Si Ethan ang sumagot. “Kasunduan po. Napagkasunduan po namin na huwag ng patagalin pa ang aming relasyon bilang magkasintahan. At nagpaplano na po kaming magpakasal.” Nagningning ang mata ng ama niyang oportunista. “Suportado ko ang pagmamahalan ninyo.” Tinapik pa nito sa balikat ang binata. Kay ba
Pumasok siya sa kwarto upang silipin ang kapatid na si Betina. “Gising ka na pala, ikukuha na kita ng pagkain,” aniya. “Ate, nakita ko ang boyfriend mo. Baka kaya ka nakipagrelasyon sa kanya ay dahil sa pera niya para may maipangtustos sa pagpapagamot ko.” Bahagya siyang natigilan. “Betina, nakit
“Kung in-love ka na sa akin. Condolences sa puso mo. It will be broken into million pieces.” Malamig ang titig ni Ethan sa kanya. Agad siyang bumawi. “Joke lang, sir. Masyado ka namang seryoso sa buhay. Hindi ako ma-iin-love sa kagaya mo. Tsaka may iba akong mahal.” Pagsisinungaling niya. Naging ma
Pagkatapos magbihis ay bumalik siya sa mahabang sofa. Kasya naman siya ngunit sadyang malikot siya matulog kaya ilang beses siyang nahulog. Nakahiga na siya sa malaking sofa. Malakas ang ulan sa labas. May kulog at kidlat din. Masarap sana ang may kayakap. May kayakap naman siya, ang malaking unan.
Nakita niya ang takot sa mukha ni Ethan pagkakita sa matanda. “Lola Rosa, mayroon lang po kaming maliit na hindi pagkakaunawaan. Maaayos din po agad namin.” Umakbay ang binata sa kanya. “I saw everything, Ethan. Sinungaling ang dati mong kasintahan. Siya ang naunang makipag-away kay Hanna. Sa susun
Pumasok siya sa loob ng bahay upang kausapin ang kanyang mga magulang. Nagulat siya sa dalawang maliliit na batang naghahabulan sa loob ng kanilang bahay. At mas nanlaki ang mata niya ng lumabas ang isang babaeng mukhang mas matanda pa sa kanya mula sa loob ng kanyang kwarto. Uminit ang ulo niya. A
“At bakit ikaw ang tinatawagan niya? Hindi ba at may asawa na siya? Dapat una niyang hingin ng tulong ang asawa niya,” sabi ni Hanna kay Ethan. “Wait, Hanna. Ipapaalala ko lang na hindi kita totoong girlfriend. Nagpapanggap lang tayo. Wala kang pakialam kung ano ang gusto kong gawin sa buhay ko. Ba
“Oo, dyanitres ako dito. Kumusta ka na?” “Okay naman. Dito na ako sa Pilipinas titira.” “Ah, mainam. Iba pa din talaga sa sarili nating bayan.” “Matagal na ba kayo ng boyfriend mo? Sabi kasi sa akin ni Lyn, wala kang boyfriend two weeks ago lang. Kaya nagulat ako ng magpakilala ang lalaki na boyf
Napalingon si Nicole sa katabing asawa. Nagtagis ang kanyang mga ngipin.“Hindi ako naniniwala sa’yo! At kung ayaw mong kalbuhin kita at alisin ko ang sustento mo, stay away from my husband,” aniyang sinadyang bungguin ang inggiterang stepsister.“May relasyon ba kayo ni Jasmine?” deretsang tanong n
Umiling si Nicole. Hindi niya hahayaang magmukhang kawawa sa paningin ni James. Ngunit mas hindi niya gustong pilitin ito. Masyado na itong madaming isinakripisyo para sa kanya.“Hindi kita mahal!” aniya. Nakita niya ang pagtagis ng bagang ni James ngunit saglit lamang.“Hindi din kita mahal. Tapusi
“Nic, kumalma ka. Mag-asawa tayo at lulutasin natin ang problema ng magkasama,” sabi ni James.“Hindi kita kailangan. Hindi mo ako kailangang samahan palagi.”“Sige, hahayaan kitang makapag-isip muna,” ani James at lumabas ng bahay.Nagkulong siya sa kwarto. Tanghali na ay hindi pa siya bumabangon.
Mainit na yakap at halik ang gumising kay Nicole. Tunay na umagang kay ganda.“Good morning sa pinakamagandang babae sa buong mundo,” ani James na pinupog siya ng halik sa mukha at leeg.“Wait lang, hindi pa ako naliligo,” aniyang umiiwas sa halik.“Mag-ayos na tayo at umuwi. Checkup mo sa duktor ng
Nagtama ang mga mata nila Nicole at James mula sa labas ng bintana. Nagkubli siya at nagpadala ng message sa driver na tumawag ng pulis. Ilang minuto siyang nasa damuhan at abot abot ang dasal.Muli siyang sumilip sa loob. Hindi nakatiis si Nicole ng akmang papaputukan ng baril si James ng pinakalid
Pakiramdam ni Nicole ay durog ang puso niya ng daang milyong beses. Sana hindi na lang bumalik ang alaala niya. Alam na niya ang tunay na estado ng relasyon nila ni James. Pero hindi siya nagagalit. Mas lamang ang pasasalamat para sa asawang tumutupad sa pangako.Gumalaw si James sa kanyang tabi at
Naghintay si Nicole sa labas ng presinto. Sana naman ay madakip na ang mastermind sa tangkang pagpatay sa kanya ng magkaroon na ng katahimikan. Isang oras bago bumalik si James.“Anong balita?”“Wala kaming mapiga sa taong binayaran para sirain ang mekanismo ng sasakyan mo. Sa telepono lang daw niya
Marahan tumango si Ayana. “Ako nga ang manager.”“Ikaw ang kausap ko tungkol kay Mysterious Girl?”Muli itong tumango.“Please contact her at pakisabi na titigil na ako sa ---”“Hindi mo pa kilala kung sino si Mysterious Girl hanggang ngayon?”Bumalatay ang pagtataka sa mukha niya. “Hindi pa. Sino b
“Robles, tinawagan kita para kumustahin ng pinapatrabaho ko sa’yo,” tinig ni Don Benjamin.Si Mr. Robles ang supervisor sa minahan. “Hindi mahahalata ni James. Ako ang bahala. Bilisan mo at kailangan ko ng malaking pera.”Pinatay na si James ang laptop. “I’m sorry. Mali na nalalaman mo pa ang mga ga