Nakita niya ang takot sa mukha ni Ethan pagkakita sa matanda. “Lola Rosa, mayroon lang po kaming maliit na hindi pagkakaunawaan. Maaayos din po agad namin.” Umakbay ang binata sa kanya. “I saw everything, Ethan. Sinungaling ang dati mong kasintahan. Siya ang naunang makipag-away kay Hanna. Sa susun
Pumasok siya sa loob ng bahay upang kausapin ang kanyang mga magulang. Nagulat siya sa dalawang maliliit na batang naghahabulan sa loob ng kanilang bahay. At mas nanlaki ang mata niya ng lumabas ang isang babaeng mukhang mas matanda pa sa kanya mula sa loob ng kanyang kwarto. Uminit ang ulo niya. A
“At bakit ikaw ang tinatawagan niya? Hindi ba at may asawa na siya? Dapat una niyang hingin ng tulong ang asawa niya,” sabi ni Hanna kay Ethan. “Wait, Hanna. Ipapaalala ko lang na hindi kita totoong girlfriend. Nagpapanggap lang tayo. Wala kang pakialam kung ano ang gusto kong gawin sa buhay ko. Ba
“Oo, dyanitres ako dito. Kumusta ka na?” “Okay naman. Dito na ako sa Pilipinas titira.” “Ah, mainam. Iba pa din talaga sa sarili nating bayan.” “Matagal na ba kayo ng boyfriend mo? Sabi kasi sa akin ni Lyn, wala kang boyfriend two weeks ago lang. Kaya nagulat ako ng magpakilala ang lalaki na boyf
“Sir, masyado na pong personal na tanong ‘yan,” sabi ni Hanna sa boss. “Ayaw mong sagutin dahil baka nagsinungaling ka kanina sa duktor. Baka hindi lang isa ang lalaki. Magsabi ka ng totoo.” Pinigil niyang irapan ang binata sa kanyang tabi. “Si Dylan. Naalala mo ang lalaking kausap ko sa video cal
Nagtawanan sila. Ipinakilala sila ni Lola Rosa. “Eto nga pala ang apo ko si Ethan at ang kasintahan niyang si Hanna.” Inabot nito ang kamay sa kanilang dalawa. “Napakagandang bata naman nito. Ethan, huwag mong pakawalan si Hanna. Magpakasal na kayo at gumawa ng madaming bata para hindi masayang an
Pumasok sa loob ng condo si Ethan. Nayakap niya ang sarili at nagkubli sa ilalim ng kumot. “May nangyari po ba sa atin kagabi? Pasensya ka na wala akong maalala.” Ibinigay nito sa kanya ang dalang isang basong tubig at gamot. “Ano sa tingin mo?” nakakalokong ngumiti ito. Pinakiramdaman niya ang s
“Tsaka may boyfriend na ako. Dylan ang pangalan. Engineer siya sa ipinapatayong building natin.” At umugong ang bulungan sa loob. Tiyak niyang kakalat agad ang balita at nawawala ang tsismis sa kanila ng boss. Uwian na. Napagod siya sa trabaho. Madami silang inayos dahil nagkaroon ng paglilipat ng
Napalingon si Nicole sa katabing asawa. Nagtagis ang kanyang mga ngipin.“Hindi ako naniniwala sa’yo! At kung ayaw mong kalbuhin kita at alisin ko ang sustento mo, stay away from my husband,” aniyang sinadyang bungguin ang inggiterang stepsister.“May relasyon ba kayo ni Jasmine?” deretsang tanong n
Umiling si Nicole. Hindi niya hahayaang magmukhang kawawa sa paningin ni James. Ngunit mas hindi niya gustong pilitin ito. Masyado na itong madaming isinakripisyo para sa kanya.“Hindi kita mahal!” aniya. Nakita niya ang pagtagis ng bagang ni James ngunit saglit lamang.“Hindi din kita mahal. Tapusi
“Nic, kumalma ka. Mag-asawa tayo at lulutasin natin ang problema ng magkasama,” sabi ni James.“Hindi kita kailangan. Hindi mo ako kailangang samahan palagi.”“Sige, hahayaan kitang makapag-isip muna,” ani James at lumabas ng bahay.Nagkulong siya sa kwarto. Tanghali na ay hindi pa siya bumabangon.
Mainit na yakap at halik ang gumising kay Nicole. Tunay na umagang kay ganda.“Good morning sa pinakamagandang babae sa buong mundo,” ani James na pinupog siya ng halik sa mukha at leeg.“Wait lang, hindi pa ako naliligo,” aniyang umiiwas sa halik.“Mag-ayos na tayo at umuwi. Checkup mo sa duktor ng
Nagtama ang mga mata nila Nicole at James mula sa labas ng bintana. Nagkubli siya at nagpadala ng message sa driver na tumawag ng pulis. Ilang minuto siyang nasa damuhan at abot abot ang dasal.Muli siyang sumilip sa loob. Hindi nakatiis si Nicole ng akmang papaputukan ng baril si James ng pinakalid
Pakiramdam ni Nicole ay durog ang puso niya ng daang milyong beses. Sana hindi na lang bumalik ang alaala niya. Alam na niya ang tunay na estado ng relasyon nila ni James. Pero hindi siya nagagalit. Mas lamang ang pasasalamat para sa asawang tumutupad sa pangako.Gumalaw si James sa kanyang tabi at
Naghintay si Nicole sa labas ng presinto. Sana naman ay madakip na ang mastermind sa tangkang pagpatay sa kanya ng magkaroon na ng katahimikan. Isang oras bago bumalik si James.“Anong balita?”“Wala kaming mapiga sa taong binayaran para sirain ang mekanismo ng sasakyan mo. Sa telepono lang daw niya
Marahan tumango si Ayana. “Ako nga ang manager.”“Ikaw ang kausap ko tungkol kay Mysterious Girl?”Muli itong tumango.“Please contact her at pakisabi na titigil na ako sa ---”“Hindi mo pa kilala kung sino si Mysterious Girl hanggang ngayon?”Bumalatay ang pagtataka sa mukha niya. “Hindi pa. Sino b
“Robles, tinawagan kita para kumustahin ng pinapatrabaho ko sa’yo,” tinig ni Don Benjamin.Si Mr. Robles ang supervisor sa minahan. “Hindi mahahalata ni James. Ako ang bahala. Bilisan mo at kailangan ko ng malaking pera.”Pinatay na si James ang laptop. “I’m sorry. Mali na nalalaman mo pa ang mga ga