Kabanata 14.4“Ate Arya…”Arya smiled at Dionne. “Kumusta ka na?”“Sa tingin mo, kumusta na ang anak ko? Malamang malungkot ‘yang si Dionne dahil IPINAKULONG mo ang kuya niya!” pagsingit ni Divina.“Mawalang galang na. Kayo ba si Dionne?” Mapang-asar na nginitian ni Arya si Divina.“HA! Nakahanap ka lang ng bagong mahuhuthutan, tumaas na agad ang ihi mo! Hoy, Arya, ayusin mo ang pananalita mo. Baka nakakalimutan mong mas matanda ako sa’yo!” Pinandilatan ni Divina si Arya.Arya crossed her arms as she released louder laughter. “Bagong mahuhuthutan? Kailan ko ba pinerahan ang anak niyo? Kailan ko ba kayo ginatasan? Wala kasi akong matandaan. Isa pa, huwag niyong gamitin ang edad niyo para irespeto kayo ng taong kaharap niyo. Bago ka humingi ng respeto sa akin, tanungin mo muna ang sarili mo kung ka respe-respeto ka ba!”“Ate Arya…” Hindi makapaniwala si Dionne sa kaniyang mga narinig. Ibang Arya na ang kanilang kaharap. Hindi na ito ang dating Arya na pumapayag na api-apihin at bastusin
Kabanata 14.5Lilingon na sana si Arya nang biglang tumawag sa kaniyang cell phone si Aiven. Sinagot niya iyon at saka nagpatuloy sa paglalakad.Pumalakpak si Divina sa sobrang tuwa dahil nagkamali ang kaniyang kutob na isa nga talagang Armani si Arya. “HA! Sinasabi ko na nga ba. Hindi siya totoong Armani. Makaalis na nga at makabisita kay Senyorita Mariz.” Dali-dali siyang nagtatakbo patungo sa kinaroroonan ng kanilang sasakyan nang sunod-sunod na bumusina si Denver.“Babe, sigurado ka bang palalayain mo na si Damon? Akala ko ba isang buwa—” Napakamot sa kaniyang ulo si Jett nang sumenyas si Arya. Humingi ito ng kaunting minuto para kausapin muna si Aiven.“Anong balita? Namataan niyo na ba si Dr. Santos?” kunot-noong tanong ni Arya habang binabaybay ang daan patungo sa presinto.[“Negative pa. Oo nga pala, ate, nagawa ko na ang ipinapagawa mo kanina. Ipinarinig ko na sa mga Walton na isa kang Armani.”]Ngumiti si Arya. “I almost forgot. Kaya naman pala tinawag ako bigla ni Divina sa
"What are you waiting for, Arya? Sign the divorce papers. I already put my signature on it. I want to accomplish all the legal procedures today." Damon looked at his reflection in the mirror and didn't turn his back to see Arya's reaction.Hindi agad nakapagsalita si Arya. Titig na titig siya sa papel na nasa harapan niya partikular na sa pirma ng kaniyang asawa."If you're worried about your finances, I'll take care of that. You acted as my personal maid for the past three years so I guess, you deserve to have a separation pay. I-transfer ko na lang ang pera pagkatapos mong pumirma." Isinuot ni Damon ang kaniyang navy blue suit at rolex watch. His eyebrows, mustache and beard were trimmed to perfection. He looks elegant and refined as always."Personal maid?" Tumawa nang pagak si Arya. "Sabagay, mas maganda pa nga sana kung naging personal maid mo na lang ako eh. At least, may suweldo at mga benepisyo. I only got headaches and heartaches from this relationSHÍT."Damon smirked. "Alam
"Who said that we can't marry each other, Greta? I am now a free man." Inalis ni Damon ang wedding ring nila ni Arya sa kaniyang daliri."That fast? Processed na agad ang divorce papers niyo?" Greta couldn't help but smile."Hindi pa. Ipapadala ko pa sa lawyer ko sa States para masimulan ang proseso. If you want to see her signature on it, here." Tumayo si Damon at kinuha sa kaniyang case ang pirmadong divorce papers. Iniabot niya iyon kay Greta."I didn't expect that you could do this in just a day. Paano mo siya napapayag?" manghang tanong ni Greta."Kahit bihisan mo ang isang daga, daga pa rin ito. I told her that she needs to pay every cent that my family spent on his sick brother IF she will not sign the papers. She's poor so…"Mabilis na hinalíkan ni Greta sa labi si Damon. "You are cunning but I love it! Hanggang ngayon pala eh paniwalang-paniwala ang babaeng 'yon na ang mga Walton ang nagpagamot sa kapatid niya! Another thing, matalino ang desisyon mong sa America kayo nagpak
"Mama, totoo ba na on-process na ang divorce nina Ate Arya at Kuya Damon?" tanong ni Dionne, ang nakababatang kapatid ni Damon.Ngumiti si Divina Walton, ang current vice president ng Walton Insurance Incorporated. Si Damon ang kasalukuyang presidente ng naturang kumpanya."Oo, totoo ang nabalitaan mo. Greta is back at dahil wala na ang iyong grandpa, there is no more reason para ituloy ng kuya mo ang relasyon niya sa babaeng 'yon. Besides, she's worthless. Arya is just an obedient housewife. She's nothing compared to Greta." Nag-aayos ng kaniyang sarili si Divina. Pulang-pula ang kaniyang labi, gano'n din ang kaniyang mga pisngi. Nagsalubong ang mga kilay niya nang makita niya ang nakasimangot na mukha ni Dionne sa salamin. "Bakit malungkot ka? Don't tell me, naaawa ka sa babaeng 'yon?""Mama, she has a name. She's ARYA. Three years niyo na siyang tinatawag na "babaeng 'yon". And, she's not worthless. Did you forget how she saved our company from the verge of bankruptcy? She's great
Kabanata 3"Bakit mo pa ba ipinakuha sa akin ang mga gamit mo, ate? Hindi mo na naman kakailanganin ang mga ito." Pinagulong ni Aiven ang mga maletang dala niya."Ayokong mag-iwan ng kahit anong bakas sa bahay na 'yon." Isinuot ni Arya ang dangling earrings na regalo sa kaniya ng lolo niya sa kaniyang kaarawan. Nagkakahalaga iyon ng sampung milyong piso!"Nakakasilaw naman ang hikaw mo. Ang daming diyamante. Oo nga pala, tama ang hula mo. Pumunta sa mansyon ni Damon si Dionne." Kinuha ni Aiven ang tuxedo na binili ng ate niya."Naibigay mo ba ang USB?" Binuksan ni Arya ang isang drawer na puno ng mga mamahaling kuwintas. Ang lahat ay may angking ganda pero wala ng mas gaganda pa sa iniwang regalo ng kaniyang yumaong ina, ang L'Incomparable necklace na nagkakahalaga ng $55 Million! Ito ang may pinakamalaki at pinaka makinang na diyamante sa buong mundo. Mayroon itong dilaw na bato na tumitimbang ng lagpas 407 carats at nakakabit ito sa isang daan at dalawang diyamante! Marahan niya ito
Kabanata 4"Anong ginagawa mo rito?" Lumingos sa paligid si Damon. "Nasaan si Arya?" kunot-noong tanong niya."I'm working here," pagsisinungaling ni Aiven.Marahang nagpakawala nang malalakas na tawa si Damon. "Gabi na, nakuha mo pang magbiro. Hindi basta-basta tumatanggap ng empleyado ang mga Armani. Kahit nga katulong at driver eh mataas ang standards nila. Huwag mo nga akong lokohin. At saka, alam kong hindi ka pa nananawa sa pakikipag-basag-ulo sa kalye.""Sobrang yaman ng mga Armani pero hindi niyo sila katulad na masyadong mapagmataas. Hindi nila tinitingnan kung gaano kataas ang grado mo noong kolehiyo o kung gaano ka kagaling, mas tumitingin sila sa ugali. Kadalasan kasi, mas tuso at mas mapanlinlang ang mga taong sobrang daming nalalaman." Ngumiti nang nakakaloko si Aiven.Damon clenched his jaw. "So, you're really working for them?"Tumango si Aiven."How about my wife? Nandito rin ba siya?" Damon said out of nowhere. Maging siya ay nagugulat sa mga lumalabas sa bibig niya.
Kabanata 5“Paano nakapasok ang babaeng ‘yon sa buhay ng mga Armani? Maging ang kaniyang walang kwentang kapatid ay naroroon din! Ang kakapal ng mga mukhang makihalubilo sa ating mga mayayaman! Nakakatakot ang kanilang pagiging ambisyosa at ambisyoso!” Itinapon ni Divina ang kaniyang bag sa sofa. Naglakad siya nang pabalik-balik habang sapo-sapo niya ang kaniyang noo. Iniisip pa rin niya kung paano naging malapit si Arya kay Don Fridman sa loob lang ng maikling panahon!“Huwag niyong ibahin ang usapan, mama. Kanina niyo pa isinasali sa usapan ang magkapatid na Villanueva. Let's talk about your infidelity! Kailan pa kayo nagkaroon ng relasyon ng Rupert na ‘yon? Bakit niyo nagawang pagtaksilan si papa? Paano niyo kamin nagawang lokohin?” galit na galit na sambit ni Dionne.Huminto sa paglalakad si Divina. Marahan niyang ini-angat ang kaniyang paningin kay Dionne. “Ikaw na bata ka. Isa ka pa! Kailan mo ba gagamitin ‘yang utak mo, ha? Doon ka pa talaga nag-eskandalo sa mansyon ng mga Arma