Share

CHAPTER 4

Nicole

Narinig niya ang pag-aaway ng mga magulang nang lumabas siya ng kwarto.

"May sakit ka na nga, uminom ka pa kagabi. Tigas din ng ulo mo," panenermon ni mama kay papa.

Hindi umimik si papa pero ihint na ito sa pag-ubo. "Alam mo naman na nangako ako na magpapainom ako dahil sa paghakot ni pareng Florie sa buhangin kahapon."

"Ako'y tigilan mo. Hirap-hirap mo pa namang painumin ng gamot," saad ni mama habang binibigay kay papa ang unan at kumot. "Magpahinga ka na lang dyan, wag ka nang pumasok. Sasabihan ko na lang si Florie na hindi ka papasok."

"Hayaan muna, ubo lang naman ito. Mawawala din," tumayo si papa at akmang magbibihis na ng pang-trabaho.

Kinuha niya ang baldeng lagayan ng biscuits na wala nang laman. Saka niya kinuha ang laptop, pinapakinggan ang pag-uusap ng dalawa.

"Tumigil ka dyan, negro ha. Humiga-higa ka dyan," galit na sabi ni mama habang pilit pinapahinga si papa.

Lumabas si mama para puntahan si Kuya Florie.

"Uminom na kayo ng gamot kaysa lumala pa 'yan," sabi niya habang nakatingin rito.

"Mamaya," sagot ni papa pagkatapos umubo na naman.

"Sus, puro kayo mamaya tapos hindi na naman kayo iinom. Takot din kayo sa gamot no? Pero kapag kami may sakit, sasabihin niyo liit-liit niyan, hindi niyo pa mainom. Tapos ganon ka din pala," sermon niya.

Hindi ito naimik pero kita niyang nakataas ang sulok ng labi nito.

"Uminom ka ha, ito 'yung tubig," sabi niya sabay lapag ng isang basong tubig.

"Nakaalis na si Florie, Nicole, pumunta ka sa kampo at sabihin mo dun na hindi makakapasok si papa mo dahil may sakit," sabi ni mama.

"Eh? Ako? Hala, nakakahiya ma, ayaw ko," tanggi niya nang utusan siya ng kanyang Ina.

"Bakit ka ba mahihiya? Wala namang kakain sayo doon, pumunta ka na," sabi ng Ina.

Anong wala? Kung makatingin nga sakanya, yung boss ng papa niya, para na siyang kakainin ng buhay.

"Kambal, samahan mo yang ate mo pumunta sa kampo," utos ni papa kay kambal.

"Tara na, samahan mo ako," sabi niya sa kapatid.

Nakangusong tumingin sakanya ang kapatid. Inirapan siya nito at nagdadabog na lumabas. "Pa, tingnan mo si kambal," sumbong niya sa ama.

"Pumunta na kayo ha, mag-ebike na lang kayo," sabi ni papa.

"Kunin muna Yung ebike, abangan na lang kita sa labasan," sabi niya sa kapatid.

Hindi ito umimik, pero nakasimangot itong lumakad palayo sakanya.

"Itigil mo dyan sa tabi," utos niya sa kapatid nang nakarating na sila sa kampo, bitbit ang legare na ipinahabol ng kanyang ama para ibigay sa mga kasamahan nito.

Pumunta sila sa likurang bahagi ng kampo kung saan tinatayo ang mga barracks ng mga sundalo. Nakakahiyang pumunta dito lalo na at karamihan ay puro mga lalaki ang makikita mo.

"Excuse me po, umm, nasaan po si kuya florie?" Lahat ng taong nandoon ay tumingin sakanya. Gusto niya nang umuwi.

"Nasa taas iha, bakit?" Tanong ng isang lalaki na hindi niya kilala.

Nag-aalangan na tiningnan niya ito, "ah, ano po, pinabibigay po ito ni papa," sagot niya sabay abot ng legare. "Nasan nga po pala Yung kapitan daw?" Tumingin siya sa kapatid, sinisigurado na tama ba Yung sinasabi niya.

"Kapitan?" Nagtatakang tanong ng lalaki.

"Yun pong ano, bagong dating daw dito sa kampo. Yung malaking lalaki na gwapo, tapos macho," pagdedescribe niya sa hinahanap.

"Baka ako yun," sabat ng isang sundalo na bungi.

Napangiwi siya, sasagutin niya sana ito ng siniko siya ng kapatid. Tiningnan niya ito at tinaasan ng kilay.

"May kailangan ba kayo iha?" lumingon siya ng may nagsalita sa likod niya.

"Good morning po," nahihiyang bati niya sa matandang bagong dating.

Tumango ito. "May kailangan ka ba iha?" tanong nito.

Napakamot siya sa ulo. "Hinahanap ko po Yung gwapong lalaki na matangkad? Huh? Yun pong malaking lalaki," nakangiti niyang tugon rito.

"Bakit? Liligawan mo ba siya?" seryosong tanong ng matanda.

"Ho? Ay hindi po," mabilis na tanggi niya rito na may kasama pang pag-iling ng ulo.

"Sus, okay lang naman kung liligawan mo ang apo ko," nakangiti ito animo'y tuwang-tuwa sa idea na siya ang mapapangasawa ng apo.

Nakangiwi siyang ngumiti dito, saka nagpapatulong na tumingin sa kapatid. Nagkibit-balikat lang ito sakanya.

"Ano iha, aakyat ka na ba ng ligaw?" tanong pa nito muli.

Nagtawanan ang lahat ng nandun, chineer pa siya. May mga sapak ba mga tao dito? Hindi ako nainform.

"Colonel"

Sabay naming nilingon ang bagong dating na lalaki. Mukhang bagong ligo ito dahil namamasa-masa pa ang buhok. Nakasuot ito ng t-shirt na puti at khaki pants. Hala, ang gwapo niya. Hindi niya maalis ang tingin dito. Binati ito ng mga sundalong nakakasalubong.

"Sean, nandyan ka na pala. Kanina pa may naghahanap sayo, liligawan ka daw" nakangiting Saad ng matanda dito.

Tumingin siya sa kanya. Kinabahan siya nang makita kung paano ito tumitig. Ang mga mata nito ay parang nanunuot sa kaloob-looban niya. Nanlalambot ang tuhod niya sa hindi malamang dahilan.

Alanganin siya ngumiti at binati ito. "G-Good morning po"

Ngumiti ito at may kung anong kislap sa kanyang mga mata na hindi niya mabasa. "Good morning, bakit mo ako hinahanap? May kailangan ka ba?" tanong nito habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya.

"H-Hindi daw po si papa makakapasok ngayon, kaya bukas ka na lang daw po niya sasamahan mamili ng materyales po," sabi niya, hindi makatingin dito ng maayos.

"Ganon ba? Bakit daw?" tanong nito.

"May sakit po," tipid niyang sagot.

"Ano po, Sir, uuwi na po kami," paalam niya sa mga ito.

"O sige, mag-ingat kayo iha," ngumiti ito at marahang ngumiti sa kanila.

Ngumiti naman siya at tumango. Hinawakan niya sa braso ang kapatid at pinauna ito sa paglalakad.

"May sasakyan ba kayo? Pwede kayong sumabay sa akin," biglang sabat ng lalaki na ikinatigil niya.

"Aalis ka?" tanong ng Colonel.

"Ah, oho, may kakausapin lang po ako sa bayan. Sumabay na kayo sa akin" Saad nito.

"H-Hindi na po, may sasakyan po kami," natatarantang sabi niya.

"Sige po, una na kami," paalam niya at mas lalo pang binilisan ang lakad paalis.

Nang pasakay na siya sa ebike, napasigaw siya ng may biglang humawak sa braso niya.

"Sir, Jusko aatakihin ako sa puso sainyo." Para siyang nakuryente ng hawakan siya nito sa braso, nilingon niya kung sino ang pangahas na gumawa noon. Dahil ilang dangkal lang ang layo nila sa isa't isa. Amoy na amoy niya ang pabango nito. Hindi ito matapang at masakit sa ilong. Masarap pa nga ngang singhutin.

Tumawa ito habang pinagmamasdan siya. "Sorry, hindi ko alam na masyado kang magugulatin."

Tumingala siya sa lalaki dahil mas matangkad ito. Kailangan niya pa itong tingalain. Biglang kumalabog ang dibdib niya sa hindi malamang kadahilanan.

Nakahawak sa dibdib, tumingin siya rito. "May kailangan po ba kayo?"

"Oo nga pala, papasama sana ako sayo bukas." Nakatitig ito sa kanya habang sinasabi iyon.

Ayun na naman ang mga mata nitong malalim kung tumingin. "Saan po?" tanong niya. Bakit ba siya kinakabahan?

"Maglilibot sana ako ng bayan, papasama sana ako sayo," nakangiting sabi nito.

"Maligaw? Paano naman po mangyayari yun?" nagtataka niyang tanong.

"Ngayon pa lang ako madedestino sa bayang ito kaya hindi ko pa alam ang mga pasikot-sikot."

"Eh, baka hindi po ako payagan ni mama," pagdadahilan niya.

"Ako na ang bahala, ipagpapaalam kita."

Hindi ako sumagot at kumagat sa labi na lang. "I'm sure naman na hindi ako papayagan ni mama," isip-isip niya. Pero si papa papayag yun lalo na kapag itong kapre na ito yung nagpaalam. Baka sabihan pa siya nun na magpakabait siya. Wala sa sariling, napasimangot siya.

"Ayaw mo ba? May lakad ka?" tanong nito.

"Okay lang naman kung may date kayo ng boyfriend mo," binuntutan pa nito ng tawa. Pero bakit parang may halong pait ang tawa nito? O guni-guni niya lang yun?

Inilapit nito ang sarili hanggang sa pumantay ito sa tainga niya. "Siguro naman hindi mo na ako tatakbuhan? Wag kang mag-alala, hindi naman kita kakainin sa ngayon," mahinang bulong nito. "Hindi pa." Dugtong na bulong nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status