Home / Romance / Love for Rent / Kabanata 0002

Share

Kabanata 0002

last update Last Updated: 2024-03-17 22:58:42

Natigilan si Hanna. Hindi dapat malaman ni Ethan na siya ang babaeng inarkila nito ng isang gabi. “Eto, naman nagkamali lang po. Kalahating milyon kapalit ng pagpapanggap kong girlfriend mo.”

“Okay, deal.”

“Sir, akina na ang bayad.” Nakalahad ang kanyang kamay.

Umiling ang lalaki. “Matindi ka din, ano? Babayaran kita sa oras na nagawa mo ang pagpapanggap at hindi lang ito isang araw. Kapag kailangan kita ay pupunta ka. Anyway, mamaya ay pumirma ka ng kasunduan at makukuha mo ang paunang bayad sa’yo.”

“Okay po, sir.” Pumalakpak ang kanyang tenga. May pampa-chemotherapy na ang kanyang kapatid.

“Paanong pagpapanggap po ba ang gagawin?”

“Kunwari ay na-love at first sight tayo sa isa’t isa. Wala kang dapat baguhin. Mahirap ka at dyanitres sa kumpanya.”

“Sir, parang hindi maniniwala ang parents mo sa ganyang kwento. Isang CEO, ma-iinlove sa dyanitres?”

“May itsura ka naman, maniniwala sila na unang kita pa lamang ay nagustuhan kita. Tsaka walang pakialam ang mommy ko, gusto lang niya na magka-girlfriend ako. At may isang tao tayong iinisin.”

Nagsalubong ang kilay niya.

“Kailangan mainis mo ang stepfather ko. Mukhang magaling kang mambwisit kasi kuhang kuha mo ang inis ko.”

Hindi niya alam kung matutuwa o maiirita sa sinabi ng binata. Pero handa siyang makisama dito alang-alang sa perang kikitain niya.

Bumaba sila sa mansyon ng mga Rodriguez. Tila ito palasyo. Napakalawak ng bakuran. May malaking garden at swimming pool sa gilid. Parang naalangan siya sa suot niyang puting tshirt, pantalong maong, at lumang sneakers.

Kitang kita niya ang gulat sa mukha ng mga magulang ng binata pagkakita sa kanya. Sa isip siguro ng mga itong, sino itong hampaslupa na kasama ng anak nila. Sabagay kahit siya ay hindi din makapaniwala na ipapakilala siya nitong kasintahan kahit pa nga pagpapanggap lang. Uy, para siyang bida sa teleserye.

Magalang siyang lumapit at matamis na ngumiti sa mga ito. Nagmano din siya tanda ng paggalang. Mukhang mabait ang ginang na maganda kahit may edad na. Inakay siya nito papasok. Ang ama naman ng binata ay tinalikuran na sila.

“Kumain na tayo ng hapunan,” anang ina ni Ethan.

Magiliw na nagtatanong ang mommy ng binata sa kanya. Siyempre, nag-imbento na lamang siya ng ibang impormasyon tungkol sa buhay niya. Hindi naman niya makakasama ang mga ito ng matagal. Walang dahilan para ibahagi niya ang tunay niyang pagkatao.

Umakyat sandali si Ethan. Lumapit ang mommy nito sa kanya. Bigla siyang kinabahan. Pero naalala niya ang ilang palabas sa telebisyon. Mahirap ang bidang babae. Tutol ang ina ng bidang lalaki sa relasyon ng magkasintahan tapos ay aalukin ng mayamang nanay ang bidang babae ng limang milyon at sasabihing layuan ang anak nito. Lihim siyang nangiti. Willing siyang layuan ang binata basta mas malaki sa kalahating milyon ang bayad.

“Pina-imbestigahan kita at wala pa sa kalahati ng mga sinabi mo ang totoo tungkol sa’yo, Hanna Faye Aguilar.” Idinuldol ng ginang sa mukha niya ang impormasyon tungkol sa kanya na nasa tablet nito. Napapikit siya. Pera na naging bato pa.

“Sorry po Mrs. Rodriguez. Hindi po ako ang may pakulo nito. Inutusan lang po ako ng anak ninyo ko na magsinungaling at magpanggap na girlfriend niya. Wala naman po siyang sinabing dahilan. Matindi lang po ang pangangailangan ko kaya ako pumayag.”

Saglit na nag-isip ang matanda. “Nagbabalak akong ipadampot ka sa mga pulis.”

“Ay, naku huwag po. Breadwinner po ako ng pamilya ko. Parang awa ninyo po.”

“Nakakaawa talaga ang kalagayan mo. May cancer pa ang kapatid mo na nangangailangan ng chemotheraphy. Kaya may iaalok ako sa’yo.”

“Ano po ‘yon?”

“Ipinakilala ka niya sa amin, ibig sabihin ay may nakita siyang kakaiba sa’yo. At may kakayahan kang lumapit sa kanya. Mula kasi ng iniwan siya ng girlfriend niya at ipinagpalit sa iba ay hindi na siya nakipagrelasyon pa.”

Kunot ang noo niya habang nakikinig sa kwento ng matanda.

“Gusto ko ng apo. Akitin mo siya at kailangang may mangyari sa inyo. Bibigyan kita ng isang taon. At kapag nabuntis ka, babayaran kita ng fifty million pesos, basta ibibigay mo ang bata sa akin at hindi ka na magpapakita pa.”

Nanlaki ang mata niya sa alok ng ginang. Ngunit parang mali ang pumayag siya sa gusto nito. Napansin ng kaharap ang pag-aalangan niya.

“Sasagutin ko ang pagpapagamot sa kapatid mo bukod pa sa perang ibabayad ko.”

Para siyang nanalo sa lotto kapag tinanggap niya ang alok. Araw araw siyang tumataya sa lotto ngunit alam niyang halos walang tsansa na manalo siya. At eto ang maliwanag na pera. Sabi ng lola niya, nabubulag daw ang tumatanggi sa grasya.

Matagal na siyang nagdarasal. Pera ang kailangan niya at solusyon sa lahat ng kanyang problema. Kapag magkakapera siya ay magiging masaya na siya dahil mabibigyan niya ng ginhawa ang kanyang pamilya. Construction worker ang kanyang ama at labandera ang kanyang ina. Lima silang magkakapatid at siya ang panganay. Ito na yata ang sagot sa matagal na niyang panalangin.

“Pag-isipan mo, darling.”

Hindi niya alam ang isasagot. Makikipagkasundo ba siya sa ginang? Kabado siya sa pinapasok niya. Pero lakas ng loob lang ang puhunan niya sa bawat laban sa buhay. Kung anuman ang kapalit ng malaking pera na magpapabago sa buhay ng pamilya niya at magpapagaling sa kapatid niya ay handa siyang tanggapin. Bahala na.

Bumalik na si Ethan. “Mom, ihahatid ko lang si Hanna at gabi na.”

“Sayang naman, hindi pa kami nagkukwentuhan ng matagal. Pero babalik naman siya dito. Hanna, welcome ka sa pamilya.” Niyakap siya ng matanda.

“Opo, babalik po ako. Maraming salamat po, Mrs. Rodriguez.”

“Mommy Belinda ang itawag mo sa akin.”

“Okay mo, mommy Belinda.” Ang hirap ilabas sa bibig niya ang dalawang huling salita. Nahihiya siyang tawagin ang ginang sa pangalan nito.

Sumakay sila sa magarang kotse. Nakita niya ng ilabas ito ng binata sa garahe. Ilan ba ang taong nakatira dito? Bakit may labindalawang sasakyan na iba-iba ang modelo? Kapag mayaman talaga walang mapaglagyan ng salapi. Samantalang siya ay nakikipag-away sa driver sa isandaang piso.

Pinagbuksan pa siya ng binata ng pinto ng kotse. Pagdating sa loob ng sasakyan ay walang itong imik. Huminto ito paglagpas lang ng konti sa tinitirahang subdivision.

“Oh, bakit ka huminto? Akala ko ba ihahatid mo ako?”

“Ayusin mo ang pakikipag-usap sa akin. Matuto kang ihiwalay ang katotohan sa pagpapanggap. Kapag wala tayo sa harap ng mga magulang ko ay dyanitres ka at CEO ako ng kumpanya. Huwag kang malito kung gusto mong humaba ang kasunduang ito. Huwag mong ipagkakalat na may relasyon tayo. At pinakaimportante sa lahat, don’t fall in love with me.”

Umismid siya sa huling sinabi nito. “Basta sir, bayaran mo ako ng kung ano ang napag-usapan. Wala ka pong magiging problema sa akin.”

“Heto ang kasunduan. Basahin mo at pirmahan bago ko ibigay ang tseke ng paunang bayad.” May inabot itong ilang pahinang papel. Kaya pala ito umakyat sa kwarto ay para gumawa ng kasunduan.

“Ang haba naman nito. Saan banda nakalagay ang 500,000 pesos na halagang dapat mong bayaran?”

Itinuro ng binata ang hinahanap niya. Agad niyang pinirmahan.

“Hey, bakit pumirma ka lang at hindi na nagbasa?”

“Sa bahay ko na lang babasahin.” Hinablot niya ang tseke.

“Mukha ka talagang pera,” naiiling na sabi nito.

“Sir, hindi mo ako maiintindihan dahil ipinanganak kang mayaman. Kapag naranasan mong wala kahit pambili ng bigas, malalaman mo kung bakit mukha akong pera.”

“Hindi ko kasalanan na hindi makaranas ng hirap o kakulangan sa pera ng ipanganak.”

“Aba, bakit 250,000 lang?” reklamo niya ng makita ang laman ng tseke.

“Makukuha mo ang kabuuan matapos ang tatlong buwan na pagpapanggap. Ganyan ang nangyayari sa basta pumipirma ng hindi nagbabasa.”

“Okay, sige na po sir. Ihatid mo na po ako.” Plastik ang kanyang ngiti.

“Wow, nakakuha ka ng driver. Bumaba ka na! Bakit kita ihahatid?”

Napansin niya ang mahinang pag-ulan sa labas.

“Ay, sir. Umuulan. Baka naman pwedeng ihatid ninyo na po ako. Mahirap sumakay.” Matamis siyang ngumiti baka sakaling maawa ito sa kanya.

“No way! Hindi ka importante at wala akong pakialam sa’yo.”

Lalabas na sana siya. At eto na naman siya na hindi alam kung paano aalisin ang seatbelt. Tinulungan siya ng binata. Bakit naman magtatanggal lang ng seatbelt ay ang lapit lapit ng mukha nito sa kanya. At sumisinghot pa ito. Adik yata ang boss niya.

Bubuksan na niya ang pintuan ng sasakyan. “Wait!” pigil ng lalaki.

Napalingon siya. “Ihahatid ninyo na po ako?”

“Ano ang pabangong gamit mo?”

“Gawa ko lang po ang pabango. Dinurog na roses at oil lang po.”

“Dalan mo ako ng pabangong gamit mo.”

“Bakit po?” Gumuhit ang pagtataka sa kanyang magandang mukha. Pambabae ang kanyang pabango. Hindi kaya may pusong babae ang gwapong CEO ng Unicorn Marketing Agency?
Comments (32)
goodnovel comment avatar
Edlyn Yambao
bat ganun bumalik on da start..nakaka desapoint
goodnovel comment avatar
Anesia Palomares
next episode pls.
goodnovel comment avatar
Mary Grace Macarat-Sumalinog
kasunod please
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Love for Rent   Kabanata 0003

    “Sir, bakit po kayo intresado sa pabango ko?” tanong ni Hanna sa amo. Wala naman problema kung bading ito. Pero imposible dahil magaling ito sa kama. Namula ang kanyang mukha na naisip. “Babayaran ko. Dalin mo sa akin ang pabangong ginamit mo.” “Sige po,” aniya na nagtataka pa din sa biglang inter

    Last Updated : 2024-03-17
  • Love for Rent   Kabanata 0004

    Muling pumasok sa opisina ng amo si Hanna. Inawat siya noong una ni Ate Mila. Hindi naman daw nagpapalinis sa loob ng private office ang CEO kapag nandoon ito. May dala siyang pamunas at panlinis. Halos pwede nga siyang manalamin sa kintab ng opisina nito. Walang alikabok. Nagpanggap na lamang siyan

    Last Updated : 2024-03-17
  • Love for Rent   Kabanata 0005

    “Sir, ano po ang sabi ninyo?” Kunot ang noong tanong niya. “Inaalok kitang maging fuck buddy or bed partner ko. Aling salita ang mahirap intindihin?” Hindi niya alam ang isasagot sa boss. Kagabi lang ay iniisip niya kung paano niya uumpisahan ang kasunduan nila ng mommy nito. At ngayon ay ito nama

    Last Updated : 2024-03-23
  • Love for Rent   Kabanata 0006

    Tila siya pagong sa paglabas ng building ng Unicorn Marketing Agency. Tiyak na naghihintay na sa kanya si Don Fausto. Kasal o kulong. May dalawa siyang pamimilian. Hindi na siya sumakay ng dyip. Kung pwede lang pahintuin ang oras ay ginawa na niya. May nadinig siyang busina sa likuran. Ang magarang

    Last Updated : 2024-03-25
  • Love for Rent   Kabanata 0007

    Si Ethan ang sumagot. “Kasunduan po. Napagkasunduan po namin na huwag ng patagalin pa ang aming relasyon bilang magkasintahan. At nagpaplano na po kaming magpakasal.” Nagningning ang mata ng ama niyang oportunista. “Suportado ko ang pagmamahalan ninyo.” Tinapik pa nito sa balikat ang binata. Kay ba

    Last Updated : 2024-03-26
  • Love for Rent   Kabanata 0008

    Pumasok siya sa kwarto upang silipin ang kapatid na si Betina. “Gising ka na pala, ikukuha na kita ng pagkain,” aniya. “Ate, nakita ko ang boyfriend mo. Baka kaya ka nakipagrelasyon sa kanya ay dahil sa pera niya para may maipangtustos sa pagpapagamot ko.” Bahagya siyang natigilan. “Betina, nakit

    Last Updated : 2024-03-26
  • Love for Rent   Kabanata 0009

    “Kung in-love ka na sa akin. Condolences sa puso mo. It will be broken into million pieces.” Malamig ang titig ni Ethan sa kanya. Agad siyang bumawi. “Joke lang, sir. Masyado ka namang seryoso sa buhay. Hindi ako ma-iin-love sa kagaya mo. Tsaka may iba akong mahal.” Pagsisinungaling niya. Naging ma

    Last Updated : 2024-03-27
  • Love for Rent   Kabanata 0010

    Pagkatapos magbihis ay bumalik siya sa mahabang sofa. Kasya naman siya ngunit sadyang malikot siya matulog kaya ilang beses siyang nahulog. Nakahiga na siya sa malaking sofa. Malakas ang ulan sa labas. May kulog at kidlat din. Masarap sana ang may kayakap. May kayakap naman siya, ang malaking unan.

    Last Updated : 2024-03-27

Latest chapter

  • Love for Rent   Kabanata 0567

    Bukod sa totoong hindi sanay na matulog sa matigas na higaan si Nicole ay heto na nagpagkakataon niyang maakit si James. Ang bango ng kilikili nito. Ang sarap ding humiga sa malapad nitong dibdib. Nakangiti pa siya bago maramdaman ang pagtulak ni James sa katawan niya. Pero hindi siya bibitaw kaya s

  • Love for Rent   Kabanata 0566

    “James, nabigla lang ako. Hindi ko sinasadya,” ani Nicole.“Una at huling sampal na matatanggap ko ‘yan mula sa’yo. Huwag tayong madalas magkita para hindi dumating sa puntong masuklam tayo sa isa’t isa. Hindi mo ba nakikita na incompatible tayo? Hindi ko kayang mamuhay na kasama ang kagaya mo.”May

  • Love for Rent   Kabanata 0565

    Matagal ng naghihintay si Nicole ng lalaking magmamahal sa kanya. Nakailang falling star, wishing well, at ilang kumpleto ng Simbang gabi, wala pa din. Kababata niya si Bryan na naging malapit sa kanya ngunit nakakabatang kapatid lang pala ang turing sa kanya. Heto namang si James, may mahal na iba.

  • Love for Rent   Kabanata 0564

    “Gagawin natin kapag gusto ko,” sabi ni James. Nalanghap niya ang mabangong hininga nito.Umasim ang mukha ni Nicole. Mahirap pakisamahan ni James.Hindi sila tabi natulog dahil naglatag ito sa lapag. Hindi na siya nagpumilit. She will give him time para matanggap siya bilang asawa.Sabay silang pum

  • Love for Rent   Kabanata 0563

    Umuwi sila Nicole at James sa mansyon. Tahimik ang malaking palasyo. Na hindi naman bago sa kanya. Ang kanyang kuya Rafael na isang duktor ay halos sa ospital ng pag-aari nito nakatira. Habang ang kanyang bunsong kapatid na si Jasmine ay nasa ibang bansa at abala sa travel vlog na kasama ang kanyang

  • Love for Rent   Kabanata 0562

    Buod (Nicole and James Love Story)Dahil sa pumalpak na plano ay napilitang magpakasal sina Nicole at James. Ngunit tumakas si James at muling nagbalik upang hingin ang kalayaan na makukuha lamang nito kung maiaahon ang kanilang negosyong palugi na. Isang hamon na hindi tinanggihan ni James matuloy

  • Love for Rent   Kabanata 0561

    Binuksan ni Kristin ang pintuan at pumasok si Don Antonio.“Kristin, patawarin mo ako sa lahat ng kasalanan ko. Sana ay bigyan mo ng pagkakataon si Bryan na patunayan ang pagmamahal niya sa’yo.”Ngumiti siya sa matanda. “Huwag po kayong mag-alala. Kalimutan na po natin ang nakaraan.”Yumakap ang mat

  • Love for Rent   Kabanata 0560

    Sapol ang ulo ni Bryan ng sapatos na inihagis na Kristin. Agad hinabol ni Bryan ang asawa bago pa ito makalabas ng hospital room. Ini-lock niya ang pinto. Hindi niya hahayaang makalabas ito ng hindi sila nagkakaayos.Niyakap niya ito ng mahigpit mula sa likuran. “Kristin, huwag ka na magalit. Hindi

  • Love for Rent   Kabanata 0559

    Tinamaan ang kamay ni Donya Olivia ng balang mula sa baril ni Kristin. Lumabas ito sa pinagkukublihan.“Sa susunod na putok ng bala ay sa ulo mo na Donya Olivia! Hindi ako mangingiming patayin ka! Pakawalan mo ang mag-ama ko,” sabi ni Kristin na buo ang loob.Mabilis ang kilos ni Henry at binaril si

DMCA.com Protection Status