Share

Kabanata 0005

“Sir, ano po ang sabi ninyo?” Kunot ang noong tanong niya.

“Inaalok kitang maging fuck buddy or bed partner ko. Aling salita ang mahirap intindihin?”

Hindi niya alam ang isasagot sa boss. Kagabi lang ay iniisip niya kung paano niya uumpisahan ang kasunduan nila ng mommy nito. At ngayon ay ito naman ang nagyayayang maging sexual partner siya. Magiging madali ang ipinapagawa ng nanay nito na willing magbayad ng isandaang milyon kapalit ng isang sanggol. Kinilabutan siya sa gulong pinapasok.

“May bayad. Tatlong milyon sa loob ng anim na buwan,” anito ng hindi siya agad sumagot.

Nakatitig lang siya sa gwapong lalaki. Babayaran na siya ng ina nito kaya hindi na ba siya magpapabayad sa binata?

“Huwag mong sabihing naliliitan ka pa. Hindi nga sure kung aabot ng anim buwan, baka isang buwan pa lamang ay magsawa na ako sa’yo.”

Naisip niyang sayang naman kung tatanggi siya sa bayad. Kaso parang nag-double compensation siya sa mag-ina. Parang nanamantala naman siya. Takot din naman siya sa karma.

“Limang milyon,” sabi ng binata.

“Ah sige po.” Sumagot na siya agad bago pa dagdagan uli nito ang perang iaalok. I-do-donate niya ang perang ibabayad nito sa ibang cancer patient. Para may iba siyang matulungan. Tutal ay sagot na ng mommy nito ang pagpapagamot sa kapatid niya.

“Okay, bukas pumirma ka ng kasulatan. Akin ka sa loob ng anim na buwan.”

Kung ano ano na ang kanyang pinipirmahan. Bigla siyang nangamba na sa kulungan siya pulutin kapag nagkataon.

“Sir, bakit po kailangan ninyo pang magbayad para may makasiping? Nagtataka lang po ako. Gwapo at mayaman kayo, tiyak na madaming may gusto sa inyo.”

“Hindi ko kailangang magpaliwanag sa’yo kung bakit ginagawa ko ang mga bagay na gusto kong gawin. May boyfriend ka ba ngayon?”

Hindi niya inaasahan ang tanong ng binata. Ayaw naman niyang sabihing hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend at baka pagtawanan siya nito.

“Meron po dati. Madami. Pero ngayon po ay wala akong boyfriend. Ako ang nakipag-break.” Pagmamalaki niya. Hindi naman sa pagyayabang pero madami siyang naging manliligaw.

“Ayaw ko ng makikipagrelasyon ka sa iba habang may kasunduan tayo. Magpapacheckup ka din para masigurado kong malinis ka.”

“Sir, wala po akong sakit.”

“Maniniwala lang ako kapag duktor ang nagsabi. At isa pa ayokong mabuntis ka kaya pupunta tayo sa duktor bukas para bigyan ka ng angkop na contraceptive. Hindi ikaw ang gusto kong maging ina ng anak ko.”

Medyo kumirot ang dibdib niya sa sinabi ng amo. Tumango na lamang siya. Naiipit siya sa mag-ina. Parang gusto na niyang umatras ngunit laban lang para sa kapatid na maysakit at sa kinabukasan ng kanyang pamilya.

***

Tulala pa din siya pagdating ng bahay. Nadatnan niya ang ina na nagtutupi ng mga damit na nilabahan. Nagmano siya dito. Si Betina naman, ang pangalawang kapatid niya na may cancer ay nakahiga sa folding bed. Nalalagas na ang buhok nito dahil sa chemotherapy. Sinalubong naman siya ng dalawa pang nakababatang kapatid na pawang nasa elementarya pa lamang. Agad na kinuha ng mga ito ang dala niyang plastic. Pina-takeout niya ang natirang pagkain nila ng amo.

“Nay, si Lester nasaan po?” Hinahanap niya ang pangatlong kapatid na lalaki na lagalag. Eighteen years old ito at mabarkada.

“Naku, hindi pa umuuwi mula ng pumasok kaninang umaga sa eskwelahan.”

“Kumain po muna kayo. Masarap po ang pagkaing uwi ko.” Hindi na niya hinanap ang ama na alam niyang nasa inuman na naman.

Sumungaw siya sa bintana ng barong barong nila. Gustong gusto na niyang makaahon sa hirap. At nakahanda siyang harapin kung anuman ang maging kapalit ng kasunduan niya sa mag-ina.

Dumating ang kanyang ama kasama si Don Fausto, ang may-ari ng malaking factory ng plastic sa kanilang lugar. Masugid niya itong manliligaw ngunit kahit mayaman ay hindi niya naisip na patulan ito. Mas matanda pa ito sa tatay niya. May malaki silang utang dito. Humiram siya noong nakaraang buwan ng pambayad ng chemo session ng kapatid. Agad naman itong nagbigay ng pera.

Binulungan siya ng ama. “Asikasuhin mong mabuti si Fausto. May malaki tayong utang diyan. Pakasalan mo na ang lalaking ‘yan at mawawalan tayo ng problema sa pera.”

Kahit ayaw ay hinarap niya si Don Fausto. Tinanggap din niya ang bulaklak na inabot nito. Tumabi ito sa kanya. Amoy lumang baul ang pabango ng matanda. Ang sakit sa ilong.

“Hanna, nagpunta ako dito upang hingin ang kamay mo sa mga magulang mo.”

Nanlaki ang mga mata niya. “Don Fausto, may boyfriend po ako. Pasensya na po kung hindi ko po matatanggap ang alok ninyo.”

Tumingin si Don Fausto sa kanyang ama na tila nanghihingi ng tulong na kumbinsihin siya.

“Hanna, magpapakasal ka kay Don Fausto, sa ayaw at sa gusto mo.”

“Tay, ayoko pong magpakasal. Nay, magpapakasal lang ako sa lalaking mahal ko,” malakas niyang sabi na hindi nagustuhan ni Don Fausto.

“Kung ganoon ay bayaran ninyo ang utang ninyo sa akin. Isang milyon.”

“Ha? Isang milyon? Isandaang libo lang ang hiniram namin sa’yo noong nakaraang buwan.”

“Utang mo lang ‘yan. Paano ang utang ng tatay mo na naipatalo niya sa sugal?”

Napahawak siya sa ulo. Umakyat ang dugo sa ulo niya. Nanginginig ang laman niya sa galit sa tatay niya. Wala ng maipakain sa kanila ay nakuha pang magsugal.

“Simple lang. Magpakasal ka sa akin. Burado na ang utang ninyo. Tutulungan ko pa kayo. Bibigyan kita ng tatlong araw. Kapag hindi mo ako nabayaran. Ipapakulong ko kayo ng tatay mo.”

Magmamakaawa sana siya sa matanda kaso ay tila demonyo itong nakangisi.

Katakot takot na sermon ang inabot niya mula sa kanyang tatay Edgar. Habang ang kanyang ina ay nananatiling walang kibo kahit pa ibinebenta na siya ng lantaran ng ama.

“Tay, bakit ako ang ipambabayad ninyo sa utang ninyo?! Anong klase kayong ama?”

Nagulantang siya ng dumapo ang kamay nito sa kanyang pisngi.

“Wala kang utang na loob! Ako ang bumuhay sa inyo noong maliliit pa lamang kayo. Panahon ng magbayad ka ng utang na loob sa akin.”

“Hahanap ako ng perang pambayad. Hindi ako magpapakasal sa matandang ‘yon!”

Alam na niya kung kanino hihingi ng tulong.

Maaga pa lang ay nagpupunas na siya ng mesa ni Ethan. Binuksan niya ang lahat ng cabinet upang alisin ang alikabok. Pagbukas niya sa unang drawer ay nakita niya ang isang picture frame. Si Ethan at isang magandang babae. Baka ito ang ex-girfriend ng binata. Hindi naman sila nagkakalayo ng ganda. Mayaman at halatang may pinag-aralan ang babae.

“Sino ang nagsabi sa’yong pakialaman mo ‘yan?” anang baritonong boses mula sa kanyang likuran.

Sa gulat ay naihagis niya ang picture frame at nabasag. Agad niya itong dinampot dahilan upang masugatan ang kanyang kamay.

“Napaka-clumsy mo!” sabi ni Ethan.

Nagulat siya ng isinubo nito ang kanyang daliri at s******n ang dugo. Tila siya nakuryente. Umalon ang kanyang puson ng maramdaman ang mainit nitong bibig sa kanyang daliri. Naamoy niya ang mabangong binata.

Kinuha nito ang panyo sa bulsa at ibinalot sa sugat niya. “Magpunta ka ng clinic.”

“Liligpitin ko muna ang kalat. Pasensya na po.”

“Si Terry na ang bahala diyan. Umalis ka na at umiinit ang ulo ko sa’yo,” singhal nito.

Wala sa sariling lumabas siya ng opisina ng nakangiti kahit medyo mahapdi ang sugat. Lumabas siya ng clinic ng nakangiti pa din. Napalis lang ang ngiti niya sa labi ng maalala na hihingiin niya ang isang milyon bilang paunang bayad sa pagiging bed partner sa amo.

Muli siyang bumalik. “Sir Ethan. Pwede po ba kayong makausap?”

“Busy ako. Magtrabaho ka na at huwag mo akong abalahin.” Mukhnag mainit ang ulo nito.

Kinabukasan ay bumalik ulit siya. “Sir, kailangan ko po talaga kayong makausap.”

“May meeting ako sa ilang investors. Bukas na lang.” Nilagpasan siya nito. Hahabol sana siya ngunit sumenyas si Terry na huwag na siyang lumapit.

May kumislap na ideya sa kanyang isip. Hihingi siya ng paunang bayad mula sa mommy ni Ethan. Pinuntahan niya ito sa opisina. Kaso ay out of town daw ito sabi ng secretary. Ang malas!

Huling araw na niya upang makakuha ng isang milyon. Nilakasan na niya ang loob. Hinintay niya ang break time ng boss. Inabangan niya ito sa labas ng conference room. Halos mabura na ang design ng tiles kaka-mop niya sa sahig.

“Sir, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Kailangan ko ng isang milyon. Bigyan mo ako ngayon din.” Sinundan niya ang malaking hakbang nito.

Umiling ang lalaki. “Kaya mo ako inaabala ng ilang araw dahil kailangan mo ng pera? Ipapaalala ko lang na hindi ka pa nga nag-uumpisa ng napagkasunduan natin.”

“Sir, ipinapaalala ko lang na ikaw ang busy kaya hindi pa natin nagagawa ang kasunduan. Nakapirma na ako kaya dapat mo na akong bayaran. Kailangan ko lang talaga.”

“Bakit mo kailangan ng isang milyon? Mag-sa-shopping ka na naman? Bibili ka ng luho mo?”

“Basta sir, ibigay mo na ang paunang bayad.” Hindi niya masabi dito ang dahilan dahil may mga dumadaang empelyado sa hallway na napapatingin sa kanila.

“Huwag mo akong abalahin ngayon. Maghintay ka kung kailan ko ibibigay ang bayad.”

Tila gumuho ang mundo niya. Lagot na. Kapag hindi siya nakabayad ngayong araw ay baka damputin silang mag-ama ng pulis.
Mga Comments (22)
goodnovel comment avatar
Jhen Bello Bombase
May bayad pala
goodnovel comment avatar
Jhuliey Cañas
paulit ulit nmn ung story d sya tuloy2...
goodnovel comment avatar
Cris Tee Nah
hayst sana lang buo ung story nde ung pautay pautay lang.. nde nq nakabalik pagtulog... very interesting story., sobrng nakakakilig to.....
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status