THIRD PERSON'S POV
Payapa at tahimik ng naging magdamag nila Halo at Jupiter. Hindi na bago kay Halo na dalawin masamang panaginip. At hindi na rin bago sa kanya na laging si Jupiter ang laging nandyan para pakalmahin ito. Hindi na nagulat si Halo na kakantahan siya ni Jupiter. Alam nitong sa isang kantang 'yon ay talagang napapakalma siya.
Lagi namang ganoon mula noong nagkakilala sila. Dalawang taon ang agwat ng edad nila. Walong taong gulang si Halo at sampung taong gulang naman si Jupiter nang magkakilala sila. Kalilipat lamang noon ng bahay nila Jupiter. Magkatapatan lang ang kwarto nila kaya naman naging malapit ito sa isa't-isa.
Home schooling si Halo mula nang malaman ng mga magulang nito na may sakit ito sa puso. Bibihirang makalabas nang bahay si Halo dahil bawal itong mapagod. Kaya namang nang maanyayahang maghapunan ang pamilya Zuares ay agad naman itong pumayag. Doon unang nagkakilala ang dalawa. Mula noon ay naging magbest friend na ang dalawang 'to.
Subalit binago itong lahat ng isang pangyayari. Pangyayari na siyang naglayo sa loob ni Halo kay Jupiter. Alam ni Jupiter lahat nang pinagdadaanan ni Halo. Kaya naman ganoon na lamang ang pagaalaga niya rito kahit na lagi itong nakasinghal sa kanya. Hindi nito kailanman hinayaan ang bestfriend na mag-isa.
Lihim niya itong sinusundan. Noong naghigh school kasi ito'y pinayagan na ito nang mga magulang na mag-aral sa isang eskwelahan. Laking tuwa nito sa ibinalita nang mga magulang kaya naman nangako itong aalagaan ang sarili. Samantalang si Jupiter naman ay hiniling sa mga magulang na sa paaralan nila Halo mag-aral para matingnan niya ito. Mabuti na lamang at pumayag ang mga ito sa gusto niya.
Lihim niya itong sinusundan. Pero hindi nito pinapabayaan ang pag-aaral niya. Bata pa labg ay gusto na nitong maging doktor. Dahil na rin sa tatay nito. At mas nanaig ito nang malaman niyang may sakit ang matalik nitong kaibigan.
MAMA LING'S POV
Kumusta na kaya si Halo? Nagaalala na ako doon baka hindi na naman kumain 'yon! O kaya naman kumain na naman 'yon nang bawal. Hays, makapagluto nga muna nang paborito noon at madalhan ito mamaya. Namimiss ko na agad siya.
"Sweety anong problema?" Saad ni Louie habang nakayakap sa'kin
"Nagaalala lang kasi ako kay Halo, e. Baka kung ano nang nangyari doon. Hindi niya ko tinawagan kagabi." Sambit ko rito habang nakaharap sa mga ingredients na nasa harap ko
"Ano ka ba naman, sweety. E, kahapon lang naman nating siya iniwan doon, a!" Sagot nito bago umalis sa pagkakayakap sa'kin at tinulungan akong maghimay nang mga sangkap
"E, kahit na ba no! Nagaalala pa rin ako sa kanya. Bisitahin kaya natin siya?" Suwestyon ko rito
"Tutal sabado naman ngayon, e bakit hindi. Tska namimiss ko na rin 'yong batang 'yon!" Sambit nito na siyang ikinatuwa ko
Masaya akong naghanda ng paborito niyang adobo. Dinamihan ko na dahil balak kong bigyan rin ang doktor nitong si Jupiter. Naalala ko na naman yung panahon na pumunta 'yong batang 'yon dito sa bahay upang humingi nang pabor. Parang kailan lang 'yon. Napangiti ako sa aking naalala.
Flashback
Tipikal na umaga noong araw na 'yon. Nasa salas ako nang may kumatok sa pinto. Napatingin naman ako sa wall clock na nakasabit sa 'di kalayuang pader. Nagtaka ako noong makita kong alas onse pa lang nang umaga. Lumapit ako roon at binuksan ko 'yon.
Agad akong napangiti nang makita kong si Jupiter ito. Agad ko itong inayang pumasok at pinaupo ko ito sa sofa ng sala.
"Anong gusto mo, hijo? Tubig, juice, tea, shake o kape?" Tanong ko rito habang walang pagsidlan nang tuwa ang kalooban ko
"Ah, tubig na lang po siguro." Nahihiya pang saad nito
Nagtungo naman ako agad sa kusina upang kumuha ng tubig sa refrigerator. Matapos ay kumuha rin ako ng isang slice ng blueberry cheese cake. Inilagay ko ito sa wooden tray at dinala ko na ito sa bisitang nag-aantay sa sala. Nang makarating ako roo'y agad kong ibinaba ang tray at inilagay sa mesa ang mga laman niyon. Matapos ay naupo ako sa kaharapang sofa ng mesa.
"Anong sadya mo rito, hijo?" Tanong ko rito
Matagal na rin noong pumunta ito rito. Dahil sa isang pangyayari. Higit 3 taon na rin ata. Nakakpagtaka at bigla itong sumulpot sa labas ng aming bahay.
"Gusto ko po sanang humingi ng maliit na pabor sa inyo." Saad nito sabay tiningnan ako sa mga mga mata ko
Nabanaag ko ang labis nitong lungkot dahil hindi na nito nakikita ang matalik na kaibigan. Hindi naman nagbago ang turing namin rito pati na ang mga magulang nito. Hindi nagbago ang lahat sa pagitan namin. Nauunawaan namin ang sitwasyon. Subalit ang musmos na mga ito ang labis na naapektuhan ng pangyayaring 'yon.
"Ano kamo, hijo?" Sagot ko rito na tila naguguluhan
"Pabor po. Gusto ko po sanang humingi ng pabor sa inyo. Na kung maaari'y pahintulutan niyo po akong bantayan ang anak niyong si Halo!" Buong tapang nitong saad
Napatitig ako rito. Makikita mo sa mga mata nito na puno ito determinasyon at kumpyansang mahihingi nito ang pabor nito.
"At bakit ko naman ito pagbibigyan, Jupiter hijo?" Tanong ko rito habang naglalaro sa isip ko ang isang bagay na 'yon
"Dahil...dahil gusto ko pong alagaan ang anak niyo." Nakayuko nitong saad
"May gusto ka ba sa anak ko, hijo!" Tanong ko rito
Malakas ang kutob ko na may ibang rason kung bakit ganito ang asal nito.
"O-opo...gusto ko po si...Halo Selene!" Sagot nito habang pilit na itinatago ang pagkapahiya
Napangiti na lamang ako. Hindi ko namalayang nayakap ko na pala ito. Alam kong bata pa sila at magbabago pa ang mga nararamdaman nila subalit hindi ko maiwasang magsaya dahil sa aking nalaman. Mula noong araw na 'yon ay nakuha ng batang Zuares ang hiling nito. Ang kapalit ay hindi ko ipapaalam kahit kanino ang aming napag-usapan.
Flashback ends
Pumasok sa kusina ang isa ko pang anak na babaeng si Xyler. Mukhang papasok pa lamang ito sa trabaho niya dahil naka bihis na ito. Isa itong doktor sa Diode Hospital na pagmamay-ari nila Claude Zuares. Matagal na ring nagtatrabaho ito roon. Siguro'y nasa apat na taon na rin.
Umupo ito sa mesa at nakangiting binati kami ng Daddy niya.
"Good morning sa Mama kong maganda! Good morning sa Daddy kong pogi!" Saad pa nito na siyang kinangiti naming dalawa
"Nga pala Xy, bibisitahin ko later si Halo. Makakapunta ka ba kahit saglit?" Tanong ko rito habang isinasalin sa mangkok ang fried rice na niluto ko
Kumuha ito ng plato at nag-umpisang maglagay roon ng pritong hotdog " Ma, hindi ko alam. May rounds kasi ako mamaya pero susubukan kong pumunta." Nakangiting saad nito
"Nga pala nak, mahigit isang buwan na lang at kaarawan muna. Kailan mo ba balak mag-asawa? Tatlong taon mula ngayon wala na sa kalendaryo ang edad mo! Paano na lang kami ng Mama mo? Wala man lang ba kaming magiging apo sa'yo?" Pagdadrama ng asawa ko sa anak naming panganay
Napatigil ito sa pagnguya ng hotdog at bumukas ang bibig nito. Nalaglag pa ang hotdog na kasusubo lang nito sa lamesa. Nanlalaki ang mata nito at hindi makapaniwala sa itinuran ng ama. Kung hindi ko pa ikinumpas ang kamay ko sa harap nito'y napasukan na ng langaw ang bibig nito. Namumula ang mga pisngi nitong umangil sa sinabi ng ama.
"Daddy naman!" Nahihiyang pahayag nito bago pilit na itinatakip ang magkabilang kamay sa mukha nitong sing pula na ng kamatis
"Bakit? Totoo naman, a! Mukhang tatanda kang dalaga. Sayang ang lahi gurl! Palahi ka na lang sa kapatid ni Hades." Pahayag nito sa anak na akala mo'y balewala lamang ang sinasabi
"Daddy 'yang bibig mo mamaya marinig ka ni Dashiel, e! Nakakahiya Daddy! Pinapamigay mo na ba 'ko?" Sambit nito sa ama habang pilit nagsasalita habang nananatiling pula ang magkabilang pisngi nito
"Hindi naman. Ang akin lang baka hindi na kami magkaroon ng apo niyan!" Pabirong saad pa nito sa anak
"Dad naman! Nakakahiya ka talaga. Mamaya marinig ni Dashiel 'yan kung ano pa ang isipin nung tao." Saad nito bago kumuha ng fried rice na kalalagay ko lang sa hapag
"Ayiiiiiieeee gusto mo si Dashiel ano?!" Pambubuyo pa ng ama nito na mas ikinahiya naman ni Xyler
Hindi na ito umimik pa. Ayaw na niyang dagdagan pa ang pambubuyo ng ama nito sa kanya. Kaya naman kahit na patuloy na nagsasalita ang ama nito'y hindi na ito nagsalita pa't itinuloy na lamang ang pagkain. Walang anu-ano'y may biglang nagdoorbell. Akmang tatayo si Xyler para tingnan ito subalit pinigilan siya ng ama at ito na ang nagtungo sa pintuan upang buksan 'yon.
Nakangisi na parang aso ang asawa ko nang makabalik ito. Walang anu-ano'y bigla itong nagsalita.
"Sweety maghanda ka ng extra plate at may bisita tayo!" Excited na saad nito
Dali-dali naman akong kumuha ng extrang plato para sa bisita raw namin. Nang mamataan ko ang tila toreng nasa likuran ng asawa ko'y ganoon na lamang ang pagsibol ng tuwa sa'king kalooban. Pinaupo naman ito ni Louie at inayang kumain. Hindi naman makatingin si Xyler sa gawi nito. Mas namula pa ang mga pisngi nito at mas lalong yumuko.
"Hijo, kailan mo ba balak anakan itong panganay ko?" Nagbibirong saad ni Louie sa binatang si Dashiel
"Daddy! Ano ba nakakahiya!" Sambit ni Xyler na may diin bawat salitang binibigkas nito
"Ilan po ba ang gusto niyong apo, Tito?" Nakangising saad ni Dashiel sa tatay ni Xyler
"Gusto ko mga anim para masaya! Huwag nang Tito, Daddy na ang itawag mo sa'kin mula ngayon." Pahayag nito bago nasundan ng halakhak
"Daddy!" Sigaw ni Xyler sa ama
Namumula na ito a hiya. Kaya naman dali-dali itong uminom nang tubig at at kinuha ang mga gamit at lumabas ng bahay. Tatawa-tawa namang si Louie sa kalokohanan niya samantalang si Dashiel naman ay magalang na nagpaalam at sinundan si Xyler. Naiwan naman kaming dalawa sa hapag kainan. Ngali-ngali ko ngang batukan ito dahil sa ginawa nitong kalokohan.
"Aray ko naman sweety bakit mo ko binatukan?" Saad nito bago hinaplos ang likod ng ulo nitong binatukan ko
"Puro ka kalokohan, e!" Sambit ko rito saka tiningnan ang niluluto kong adobong baboy
"Sweety niloloko ko lang naman si Xyler, e!" Pahayag pa nito bago lumapit sa'kin at niyakap ako
"Hay, ewan sayo. Lagi mo nalang inaasar 'yong anak natin. Mamaya niyan bukas o makalawa magpapakasal na 'yan." Dagdag ko pa rito
Tumawa na lamang ito saka pinanood akong magluto. Ilang minuto pa'y naluto na ang adobo. Pinalamig ko muna ito bago ko inilagay sa tupperware. Hinanda ko na rin ang cleansing water ni Halo. Nilagyan ko ang tubig niya ng slices ng lemon, cucumbers at kiwi.
Habang pinapalamig ko ang adobo'y tiningnan ko ang niluluto kong sinaing. Kaunting minuto pa'y luto na ito. Umakyat ako sa itaas na bahagi ng bahay para naman maligo bago pumunta sa hospital.
XYLER'S POV
Si Daddy talaga lagi na lang akong inaasar pagdating sa edad ko. Ano bang masama sa pagiging single? 6 years na ata akong single. Hindi na nasundan pa dahil nagtranaho na nga ako sa Diode bilang assistant doctor. Kaya naman nawala na sa isip ko ang pakikipagrelasyon.
Isa pa kailangan ko ring imonitor ang lagay ni Halo dahil napakaespesyal ng kalagayan niya. Hindi siya maaaring matuwa ng sobra, malungkot ng sobra at umiyak ng sobra. Dahil maaari niya itong ikamatay. Kaaya naman ganoon na lamang ang pag-iingat naming lahat sa kanya sa mga nakalipas na taon. Dahil isang pagkakamali lang ay maaari siyang mawala sa'min.
Naglalakad ako papuntang Diode Hospital dahil malapit lang naman ito. Isa pa bilang isang cardiologist kailangan ko ring panatilihing malusog at masaya ang puso ko. Hindi tulad nang iba dyan na hindi na nga pinili pilit pang naghahabol na parang aso sa mga taong manloloko! Sa kalagitnaan ng paglalakad ko may isang kotseng mabagal na tumabi sa'kin. Hindi 'ko 'to binigyan ng pansin dahil kilala ko naman kung sino 'yon.
"Xy, let's go. Ihahatid na kita sa ospital." Saad ni Dashiel habang mabagal na nagmamaneho at nakatanghid sa gawi ko
"Can't you see I'm walking so get lost, Bakulaw!" Sambit ko rito habang mas binilisan ang paglalakad
"Xy, ano ba. Sumakay ka na rito. Tigas talaga ng ulo mo!" Saad pa nito bago patuloy na nagmamaneho
"Ano bang pakialam mo kung matigas ang ulo ko? Fyi mas matigas ang bungo mo sama muna ang matigas at bato mong puso pisting yawa ka!" Pahayag ko rito bago patuloy na nag lakad mas binilisan ko kumpara kanina
Lumipas ang ilang sandali at ngumiti ako dahil naramdaman kong hindi na niya ako sinusundan. Nakangiti akong nagpatuloy sa paglalakad. Subalit parang isang kisap mata lamang nasa piling na siya ng iba, charot. Bigla na lamang akong bumaliktad. At napagtanto ko na lang na nakasabit na pala akong parang sako ng bigas sa balikat ng matandang bakulaw na si Dashiel!
"Ano ba Bakulaw ibaba mo 'ko!" Pahayag ko rito habang pinagbabayo ko ng mga kamay ko ang likuran ng damuhong ito
"Ano ba Xyler huwag kang malikot mahuhulog ka." Sambit nito bago pilit na inaayos ang pagkakahawak niya sa'kin
Natulala ako ng mga limang minuto. Nang makabawi ako'y muli ko itong pinagsusuntok sa likod. At mas pinag-igihan ko amg pagpalag.
"Bastos ka talagang Bakulaw ka! Bakit mo hinampas ang pwet ko? Naiinggit ka ba? Bakla ka siguro, ano?" Nanggagalaiting pahayag ko rito
Naaagaw na namin ang atensyon ng ilang madla dahil sa pagbitbit niya s'kin na parang sako ng bigas. At isa pa nagwawala ako sa balikat nito. Napakasama talaga nito akalain mo bang para lang akong baboy na binuhat sa mga balikat niya! Mapapatay ko talaga ang damuhong 'to!
"Pasensya na po. Nagtatampo lang ang girlfriend ko. Iniwan niya kasi ako kanina, e. Pasensya na sa abala." Sambit naman nito na akala mo'y totoo talaga
Mabuti na lamang at nasa tapat na kami ng sasakyan niya. Kung hindi siguro'y hihilingin ko na lang sa lupang kainin ako nito. Nakakahiya talaga 'to kahit kailan! Elementary pa lang kami ganyan na siya. Kaya naman ayokong ayoko na nakikita ko ang bwusit na 'to! Pinapainit niya lagi ang ulo ko.
Ipinasok ako nito sa passenger seat ng kotse bago umikot sa driver's seat. Inilock pa nito ang pintuan kaya naman wala akong nagawa kundi ipagkrus ang mga braso ko at singhalan ito nang makapasok na ito sa loob ng sasakyan.
"Ano bang problema Dashiel Keil Zuares?!" Saad ko rito saka tinapunan ito ng nakakamatay na tingin
"Ikaw. Ikaw ang problema ko Xyler Lamp Cajigal-Zuares!" Sambit nito na talaga namang nagpatigil sa'kin
"Hindi mo 'ko asawa, Dashiel kaya magtigil ka." Malamig na pahayag ko rito bago iniwas ang tingin ko rito
"Asawa kita Xyler! Sa ayaw at sa gusto mo magsasama na ulit tayo!" Seryosong sabi nito bago ako tinapunan ng mariing tingin
"Matagal na tayong tapos Dashiel. 5 taon na Dashiel! Magmove-on ka na!" Bulyaw ko rito na nagdulot nang katahimikan sa pagitan naming dalawa
"Isipin mo naman si Gummy at si Kein. Isipin mo naman ang mga anak natin, Xyler." Dagdag pa nito bago inihilamos ang mga kamay nito sa mukha nito
Nanatili akong tahimik. Mali ito. Maraming masasaktan. Lalung-lalo na sila Halo at Jupiter. Matagal ko nang alam na may pagtingin ang Batang Suarez na 'yon sa bunso kong kapatid. Hindi na maibabalik ang pagsasamang nasira ng isang pagkakamali.
"Dashiel, tama na. Magmove-on na tayo. Matagal na tayong tapos!" Seryosong saad ko rito
"Hindi Xy, aayusin natin 'to. Pangako." Saad nito bago iniharap ang mukha nito sa'kin at dahan-dahang inilapat ang mga labi nito sa labi ko
Napapikit ako sa ginawa niya. Hindi ko namalayang rumagasa na pala ang masaganang luhang naipin sa loob ng mahabang panahon. Pinutol na nito ang halik at idinikit nito ang noo nito sa noo ko. Masuyo rin nitong ipinalibot ang mga braso nito sa katawan ko. Niyakap ako nito na akala mo'y nangungulila.
Umiyak lang ako habang nakayakap ito sa'kin. Pilit ko mang itanggi pero alam ko sa kaibuturan ng kaloob-looban ko mahal ko pa rin si Dashiel. Pilit ko mang iwasan alam kong lumipas man ang maraming taon siya pa rin talaga. Siya pa rin simula noon hanggang ngayon pero natatakot ako sa maaaring mangyari kapag nalaman ng mga magulang ko na may anak kami ni Dashiel. Alam kong hindi lang ako ang nakakapansin na mula noong nakilala ni Halo si Jupiter alam kong may pagtingin na si Jupiter sa kapatid ko.
Natatakot ako na kapag sinabi ko ang mayroon kami ni Dashiel ay makasama ito kay Halo. Sa kundisyon niya 'di malayong mawala siya dahil sa malalaman niya.
"I love you Xyler." Sambit ni Dashiel bago ikinabit ang seatbelt ko at ang kanya bago inistart ang makina ng sasakyan at nag-umpisa na itong magmaneho papuntang Diode Hospital
MAMA LING'S POV
Nakaramdam ako ng kakaibang kaba habang naglalakad ako sa lobby ng ospital. Hindi ko alam kung ano ito. Kaya naman mas nadagdahan ang pagaalala ko kay Halo. Mas binilisan ko pa ang paglalakad hanggang sa makarating ako sa labas nang kwarto ni Halo ay huminga ako ng malalim bago pumasok. Hiningal ako sa paglalakad ko.
Ganoon na ba ako katanda para mapagod ng ganito? 'Di pwede kailangan ko pang makitang magkatuluyan este makatapos si Halo ng pag-aaral. Hindi na 'ko kumatok at basta ko na lamang binuksan ang pintuan. Dahan-dahan pa ito para kunyari suspense. Katulad na lang sa mga horror movies na pinapanood ko.
Sumilip muna ako bago ko ito tuluyang binuksan para tuluyang makapasok. Sinara ko ito ng marahan para maiwasang makagawa ng anumang ingay. Nangunot pa ang noo ko nang makita kong ang napaka kalat na sahig. Nagkalat roon ang mga prutas na iniwan namin ni Louie kay Halo kahapon. Mayroon ding pabilog na mesa na naroon sa tabi ng kama ni Halo.
Napansin ko rin ang bagpack na nakalagay sa upuang katabi ng hospital bed ni Halo. Hindi ko maiwasang mag-panic dahil baka may kung ano nang ginawa sa anak ko. Naghanap ako ng maaaring ihampas. Subalit tanging mga prutas at remote lamang ng tv ang nakita ko. Kaya naman kinuha ko ang mansanas na nasa sahig pati na ang mga saging.
Handa na akong ihagis 'yon sa taong katabi ng anak ko. Subalit napatigil sa ere ang kamay ko nang mapagtantong si Jupiter 'yon. Muling kumalat sa sahig ang mga prutas. Nagpapasalamat ako dahil carpeted ang sahig kaya naman hindi ito lumikha ng malakas na ingay. Dahan-dahan akong lumapit habang nasa binig ko ang kanang kamay ko at nanlalaki ang mga mata ko sa gulat.
Nang malapitan ko ang mga ito'y napalitan ng ngiti ang gulat ko. Paano ba nama'y magkayakap ang mga ito. Si Halo ay nakaunan sa dibdib ng binata at nakayakap ang isa nitong kamay kay Jupiter samantalang si Jupiter ay nakayakap ang dalawang braso sa katawan ni Halo. Nakakumot pa ang mga ito na abot hanggang baywang. Nakaisip ako nang magandang ideya.
Nilabas ko ang cellphone ko at kinuhanan ko ang mga ito nang litrato. Iba't-ibang anggulo. Mayroon pa nga na nakipagselfie ako sa mga ito. Hindi ko tinantanan ng kuha ang mga ito kung hindi lang marahas na bumukas ang pintuan na siyang nakapagpagising sa dalawa.
"Mom, give me more 5 minutes. I'm still sleepy." Saad ni Jupiter bago muling yumakap kay Halo
"Mama please matutulog pa 'ko. Wala naman akong pasok, e!" Sambit ni Halo bago muling sumiksik kay Jupiter at natulog
Sinamaan ko nang tingin si Louie dahil kamuntikan nang magising ang dalawa. Nag-peace sign lamang ito. Habang nakangiti ay muli kong kinuhanan nang litrato ang dalawa. Mas marami para masaya!
At ito ang aking hapitot!
THIRD PERSON'S POVHabang busy sa pagpipicture si Mama Ling kila Jupiter ay hindi nito maiwasang mapangiti ng ubod nang tamis. Mga bata pa lang kasi sila Halo ay ramdam na ni Mama Ling na may pagtingin ang binata rito. Kaya naman noong humingi ito ng pabor sa kanya ay agad niya itong tinanggap. Nakita niya kasi sa mga mata nito ang purong sinseridad at proteksyon. Kaya naman ganoon na lamang ang tuwa niya ngayon dahil matapos ang maraming taon ngayon na lamang ulit sila nagkalapit nang ganito.Hindi na mabilang pa ni Mama Ling kung ilang beses niyang kinuhanan ng litrato ang dalawa habang natutulog. Iba't-ibang anggulo ang pagkuha niya sa mga ito. Kung may sahod lang siguro ito'y yayaman siya sa ginagawa niya. Subalit anong mapapala niya rito? Ang kasiyahang matagal-tagal na ring hindi niya naramdaman.Nakalapit na ng tuluyan ang asawa nitong si Louie sa tabi ni Mama Ling. Kinuhit pa siya nito upang magtanong."Ano ba 'yon, Louie?" Sambit ni Mama Ling rito habang busy sa pagkuha ng li
JUPITER'S POVIt was a sunny day when I went to the hospital. At ngayong araw ang discharge ng babaeng amazona! Dahil sa kanya nakabenda ang kanang kamay ko. Biruin mong namaga ang kamay ko. At may kalaliman ang sugat na natamo ko.Nang makababa ako sa aking sasakyan ay pumasok na ako sa loob ng ospital dahil kailangan ko pang mag-rounds at kailangan kong bigyan ng gamot ang babaeng patay gutom! I was in the middle of the lobby when I heard a commotion. Nagkakagulo ang ilang pasyente habang napapalibutan ang dalawa pang pasyente. Nakakunot ang noo kong nilapitan ang mga ito. Nang makalapit ako sa mga ito'y nakipagsiksikan pa ako da mga pasyente na naroon.Nang makarating ako sa pinakaunahan ay ganoon na lamang ang pagbalantay ng labis na pagkagulat sa aking nakita. Paano ba nama'y may dalawang pasyente na nagpapaunahan sa pag-ubos ng isang whopper burger ng Burger King! At sino pa nga ba ang patay gutom sa burger? Edi, ang babaeng amazonang may lahing titan! Nakakabingi ang sigawan ng
THIRD PERSON'S POVMahigit isang linggo na ang lumipas at balik na sa kanya-kanyang buhay sila Jupiter at si Halo. At talaga namang hindi mapagkakailang namiss siya ng kanyang mga staff lalo na ang makulit niyang nakababatang kapatid na si Vienna. Hindi sila blood related subalit magmula kasi noong araw ng imterview nito'y gustung-gusto na niya itong yakapin. Hindi niya lamang ginawa sa kadahilanang baka magulat ito at mawirduhan sa kanya. Kaya naman kahit sabik ito'y pinanatili nito ang poker face nitong mukha.Kapapasok pa lang ni Halo sa entrance ng pinapasukang eskwelahan ay narinig na agad nito ang puno ng galak na sigaw nito sa buo niyang pangalan na talaga namang nakapag-pailing sa kanya."Halo Selene Cianne Erl Mari Tengco Cajigal!!!" Tawag ng isang first year sa kanya na sa pagkakahula niya'y kilala na niya kung sinoHumahangos na lumapit si Vienna galing sa kung saan at sinalubong nito si Halo ng isang yakap. Muntikan pa silang mabuwal sa lobby. Nagtitiginan ang mga estudyan
HALO'S POVMatapos ang surprise visit ni Jupiter ay naging tampulan ako ng issue sa school. Lalo na 'yong mga palakang ingrata na wala nang ginawa kundi tumahol ng tumahol. Talaga namang pinagkakalandakan ang pagtahol, e! Mantakin mong kahit nakatalikod ako'y rinig na rinig ko ang usapan nila na akala mo nama'y may ambag sa buhay ko! Hindi naman makapagsalita kapag kaharap ako.Akala mo'y maamong mga tupang ligaw at ako ang lobong nakaantabay rito. Talaga namang tataas ang altapresyon ko nito kung papansinin ko pa ang mga tumatahol na 'yon. Kaya naman kiber lang pakialam ko ba sa kanila, e hindi naman nila alam ang buong katotohanan. Palibhasa mga walang magawa sa buhay. Kamakailan lamang ay inilabas ang kaunahang magazine na nailimbag sa pamamahala ko.Hindi ko nagustuhan ang naging resulta niyon! Talaga namang nakakapag-init ng ulo! Mabuti na lamang at nailabas ko ang hinanakit ko. Dahil sa batang 'yon ay medyo kumalma ako. Matapos ng pangyayaring 'yon ay mas napalapit sa'kin ang ba
My name is Halo. I don't know why my parents named me that kind of name. It's kinda too innocent! I'm not innocent, I'm evil and mean. I don't want everybody sees my weaknesses. I don't care with their sympathies and dramas! I hate it, I really hate every person passes by and asking what happened to me?! Or what's my problem. They're not even my mom or even my dad to do an explanations in every actions that I've done. All I want is a peaceful life and a place where I really belong. To the place that makes me feel so free and reckless! To the place where I can see myself with. All of my life I just in my room and watching other children outside playing and enjoying every time of their lives. While me, I just having my play time with my dad, mom or even with my older brother Philant Everest and sister Xyler Lamp. I never experienced hav
HALO'S POV My name is Halo Selene Cajigal, 21 years old and having this special heart condition that makes me so special at an early age. And by that I need to under go taking medications and some treatments to make my condition okay. I really hate the smell of hospitals. And I don't like to be in here again and again and again since I don't remember. And I'm so tired everytime I 'm here in the hospital. Feeling ko nasasakal ako kahit na hindi naman problema ang paghinga ko. I was in my 2nd year in college. Taking up Bachelor of Science in Secondary Major in English. Gusto kong magturo sa mga bata. Hindi ko nga alam kung bakit 'yan ang kinuha kong kurso gayong magaling naman ako sa pagluluto. Well, hindi 'yon ang topic dito. As usual nandito na naman ako sa ospital.
HALO'S POV Matapos ang tagpong isinabit ako ng parang sako ng bigas ay agad niya 'kong dinala sa private room ko rito sa ospital. Nang makapasok kami'y dahan-dahan niya 'kong ibinaba sa hospital bed. Akala ba niya nakalimutan ko na ang pagtampal niya sa pwet ko? Pwes, nagkakamali siya! Nang maibaba ako nito ng ayos ay sinuntok ko 'to sa sikmura. Subalit gulat lamang ang rumehistro sa aking mukha ng masalag niya ang kamay kong nakasarado ang palad. Akala ba niya palalampasin ko na lang ito ng ganun-ganun na lang? Kapal ng mukha niya! Mukha siyang pugita, no! Pakialam ko sa mukha niyang pinaglihi sa tarsier! Inilapit nito ang mukha nito sa aking mukha. Halos maduling na 'ko sa sobrang lapit ng aming mga mukha sa isa't-isa. Akala niya siguro ganun-ganon na lng ang laha

THIRD PERSON'S POVPayapa at tahimik ng naging magdamag nila Halo at Jupiter. Hindi na bago kay Halo na dalawin masamang panaginip. At hindi na rin bago sa kanya na laging si Jupiter ang laging nandyan para pakalmahin ito. Hindi na nagulat si Halo na kakantahan siya ni Jupiter. Alam nitong sa isang kantang 'yon ay talagang napapakalma siya.Lagi namang ganoon mula noong nagkakilala sila. Dalawang taon ang agwat ng edad nila. Walong taong gulang si Halo at sampung taong gulang naman si Jupiter nang magkakilala sila. Kalilipat lamang noon ng bahay nila Jupiter. Magkatapatan lang ang kwarto nila kaya naman naging malapit ito sa isa't-isa.Home schooling si Halo mula nang malaman ng mga magulang nito na may sakit ito sa puso. Bibihirang makalabas nang bahay si Halo dahil bawal itong mapagod. Kaya namang nang maanyayahang maghapunan ang pamilya Zuares ay agad naman itong pumayag. Doon unang nagkakilala ang dalawa. Mula noon ay naging magbest friend na ang dalawang 'to.Subalit binago itong