"Please please hurry! Make it faster!"Di magkandaugagang utos ko kay Aslan na siyang mismong nagmamaneho sa sasakyan niya para ihatid ako pabalik ng Maynila. Dumadagundong na ang puso ko sa sobrang kaba. Kung pwede nga lang umarkila ng pakpak ay baka ginawa ko na sa kagustuhang makarating kaagad."Calm down at baka tayo naman ang madisgrasya." Pagpapakalma nito sa 'kin dahil kanina pa ako hindi mapakali. Natahimik ako ngunit rinig na rinig ko ang pagwawala ng puso ko dahil sa magkahalong nerbyos at pag-aalala.Ang kagustuhan kong magbakasyon para makalimot ay nawala lahat sa isipan ko dahil lang sa tawag na iyon ni Manang Celia. Kahit maghihiwalay na kami ni Zander ay di ko napigilang mag-alala sa kanya lalo pa't ayon sa balita ni Manang ay nasa kritikal na kondisyon siya. Malala ang lagay.After all, despite ng mga pinaramdam niyang sakit sa akin emosyonal man o pisikal, I still love him. Mahal na mahal ko pa rin siya at kailanman ay di ko ninais o hiniling na may masamang mangyari
"Di ka na umuuwi sa apartment. Dito ka na ba titira?" May lamang biro ni Lory nang bisitahin ako nito sa ospital.Marahan ko lang na tinanguan si Lory bilang sagot. Naging bahay ko na nga itong ospital sa loob ng isang buwan. Madalas naman pumupunta si Manang Celia rito pero ayaw kong umalis sa tabi ng asawa ko. Isa pa kinailangan din ni Manang na umuwi ng Bulacan dahil walang ibang tatao roon.Isang buwan na magmula ng maaksidente si Zander. At hanggang ngayon hindi pa rin siya nagigising. Pero kailanman ay di ako nawawalan ng pag-asa na sana isang araw, magkakamalay rin siya.Kasalukuyan ko siyang pinupunasan ngayon para mabihisan. Ang dapat sana'y gawain ng nurse ay ako na rin ang kusang gumagawa, tinutupad ko lang ang pangako na aalagaan siya."Haixt wala na akong masabi. Basta kapag napagod ka at kailangan mo ng pahinga ay umuwi ka lang sa apartment." Concern na sambit ni Lory kaya nilingon ko siya at marahang nginitian."Salamat." Tanging naging sagot ko lang.Saglit pa kaming n
"Damn, I can't even remember you." Mapait at dismayadong napailing si Zander nang tuluyan akong makalapit sa kanya.Pilit kong pinapatatag ang sarili kahit ang totoo'y nauubusan ako ng lakas sa titig niya."You don't need to force yourself to remember everything. Kusa yang babalik. Just calm down and relax." Pag-aalo ko sa kanya sa pinakamahinahong boses. Marahan ko pa siyang inalalayan para muling mahiga.Di nawawala ang maraming katanungan sa mga mata niya ngunit hinayaan niya naman akong alalayan siya."Tell me what happened. Why I am here? Bakit wala akong matandaan ultimo pangalan ko? Fuck!" He cursed at nakuyom pa nito ang kamao.Napalunok ako. I gently caressed his cleched fist kaya medyo kumalma siya."Naaksidente ka, car accident, malala. Dahilan kaya nawalan ka ng ala-ala." Simple ngunit matapat na sagot ko.Rinig ko ang malalim niyang buntong-hininga. Ramdam kong nahihirapan siyang unawain ang sitwasyon niya."Damn. It's hard. Fuck." He cursed once again bago ipinikit ang
"This house seems familiar to me. Where are we?" Ani Zander habang inililibot ang mga mata sa kabuuan ng ancestral house niya. Nakarating na kami ng Bulacan ngayon."Aba'y talagang pamilyar sayo Señorito dahil dito ka lumaki. Pamana ito sayo ng mga butihin mong abuela't abuelo." Simpleng paliwanag ni Manang habang inaayos ang mga dalang gamit."I see. Dito ba tayo nakatira? Wala ba tayong nabili na sariling bahay natin?" Dagdag na tanong pa niya habang nakatingin sa akin. Ngumiti ako pero may halong pait at lungkot, but I am making it sure na hindi niya ito mahahalata."May condo ka rin naman sa Manila. Tsaka bibili pa ba tayo eh maayos na maayos naman dito sa ancestral house mo." Turan ko na marahan lang niyang ikinatango.Pero sa kaloob-looban ko naman ay sobrang lungkot ko. Paano nga ba kami magkakaroon ng sariling pamamahay eh never niya naman akong itinuring na asawa. Isa lang naman akong desperadang malandi sa paningin niya.Pansin ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata ni Zander
WARNING: SEXUAL AND EXPLICIT CONTENT AHEAD. NOT INTENDED FOR YOUNG AND SENSITIVE READERS!Nagising ako kinaumagahan nang maramdaman ang pinong mga halik sa kabuuan ng aking mukha."Goodmorning love." Bumungad agad sa akin ang malambing boses ng lalaking mahal na mahal ko. Nakayakap pa rin siya ng mahigpit sa akin kagaya kagabi na parang hindi man lang nangalay."Goodmorning too la---love." Nauutal na sagot ko dahil nakakaramdam pa rin ako ng hiya na tawagin siya ng ganoon. Ewan, yung sa ospital na tinawag ko siyang mahal ay hindi naman awkward pero itong 'love' na gusto niya ay nakakakilig man pero parang nakakahiya bigkasin.He kissed my cheeks kaya mas lalong naglupasay sa kilig ang puso ko."Ehhhy wala pa 'kong hilamos." Pagmamaktol ko. Nakakapanibago lang kasi. Pakiramdam ko ang pangit ko kapag ganitong bagong gising."You're still beautiful and gorgeous kahit bagong gising pa." Puri niya na mukhang seryoso kaya jusko para na talaga akong aatakihin sa puso."Tama na nga, baka tamar
After what happened, my days became more special.Walang araw na hindi namin pinagsasaluhan ni Zander ang init ng aming mga katawan. Pero syempre, kontrolado niya ang sariling huwag maiputok sa loob dahil hangga't hindi pa siya tuluyang magaling at bumalik ang ala-ala ay hindi ako pwedeng magbuntis.At pabor din naman ako sa nais niya. Atleast kapag nakaalala na siya at itutuloy niya pa rin ang hiwalayan, walang batang maaapektuhan. De baleng ako lang mag-isa ang malulugmok at masasaktan.Aware na rin si Manang Celia na magkasama at magkatabi na kaming natutulog sa iisang kwarto. Natuwa pa nga siya dahil baka maging daan na raw ito para tuluyan kaming maging maayos kung sakali mang makaalala na nga si Zander.Pero ako, alin man sa dalawa ang maging resulta, ang gusto ko lang ay lubos-lubusin ko na ang pagkakataong ito na makasama siya at maiparamdam ang pagmamahal ko. Come what may. Mangyayari ang nakatadhanang mangyari. Ang mahalaga sa akin ay ang ngayon so I will treasure this moment
At gaya ng nais ko ay nakarating kami ng Manila ni Zander na ako ang nagmaneho."Ang cool mo love. Di ka lang pala sa kama magaling magdrive." Panunudyo niya nang makarating kami sa sinabing restaurant ni Attorney Mariano. Paano ba naman, kapag walang traffic ay talagang binibilisan ko ang takbo para makahabol sa oras. Namiss ko rin kasi magmaneho dahil wala naman akong sasakyan rito.Di pa kami tuluyang nakakababa kaya natatawang kinusot ko ng marahan ang tagiliran niya."Loko ka! Ang harot mo. Lagot ka sa 'kin mamaya." Patol ko sa biro niya sabay kagat ng ibabang labi ko para akitin siya.Kaya bago ko pa man nabuksan ang pintuan para bumaba ay mabilisan niyang nahawakan ang magkabilang pisngi ko at siniil agad ako ng halik sa mga labi. Madaliang halik lang ito ngunit mapusok."Paisa na muna!" Nakangising sambit niya bago ako tuluyang binitawan.Natatawa at kilig na kilig akong bumaba ng sasakyan. Magkaholding hands pa kaming pumasok ng restaurant kaya yung puso ko'y mas lalong tumat
Zander froze in a moment. Mababakas ang labis na gulat sa mukha niya kaya hindi siya agad nakagalaw.At bago pa man siya makapagsalita ay buong lakas kong hinablot ang braso ng babaeng haliparot kaya napalayo ito sa kanya."How dare you! Ang kapal ng pagmumukha mong yakapin ang asawa ko." Nagpupuyos ako sa galit at walang pasabing sinampal ang pagmumukha nito ng malakas.Nanlilisik ang mga mata nitong bumaling sa akin at mabilis akong nilusob kaya di ako nakailag nang hawakan nito ang buhok ko."Ikaw ang makapal! Ipinagsisiksikan mo pa ang sarili mo sa lalaking hindi ka naman mahal!" Bulyaw nito sa akin kaya mas lalong kumulo ang dugo ko.The nerve of this bitch!Di ako nagpatalo at hinila rin ng malakas ang buhok niya kaya nagsabunutan kami."Fuck you!" Sigaw ko pa at nagwawala na sa labis na galit."Shit! Shit! Love.... Stop it! Hey!" Awat sa akin ni Zander sa naguguluhang boses. Ngunit walang gustong bumitaw sa amin ng haliparot.Maya-maya pa'y naramdaman ko nalang na may malakas n