Home / Romance / Love, Halo / Chapter 6: Surprise Visit

Share

Chapter 6: Surprise Visit

last update Last Updated: 2023-03-29 21:24:00

THIRD PERSON'S POV

Mahigit isang linggo na ang lumipas at balik na sa kanya-kanyang buhay sila Jupiter at si Halo. At talaga namang hindi mapagkakailang namiss siya ng kanyang mga staff lalo na ang makulit niyang nakababatang kapatid na si Vienna. Hindi sila blood related subalit magmula kasi noong araw ng imterview nito'y gustung-gusto na niya itong yakapin. Hindi niya lamang ginawa sa kadahilanang baka magulat ito at mawirduhan sa kanya. Kaya naman kahit sabik ito'y pinanatili nito ang poker face nitong mukha.

Kapapasok pa lang ni Halo sa entrance ng pinapasukang eskwelahan ay narinig na agad nito ang puno ng galak na sigaw nito sa buo niyang pangalan na talaga namang nakapag-pailing sa kanya.

"Halo Selene Cianne Erl Mari Tengco Cajigal!!!" Tawag ng isang first year sa kanya na sa pagkakahula niya'y kilala na niya kung sino

Humahangos na lumapit si Vienna galing sa kung saan at sinalubong nito si Halo ng isang yakap. Muntikan pa silang mabuwal sa lobby. Nagtitiginan ang mga estudyante sa gawi nila. Bakas sa mga mata ng mga ito ang gulat, kaba at takot? Tinapik naman nito ang likuran niyon.

"Geez kiddo, you shouldn't call me by my whole name! It's kinda disturbing." Sambit nito rito habang nangingiting hinarap ito

"Namiss kaya kita, churii na agad!" Pahayag nito na may kasamang ngiti

Kasama nito ang kakambal niyang si Molly. Hindi sila blood related pero turingan nila magkapatid. Madalas kasi silang napagkakamalang magkamukha pero sobrang magkaibang-magkaiba ang ugali nila. Bakas ang kasiyahan sa mukha ng batang staff ni Halo. Naglakad naman ang mga ito patungong opisina.

Rinig na rinig ang pagtama ng hindi kataasang takong sa sahig ng lobby. Na siya namang nakakapagpalingon sa mga estudyante at mga gurong naroon. Nagsusumigaw ng labis na kapangyarihan. Tunog na tunog ang pagtama ng sapatos nito sa bawat madaraanan nito't nag-iiwan ng bakas na siya namang nakakapagpatulala sa karamihan. Hanggng sa makapasok sila sa opisina'y rinig pa rin ang tunog ng kanyang takong na tumatama sa sahig.

Ang ilang miyembro ng SSC na kasama nila sa opisina'y napatingin rin nang siya'y pumasok na. Maging ang iilang staff ng Rhetocian ay talaga namang napatigalgal sa kanya at sinundan lamang siya ng tingin hanggang sa mailagay niya ang kanyang mga gamit sa maliit nitong opisina. Kapagkuwa'y inilabas nito ang ilang gamit at nag-umpisang magreview. Nalalapit na ang preliminary exam nila at talaga namang kailangan na nilang magsunog ng kilay para paghandaan ito. Ang opisina nila'y nahahati sa dalawang bahagi.

Bale naghahati sila ng Supreme Student Council ng school at ang Rhetocian. Under renovation kasi ang buong college buildings dahil nagpalit na ng college officials kaya naman lahat ay bago na. Kaya wala pa silang opisina sa ngayon. Isang linggo na rin mula ng matanggap ang bagong staff na si Vienna. Noong mga unang araw ay nagpupunta ito upang maglagi sa opisina. Ang buong akala ni Halo ay napakatahimik talaga nito subalit ilng araw lamang ay nakikipagsabayan na rin ito sa kulitan ng iba pa niyang staff na lagi ring laman ng kanyang opisina.

Natutuwa si Halo dahil may nakita siyang espesyal sa batang 'yon. Sa hinuha niya'y malayo ang mararating nito. Kung maaalis niya lang ang takot, pangamba at mapataas niya ang self-confidence nito'y nakikini-kinita na niya ang mararating nito. Subalit ang mga ito'y pinili na lamang niyang ilihim. Darating ang panahon na ang batang 'yon na aksidente lamang ang pagkakapunta niya sa pangangalaga ni Halo ay malalaman rin ang totoo.

Ang totoo na maaaring makapagpabago sa buhay nila ni Molly lalung-lalo na sa batang 'yon. Sinisiguro ni Halo na sa abot ng kanyang makakaya'y tutulungan niya itong buuin ang sarili nito. At iintayin niya ang araw na titingin ito sa kanyang mga mata at sasabihing "I GOT THIS" sabay ngiti. Ngiti nang isang matapang at determinadong tao na kayang paikutin ang takot sa mga kamay niya't gawin itong kanyang kakampi.

HALO'S POV

Mahigit isang linggo na matapos kong makalabas sa ospital at balik eskwela na rin at ang duty sa pagiging EIC ng Rhetocian. Nakakapagod pero wala akong magagawa dahil ako ang appointed EIC ng mga naunang higher years. Mahirap sa umpisa pero kinakaya ko. Dahil alam nilang kaya ko kahit na sa sarili ko'y hindi ko alam kung ano ang dapat na unang gawin. Subalit napag-aralan ko na ito noong nakaraang bakasyon.

Mabuti na lang talaga at nakalabas na ko sa ospital dahil mamamatay talaga ako sa pagkain nila. Walang lasa! Mabuti na lang talaga at inaya ako ni Jupitong magburger noong nakaraan. Taragis! Naalala ko yung ginawa ko! Nakakahiya shit! Ano bang pumasok sa kokote ko't hinalikan ko siya sa pisngi?

Napaka eww lang ng ginawa 'ko, a! Kadiri talaga! Kinikilabutan ako sa naisip ko, taragis! Napahilot na lang ako sa sentido ko at napasandal sa monoblock chair na kinauupuan ko. I was in the middle of sighing and resting for a bit when all of sudden there was a child keeps on eyeing me.

Walang iba kundi si Vienna. Ibinalik ko ang mga titig subalit umiwas ito. Kiming npangiti at napa-iling na lang ako sa pinakita ng batang 'yon. Lumipas pa ang ilang sandali'y tumayo ako at naglakad na papunta sa susunod kong klase. Habang ang ilang staff ay nanatili sa opisina.

Nang buksan ko ang pintuan ng susunod kong klase ay parang dinaanan ito ng anghel. Nanahimik ang kanina lang ay napaka ingay at gulong klase. Sa sobrang tahimik ay maririnig mo ang pagtama ng takong ng aking suot na sapatos sa sahig hababg ang lahat ng kanilang mga mata'y sinusundan ang bawat pagkilos ng aking mga paa papunta sa aking upuan. Nanatiling seryoso ang aking mukha at tuluy-tuloy lamang sa paglalakad at nang makarating ako sa'king upuan ay naupo ako roon. At inilabas ang notes ko at nagbasa.

Baka may biglaang quiz mahirap na. Ang mga professor pa naman ngayon, e bigla-bigla na lamang sinasapian ng kung anong espiritu at bigla na lamang magpapakuha ng papel! I was busy reading my notes when I felt a goosebumps in my nape. Suddenly a ball made out of paper flying towards my place and I immediately lean properly in my seat and act like nothing happened. Tumingin ako sa gawi ng pinanggalingan ng bolang papel na muntikang tumama sa'kin.

Natigilan ang taong gumawa noon at bahagya pa itong namutla. Nakataas ang kilay kong nakatingin sa gawi nito. Pinagdaop nito ang mga palad at nakayukong humingi ng pasensya. Hindi naman ako nagmaldita talagang nagtaka lang ako kung bakit may lumipad na papel s gawi ko kaya naman napatingin ako sa pinanggalingan noon. Seryoso kasi ang mukha ko kaya naman lagi na lamang napagkakamalan na masungit ako.

Well, pakialam ko ba kung paratangan nila akong masungit at m*****a? Totoo namang m*****a talaga ako at masungit. Bahala silang mamatay sa kakataas ng kilay kapag nakatalikod ako. Hindi nila alam mas mataas ang kilay ko kumpara sa kanila. Kung tatantyahin mo baka umabot pa ng Mt. Olympus ang taas ng kilay ko sa kanila.

Naputol lamang ang pagbabasa ko nang dumating ang isa naming professor. At nag-umpisa na ang klase.

JUPITER'S POV

Mahigit isang linggo na akong lutang. Hindi ko alam kung bakit. Biruin mo bang nagtimpla ako ng kape at imbes na kutsara ang ipanghalo ko ang ballpen kong nasa bulsa ng doctor's coat ko ang naipanghalo ko! At kaninang umaga lang ay hindi sinasadyang nahawakan ko yung napakainit na kawali kaya naman napaso ang kamay ko. Nakabenda pa rin ang kamay ko dahil hanggang ngayo'y paga pa rin ito dahil sa kagat ng amazonang babaeng 'yon!

Akala ko nga may rabies na 'ko, e. Handa na sana akong magturok ng anti-rabies sa sarili ko matapos niya akong kagatin nung nakaraan. Parang namimiss k- teka nga, ano ba itong pinagsasasabi ko? Hindi ko namimiss ang amazonang babaeng 'yon! Hindi talaga as in kahit maging tamaan pa ako ng patatas hindi ko siya mamimi- aray! Bakit tinamaan ako ng patatas?

Saan galing 'to? Nagpalinga-linga ako dahil paanong nagkaroon ng patatas rito, e ospital 'to hindi farm! Agad na napukaw ng aking pansin ang isang babaeng nangangain ng fries habang titig na titig sa'kin. Napakunot na lamang ang noo ko sa nakita ko. Napansin kong may katabi itong basket na may lamang patatas.

Lumapit naman ako roon at iniabot ang patatas na tumama sa ulo ko kani-kanina lang.

"Miss sa'yo ba ang patatas na 'to?" Tanong ko rito habang nakaumang sa harap nito ang nsabing patatas

"Bakit hawak mo ang patatas ko?!" Gulat na sambit nito bago hinablot ang patatas na nasa kamay ko

"Binato mo ba ako ng patatas, Miss?" Tanong ko pa rito habang tinititigan ko ito ng mariin

"Kapal naman ng mukha mo Mister whatever para pagbintangan mo akong binato kita ng patatas! May pruweba ka bang ako ang bumato?!" Inis na saad nito bago ako dinuro-duro

"Easy Miss, nagtatanong lang naman ako." Paliwanag ko rito bago itinaas ang dalawa kong kamay kapantay ng aking balikat

Bigla na lamang lumambot ang expresyon ng mukha nito at parang maamong bata na balik sa paglantak ng isang maliit na balde ng french fries na ibinaba nito sa kabilang banda. Napatunganga na lamang ako roon at nanlalaki ang mga matang nakaharap sa kanya.

"Mister whatever pakisara ng bibig at baka pasukan ng langaw 'yan." Lintanya nito bago muling kumuha ng fries at inilapat nito 'yon sa kanyang bibig

Hindi ko namalayang naglakad na pala ito palayo subalit bago ito tuluyang makalayo ay bigla itong pumihit paharap at nagsalita na talaga namang nakapagpagulat sa'kin at the same time nakapagpagulo.

"Puntahan mo na siya. Alam kong miss mo na rin siya. Dalahan mo ng paborito niyang bulaklak at ang paborito niyang burger, okay? By the way nice meeting you Jupiter. You can call me Valerie." Sambit pa nito bago nagpatuloy sa paglalakad at tuluyang nawala sa hinagap ng paningin ko

Napakamot na lang ako sa batok at tulirong naglakad papuntang opisina at nag-iisip kung anong dadalhin ko mamaya dahil balak ko siyang sunduin sa school na pinapasukan nito. Napangiti na lamang ako nang maimagine ko ang itsura nitong makikita ako sa harap ng pinapasukang eskewelahan habang hawak ang isang bouquet ng sunflowers at ilang take out ng whopper burger.

THIRD PERSON'S POV

Lumipas ang maghapon at ito nga at ang ilan ay nag-uuwian na. Puno ng mga estudyanteng naglalabasan at naglalakad ang eskwelahan kung saan nag-aaral sila Halo. Ang ilan ay may mga tangang banana que, turon, milktea, siomai, mangga, proven at kung anu-ano pang mga pagkaing pasok sa bulsa ng isang estudyante. Habang si Halo ay walang kaalam-alam na may naghihintay palang isang surpresa sa kanya mula sa labas. Dumaan muna ito sa opisina ng Rhetocian dahil may kinuha ito sa kanyang lamesa na importanteng papeles bago tuluyang nagmartsa palabas ng eskwelahan.

Subalit may kung anong hangin ang umihip kaya naman nagtaasan ang mga balahibo nito sa batok kaya naman wala sa oras na napahawak ito roon at natigilan sa paglalakad. Kakaiba ang pakiramdam niya sa susunod na mangyayari. Tila ba nahulaan na nitong may mangyayaring iba sa mga araw na naranasan niya. Nang kumaway at ngumiti ito sa mga gwardiyang naroon ay tuluyan na itong nakalabas ng college entrance at ganoon na lamang ang pagkunot ng kanyang kilay nang tila may komosyon sa harap mismo ng eskwelahan. Hindi siya yung tipo nang estudyante na makikisali sa gulo dahil unang una ayaw niya sa publiko.

Subalit madadaanan niya ang komosyong 'yon. Napabuntong hininga na lamang ito bago tuluyang lumakad. Uminit ang ulo nito dahil sumisikip na ang daanan dahil sa mga babaeng pinagkakaguluhan ang kung ano. At ganoon na lamang ang paggapang ng kilabot sa bio niyang katawan ng marinig niya mula sa likuran ang napakapamilyar na tono. Lihim itong napamura sa kanyang isip dahil sa pagkabigla.

Nag-uumpisa na ring manlamig ang kamay nito na senyales na ito'y kinakabahan. Kinalma niya ang sarili't dahan dahang pinihit ang katawan paharap sa taong hindi niya inaasahang makikita niya matapos ng mahigit isang linggo. Talagang nag-abala pa itong bumiyahe ang may kalayuan para lang sadyain siya rito. Huminga siya ng malalim at tuluyang hinarap ang taong tumawag sa kanyang pangalan. Nakangiti itong nakatayo sa harapan niya.

Bumaha ng pagkabigla sa mga mata niya subalit ito'y panandalian lamang dahil naikubli niya ito at dinaan na lamang sa pagmamaldita.

"What are you doin' here, Mister Suarez?!" Tanong ni Halo ng makaharap ito

"Ahm, visiting you?" Nag-aalangang sambit ng pobreng doktor

Tumaas na lamang ang kaliwang kilay ni Halo sa narinig nito. Mabuti na lamang at nakalugay ang kanyang buhok at hindi nito nakikita ang pagkapula ng kanyang mga tenga. Inilahad nito ang bulaklak na dala. Nagdadalawang isip si Halo lung kukuhanin ba niya dahil nakakaramdam na siya ng hiya ngayon pa lang. Kanina pa pala siya nahihiya mula ng tawagin siya ni Jupiter.

Rinig na rinig niya ang samu't saring komento ng bawat estudyanteng naroon.

"Oh, bakit siya? Diba siya yung EIC ng Rhetocian?" Sambit ng babaeng kulang na lang ay pumutok ang suot na uniporme dahil sa laki ng hinaharap nitong pilit pinagkasya

"Sene el mey beleklek!" Sambit naman ng isa habang inggit na inggit na nakatingin sa gawi nila Halo

"Sana ol sinusundo!" Sambit ng isa na nasa malapit habang manghang nakatingin sa gawi nila Halo

"Luh, bakit sinusundo pa 'yang m*****a na 'yan? 'Di naman sila bagay, e." Litanya ng isa na kinulang sa aruga

Nagpanting ang tenga ni Halo kaya naman pinaulanan niya ito ng masamang tingin na agad namang ikinaiwas ng huli. Naramdaman niya ang kamay ni Jupiter na hinawakan ang kanyang pala-pulsuhan at marahan siyang iginaya sa sasakyan nito. Rinig pa rin ang ilang d***g ng mga walang magawang estudyante na akala mo naman talaga sila ang pakay ng taong 'to! Rinig rin ang ilang mumunting sigaw na halata kong kinikilig. At ang ilang reklamo ng mga estudyanteng nanghihinayang sa nangyari.

HALO'S POV

Taragis talaga ang bakulaw na 'to! Lagi na lang niya akong nilalagay sa mga alanganing sitwasyon! Napakahilig niya 'kong pakili- hindi ako kinikilig period! Napasampal ako sa sarili ko dahil sa isinisigaw ng konsensya ko. Kaya naman napatingin sa'kin si Jupiter at nagsalita.

"Hey, bakit mo sinampal sarili mo? Okay ka lang ba?" Nagaalalang tanong nito

"Hindi ako okay dahil sa'yo! Taragis ka ano 'tong bigla ka na lamang susulpot sa labas ng school ko ng walang pasabi! Pinahiya mo 'ko sa mga estudyanteng naroon! Kainis ka talaga Hades!" Litanya ko rito bago sinuntok ang kanang braso nito

"Hey calm down, ouch! Hey, isa Halo hahalikan kita!" Sambit naman nito bago ako tinitigan ng masama

Nagpanting ang tenga ko at tila magic word ang salitang halik at kusang nanahimik ang sistema ko kahit na gusto kong itulak palabas ng sasakyan ang tukmol na 'to! Kaya naman pinagkrus ko na lamang ang mga braso ko't humarap sa bintana ng passenger seat at doon nagngunguyngoy.

Nagong tahimik ang byahe namin. Binasag niya lamang ang katahimikan ng iabot nito ang isang brown paper bag at nagsalita ito.

"Hey, Halo sorry king biglaan ang pagbisita ko. Sorry na. Oh ito whopper burger. Alam kong hindi mo matatanggihan itong napakasarap, napakalinamnam at napakajuicy na-" hindi na nito naipagpatuloy ang pagsasalita dahil agad kong hinablot ko ang hawak nitong burger

Napatawa na lamang ito ng mahina at ipinagpatuloy ang pagmamaneho. Habang ako ito't nilalantakan ang napakasarap na burger. Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako napasaya ng tukmol na 'to. Pasalamat siya at naisalba ng burger na 'to ang inis ko sa kanya. Patuloy lang ito sa pagdadrive hanggang sa tumigil kami sa isang lugar na napakapamilyar sa'kin.

Ang parke kung saan kami madalas naglalaro noong mga bata pa kami. Ay mali, matanda nga pala siya ng ilang taon sa'kin. Nasa pangalawang burger na ako ng hawakan nito ang kamay ko at hinila ako papuntang swing. Madilim na ang langit at malamig na rin ang simoy ng hangin. Napakaliwanag ng buwan ngayong gabi pati na ang mga butuing nakalatag sa napakalawak na kalangitan at nag-uunahan sa pagkislap.

Naupo kami sa magkatabing swing. Tanging tunog lamang ng umuugong na hangin ang iyong maririnig. Binasag niya ito't nagsalita.

"Let me be your sky and moon, can you be my star then?"  Tanong nito habang nakangiti

Napatitig ako rito ng ilang sandali at saka ngumiti ng pagkatamis-tamis.

"When you came I started to love moon and stars even more! So thank you for bringing me here again after these years. Feels so nostalgic and peaceful. Thank you either to the sunflowers and to the burgers!" Nakangiting saad ko rito habang patuloy ko pa ring kinakain ang burger na nasa kamay ko

And for this time he lean forward and give me a kiss on my left cheek.

Related chapters

  • Love, Halo   Chapter 7: Jealous your Face

    HALO'S POVMatapos ang surprise visit ni Jupiter ay naging tampulan ako ng issue sa school. Lalo na 'yong mga palakang ingrata na wala nang ginawa kundi tumahol ng tumahol. Talaga namang pinagkakalandakan ang pagtahol, e! Mantakin mong kahit nakatalikod ako'y rinig na rinig ko ang usapan nila na akala mo nama'y may ambag sa buhay ko! Hindi naman makapagsalita kapag kaharap ako.Akala mo'y maamong mga tupang ligaw at ako ang lobong nakaantabay rito. Talaga namang tataas ang altapresyon ko nito kung papansinin ko pa ang mga tumatahol na 'yon. Kaya naman kiber lang pakialam ko ba sa kanila, e hindi naman nila alam ang buong katotohanan. Palibhasa mga walang magawa sa buhay. Kamakailan lamang ay inilabas ang kaunahang magazine na nailimbag sa pamamahala ko.Hindi ko nagustuhan ang naging resulta niyon! Talaga namang nakakapag-init ng ulo! Mabuti na lamang at nailabas ko ang hinanakit ko. Dahil sa batang 'yon ay medyo kumalma ako. Matapos ng pangyayaring 'yon ay mas napalapit sa'kin ang ba

    Last Updated : 2023-03-29
  • Love, Halo   Prologue

    My name is Halo. I don't know why my parents named me that kind of name. It's kinda too innocent! I'm not innocent, I'm evil and mean. I don't want everybody sees my weaknesses. I don't care with their sympathies and dramas! I hate it, I really hate every person passes by and asking what happened to me?! Or what's my problem. They're not even my mom or even my dad to do an explanations in every actions that I've done. All I want is a peaceful life and a place where I really belong. To the place that makes me feel so free and reckless! To the place where I can see myself with. All of my life I just in my room and watching other children outside playing and enjoying every time of their lives. While me, I just having my play time with my dad, mom or even with my older brother Philant Everest and sister Xyler Lamp. I never experienced hav

    Last Updated : 2021-08-05
  • Love, Halo   Chapter 1: Escaping

    HALO'S POV My name is Halo Selene Cajigal, 21 years old and having this special heart condition that makes me so special at an early age. And by that I need to under go taking medications and some treatments to make my condition okay. I really hate the smell of hospitals. And I don't like to be in here again and again and again since I don't remember. And I'm so tired everytime I 'm here in the hospital. Feeling ko nasasakal ako kahit na hindi naman problema ang paghinga ko. I was in my 2nd year in college. Taking up Bachelor of Science in Secondary Major in English. Gusto kong magturo sa mga bata. Hindi ko nga alam kung bakit 'yan ang kinuha kong kurso gayong magaling naman ako sa pagluluto. Well, hindi 'yon ang topic dito. As usual nandito na naman ako sa ospital.

    Last Updated : 2021-08-05
  • Love, Halo   Chapter 2: Lullaby

    HALO'S POV Matapos ang tagpong isinabit ako ng parang sako ng bigas ay agad niya 'kong dinala sa private room ko rito sa ospital. Nang makapasok kami'y dahan-dahan niya 'kong ibinaba sa hospital bed. Akala ba niya nakalimutan ko na ang pagtampal niya sa pwet ko? Pwes, nagkakamali siya! Nang maibaba ako nito ng ayos ay sinuntok ko 'to sa sikmura. Subalit gulat lamang ang rumehistro sa aking mukha ng masalag niya ang kamay kong nakasarado ang palad. Akala ba niya palalampasin ko na lang ito ng ganun-ganun na lang? Kapal ng mukha niya! Mukha siyang pugita, no! Pakialam ko sa mukha niyang pinaglihi sa tarsier! Inilapit nito ang mukha nito sa aking mukha. Halos maduling na 'ko sa sobrang lapit ng aming mga mukha sa isa't-isa. Akala niya siguro ganun-ganon na lng ang laha

    Last Updated : 2021-08-05
  • Love, Halo   Chapter 3: Stolen

    THIRD PERSON'S POVPayapa at tahimik ng naging magdamag nila Halo at Jupiter. Hindi na bago kay Halo na dalawin masamang panaginip. At hindi na rin bago sa kanya na laging si Jupiter ang laging nandyan para pakalmahin ito. Hindi na nagulat si Halo na kakantahan siya ni Jupiter. Alam nitong sa isang kantang 'yon ay talagang napapakalma siya.Lagi namang ganoon mula noong nagkakilala sila. Dalawang taon ang agwat ng edad nila. Walong taong gulang si Halo at sampung taong gulang naman si Jupiter nang magkakilala sila. Kalilipat lamang noon ng bahay nila Jupiter. Magkatapatan lang ang kwarto nila kaya naman naging malapit ito sa isa't-isa.Home schooling si Halo mula nang malaman ng mga magulang nito na may sakit ito sa puso. Bibihirang makalabas nang bahay si Halo dahil bawal itong mapagod. Kaya namang nang maanyayahang maghapunan ang pamilya Zuares ay agad naman itong pumayag. Doon unang nagkakilala ang dalawa. Mula noon ay naging magbest friend na ang dalawang 'to.Subalit binago itong

    Last Updated : 2023-02-03
  • Love, Halo   Chapter 4: Busted

    THIRD PERSON'S POVHabang busy sa pagpipicture si Mama Ling kila Jupiter ay hindi nito maiwasang mapangiti ng ubod nang tamis. Mga bata pa lang kasi sila Halo ay ramdam na ni Mama Ling na may pagtingin ang binata rito. Kaya naman noong humingi ito ng pabor sa kanya ay agad niya itong tinanggap. Nakita niya kasi sa mga mata nito ang purong sinseridad at proteksyon. Kaya naman ganoon na lamang ang tuwa niya ngayon dahil matapos ang maraming taon ngayon na lamang ulit sila nagkalapit nang ganito.Hindi na mabilang pa ni Mama Ling kung ilang beses niyang kinuhanan ng litrato ang dalawa habang natutulog. Iba't-ibang anggulo ang pagkuha niya sa mga ito. Kung may sahod lang siguro ito'y yayaman siya sa ginagawa niya. Subalit anong mapapala niya rito? Ang kasiyahang matagal-tagal na ring hindi niya naramdaman.Nakalapit na ng tuluyan ang asawa nitong si Louie sa tabi ni Mama Ling. Kinuhit pa siya nito upang magtanong."Ano ba 'yon, Louie?" Sambit ni Mama Ling rito habang busy sa pagkuha ng li

    Last Updated : 2023-02-03
  • Love, Halo   Chapter 5: Burger Date

    JUPITER'S POVIt was a sunny day when I went to the hospital. At ngayong araw ang discharge ng babaeng amazona! Dahil sa kanya nakabenda ang kanang kamay ko. Biruin mong namaga ang kamay ko. At may kalaliman ang sugat na natamo ko.Nang makababa ako sa aking sasakyan ay pumasok na ako sa loob ng ospital dahil kailangan ko pang mag-rounds at kailangan kong bigyan ng gamot ang babaeng patay gutom! I was in the middle of the lobby when I heard a commotion. Nagkakagulo ang ilang pasyente habang napapalibutan ang dalawa pang pasyente. Nakakunot ang noo kong nilapitan ang mga ito. Nang makalapit ako sa mga ito'y nakipagsiksikan pa ako da mga pasyente na naroon.Nang makarating ako sa pinakaunahan ay ganoon na lamang ang pagbalantay ng labis na pagkagulat sa aking nakita. Paano ba nama'y may dalawang pasyente na nagpapaunahan sa pag-ubos ng isang whopper burger ng Burger King! At sino pa nga ba ang patay gutom sa burger? Edi, ang babaeng amazonang may lahing titan! Nakakabingi ang sigawan ng

    Last Updated : 2023-02-03

Latest chapter

  • Love, Halo   Chapter 7: Jealous your Face

    HALO'S POVMatapos ang surprise visit ni Jupiter ay naging tampulan ako ng issue sa school. Lalo na 'yong mga palakang ingrata na wala nang ginawa kundi tumahol ng tumahol. Talaga namang pinagkakalandakan ang pagtahol, e! Mantakin mong kahit nakatalikod ako'y rinig na rinig ko ang usapan nila na akala mo nama'y may ambag sa buhay ko! Hindi naman makapagsalita kapag kaharap ako.Akala mo'y maamong mga tupang ligaw at ako ang lobong nakaantabay rito. Talaga namang tataas ang altapresyon ko nito kung papansinin ko pa ang mga tumatahol na 'yon. Kaya naman kiber lang pakialam ko ba sa kanila, e hindi naman nila alam ang buong katotohanan. Palibhasa mga walang magawa sa buhay. Kamakailan lamang ay inilabas ang kaunahang magazine na nailimbag sa pamamahala ko.Hindi ko nagustuhan ang naging resulta niyon! Talaga namang nakakapag-init ng ulo! Mabuti na lamang at nailabas ko ang hinanakit ko. Dahil sa batang 'yon ay medyo kumalma ako. Matapos ng pangyayaring 'yon ay mas napalapit sa'kin ang ba

  • Love, Halo   Chapter 6: Surprise Visit

    THIRD PERSON'S POVMahigit isang linggo na ang lumipas at balik na sa kanya-kanyang buhay sila Jupiter at si Halo. At talaga namang hindi mapagkakailang namiss siya ng kanyang mga staff lalo na ang makulit niyang nakababatang kapatid na si Vienna. Hindi sila blood related subalit magmula kasi noong araw ng imterview nito'y gustung-gusto na niya itong yakapin. Hindi niya lamang ginawa sa kadahilanang baka magulat ito at mawirduhan sa kanya. Kaya naman kahit sabik ito'y pinanatili nito ang poker face nitong mukha.Kapapasok pa lang ni Halo sa entrance ng pinapasukang eskwelahan ay narinig na agad nito ang puno ng galak na sigaw nito sa buo niyang pangalan na talaga namang nakapag-pailing sa kanya."Halo Selene Cianne Erl Mari Tengco Cajigal!!!" Tawag ng isang first year sa kanya na sa pagkakahula niya'y kilala na niya kung sinoHumahangos na lumapit si Vienna galing sa kung saan at sinalubong nito si Halo ng isang yakap. Muntikan pa silang mabuwal sa lobby. Nagtitiginan ang mga estudyan

  • Love, Halo   Chapter 5: Burger Date

    JUPITER'S POVIt was a sunny day when I went to the hospital. At ngayong araw ang discharge ng babaeng amazona! Dahil sa kanya nakabenda ang kanang kamay ko. Biruin mong namaga ang kamay ko. At may kalaliman ang sugat na natamo ko.Nang makababa ako sa aking sasakyan ay pumasok na ako sa loob ng ospital dahil kailangan ko pang mag-rounds at kailangan kong bigyan ng gamot ang babaeng patay gutom! I was in the middle of the lobby when I heard a commotion. Nagkakagulo ang ilang pasyente habang napapalibutan ang dalawa pang pasyente. Nakakunot ang noo kong nilapitan ang mga ito. Nang makalapit ako sa mga ito'y nakipagsiksikan pa ako da mga pasyente na naroon.Nang makarating ako sa pinakaunahan ay ganoon na lamang ang pagbalantay ng labis na pagkagulat sa aking nakita. Paano ba nama'y may dalawang pasyente na nagpapaunahan sa pag-ubos ng isang whopper burger ng Burger King! At sino pa nga ba ang patay gutom sa burger? Edi, ang babaeng amazonang may lahing titan! Nakakabingi ang sigawan ng

  • Love, Halo   Chapter 4: Busted

    THIRD PERSON'S POVHabang busy sa pagpipicture si Mama Ling kila Jupiter ay hindi nito maiwasang mapangiti ng ubod nang tamis. Mga bata pa lang kasi sila Halo ay ramdam na ni Mama Ling na may pagtingin ang binata rito. Kaya naman noong humingi ito ng pabor sa kanya ay agad niya itong tinanggap. Nakita niya kasi sa mga mata nito ang purong sinseridad at proteksyon. Kaya naman ganoon na lamang ang tuwa niya ngayon dahil matapos ang maraming taon ngayon na lamang ulit sila nagkalapit nang ganito.Hindi na mabilang pa ni Mama Ling kung ilang beses niyang kinuhanan ng litrato ang dalawa habang natutulog. Iba't-ibang anggulo ang pagkuha niya sa mga ito. Kung may sahod lang siguro ito'y yayaman siya sa ginagawa niya. Subalit anong mapapala niya rito? Ang kasiyahang matagal-tagal na ring hindi niya naramdaman.Nakalapit na ng tuluyan ang asawa nitong si Louie sa tabi ni Mama Ling. Kinuhit pa siya nito upang magtanong."Ano ba 'yon, Louie?" Sambit ni Mama Ling rito habang busy sa pagkuha ng li

  • Love, Halo   Chapter 3: Stolen

    THIRD PERSON'S POVPayapa at tahimik ng naging magdamag nila Halo at Jupiter. Hindi na bago kay Halo na dalawin masamang panaginip. At hindi na rin bago sa kanya na laging si Jupiter ang laging nandyan para pakalmahin ito. Hindi na nagulat si Halo na kakantahan siya ni Jupiter. Alam nitong sa isang kantang 'yon ay talagang napapakalma siya.Lagi namang ganoon mula noong nagkakilala sila. Dalawang taon ang agwat ng edad nila. Walong taong gulang si Halo at sampung taong gulang naman si Jupiter nang magkakilala sila. Kalilipat lamang noon ng bahay nila Jupiter. Magkatapatan lang ang kwarto nila kaya naman naging malapit ito sa isa't-isa.Home schooling si Halo mula nang malaman ng mga magulang nito na may sakit ito sa puso. Bibihirang makalabas nang bahay si Halo dahil bawal itong mapagod. Kaya namang nang maanyayahang maghapunan ang pamilya Zuares ay agad naman itong pumayag. Doon unang nagkakilala ang dalawa. Mula noon ay naging magbest friend na ang dalawang 'to.Subalit binago itong

  • Love, Halo   Chapter 2: Lullaby

    HALO'S POV Matapos ang tagpong isinabit ako ng parang sako ng bigas ay agad niya 'kong dinala sa private room ko rito sa ospital. Nang makapasok kami'y dahan-dahan niya 'kong ibinaba sa hospital bed. Akala ba niya nakalimutan ko na ang pagtampal niya sa pwet ko? Pwes, nagkakamali siya! Nang maibaba ako nito ng ayos ay sinuntok ko 'to sa sikmura. Subalit gulat lamang ang rumehistro sa aking mukha ng masalag niya ang kamay kong nakasarado ang palad. Akala ba niya palalampasin ko na lang ito ng ganun-ganun na lang? Kapal ng mukha niya! Mukha siyang pugita, no! Pakialam ko sa mukha niyang pinaglihi sa tarsier! Inilapit nito ang mukha nito sa aking mukha. Halos maduling na 'ko sa sobrang lapit ng aming mga mukha sa isa't-isa. Akala niya siguro ganun-ganon na lng ang laha

  • Love, Halo   Chapter 1: Escaping

    HALO'S POV My name is Halo Selene Cajigal, 21 years old and having this special heart condition that makes me so special at an early age. And by that I need to under go taking medications and some treatments to make my condition okay. I really hate the smell of hospitals. And I don't like to be in here again and again and again since I don't remember. And I'm so tired everytime I 'm here in the hospital. Feeling ko nasasakal ako kahit na hindi naman problema ang paghinga ko. I was in my 2nd year in college. Taking up Bachelor of Science in Secondary Major in English. Gusto kong magturo sa mga bata. Hindi ko nga alam kung bakit 'yan ang kinuha kong kurso gayong magaling naman ako sa pagluluto. Well, hindi 'yon ang topic dito. As usual nandito na naman ako sa ospital.

  • Love, Halo   Prologue

    My name is Halo. I don't know why my parents named me that kind of name. It's kinda too innocent! I'm not innocent, I'm evil and mean. I don't want everybody sees my weaknesses. I don't care with their sympathies and dramas! I hate it, I really hate every person passes by and asking what happened to me?! Or what's my problem. They're not even my mom or even my dad to do an explanations in every actions that I've done. All I want is a peaceful life and a place where I really belong. To the place that makes me feel so free and reckless! To the place where I can see myself with. All of my life I just in my room and watching other children outside playing and enjoying every time of their lives. While me, I just having my play time with my dad, mom or even with my older brother Philant Everest and sister Xyler Lamp. I never experienced hav

DMCA.com Protection Status