Share

Kabanata 4

last update Huling Na-update: 2024-03-17 23:52:36

Muling pumasok sa opisina ng amo si Hanna. Inawat siya noong una ni Ate Mila. Hindi naman daw nagpapalinis sa loob ng private office ang CEO kapag nandoon ito. May dala siyang pamunas at panlinis. Halos pwede nga siyang manalamin sa kintab ng opisina nito. Walang alikabok. Nagpanggap na lamang siyang naglilinis kahit malinis naman. Madali lang pala ang trabaho niya. Malaki ang sweldo at may sideline pa siya.

Marahas na bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang stepbrother ng binata, si Lucas Sebastian Tolentino. Tumalikod siya at baka mamukhaan siya nito na isa siya sa dancer noong bachelor’s party nito.

“Bakit disapprove ang project ko?” Inihagis nito ang mga folder sa table ng boss.

“Dahil basura ang proyekto ng team mo,” anitong hindi man lang nasindak sa galit ng bagong dating.

“Gumaganti ka ba dahil ako ang pinili ni Cali? Anim na buwan na ang nakakalipas. Kasal na kami. Hindi mo pa din ba tanggap na natalo kita? The high and the mighty Charles Ethan Rodriguez is a loser!” sarkastikong sabi nito sabay tawa ng malakas.

“Hindi ako namemersonal. Sadyang patapon ang konsepto ng team mo. At isa pa hindi ka naman talaga magaling. Kaya ka nandito ay dahil anak ka ng lalaking nakakapit sa saya ng nanay ko.”

Akmang susugod ng suntok ang lalaki ngunit maagap ang bodyguard ni Ethan. Nagpupuyos ito sa galit paglabas ng opisina.

Agad siyang nagtimpla ng iced coffee para sa boss niya. Dinamihan niya ng yelo upang lumamig ang ulo nito.

“Sir, coffee po.”

Tinignan nito ang kape sa mesa. “Paladesisyon ka din, ano? Sino ang nagsabing umiinom ako ng iced coffee?”

“Sir, try mo muna. Mas masarap po ang may yelo. Para lumamig din ang ulo ninyo.”

“Teka, dyanitres ka dito at hindi taga-timpla ng kape. Pwede ba, lumayas ka sa harapan ko.”

Lumabas siya ng opisina ng amo. Nag-abang siya ng ibang taong makakasabay sa elevator. Hindi niya alam gamitin ito. First time niyang papasok dito. Nagbukas ang isa sa tatlong elevator. Lumabas ang mommy ni Ethan. Hinila siya sa loob at dinala sa rooftop.

May coffee shop pala sa rooftop na ginagawang tambayan ng mga empleyado. Ang ganda talaga ng work environment ng Unicorn Marketing Agency. Mukhang free din ang drinks dito kagaya ng canteen sa ibaba.

Tinawag ng ginang ang waiter at umorder ng dalawang coffee and cake.

“Ay, huwag na po at nasa oras po ako ng trabaho,” nahihiyang tanggi niya.

“Ako ang kausap mo kaya wala kang dapat ipangamba.”

Alanganin siyang ngumiti sa babae. Hindi niya maiwasang isipin kung ano ang skincare nito dahil wala kahit isang wrinkles at pores. Kaedad ito malamang ng nanay niya na nasa singkwenta na.

“Napag-isipan mo na ba ang alok ko?”

“Mahirap po ang ipinapagawa ninyo. Hintayin ninyo na lang po na ma-inlove po ang anak ninyo at kusang bigyan kayo ng apo.”

“Naliliitan ka ba? Gagawin kong one-hundred million, plus ipapagamot ko ang kapatid mo.”

Nanlaki ang mata niya sa halagang nadinig. “Paano po kapag hindi ako nabuntis?”

“Hindi ka naman siguro baog.”

“Paano po kapag ayaw ng anak ninyo na may mangyari sa amin?”

“Ikaw na ang bahalang dumiskarte. Dahil ipinakilala ka niyang girlfriend sa amin. Tiyak na magkakasama kayo. Akitin mo siya. Papadalahan kita ng mga damit at gamit na kailangan mo. Tsaka mukhang kailangan mo ng makeover. Mukha kang madungis.” Umasim ang mukha niya sa sinabi ng matanda. Pero totoo naman ang sinabi nito. Wala siyang oras para magpaganda.

“Alam mo kahit anong pagpapakakuba ang gawin mo hindi mo kikitain ang isang daang milyon. Pagkakataon mo ng mabigyan ng maginhawang buhay ang pamilya mo. Sisiguraduhin ko na maipapagamot sa pinakamahusay na ospital ang kapatid mo.”

Tumango siya bilang pagsang-ayon. “Sige po. Tinatanggap ko po ang alok ninyo.” May pangamba sa kanyang dibdib na parang hindi niya kayang iwanan basta basta ang anak kung sakaling mabubuntis siya. Pero tsaka na niya iisipin kapag nasa ganoon na siyang sitwasyon.

Nagalak ang kanyang kaharap. “Puntahan mo ako bukas, may pipirmahan ka. Wala kang pagsasabihan ng kasunduan natin.”

Muli siyang tumango. Ganito pala ang mayayaman. Walang imposible para kanila.

Pumirma siya kinabukasan ng kasunduan kay Belinda Rodriguez para sa apo na nais nito. Pinadalahan siya ng ginang ng mga damit, sapatos, makeup, at alahas na magagamit niya. Isosoli na lamang niya kapag natapos na ang kasunduan. May ibinigay din itong condo unit na maari niyang tuluyan. Hindi din naman niya maaaring iuwi ang mga bigay nito sa kanilang bahay at hindi niya kayang ipaliwanag sa ina ang mga ginagawa niya sa buhay. Tiyak na magagalit ito sa kanya.

May appointment siya sa salon ngayong Sunday. Isinuot niya ang bigay ng mommy ni Ethan na mga damit. Naka-shorts at floral off shoulder blouse siya. Si Mrs. Rodriguez din ang may kagustuhang ayusin niya ang sarili upang maakit ang anak. Libre kaya bakit naman niya tatanggihan. Halos hindi niya nakilala ang sarili. Bagong rebond ang kanyang buhok na dating alon alon. Inayos din ang kanyang kilay. Nagpa-facial siya. Manicure at pedicure din. Na parang nanghinayang siya dahil masisira din agad ang mga ito dahil palaging basa at madumi ang kamay niya.

Pagbukas niya ng pinto ng salon ay saktong palabas din ng bilihan ng cellphone sa harapan si Ethan. Lumapit ito sa kanya at hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa.

“Ginamit mo na ang perang ibinayad ko sa’yo?”

Tumaas ang kilay niya. “Sa inyo na po nanggaling, ibinayad mo na. Ibig sabihin ay sa akin na ang pera at pwede kong gawin kung anuman ang gusto ko.”

“Anyway, bakit ka nagpapaganda? Para ba sa akin? Sayang lang ang effort mo. Hindi kita type.”

“Wehhh?! Bakit, nakailang uli ka nga ng gabing ----" Nakagat niya ang labi. Bakit ba niya sasabihing nakaapat na ulit siya nitong inangkin ng gabing iyon? Partida pa na lasing ito.

“Anong pinagsasasabi mo?”

“Sir, ang sabi ko po. Nakailang minuto ninyo akong inamoy sa kotse. Tapos sasabihin ninyong hindi ninyo ako type.” Palusot niya.

“May naalala lang ako sa amoy mo. Gusto ko ang amoy mo pero hindi ikaw. Malaki ang pagkakaiba ng dalawa!” singhal nito sa kanya.

“Sige sir, mauna na ako.” Mabilis siyang tumalikod upang lumayo. Ngunit hinila nito ang laylayan ng blouse niya.

“Samahan mo akong kumain ng dinner.”

Paano ba siya makakatanggi? Gusto niya ng libreng pagkain pero kapag itong amo niya ang kasama niya baka hindi niya malulon kahit gaano kasarap ang ihain.

Tumango na lamang siya at sumunod sa mamahaling restaurant na pinasok nito. Lihim niyang tinitigan ang lalaking kaharap sa mesa. Gwapo talaga ito. ‘Yung tipong makalaglag panty. Agaw pansin sa lahat. Iba ang taglay nitong karisma.

“Baka malusaw ako sa titig mo. Sabi ko naman sa’yo, huwag kang mai-inlove sa akin kung gusto mong humaba ang pagpapanggap mong girlfriend ko. Ayoko ng drama.”

“Sir, bakit po kailangan nating kumain pa? Siguro gusto mo akong i-date, ano?” himig panunukso niya.

“Alam mo hindi ko alam kung saan ka kumukuha ng lakas ng loob. Huwag mong kakalimutan kung sino ako at kung sino ka para alam mo kung saan ka lulugar.”

Nalukot ang mukha niya. “Alam ko naman po sir kung saan ako dapat lumugar. Biro po ang sinabi ko.”

Dumating ang kanilang order. “Ma’am artista po ba kayo? Napakaganda ninyo po kasi,” anang waiter. Napangiti siya sa papuri nito. Hindi sinasadyang matabig nito ang basong may tubig at mabasa ang kanyang braso at damit.

Huminga ng malalim si Ethan. Nakita niyang masama ang tingin nito sa waiter. Gusto niyang balaan ito ng akmang pupunasan ang braso niya.

“Subukan mong hawakan ang girlfriend ko, uuwi kang lumpo at walang trabaho.”

Agad lumayo ang waiter sa kanya at humingi ng pasensya.

“Grabe ka naman. Hindi naman niya sinasadya.”

“Ang alin ang hindi niya sinasadya? Ang titigan ka mula ng pumasok dito o ang sadyang idikit ang katawan niya sa braso mo?”

Mainit ang ulo nito kaya hindi na lang siya kumibo. Parang alam na niya kung bakit ipinagpalit ito ng dating girlfriend. Ang hirap sigurong pakisamahan nito.

“Kailangan nating magpicture para may maipakita ako sa mommy ko.” Kinuha nito ang phone at nag-selfie sila. Tumayo siya at pumuwesto sa likod ng binata. Yumakap siya mula sa likuran nito.

Ang daming kubyertos sa table. Kutsara at tinidor lang naman ay okay na. Tahimik silang kumakain. Masarap ang pagkain. Ngayon lamang siya nakakain sa ganitong klase ng restaurant.

“Be my fuck buddy,” anito.

Nasamid siya habang nakasubo ang malaking sausage sa bibig. Tama ba ang nadinig niya?
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (18)
goodnovel comment avatar
Emilie Baylosis Forbes
Sige Ganda han mopa Ang story mo naaliw Ako heheee
goodnovel comment avatar
Violet Lascieras
maganda ..nice story...
goodnovel comment avatar
Marites Rosales
next episode please
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Love for Rent   Kabanata 5

    “Sir, ano po ang sabi ninyo?” Kunot ang noong tanong niya. “Inaalok kitang maging fuck buddy or bed partner ko. Aling salita ang mahirap intindihin?” Hindi niya alam ang isasagot sa boss. Kagabi lang ay iniisip niya kung paano niya uumpisahan ang kasunduan nila ng mommy nito. At ngayon ay ito nama

    Huling Na-update : 2024-03-23
  • Love for Rent   Kabanata 6

    Tila siya pagong sa paglabas ng building ng Unicorn Marketing Agency. Tiyak na naghihintay na sa kanya si Don Fausto. Kasal o kulong. May dalawa siyang pamimilian. Hindi na siya sumakay ng dyip. Kung pwede lang pahintuin ang oras ay ginawa na niya. May nadinig siyang busina sa likuran. Ang magarang

    Huling Na-update : 2024-03-25
  • Love for Rent   Kabanata 7

    Si Ethan ang sumagot. “Kasunduan po. Napagkasunduan po namin na huwag ng patagalin pa ang aming relasyon bilang magkasintahan. At nagpaplano na po kaming magpakasal.” Nagningning ang mata ng ama niyang oportunista. “Suportado ko ang pagmamahalan ninyo.” Tinapik pa nito sa balikat ang binata. Kay ba

    Huling Na-update : 2024-03-26
  • Love for Rent   Kabanata 8

    Pumasok siya sa kwarto upang silipin ang kapatid na si Betina. “Gising ka na pala, ikukuha na kita ng pagkain,” aniya. “Ate, nakita ko ang boyfriend mo. Baka kaya ka nakipagrelasyon sa kanya ay dahil sa pera niya para may maipangtustos sa pagpapagamot ko.” Bahagya siyang natigilan. “Betina, nakit

    Huling Na-update : 2024-03-26
  • Love for Rent   Kabanata 9

    “Kung in-love ka na sa akin. Condolences sa puso mo. It will be broken into million pieces.” Malamig ang titig ni Ethan sa kanya. Agad siyang bumawi. “Joke lang, sir. Masyado ka namang seryoso sa buhay. Hindi ako ma-iin-love sa kagaya mo. Tsaka may iba akong mahal.” Pagsisinungaling niya. Naging ma

    Huling Na-update : 2024-03-27
  • Love for Rent   Kabanata 10

    Pagkatapos magbihis ay bumalik siya sa mahabang sofa. Kasya naman siya ngunit sadyang malikot siya matulog kaya ilang beses siyang nahulog. Nakahiga na siya sa malaking sofa. Malakas ang ulan sa labas. May kulog at kidlat din. Masarap sana ang may kayakap. May kayakap naman siya, ang malaking unan.

    Huling Na-update : 2024-03-27
  • Love for Rent   Kabanata 11

    Nakita niya ang takot sa mukha ni Ethan pagkakita sa matanda. “Lola Rosa, mayroon lang po kaming maliit na hindi pagkakaunawaan. Maaayos din po agad namin.” Umakbay ang binata sa kanya. “I saw everything, Ethan. Sinungaling ang dati mong kasintahan. Siya ang naunang makipag-away kay Hanna. Sa susun

    Huling Na-update : 2024-03-28
  • Love for Rent   Kabanata 12

    Pumasok siya sa loob ng bahay upang kausapin ang kanyang mga magulang. Nagulat siya sa dalawang maliliit na batang naghahabulan sa loob ng kanilang bahay. At mas nanlaki ang mata niya ng lumabas ang isang babaeng mukhang mas matanda pa sa kanya mula sa loob ng kanyang kwarto. Uminit ang ulo niya. A

    Huling Na-update : 2024-03-28

Pinakabagong kabanata

  • Love for Rent   Kabanata 654

    “What?! Hindi mo siya kailangang i-date para kumuha ng impormasyon. Napaghahalata ka din! Babaero ka talaga. Baka kahit poste kapag sinuotan ng palda patulan mo,” sabi ni Jasmine kay Adrian.“Napakaselosa pala ng mahal ko,” anitong umakbay sa kanya na agad niyang inalis!“Huwag mo akong hawakan!” an

  • Love for Rent   Kabanata 653

    “Wait, ako kukuhanin mong assistant?” naaaliw na sabi ni Adrian. Tila ba hindi ito makapaniwala.“Oo, sandali lang naman. Hanggang pagbalik lang ng secretary ko.”“Okay, sige. Pero hindi ako pwede ng fulltime dahil may trabaho ako kay Sir King.”“Mag-leave ka muna. Mukhang mabait naman ang boss mo.”

  • Love for Rent   Kabanata 652

    "Jas,” tawag ni Adrian na may halong lambing. "Hindi ko pa kayang mag-isa. Pwede mo ba akong samahan ngayong gabi? Sariwa pa ang sugat ko at talaga namang napakahapdi,” anitong ngumiwi.Napalunok siya, nag-aalalang tinitingnan ang sugat sa paa nito na nakabenda. Hindi niya alam kung ano ang gagawin,

  • Love for Rent   Kabanata 651

    Inilapag ni Jasmine ang mangkok na may lamang sopas sa maliit na table. Agad siyang lumapit at tinulungang magsuot ang shorts si Adrian. Napahinto siya ng matapat sa nakaumbok na hinaharap nito. Hindi niya mahila ang shorts dahil kailangan pa niyang maiangat ang pwetan ng binata. Naipit tuloy ang ka

  • Love for Rent   Kabanata 650

    Nanatiling naninigas si Jasmine. Gumalaw ang labi ni Adrian. Langhap niya ang pinaghalong mabangong hininga at alak sa bibig nito. Bale kung hindi isasama ang entranghero na naka one night stand niya. Ito ang kanyang first kiss. Napakaarte niya noon at nangako sa sariling ibibigay lamang ang katawan

  • Love for Rent   Kabanata 649

    Tinanggap ni Adrian ang yakap ni Jasmine ng buog lugod. Nanginginig siya habang nakaturo sa ipis sa sahig.Pilit siyang sumasabit sa katawan ng binata. Lumipad ang ipis papunta sa kanya.“Takot ako sa ipis! Patayin mo!” hiyaw niya. Niyakap siya ni Adrian kahit basa at puro bula ang katawan niya. Hab

  • Love for Rent   Kabanata 648

    Huminga ng malalim si Jasmine at pilit na kumalma. Ang kabog ng puso niya ay labis ang tindi. Narinig niya ang boses ni Adrian mula sa labas. Nakahinga siya ng maluwag.“Adrian! Nandiyan ka ba? Tulungan mo ako!” kinalabog niya ang pinto ng elevator.“Oo, Jasmine, nandito ako! Huwag kang mag-alala, g

  • Love for Rent   Kabanata 647

    “Anong sabi mo?” Napanting ang tenga ni Jasmine ng madinig ang sinabi ni Adrian.“Ikaw naman, sinabi ko lang na dito na ako titira nabingi ka na.”“Wala sa usapan natin ‘yan. Ano? Para tayong magka-live in?”“Housemates. Ikaw na ang bahala kung ano ang gusto mong itawag.”“Hindi! Lilipat na lang ako

  • Love for Rent   Kabanata 646

    “Perfect, kailangan ko ng girlfriend na magpapainit sa aking mga gabi,” sabi ni Adrian.Tinignan ito ng matalim ni Jasmine. “Talagang wala kang ibang nasa isip kundi ang kabastusan.”“I’m a normal man. Sinong lalaki ang hindi nag-iisip ng sex?”“Ilang taon ka na?” sa halip ay tanong niya.Dumating a

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status