay ang isandaan, ngayon naman ay ang kwintas. Nawala pero bumalik. Inilagay niya sa bulsa ang kwintas ngunit bago pa niya mailagay ay may kamay na pumigil sa kanya.

“You’re a thief!” anang may-ari ng kamay. At hindi siya maaring magkamali. Nakatatak sa isip niya ang mukha ng lalaki. Ang mapungay nitong mga mata na binagayan ng perpektong kilay. Ang matangos nitong ilong. Ang kissable lips nito at ang chiseled face. Ito ang lalaking umangkin sa kanya at nagbayad ng kalahating milyon! Iniyuko niya ang ulo. May kasalanan pa siya dito. Naiuwi niya ang wallet nito. Kukuha lang sana siya ng pamasahe pauwi ngunit sa pagkataranta ay natangay pala niya ang wallet hanggang bahay. May laman itong konting cash, cards, at ID’s.

Inagaw nito ang kwintas sa kanyang kamay. “Gusto mong ipakulong kita? Akin ang kwintas na ito. Nahulog ko pagkatapos ay ibinulsa mo agad!”

“Akala ko kasi sa akin ‘yang kwintas.” Hinampas siya sa balikat ng senior cleaner na si ate Mila at bumulong, “Umayos ka, ang CEO ang kaharap mo.”

Bahagya niyang iniangat ang ulo. Mukha namang hindi siya nito natatandaan. Lasing ito at isa pa ay may suot siyang maskara ng gabing 'yon. Madilim din sa loob ng kwarto ng maganap ang pag-angkin nito sa kanya.

Umiling ang lalaki. “A thief and a liar!” Tumalikod na ito.

“Sir, grabe ka naman po. Hindi porke mahirap ako, pagsasalitaan mo na ako ng ganyan.” Habol niya dahilan upang magtinginan ang ilang empleyado. Naramdaman niya ang pinong kurot sa tagiliran ni ate Mila.

“You’re fired!” anito paglingon sa kinaroroonan niya.

Napatakbo siya palapit dito. “Sir, sorry na po. Nagbibiro lang po ako. Kailangan ko po ng trabaho. May sakit po ang kapatid ko. Unang araw ko pa lang po ngayon.”

Tinalikuran siya nito. Hindi maaaring unang araw pa lang ay mawalan na siya agad ng trabaho. Lumuhod siya at kumapit sa hita nito. Mas lalong nakatawag ng atensyon ang kanyang ginawa.

“Umalis ka. Isa. Dalawa.” Napabitaw siya sa pagkakakapit. Kung nakakamatay lang ang tingin ay bumulagta na siya.

Tinawag ng binata ang katabing lalaki. “Make sure, it’s her last day!” hahabol pa sana siya kaso ay hinarang na siya ng security at binitbit palabas.

Nagngingitngit ang kanyang kalooban. Napakawalang puso naman ng CEO! Niyaya siya ni ate Mila na kumain muna sa canteen. Libre ang pagkain at inumin dito para sa mga empleyado ng Unicorn Marketing Agency. Kaya kumain muna siya bago umuwi. Ibinigay din ang isang buwan niyang sweldo kahit isang araw lamang siya pumasok. Hindi na masama. Maghahanap na lang siya ng ibang trabaho.

***

“Hello, mom!” ani Ethan.

“Ipapaalala ko lang sa’yo ang date mo mamayang 6:00PM.”

“Mom, napapagod na akong makipag-date. Hindi ko gusto ang mga ipinapakilala mo.”

“Tumigil ka Charles Ethan Rodriguez! Hanggat wala kang ipinapakilalang girlfriend mo ay hindi ako titigil ng paghahanap ng babaeng magugustuhan mo.”

“Meron na akong nakita. Kaya please lang po. Tama na ang pagse-set ng date sa akin. Sa katunayan ay magkikita kami ngayon,” sabi na lamang niya upang tigilan na siya ng ina sa pangungulit.

“Ay, talaga. Sige, isama mo dito sa bahay ngayon na. Magpapaluto ako ng masarap na hapunan.”

May sasabihin pa sana siya ngunit ibinaba na ng ina ang telepono. Napakamot siya sa ulo. Binigyan pa siya ng problema ng mommy niya. Sino ang ipapakilala niya. At isa pa, masyadong mataas ang standard ng stepfather niya. Walang pumapasa sa mga ipinapakilala niya. Puro pintas ang inaabot ng mga nagiging girlfriend niya.

Biglang tumawid ang isang tao at muntik na niyang mabangga. Mabuti na lang at naka-preno siya kundi ay sapul ito ng unahang bahagi ng kanyang sasakyan. Agad siyang bumaba.

“Ikaw?” sabay na sabi nila sa isa’t isa. Ang babaeng inalisan niya ng trabaho. May kumislap na ideya sa kanyang isip.

Pumasok ka sa kotse. Inalis nito ang kamay niyang nakahawak dito. “Ayoko nga, baka kung ano ang gawin mo sa akin.”

“Nadidinig mo ba ang sarili mo, Miss? Kahit ikaw na lang ang nag-iisang babae sa mundo hindi kita magugustuhan.”

“Ang ibig kong sabihin, baka galit ka sa akin kanina. Malay ko kung ipa-salvage mo ako dahil napahiya ka sa mga tauhan mo kanina. Nalaman nilang wala kang puso!” malakas na sabi nito.

Akmang aalis na ang dalaga. “Gusto mo ng trabaho hindi ba? May sakit kamo ang kapatid mo.” Kusang bumalik paatras ang mga paa nito.

“Tara na, ano pang hinihintay mo Mr. CEO? Saan ba tayo pupunta? Sa langit?”

Hindi maganda ang biro ng babae kaya tinignan niya ito ng masama. Pinagbuksan sila ng pinto ng assistant niyang si Terry.

“Ipapakilala kitang girlfriend sa pamilya ko ngayon. Love at first sight kunwari.”

Mukhang hindi naiintindihan ang sinasabi niya ng babae dahil abala ito kung paano ikakabit ang seatbelt. Lumapit siya at ikinabit ang seatbelt. Biglang nagpreno ang driver kaya halos magyakap na sila ng babae. Pamilyar ang amoy nito. Amoy na hindi niya makakalimutan. Agad siyang dumistansya dito.

“Sir, ano nga ang sinasabi ninyo? Ibabalik ninyo ako sa trabaho? Ayun, may kunsensya naman pala ang mayayamang kagaya ninyo,” nakangiting sabi ng babae. Lumabas ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin.

“Hindi ako nakukunsensya. May kapalit ang pagbalik mo sa trabaho.”

Napasalikop nito ang dalawang kamay at niyakap ang sarili. “Sir, alam kong maganda ako at sexy. Pero please lang. Ayoko ng ganyang kahalayan na naiisip ninyo.”

“Alam mo, may diprensya ka yata sa pag-iisip. Hindi ko kailangang magbayad ng babae para makuha ko lalo kung kagaya mo!”

Nasa mukha ng babae ang hindi naniniwala sa sinabi niya. “Magpanggap kang girlfriend ko. Ipapakilala kita ngayon.”

“Anong kapalit?”

“Trabaho mo.”

“Ano pa? hindi madali ang ipinagagawa mo, noh!”

“Magbabayayad ako ng pera.”

“Okay, madali akong kausap. Limang daang libo ulit ang ibayad mo.”

“Ulit? Bakit may ulit?” sabi ng binatang nakakunot ang noo.
Mga Comments (45)
goodnovel comment avatar
Kathleen Borcelo
Ganda l...nice story
goodnovel comment avatar
Elena De Guzman
nice story nakakarelate
goodnovel comment avatar
Mary Grace Zuniega Delegero
nice story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status