Hinang-hina ako ng magising. Marahan akong nagmulat ng mga mata. Unang bumungad sa akin ang aparatu na nakakabit sa aking kamay kaya alam ko na agad na nasa ospital ako."Sino naman kayang nagdala sa akin dito?" Takang tanong ko sa sarili nang makitang wala akong ibang kasama rito sa loob.Ngunit agad ding nasagot ang katanungan ko nang pumasok si Lory na may kasamang doktor. Mukha silang matamlay pero pinanatili ang kasiglahan habang nasa harapan ko."Mabuti't gising ka na bff. Labis ang pag-aalala ko sayo noong may tumawag sa akin." Bungad niya kaya di na ako nagtaka dahil numero lang niya ang kauna-unahang makikita sa contacts ko."Isang waiter daw ng bar ang nagdala sayo rito dahil nakita kang nawalan ng malay sa tabi ng kalsada kalapit ng isang bar. Anong nangyari? Dapat talaga sinamahan na kita." Malungkot at may pait sa tono ng pananalita niya.At nang parang kidlat na pumasok sa isipan ko ang nangyari bago ako nawalan ng malay ay mabilis akong napaawang at napahagulhol ng iyak.
( Zander's POV)"Just give me three months. And I will give you what you wanted for a long time. Tatlong buwan lang Zander. At mangangako akong ibibigay ang kalayaan na gusto mo at di na kita muling guguluhin pa."That's her exact message from my email weeks ago. Sarkastiko akong napailing habang muling binabasa ang mensahe niyang ito. Nagbukas kasi ako ng email from an investor and suddenly, di sinasadyang dumako ang mga mata ko sa mensaheng pinadala niya.Seriously, three months is quite long. Pero kung di naman niya ako guguluhin ay sige, pagbibigyan ko nalang ang kaartehan ng babaeng yun.It's good that I haven't seen her for weeks. Natauhan na siguro sa palaging pagtataboy ko. Good for her! Well, it's good for the both of us actually. I found her so annoying and toxic. And I am hoping na sana ituloy niya na ang di pagpapakita hanggang sa matapos ang tatlong buwan at tuluyan na akong maging malaya.Gusto ko talagang umiwas sa kanya hindi lang dahil galit ako sa kanya kundi dahil
( Amari's POV )"Kumusta ka diyan bff? Gumaan na ba ang pakiramdam mo?" Concern na tanong ni Lory sa kabilang linya. "Yeah, medyo maayos na." Simpleng sagot ko lang habang nakatanaw ang mga mata sa malawak ng karagatan. Kulay asul ito at nakakabighani sa mga mata."Salamat naman. Pag day off ko, pupuntahan kita diyan. Ingat ka bff. Miss na kita." Tugon ni Lory bago ito nawala sa linya.Marahan kong binaba ang hawak na cellphone habang di inaalis ang mga mata sa magandang tanawin.Ilang araw na akong nandito sa isang resort sa Subic, isang magandang resort na nahanap ko via online kaya naisip kong magpareserve agad ng isang kwarto para magbakasyon at mapagaan ang mabigat kong damdamin dahil sa mga nangyari.At di nga ako nagkamali sa pagparito coz the waves and views helped me a lot. Malaking tulong ito sa pagpapagaan ng durog kong puso.Napag-isip isip ko rin ako kung ano na ang gagawin ko sa buhay kapag tuluyan na kaming hiwalay ni Zander. Maghahanap nalang siguro ako ng trabaho bag
"Please please hurry! Make it faster!"Di magkandaugagang utos ko kay Aslan na siyang mismong nagmamaneho sa sasakyan niya para ihatid ako pabalik ng Maynila. Dumadagundong na ang puso ko sa sobrang kaba. Kung pwede nga lang umarkila ng pakpak ay baka ginawa ko na sa kagustuhang makarating kaagad."Calm down at baka tayo naman ang madisgrasya." Pagpapakalma nito sa 'kin dahil kanina pa ako hindi mapakali. Natahimik ako ngunit rinig na rinig ko ang pagwawala ng puso ko dahil sa magkahalong nerbyos at pag-aalala.Ang kagustuhan kong magbakasyon para makalimot ay nawala lahat sa isipan ko dahil lang sa tawag na iyon ni Manang Celia. Kahit maghihiwalay na kami ni Zander ay di ko napigilang mag-alala sa kanya lalo pa't ayon sa balita ni Manang ay nasa kritikal na kondisyon siya. Malala ang lagay.After all, despite ng mga pinaramdam niyang sakit sa akin emosyonal man o pisikal, I still love him. Mahal na mahal ko pa rin siya at kailanman ay di ko ninais o hiniling na may masamang mangyari
"Di ka na umuuwi sa apartment. Dito ka na ba titira?" May lamang biro ni Lory nang bisitahin ako nito sa ospital.Marahan ko lang na tinanguan si Lory bilang sagot. Naging bahay ko na nga itong ospital sa loob ng isang buwan. Madalas naman pumupunta si Manang Celia rito pero ayaw kong umalis sa tabi ng asawa ko. Isa pa kinailangan din ni Manang na umuwi ng Bulacan dahil walang ibang tatao roon.Isang buwan na magmula ng maaksidente si Zander. At hanggang ngayon hindi pa rin siya nagigising. Pero kailanman ay di ako nawawalan ng pag-asa na sana isang araw, magkakamalay rin siya.Kasalukuyan ko siyang pinupunasan ngayon para mabihisan. Ang dapat sana'y gawain ng nurse ay ako na rin ang kusang gumagawa, tinutupad ko lang ang pangako na aalagaan siya."Haixt wala na akong masabi. Basta kapag napagod ka at kailangan mo ng pahinga ay umuwi ka lang sa apartment." Concern na sambit ni Lory kaya nilingon ko siya at marahang nginitian."Salamat." Tanging naging sagot ko lang.Saglit pa kaming n
"Damn, I can't even remember you." Mapait at dismayadong napailing si Zander nang tuluyan akong makalapit sa kanya.Pilit kong pinapatatag ang sarili kahit ang totoo'y nauubusan ako ng lakas sa titig niya."You don't need to force yourself to remember everything. Kusa yang babalik. Just calm down and relax." Pag-aalo ko sa kanya sa pinakamahinahong boses. Marahan ko pa siyang inalalayan para muling mahiga.Di nawawala ang maraming katanungan sa mga mata niya ngunit hinayaan niya naman akong alalayan siya."Tell me what happened. Why I am here? Bakit wala akong matandaan ultimo pangalan ko? Fuck!" He cursed at nakuyom pa nito ang kamao.Napalunok ako. I gently caressed his cleched fist kaya medyo kumalma siya."Naaksidente ka, car accident, malala. Dahilan kaya nawalan ka ng ala-ala." Simple ngunit matapat na sagot ko.Rinig ko ang malalim niyang buntong-hininga. Ramdam kong nahihirapan siyang unawain ang sitwasyon niya."Damn. It's hard. Fuck." He cursed once again bago ipinikit ang
"This house seems familiar to me. Where are we?" Ani Zander habang inililibot ang mga mata sa kabuuan ng ancestral house niya. Nakarating na kami ng Bulacan ngayon."Aba'y talagang pamilyar sayo Señorito dahil dito ka lumaki. Pamana ito sayo ng mga butihin mong abuela't abuelo." Simpleng paliwanag ni Manang habang inaayos ang mga dalang gamit."I see. Dito ba tayo nakatira? Wala ba tayong nabili na sariling bahay natin?" Dagdag na tanong pa niya habang nakatingin sa akin. Ngumiti ako pero may halong pait at lungkot, but I am making it sure na hindi niya ito mahahalata."May condo ka rin naman sa Manila. Tsaka bibili pa ba tayo eh maayos na maayos naman dito sa ancestral house mo." Turan ko na marahan lang niyang ikinatango.Pero sa kaloob-looban ko naman ay sobrang lungkot ko. Paano nga ba kami magkakaroon ng sariling pamamahay eh never niya naman akong itinuring na asawa. Isa lang naman akong desperadang malandi sa paningin niya.Pansin ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata ni Zander
WARNING: SEXUAL AND EXPLICIT CONTENT AHEAD. NOT INTENDED FOR YOUNG AND SENSITIVE READERS!Nagising ako kinaumagahan nang maramdaman ang pinong mga halik sa kabuuan ng aking mukha."Goodmorning love." Bumungad agad sa akin ang malambing boses ng lalaking mahal na mahal ko. Nakayakap pa rin siya ng mahigpit sa akin kagaya kagabi na parang hindi man lang nangalay."Goodmorning too la---love." Nauutal na sagot ko dahil nakakaramdam pa rin ako ng hiya na tawagin siya ng ganoon. Ewan, yung sa ospital na tinawag ko siyang mahal ay hindi naman awkward pero itong 'love' na gusto niya ay nakakakilig man pero parang nakakahiya bigkasin.He kissed my cheeks kaya mas lalong naglupasay sa kilig ang puso ko."Ehhhy wala pa 'kong hilamos." Pagmamaktol ko. Nakakapanibago lang kasi. Pakiramdam ko ang pangit ko kapag ganitong bagong gising."You're still beautiful and gorgeous kahit bagong gising pa." Puri niya na mukhang seryoso kaya jusko para na talaga akong aatakihin sa puso."Tama na nga, baka tamar
[ Excited akong nagmaneho patungong Quezon para sa gaganaping fashion show. Medyo may kabigatan ang dibdib ko dahil hindi ko makikita si Zander ng ilang araw. Gayunpaman, may sulat naman akong iniwan. Umaasa akong uuwi siya ng condo at mababasa niya iyon kahit alam ko namang imposible.Ngunit kung kailan malapit na akong makarating sa venue ay bigla na lamang nagloko ang sasakyan ko kaya napilitan ko itong ihinto sa gilid ng kalsada.I was about to ask for help nang may lumapit sa aking dalawang lalaki. Kinatok nito ang bintana ng sasakyan ko kaya binaba ko na."Miss, anong problema? Kailangan mo ba ng tulong?" Ani ng isang may mahabang bigote.I am not that judgmental pero nakakaramdam ako ng kakaiba presensiya sa dalawa. Para bang may gagawin ang mga ito na hindi kanais nais."No need. Tatawagan ko nalang yung mga kasamahan ko." Ani ko. Pilit nilalabanan ang nararamdamang takot lalo pa't hindi matao sa banda rito at may matarik pang bangin.Ngunit edi-dial ko pa nga lang ang numero n
"Goodmorning ma'am, ready na po ang breakfast niyo."Ang katok na ito ng staff ng resort kung saan ako naglalagi ang siyang gumising sa aking diwa. Nakangiti itong bumungad sa akin bitbit ang tray ng pagkain."Salamat." Sambit ko at tipid na napangiti. Nilakihan ko ang awang ng pintuan para makapasok ito.Matapos nitong mailapag ang bitbit na tray ay agad din itong nagpaalam. "Enjoy your breakfast po ma'am." Magiliw na sambit pa nito bago tuluyang naglakad paalis.Isinara ko ang pintuan at muling umupo sa kama. Magdadalawang linggo na magmula ng napadpad ako rito. Isang simpleng resort ito rito sa Zambales. Pero kahit simple ay maganda naman rito, maaliwalas at walang masyadong turista kaya dito ako tumagal. The place is so perfect for my broken heart.Magmula ng umalis ako nang gabing iyon ay nakailang lipat din ako ng lugar sa kagustuhan ng tahimik na buhay. At dito nga ako dinala ng aking mga paa, gawa na rin ng maiging pagsesearch online. Mabuti na lamang at dala dala ko sa wallet
"Ma'am saan po kayo pupunta ng ganitong oras?"Takang tanong ng isang tauhan ni Alexander. Lima silang nagwagwardiya rito sa resthouse niya, di pa kasama ang iilang nakabantay rin pero ito lang ang may lakas ng loob na lumapit sa 'kin para tanungin ako.Buong loob ko itong hinarap. "May mahalaga lang akong pupuntahan." Pagdadahilan ko ngunit mukhang hindi ito kumbinsido."Ma'am, nagpaalam ka na po ba kay boss? Para sana samahan ka ng ibang kasamahan namin para sa proteksyon niyo po." Pangungulit pa nito kaya napairap na ako. Nagsilapitan na rin ang iba pa kaya mas lalo akong nakaramdam ng inis."Hindi na kailangan. Tsaka bakit ba kayo nakikialam? Hindi ako ang amo ninyo rito. May karapatan akong umalis dahil hindi niyo na ako bihag." Singhal ko dahil sa pagkairita.Kita ko ang pagdaan ng gulat sa mga mata ng mga ito ngunit matigas pa ring naninindigan."Patawad po ma'am pero sinusunod lang namin ang utos ni boss lalo pa't malalim pa po ang gabi at delikado sa daan. Kung gusto niyo pong
( Madison/Amari's POV )"Ma'am! Nasa TV sina Señorito at ma'am Amanda!"Natatarantang tawag sa akin ng katulong. Kasalukuyan akong nasa kwarto ngayon. Nang umalis sina Alexander at mommy kanina ay minu-minuto akong taimtim na nanalangin para sa kanilang kaligtasan.Patakbo akong lumabas ng kwarto at dali- daling pumunta sa sala para mapanood ang sinabi ng katulong.Napakalakas ng kabog ng puso ko habang nakatutok ang mga mata sa balita. Nasa TV nga sina mommy at Alexander. Karga karga na nito si Austin kaya parang sasabog ang puso ko sa sobrang tuwa."Sumabog ang isang abandonadong pabrika na dating pagmamay- ari ng namayapang dr*g syndicate na si Mr. Luis Cruz. Ayon sa ulat ay ginawa raw itong hideout ng asawang si Elizabeth Cruz,"Hindi pa man tapos ang balita ay patakbo akong lumabas ng bahay."Ma'am saan po kayo pupunta!?" Takang tanong ng katulong habang nakasunod sa 'kin."Sa pabrikang tinutukoy ng balita. Pupuntahan ko ang mag- ama ko!" Mariing sagot ko kaya napakamot nalang ito
( Alexander's POV )"Can I go with you?" Pakiusap ni Madison or shall I say Amari. Ngayon na kasi ang araw ng paghaharap namin ni Elizabeth, ang araw na kahapon ko pa pinaghandaang mabuti.Marahan akong umiling bago ito niyakap."No baby. I'm sorry but you better stay here. Hindi ko hahayaang mapahamak ka ulit." Puno ng pagmamahal na turan ko bago ito hinagkan sa ulo.I can't dare to kiss her on her lips dahil pakiramdam ko nagkakasala ako dahil sa ibang mukha niya. But I'll also promise to myself na ibabalik ko ang dati niyang hitsura kapag maayos na ang lahat. Mas pipiliin ko pa rin ang kagandahan ng orihinal niyang mukha na higit kailanman ay hindi ko ipagpapalit ninuman.Matapos namin malaman ang resulta ng DNA test kagabi, pinangako ko na sa sarili ko na wala ng ibang taong mananakit sa babaeng mahal na mahal ko. Walang paglagyan sa tuwa ang puso ko dahil tama lahat ng kutob ko. Worth it lahat ng pagtitiis ko. Pero alam kong mas kompleto ang kasiyahang ito kapag nabawi na namin s
Kinabukasan nang magising ako ay nakaramdam agad ako ng kirot sa aking ulo. Marahil ay dahil sa ilang baso ng alak na nainom ko kagabi, halatang nanibago ang katawan ko.Pero di ko naman din pinagsisihan na uminom ako dahil madali akong nakatulog pagkatapos. Isa pa, marami rin kaming napagkwentuhan ni Alexander. At kahit sa isang gabing pag- uusap na iyon ay nakagaanan ko na siya ng loob.Bumalikwas na ako ng bangon at diritsong tinungo ang banyo para makaligo na. Pagkatapos ay dali dali rin akong nagbihis para lumabas ng kwarto. Maaga pa naman, nasa alas sais pa lang kaya gusto kong tumulong sa kusina.Tahimik pa sa sala kaya't tantiya ko'y tulog pa sina Alexander at ang ginang na si Amanda.Pagkarating ay ang katulong agad ang nabungaran ko. Ngayo'y may kasama ito na sa tingin ko'y chef dahil na rin sa suot nitong uniporme."Magandang umaga ma'am." Sabay na bati agad ng dalawa nang mapansin ako."Hello, goodmorning." Nakangiting bati ko naman."Gusto niyo na po bang kumain? Uminom ng
Matapos makipagkita kay Nick ay mas lalo akong nahirapan makatulog nang gumabi. Ngayong kumpirmado na na hindi nga ako si Madison ay mas dumoble ang takot at pag- aalala ko para kay Austin. Paano nalang kong saktan siya ni Elizabeth dahil hindi naman pala sila totoong magkadugo?Oo at Elizabeth na ang tawag ko sa kanya! Hindi na mommy. Sa ginawa niyang pagamit sa akin ay hindi siya nararapat na erespeto. Wala siyang konsensiya! Tunay ngang napakaitim ng budhi niya.Tiningnan ko ang oras at malalim na nga ang gabi pero heto ako't gising na gising pa ang buong diwa. Muli akong bumangon sa hinihigaang kama at nagpasyang lumabas ng kwarto para tumungo sa kusina at uminom ng tubig. Gusto kong pakalmahin ang di mapakaling isipan.At nang makadaan ako sa may sala ay napansin ko kaagad si Alexander at ang bote ng beer na nakalapag sa babasaging table.Napatikhim ako dahilan para maagaw ang atensyon niya."Hmmm hi! You're still awake?" Tanong agad nito na ikinatango ko ng marahan."I can't slee
"Then you better prepare. Aalis na tayo ng 1:00 PM. May kalayuan pa ang biyahe natin." Agad na tugon ni Alexander nang sabihin ko sa kanya ang tungkol sa pagtawag ni Nick."Sasama ka?" Kunot noong tanong ko."Ofcourse! Hindi ka pwedeng umalis na hindi ako kasama." Seryosong turan nito bago tuloy tuloy na naglakad paakyat, patungo sa kwarto niya."Sabi sayo ma'am eh, napakaconcern ni Señorito sayo."Bigla akong napapitlag nang may nagsalita sa bandang likuran ko kaya gulat akong napalingon. Kita ko ang abot taingang ngiti ng katulong. Nakapeace sign pa ito dahil sa naging reaksyon ko."Maglalaba na po muna ako ma'am." Nakangising paalam nito. Ngising halatang nanunudyo.Napahawak ako sa dibdib ko. Rinig at ramdam ko ang pagwawala ng aking puso.Goodness! Para iyon lang ay nag- ooverthink na agad ako. Alexander isn't concern. Kailangan niyang sumama dahil pandagdag ebidensiya ang magiging testamento ni Nick laban kay mommy Elizabeth. Iyon lang yun! Dapat hindi na ako nag-iisip ng iba pa
( Madison's POV )"Tatlong araw ang sinabi ni Elizabeth. Kailangan na nating makapagplano agad ngayon." Kita ko ang pagmamadali sa mukha ni Alexander . Nang makarating ito ay naikwento niya agad ang nangyari at tungkol sa pagtawag ni mommy. Bagay na ipinag- aalala ko ng lubos kaya di ko mapigilan ang sariling humagulhol."Kung ako lang ang kailangan niya ay hindi ako natatakot sa kanya. Papayag akong makaharap siya anumang oras, sisiguraduhin niya lang na ligtas ang bata at tutupad siya sa usapan." Lakas loob na sambit ng ginang na si Amanda ngunit mariing napailing si Alexander."Tuso at mapanlinlang si Elizabeth mom. Hindi tayo pwedeng maniwala sa sasabihin niya. Kailangang makagawa tayo ng magandang plano." He uttered kaya kapwa kami nag- isip ng malalim.I just can't believe it! Ginawang pa- in ng itinuring kong ina ang inosenteng anak ko na itinuring siyang abuela. At sa ginagawa niyang ito kay Austin ay parang pinapamukha niya na rin sa 'kin ang katotohanan kahit wala pa man an