Upang mas makasiguro pa ay sinamahan ako ni Lory sa isang pinakamalapit na Ob-Gyn Clinic. Nagsagawa pa ng transvaginal ultrasound kaya kitang- kita sa resulta na may maliit na buhay na nga na nabuo sa aking sinapupunan. Niresetahan na rin ako ng doktora ng Vitamins at pinayuhan ng mga kailangang gawin at dapat kainin para healthy ang aking pagbubuntis.Nang matapos ay agaran na rin kaming umuwi sa apartment ni Lory. I was teary while holding the result. Sobrang saya ko lang na di ko maipaliwanag.This is all for real. At kung sakali mang hindi maniwala sa akin si Zander ay may pruweba akong maipapakita sa kanya.Kaya naman nang dumating ang dapit hapon ay wala na akong sinayang pa na oras. Agad ko ring binalak na magtungo sa condo ni Zander sa kagustuhang masabi na sa kanya ito. I am really hoping na baka pag nalaman niyang ipinagbubuntis ko ang anak niya ay magbago ang pakikutungo niya sa 'kin. Baka sakaling bumait siya kagaya noong una kaming nagkakilala."Magpahinga ka kaya muna b
Hinang-hina ako ng magising. Marahan akong nagmulat ng mga mata. Unang bumungad sa akin ang aparatu na nakakabit sa aking kamay kaya alam ko na agad na nasa ospital ako."Sino naman kayang nagdala sa akin dito?" Takang tanong ko sa sarili nang makitang wala akong ibang kasama rito sa loob.Ngunit agad ding nasagot ang katanungan ko nang pumasok si Lory na may kasamang doktor. Mukha silang matamlay pero pinanatili ang kasiglahan habang nasa harapan ko."Mabuti't gising ka na bff. Labis ang pag-aalala ko sayo noong may tumawag sa akin." Bungad niya kaya di na ako nagtaka dahil numero lang niya ang kauna-unahang makikita sa contacts ko."Isang waiter daw ng bar ang nagdala sayo rito dahil nakita kang nawalan ng malay sa tabi ng kalsada kalapit ng isang bar. Anong nangyari? Dapat talaga sinamahan na kita." Malungkot at may pait sa tono ng pananalita niya.At nang parang kidlat na pumasok sa isipan ko ang nangyari bago ako nawalan ng malay ay mabilis akong napaawang at napahagulhol ng iyak.
( Zander's POV)"Just give me three months. And I will give you what you wanted for a long time. Tatlong buwan lang Zander. At mangangako akong ibibigay ang kalayaan na gusto mo at di na kita muling guguluhin pa."That's her exact message from my email weeks ago. Sarkastiko akong napailing habang muling binabasa ang mensahe niyang ito. Nagbukas kasi ako ng email from an investor and suddenly, di sinasadyang dumako ang mga mata ko sa mensaheng pinadala niya.Seriously, three months is quite long. Pero kung di naman niya ako guguluhin ay sige, pagbibigyan ko nalang ang kaartehan ng babaeng yun.It's good that I haven't seen her for weeks. Natauhan na siguro sa palaging pagtataboy ko. Good for her! Well, it's good for the both of us actually. I found her so annoying and toxic. And I am hoping na sana ituloy niya na ang di pagpapakita hanggang sa matapos ang tatlong buwan at tuluyan na akong maging malaya.Gusto ko talagang umiwas sa kanya hindi lang dahil galit ako sa kanya kundi dahil
( Amari's POV )"Kumusta ka diyan bff? Gumaan na ba ang pakiramdam mo?" Concern na tanong ni Lory sa kabilang linya. "Yeah, medyo maayos na." Simpleng sagot ko lang habang nakatanaw ang mga mata sa malawak ng karagatan. Kulay asul ito at nakakabighani sa mga mata."Salamat naman. Pag day off ko, pupuntahan kita diyan. Ingat ka bff. Miss na kita." Tugon ni Lory bago ito nawala sa linya.Marahan kong binaba ang hawak na cellphone habang di inaalis ang mga mata sa magandang tanawin.Ilang araw na akong nandito sa isang resort sa Subic, isang magandang resort na nahanap ko via online kaya naisip kong magpareserve agad ng isang kwarto para magbakasyon at mapagaan ang mabigat kong damdamin dahil sa mga nangyari.At di nga ako nagkamali sa pagparito coz the waves and views helped me a lot. Malaking tulong ito sa pagpapagaan ng durog kong puso.Napag-isip isip ko rin ako kung ano na ang gagawin ko sa buhay kapag tuluyan na kaming hiwalay ni Zander. Maghahanap nalang siguro ako ng trabaho bag
"Please please hurry! Make it faster!"Di magkandaugagang utos ko kay Aslan na siyang mismong nagmamaneho sa sasakyan niya para ihatid ako pabalik ng Maynila. Dumadagundong na ang puso ko sa sobrang kaba. Kung pwede nga lang umarkila ng pakpak ay baka ginawa ko na sa kagustuhang makarating kaagad."Calm down at baka tayo naman ang madisgrasya." Pagpapakalma nito sa 'kin dahil kanina pa ako hindi mapakali. Natahimik ako ngunit rinig na rinig ko ang pagwawala ng puso ko dahil sa magkahalong nerbyos at pag-aalala.Ang kagustuhan kong magbakasyon para makalimot ay nawala lahat sa isipan ko dahil lang sa tawag na iyon ni Manang Celia. Kahit maghihiwalay na kami ni Zander ay di ko napigilang mag-alala sa kanya lalo pa't ayon sa balita ni Manang ay nasa kritikal na kondisyon siya. Malala ang lagay.After all, despite ng mga pinaramdam niyang sakit sa akin emosyonal man o pisikal, I still love him. Mahal na mahal ko pa rin siya at kailanman ay di ko ninais o hiniling na may masamang mangyari
"Di ka na umuuwi sa apartment. Dito ka na ba titira?" May lamang biro ni Lory nang bisitahin ako nito sa ospital.Marahan ko lang na tinanguan si Lory bilang sagot. Naging bahay ko na nga itong ospital sa loob ng isang buwan. Madalas naman pumupunta si Manang Celia rito pero ayaw kong umalis sa tabi ng asawa ko. Isa pa kinailangan din ni Manang na umuwi ng Bulacan dahil walang ibang tatao roon.Isang buwan na magmula ng maaksidente si Zander. At hanggang ngayon hindi pa rin siya nagigising. Pero kailanman ay di ako nawawalan ng pag-asa na sana isang araw, magkakamalay rin siya.Kasalukuyan ko siyang pinupunasan ngayon para mabihisan. Ang dapat sana'y gawain ng nurse ay ako na rin ang kusang gumagawa, tinutupad ko lang ang pangako na aalagaan siya."Haixt wala na akong masabi. Basta kapag napagod ka at kailangan mo ng pahinga ay umuwi ka lang sa apartment." Concern na sambit ni Lory kaya nilingon ko siya at marahang nginitian."Salamat." Tanging naging sagot ko lang.Saglit pa kaming n
"Damn, I can't even remember you." Mapait at dismayadong napailing si Zander nang tuluyan akong makalapit sa kanya.Pilit kong pinapatatag ang sarili kahit ang totoo'y nauubusan ako ng lakas sa titig niya."You don't need to force yourself to remember everything. Kusa yang babalik. Just calm down and relax." Pag-aalo ko sa kanya sa pinakamahinahong boses. Marahan ko pa siyang inalalayan para muling mahiga.Di nawawala ang maraming katanungan sa mga mata niya ngunit hinayaan niya naman akong alalayan siya."Tell me what happened. Why I am here? Bakit wala akong matandaan ultimo pangalan ko? Fuck!" He cursed at nakuyom pa nito ang kamao.Napalunok ako. I gently caressed his cleched fist kaya medyo kumalma siya."Naaksidente ka, car accident, malala. Dahilan kaya nawalan ka ng ala-ala." Simple ngunit matapat na sagot ko.Rinig ko ang malalim niyang buntong-hininga. Ramdam kong nahihirapan siyang unawain ang sitwasyon niya."Damn. It's hard. Fuck." He cursed once again bago ipinikit ang
"This house seems familiar to me. Where are we?" Ani Zander habang inililibot ang mga mata sa kabuuan ng ancestral house niya. Nakarating na kami ng Bulacan ngayon."Aba'y talagang pamilyar sayo Señorito dahil dito ka lumaki. Pamana ito sayo ng mga butihin mong abuela't abuelo." Simpleng paliwanag ni Manang habang inaayos ang mga dalang gamit."I see. Dito ba tayo nakatira? Wala ba tayong nabili na sariling bahay natin?" Dagdag na tanong pa niya habang nakatingin sa akin. Ngumiti ako pero may halong pait at lungkot, but I am making it sure na hindi niya ito mahahalata."May condo ka rin naman sa Manila. Tsaka bibili pa ba tayo eh maayos na maayos naman dito sa ancestral house mo." Turan ko na marahan lang niyang ikinatango.Pero sa kaloob-looban ko naman ay sobrang lungkot ko. Paano nga ba kami magkakaroon ng sariling pamamahay eh never niya naman akong itinuring na asawa. Isa lang naman akong desperadang malandi sa paningin niya.Pansin ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata ni Zander