Nagising na lang ako dahil sa kinulubit at niyuyog ni Nica ang balikat ko. Sa sobrang dami na kailangan tapusin ay hindi ko namalayan na nakatulog ako sa lamesa. Nag-inat muna ako bago tumuwid ng upo. Tiningnan ko ang aking relo sa may pulsuhan para malaman ang oras.
Bumuga ako nang malalim na hininga nang matuklasan ang oras. “Salamat sa Diyos, sapagkat alas-singko pa lamang. Buong akala koʼy alas-saia na.”
Napahalakhak naman ito, saka
aking nilibot ang aking mga paningin sa mga katabi kong desk na walang laman ng mga sangkatauhan. Natuklasan ko na kami na lamang dalawa ni Nica ang narito sa loob ng opisina. Sa gulat, kaagad akong napatayo.
“Napasarap yata ang tulog mo, mahal na reyna,” pang-aasar niya sa akin. “Ilang minuto na lamang ay papatak na sa alas-siyente ang orasan. Kaya kung ako sa 'yo, magdahan-dahan ka nang maimpake, sapagkat baka maabutan tayo nang nakakatakot na
Aking pinunasan ang kaniyang lamesa, na kung saan naroon ang ilang katamtamang sukat ng mga figurines. Nagtungo rin ako sa mga istante na punong-puno ng mga mamahaling figurines at medalya upang punasan ang mga iyon nang pagmamahal.Siniguro ko rin na maayos ang pagkakalagay ng kaniyang mga papeles sa lamesa nang pagkasunod-sunod upang hindi na ito mahirapan sa paghahanap ng talaksan.Sa bandang dulo, natanaw ko ang isang kulay asul na istante na naglalaman ng ibaʼt ibang litrato niya sa ibaʼt ibang bansa upang makipagkalakalan. Ang iba sa mga larawan dito ay kasama si Crystal na masayang-masaya na tinitigan ang kalangitan, ang seasons ng winter, spring, at autumn, at ang ibaʼt ibang lugar na kanilang pinuntahan. Dinampot ko naman ang isang hugis bilog na picture frame na kung saan kasama niya si Crystal sa Paris. Hindi ko nakikita ang tunay niyang ngiti.All I can see in his eyes and face were coldness
Akmang yayakapin na sana ako ni Clifford na nakapikit pa ang mga mata nang kaagad ko itong iniwasan at nagtungo sa ekstritoryo ni Raze, sabay inilapag ang mga ipinapabigay ni Ms. Millano.“Oh my gosh, Clifford! She didnʼt want your stupid hug!” pang-aasar ni Crystal sa kaniya kung kayaʼt narinig ko ang pagtamlay ng boses ni Clifford.“Mr. Villaruel, narito na po ang mga ipinasikaso ninyo kay Ms. Millano.” Inilapag ko ang unang polder sa kaniyang mesa. “Ang pangalawang polder na ito ay naglalaman ng mga investments ninyo sa ibang panig ng kompanya kaya kinakailangan niyo pong lagdaan upang maipasa na sa nakatataas.” Inilapag ko ang huling dokumento kaya binuklat niya ang ito.“Ballpen,” utos niya rito kaya napabaling ang aking atensiyon sa bandang dulo ng kaniyang mesa, na kung saan naroon ang ibaʼt ibang klase ng ballpen.Nang ak
Matatanaw ko na rin muli ang taong matagal nang nawalay sa buhay ko. Halo-halong emosyon ang nangingibabaw sa akin ngayon, sapagkat, hindi ko pa rin inaakala na ngayong gabi, makikita ko ang imahe niya. Taimtim akong nanalangin sa Diyos na sana naging maginhawa ang kaniyang buhay rito sa loob kahit limang taon na ang nakalilipas noʼng dinampot o hinabol siya ng mga pulisiya o ordenansa.Napabuntonghininga akong napaharap sa aking kasama. “Naniel, pansensiya na kung nababagot ka na rito,” paumanhin ko sa kaniya.“Mommy, ayos lamang po kahit ilang minuto tayo maghintay rito. Naiintindihan ko naman ang kalagayan ng bilangguan na ito dahil itoʼy katamtamang lawak lamang kung kayaʼt abalang-abala ang mga pulis dito sa pag-aasikaso ng mga bisita sa mga nakulong,” pagpapaliwanag na komento ni Naniel, saka binigyan ako ng yakap.Binigyan ko na lamang siya ng ngiti bilang tugon. Sa tuwing kaara
Sa kasusulyap sa basa at nangangamoy na gitara na dala-dala ni Clifford kanina sa paghaharana, hindi ko namalayan na ang mga inilapag kong mga damit mula sa aking gabinete ay nalaglag sa sahig na makatutulong sana kina Raze at Clifford. Kaya itinupi ko ito, saka ibinalik sa loob ng aparador para balikan ang kalagayan ng gitara.Dinampot ko naman ang basahan na nilabhan at ibinabad ko sa araw upang maging presentable o dalisay sa susunod na paggamit, sapagkat hangarin kong puksain ang amoy. Walang pag-aalinlangan ko itong sinumulan sa kapupunas habang nasa banyo ang dalawa upang ibabad ang sarili sa tubig.Nagsitaasan ang aking mga balahibo nang aking mahawakan ito. “Sana hindi ko na lamang ito muling nakita, sapagkat, tinitiyak kong dadalhin muli ako ng aking nakaraan na kasama siya.” Sinaklaw ko ang kabuuan ng gitara, saka panandalian ipinikit ang aking mata habang marubdob kong ipinahinga ang aking sarili sa kama.&n
“Si Raze ang aking napili,” pang-uulit kong pagpili sa kaniya, saka napaduro.“Ano?! Ayaw mo sa akin?! Bakit siya?!” kontra nito, saka inis na inis na napabaling kay Raze, ngunit, napakibit-balikat na lamang si Raze bilang tugon kay Clifford.“Si Raze na lamang ang aking pipiliin dahil hindi kasi siya sanay sa lamig. Nangangamba lamang ako dahil sa temperatura ngayon, mas lalamig pa ang sahig,” pagpapaliwanag ko sa kanila pareho.Madali lamang talaga siyang lamigin simula noʼng musmos pa. Sa tuwing nauulanan ito, parati siyang nagkakaroon ng lagnat kayaʼt noʼng inaya ko siya maligo sa ulan, nakaramdam ako nang pagsisisi.Napabuntonghininga ito. “Fine, if thatʼs the case!” komento niya.Hihiga na sana ako sa kama, ngunit, pinigilan na lamang ako ni Clifford sa pamamagitan nang paghablot ng aking kumot at unan.
Unti-unti kong naririnig ang pagtugtog ng mga gulong ng tambol sa kapaligiran na nagpapakabog ng aking puso nang pagkahibang. Dahil sa aking pagkailang at pagkautal, kaagad na nadama nito ni Clifford kayaʼt siniguro niya na iwasan ang katanungan ni Raze.“Ano ka ba naman, Zyckiel!” pekeng halakhak niya. “Past is past!” Tinapik-tapik niya nang paulit-ulit ang balikat ni Raze. “Ako na lamang magtatanong.” Humarap si Clifford sa akin. “What is the biggest regret you did in your life?” pag-iiba niya ng katanungan.Nakahinga na lamang ako nang maimis dahil sa pagsalba sa akin ni Clifford. “The biggest regret Iʼve done in my life is deciding on my own without asking any opinion of others,” tanging sagot ko sa kaniya nang malumbay.Pumalakpak naman ito. “Nice, crush! Mukhang natuturuan ka nang magsalita ng Ingles sa loob ng edipisyo ni Mr. Villa
ZYCKIEL RAZEʼS POVKusa na lamang nagtagpo ang labi ni Xyrah sa aking pisngi. “Oh my gosh! How sweet!” pagtitili ni Clifford sa amin.Akmang aalis na sana siya, ngunit, hinawakan ko ang kaniyang braso, saka pinihit iyon paharap sa akin. Sa malakas na puwersa sa aking pagkakahablot, pareho na lamang kaming nagulat nang maglandas ang dalawang labi namin sa isaʼt isa. Sa malinamnam namin paghahalikan ay hindi ko na pala namamalayan ang kakaibang kinikilos ko. Akoʼy napahawak sa kaniyang leeg at pinagsisiksikan ang aking labi sa kaniya.It was a very passionate kiss that comes to the point my heart melts. Itʼs sort of magic that gives sparkle on my lips.“Hoy, Zyckiel!”Time stops while were kissing. I donʼt care how will Clifford react on what he is seeing. All I matter is the moment Iʼm kissing with Xyrah.&
“Naku, apo! Hindi iyon masyadong importante,” pangungutal nito. “Ano pala ang sabi ng doktor sa `yo?” pag-iiba ng paksa ni lola.“Ang tanging paliwanag sa akin ng doktor ay may mental disorder raw si nanay. Minana niya po ba iyon sa inyo?” pag-aalinlangan kong sagot at katanungan sa kaniya.Napabagsak na lamang si lola sa upuan nang dahan-dahan, saka tumingin sa akin nang direkta. “Naaalala mo pa ba noʼng hayskul ka pa lamang? Hindi baʼt iniwan kita? Hindi lang naman iyon dahil sa matinding pag-aaway namin ng nanay mo, e,” paliwanag niya.Tinabihan ko naman siya. “Kung hindi lamang iyon, ano pa po ang ibang dahilan nang pag-iiwan niyo sa akin na may kaugnayan sa sakit ngayon ni nanay?” Kinuha niya ang dalawang palad ko.“Kinakailangan kong umalis para ipagamot ang sakit ko,” pangangatuwiran niya. “Na
Inilayo niya ang kaniyang mga mata sa akin. “Hindi na iyon importante. Wala naman magbabago kung sabihin ko sa iyo ang totoo, e,” tugon niya.“Bakit ba parati mong pinipili na gawing lihim ang lahat?!” sambit ko. “Why you are being selfish to me, Xyrah?! Bakit ginagawa mong komplikado ang lahat?!” dagdag ko.“Kasi . . . Raze, hindi mo kasi ako naiintindihan, e! Kailanma’y hindi ako naging selfish sa iyo!? I will never do that because I . . . you’re my everything!”Sa sentro ng aming masalimuot na diskusyon, hindi ko nasupil ang aking emosyon kaya kahit labag sa kalooban ko ay ipinaramdam ko sa kaniya ang init ng ulo ko sa pamamagitan ng paghawak ko sa kaniyang magkabilang balikat nang mahigpit. “Ipaintindi mo nga sa akin para hindi na tayo parehong nahihirapan! Napakahirap ba ‘yon?! Xyrah, huwag kang magtaingang kawali at maglubid ng buhangin sa lahat-lahat ng mga sinasabi at tinatanong ko sa iyo!” Sa kabila ng kaniyang pagdurusa, kahit ang kirot ay ramdam na niya, siya’y nanatiling t
CHAPTER 28:ZYCKIEL RAZE’S POVSa yugtong papalubog na ang araw na sinabayan pa ng mga kahindik-hindik na kaganapan katulad nang aming nasumpungan ang sunod-sunod na pagdagundong sa kulay-abo na kaulapan ay nagsipadatingan na ang aking mga empleyado sa itinakda kong oras. Subalit, nilalampaso at hinahampas ng pagkasindak ang puso ko kagaya ng pagtunog ng gandingan nang hindi pa nahahagip ng aking paningin si Xyrah.“Hoy, Ashley!” Napatuon na lamang ang aking atensiyon sa boses ni Miss Magalona na naglalabas ng bagyo sa dibdib kay Miss Nedrida. “Ikaw na babaeng balat-kalabaw, dalawa ang bibig, at halang ang bituka, nasaan na ang matalik kong kaibigan?!” Sampal na walang kapatawaran at paalam ang sumalubong kay Miss Nedrida mula sa palad ni Miss Magalona nang natuklasang siya lamang ang kahuli-hulihang lumabas sa kagubatan. “Kasiya-siya ba ang aking sampal na humihipo, Ashley?! Bakit mo iniwan sa kawalan si Niah?! Kahit kalian samaing palad ka talaga!”Pumagitna ako sa kanilang dalawa u
CHENANIAH XYRAH’S POV“Great! So, siya pala ang lalaking ipinagpalit mo sa akin?! Ang lalaking mas mayaman kaysa sa akin!” Nagbabadya ng digmaan itong si Raze sa akin nang napahigpit ang kaniyang paghawak ng tinidor. “Nasaan na ang lalaki?”“Iniwan na ako,” tanging sambit ko, saka hindi makatingin sa nagliliyab niyang mata.“Tsk, ‘yon na ang naging karma mo! Pagkatapos mo akong pakinabangan ay maghahanap ka ng ibang lalaki! I guess my mom is right after all!” Tumayo ito sa kaniyang kinauupuan, saka pinagmasdan ako with a repulsive stare. “From what I know before, hindi ka ga’nong klaseng babae, pero ngayon, natuklasan ko na ang tunay na kasagutan sa mga katanungang napakatagal nang bumabagabag sa akin. “I’m wondering now if you still a virgin. I guess you had multiple sex already with different men. Am I right?” Labis siyang nasusuka sa akin habang tinitingnan.“Zyckiel, that’s enough! You are now crossing the line!” Kidlat sa bilis na lumapit si Crystal upang pigilan si Raze.Tinabig
CHENANIAH XYRAH’S POVNang matanaw ko ang imahen ni Jamine sa aming pagbaba ng sasakyan ay nangalay ang aking puso, sapagkat bakas sa kanilang mukha ang tuwa’t saya sa isa’t isa. Sinalubong niya si Raze ng isang yakap na hinding-hindi niya matatanggihan dahil sa kariktan ni Jamine, ngunit wala naman itong kagandahang-loob sa mga taong nakararanas ng buhay sa kamao kagaya ko. Pilit akong nagmamaskara ng ngiti habang unti-unting naglalakad patungo sa kanilang direksiyon upang iabot kay Raze ang kaniyang briefcase.“What are you doing here, Jamine? How did you figure out I was here?” Kumawala naman siya sa kanilang pagyayakapan. “I-I- I was caught off guard by your presence here,” Raze’s eyes popped out in amazement.“Well, Crystal texted me that you’re going out together.” Nagningning ang kaniyang mga mata nang magtagpo ang kanilang mga mata. “And, she even invited me here just in case you need my help.” Hinawakan ni Jamine ang dalawang palad ni Raze, saka muling pinagmasdan ang mga mat
CHENANIAH XYRAH’S POVHindi na maibilang ang mga insidente na naganap simula’t muntikan na akong magahasa ni Mr. Tzu sa kanilang mansyon. Bagama’t nais kong puksain sa aking isipan ang nakakapangilabot, ngunit nakapagbigay sa akin ng romantikong damdamin nang ako’y ipinagtanggol ni Raze, ay hindi ko pa rin kayang humarap sa kaniya kahit isang linggo na ang nakaraan. Sa pangalawang pagkakataon, muli niya akong pinagbuksan ng pinto sa kaniyang kompanya nang pinunit niya sa aking harapan ang isinulat kong liham ng pagbibitiw. Hindi ko maipaliwanag at maunawaan ang aking sarili kung bakit naglaan pa ako ng oras para magbigay sa kaniya ng sulat ng pagbibitiw kahit alam kong sinibak niya na ako sa trabaho. Sa aking inaasahang pangyayari, nang unang pumasok ako sa aming departamento, lahat ng mga empleyado ay nakatingin sa aking direksiyon na may iba’t ibang reaksiyon at pananaw sa kanilang isipan. Sila’y napuno ng berde sa inggit at nabigla sa di-inaasahang pagbabalik ko. Ang ilan sa kanila
CHENANIAH XYRAH'S POV Sariwang-sariwa pa rin sa aking isipan ang mga kaganapan nang lumitaw na ang katotohanan. Dugoʼt pawis akong nagbatak ng buto sa kompanya ni Raze, pero akoʼy nagkasala nang nakasanayan kong maglubid ng buhangin sa taong pinakamamahal ko. Nais kong iguhit sa tubig ang mga araw na iyon, sapagkat isang linggo na ang nakalilipas, ngunit, patuloy pa rin itong dumadalaw sa aking panaginip upang magbigay ng mensahe na akoʼy makakabalik sa takdang araw na itatakda ng kapalaran sa akin. Parami nang parami ang mga mamamayang Pilipino na patuloy pa rin nagbibilang ng poste, at isa ako roon. Bagamaʼt ako ay lantang gulay na sa kahahanap ng trabaho, hindi pa rin ako humihinto para lamang makapagbigay ng salapi sa aking pamilya. Sa kadahilanan nang aking paghihimutok, hindi ko namalayang nasa harapan na pala ako ng aming tirahan. Umuwi akong mag-isa dahil may mahalagang pupuntahan si lelang, ngunit, aking ipinagtataka ang kaniyang ikinikilos noʼng humiwalay na ito s
ZYCKIEL RAZEʼS POVSa mga nagkukumpulang dokumento sa ibabaw ng pupitre sa loob ng pribadong silid ng aking tahanan, ang aking mga tropeo at medalya na kristal, at mga litrato sa ibabaw ng gabinete, ay nakapangingilabot ko itong winasak, sapagkat, sinusubukan kong manumpa muli sa aking sarili na kailanmaʼy walang magpapabago sa aking personalidad, na mananatiling bato ang aking puso sa mga insidenteng kasangkot si Xyrah. Ngunit, ang guhit ng aking palad ay tilaʼy dumidistansiya sa orihinal kong obra maestra, na kung saan itoʼy naglalaman at sumisimbolo sa dahas nang pagkirot ng aking nakaraan nang aking makapiling si Xyrah noong kapanahunan. Ang pagkabog ng aking dibdib, ang pagbulong ng hangin sa aking tenga na tilaʼy may nais iparating na mensahe, ay ang siyang tumutulak sa akin upang palitan ang aking obra maestra sa panibagong ekspedisyon ng aking buhay kasama siyang muli."Hey, I heard noises from this private room! What the hell!" Nanindig ang kaniyang balahibo nang matanaw ang
CHENANIAH XYRAHʼS POVKatatapos lamang namin lumikha ng proyekto ni Raze sa kanilang mansyon nang kumagat na ang dilim kung kayaʼt napagdesisyunan niyang magkaroon ng bangkete kasama ang mga kusinero, hardinero, badigard, at mutsatsa. Akoʼy humanga sa kaniya, saka sinusubukang pigilin ang aking paghalhal, sapagkat batid ko na siyaʼy nangangatuwiran lamang upang manatili pa ako ng ilang oras sa kanila at sumalo sa piging. Sa katunayan, masama ang kaniyang loob sa akin, sapagkat hindi ako makatutulong sa kaniya sa kusina upang maghurno ng keyk na may ibaʼt ibang linamnam o klase kagaya na lamang ng Dark Chocolate Raspberry, Italian Creme, Neapolitan, Lemon Poppy, at Peanut Butter Chocolate, sa kadahilanang mabigat ang aking kamay. Kailanmaʼy hindi sumagi sa aking isipan na ang mga nilalang na nakahiga sa salapi at di madapuang langaw ay asal hayop na pinagtatabuyan ang mga anak-dalita. Bukal sa loob ng aking nobyo ang pagtulong sa mga butas ang bulsa at mga batang lansangan na butoʼt-b
Nang halos kinakapos na kami ng hangin ay pansamantala niyang hininto ang aming paghahalikan upang bumulong, “Sa tingin mo baʼy mapapatawad pa kita nang dahil sa iyong halik, Xyrah?” Hindi ko lamang binigyang pansin ang kaniyang katanungan, sapagkat akoʼy uhaw na uhaw pa rin sa kaniyang labi. Ilang taon ko rin siyang hindi natanaw, nahawakan, at nalapitan kung kayaʼt wala na akong maisip na rason o paliwanag kung bakit hindi ko kayang bitiwan si Raze. Ipinagpatuloy ko lamang ang aking paghalik sa kaniya kahit hindi niya kayang tumugon, ngunit, hindi ko mawari kung ano ang sumanib sa akin, sapagkat binigyan ko siya nang pahintulot upang halikan ang aking leeg. “Xyrah . . . ” Pilit na itong dumistansiya sa akin. “Hey, I do not want to take advantage on you . . . ” Naipikit ko na lamang ang aking mata sa kadahilaan siyaʼy ang unang umiwas sa akin. “Let us stop here!” Napabuntong-hininga ito, saka inilayo ang sarili sa akin. Nang iminulat ko ang aking mga mata, ang akala koʼy nanaginip l