แชร์

CHAPTER 5

Nicole

"Nasaan si May? Umuwi na ba siya?" tanong niya kay Jemalyn habang nakaupo sila sa library.

"Oo, sinabi niya kanina na may date siya, kaya uuwi siya ng maaga para maghanda," tugon ni Jemalyn.

"Eh yung boyfriend mo, nasaan? Bakit hindi mo kasama?" tanong nito ng may pagtataka sa boses.

"Umuwi na siya," sagot niya, na may pagkadismaya sa kanyang boses. "Marami daw siyang gagawin. May recitation pa sila bukas."

"Akala ko may date kayo. Birthday mo ngayon, di ba? Kaya nga hindi tayo gumala kasi sabi mo may date kayo," nagtataka itong nakatingin sa kanya.

Alanganin siyang ngumiti dito. "Ewan ko," sabi niya, "hindi ko na siya masyadong natanong nagmamadali kasi siya. Basta sabi niya lang uuwi na siya at may gagawin, hindi na nga niya hinintay na sumagot ako umalis na agad."

"Baka umuwi siya ng maaga para maghanda ng surprise para sa iyo," sabi ni Jemalyn. "Kung hindi naman, ikaw na lang ang mag-surprise sa kanya, kahit birthday mo. Malay mo busy talaga."

"Baka busy sa ibang babae," singit ng kararating lang na si Annie. "Siguradong walang surprise 'yun sa iyo, wala nga siyang oras para sa iyo, magkaoras pa kaya para i-surprise ka."

"Huwag ka ngang ganyan Annie," sita ni Jemalyn kay Annie. "Baka gusto niyang bumawi kay Nicole lalo na at lagi din siyang walang oras para sa kaibigan natin."

"Pag magkasama kami," sabi ni Nicole, "lagi akong nagpaparinig na malapit na birthday ko, tapos madami din akong shared post." Huminga siya ng malalim saka tumingin sa mga kaibigan. "Pero siguro nga may surprise siya sa akin kaya umuwi siya ng maaga."

"Tanga ka ba?" seryosong tanong ni Annie. "Nicole, kung mahal ka ng isang lalaki hindi mo kailangang ipilit ang pagmamahal, atensyon, o oras ng isang tao na ibigay sayo. Kung totoong mahal ka niya, maririnig niya at gagawa siya ng effort para sayo. Tandaan mo iyan. Masyado kang nagpapakatanga."

"Ano ba Annie, tumigil ka nga masyado kang nega," saway ni Jemalyn kay Annie. "Huwag mong pansinin si Annie, Nicole. Magplano na lang tayo ng surprise para kay Paul mamaya," sabi ni Jemalyn, na nag-abot sa akin ng isang milk tea upang ma-distract siya.

"Wag kang ngang makinig sa mga payo ni Jemalyn. Kaya ka pa nagiging tanga," galit na sabi ni Annie. "Hayaan na lang na ganon si Paul? Maraming palatandaan na niloloko ni Paul si Nicole pero pabayaan pa rin natin? Ganyan ka ba, tanga?" Lumakas ang boses nito dahil sa galit.

Tumayo ito, nakahawak ang kamay sa baywang at ang isa naman ay sa ulo, tumingin ito sa gawi nila ni Jemalyn. "Nicole, ikaw na yung nagsabi na nagiging malihim na si Paul. Palagi niyang itinatago ang cellphone kapag magkasama kayo, binubura ang mga chat or message, at laging nagpapalit ng password nang walang rason. Palaging may kausap sa cellphone." Huminga ito nang malalim.

"Parang mas marami pa nga siyang oras sa cellphone niya kaysa sayo. Madalas siyang wala, hindi sumasagot sa mga tawag mo, o nagbibigay ng mga sagot sa mga tanong mo. Yan ang ebidensya, Nicole. Jemalyn, nagpapaka-tanga kayo."

"Alam ko naman 'yon eh, ramdam ko. Hindi ko lang matanggap na magagawa niya 'yon sa akin," lumuluhang saad ko sa mga ito.

Huminga ng malalim si Rovy Ann. "Tigil na," sabi nito. "Kung gusto niyong maging tanga, go. Let's plan your surprise for prince."

"Pero tama din naman si Rovy Ann," saad ni Jemalyn. "Kung mahal ka niya, mag-e-effort siya para sayo, hindi yung ganito."

"Mahal ako ni Paul, mahal niya ako," bulong niya

Hinawakan ni Jemalyn ang kamay niya na nasa ibabaw ng mesa. "Actions speak louder than words, Nicole," sabi nito. "If he loves you, he won't behave like that."

"Hindi, busy lang talaga siya..." saad niya habang nakatingin sa mga ito.

"Ang tanga mo naman," seryosong saad ni Jemalyn.

"You deserve someone who treats you like you're the most important person in their life," Rovy Ann said, emphasizing her point. "Not the person who will make you question your worth."

Hindi siya makaimik. Hindi alam kung paano sasagutin ang pang-aalaska ng dalawa. "Hayaan niyo na nga muna 'yun, ayusin na lang natin 'yung plano para kay Paul." Pinahid niya ang luha sa mga mata at ngumiti sa mga kaibigan. Sinimulan nilang ilista ang mga pagkain at ano-ano ang mga dadalhin para sa surprise.

"Gusto ko ng romantic dinner sa balkonahe. Maganda 'yung mag-star sightseeing kami habang nakakain."

"Hala, ang ganda nun! Let's do that," excited na sabi ni Rovy Ann. "Kami na ang bahala sa decorations. Bibili kami ni Jemalyn tapos chat ka na lang sa amin kapag nakaalis na kayo ng condo ni Paul. Para ma-set up namin."

"Dapat may sound din. Gagawa ako ng playlist para sa mga kanta. Ano bang maganda? 'Water' o 'Versace'?"

"Make me sweat, make me hotter, make me lose my breath, make me water," kanta ni Rovy Ann na may kasama pang pag-giling. Nahihiyang inilibot niya ang tingin sa loob ng library.

"Tapos deretsyo na kayo sa making the baby," nakangising sabi ni Jemalyn habang tumataas baba ang kilay.

"Hey Jemalyn, tigilan mo si Nicole baka magkaroon ng idea makipag boom boom pa yan talaga kay Paul," segunda ni Rovy Ann nang may pagtaas pa ng kilay.

"So okay na yung mga plano? Sigurado magiging okay na yung relasyon niyo kaso Nicole, dahan-dahan tayo ha, wag munang makipag tsug tsug. Hindi pa kami handang maging mga ninang. Mga poorita pa kami."

Tumango si Jemalyn, puno ng determinasyon ang mga mata nito. "Ito yung surprise na hindi niya malilimutan pero baka naman ma-iregalo muna yung sarili mo, walang ganon."

Umirap siya sa mga ito. "Kayo talaga, mga baliw. Bata pa ako," protesta niya sa mga ito habang nagngingitian silang tatlo.

Nag-wink si Jemalyn sakanya ng pabiro. "Tama nga, bata ka pa, pero kaya na rin gumawa ng bata," sabay ngiti ng nakakaloko.

Nagkatinginan sina Jemalyn at Rovy Ann bago sila bumaling sakanya, seryoso silang tumingin sa akin. "Nicole, tandaan mo kahit ano mangyari mamaya, nandito kami para sa'yo," sabi ni Jemalyn nang may pag-aalala sa boses.

Tumango si Rovy Ann bilang pagsang-ayon. "Nandito lang kami para sa'yo, no matter what happens," dagdag niya na puno ng suporta.

"Okay, makinig kayo, ganito yung plano. Ikaw yung mauuna sa condo ni Paul, Nicole, tapos habang wala pa kayo, kami ni Rovy Ann yung magdedekorasyon," paliwanag ni Jemalyn na puno ng excitement sa boses.

"Kailangan ko na palang umalis ngayon," abiso niya sa dalawa, kinakabahan pero excited. "Pupunta na ako sa condo ni Paul. I-message ko kayo pagdating ko dun."

Tiningnan niya ang dalawa, tumango sakanya si Rovy Ann, samantalang ngumiti naman sakanya si Jemalyn.

"Salamat ha dahil lagi niyo akong sinusuportahan," sabi niya na puno ng pasasalamat.

Ito ang unang beses na gagawin niya ito. Kaya gustong maging perfect yung surprise. Hindi niya mapigilang ngumiti, umaasa na dahil sa surprise na ito ay magiging maayos na yung relasyon nilang dalawa.

Pumunta siya sa Red Ribbon para bumili ng paboritong chocolate cake ni Paul. Hawak-hawak ang cake, naglakad siya papunta sa building kung nasaan ang condo ni Paul. Napangiti siya ng makita si Paul, ngunit napatigil siya nang mapansing hindi ito nag-iisa.

Hindi siya makagalaw, yung mga hinalang sinikap niyang ipagsawalang-bahala ay totoo pala? Gusto niyang magtago, nanginginig siya, hindi alam kung ano ang gagawin o sasabihin.

Kita niya kung paano tumawa ang kasintahan habang naglalakad ito papasok ng building.

Umiling-iling siya habang sinusundan ang dalawa. Sasabog ang dibdib niya dahil sa lakas ng tibok nito.

Kumatok siya sa pintuan ng condo, kahit nakailang katok na siya, walang nagbubukas. Nagdesisyon siyang pihitin ang seradura. Nagulat siya nang malaman na hindi ito nakalock, nagmamadali sila kaya hindi na ito nilock? Nagngingit-ngit ang kalooban niya dahil sa naisip.

Pumasok siya sa condo ni Paul. Kahit nasa sala pa lamang siya, naririnig na niya ang mga ungol na nagmumula sa isa sa mga kuwarto.

"Lord, please, sana mali po yung iniisip ko," tahimik niyang dasal.

Hindi siya tanga, alam niya ang ibig sabihin ng mga ungol mula sa kuwarto ni Prince. Naramdaman niyang unti-unti binibiyak ang puso niya, parang itong pinunit ng paulit-ulit dahil sa sakit na nararamdaman niya mula sa mga ungol na tila nag-eecho sa buong pagkatao niya.

"Oh! Yeah! Baby! Oh! Fuck me hard! Oh!" Ang malaswang sigaw ng isang babae. "God. Paul I love you, shit! Do that again Ah! Oh!"

"I love you too, baby," boses ni Prince. "Oh, oo! Ang galing mo, baby. Fuck. Ah!"

"Oh! Push it further, Prince!" The woman screamed while moaning, "You're so good."

"You're also good, baby. Really good. Oh, God! Fuck. Oh!"

Dahan-dahan binuksan ni Nicole ang pinto. Hindi na siya nagulat nang makita si Paul na walang saplot at ang babae sa ilalim nito ay ganon din. Tuluyang nabasag ang puso niya habang pinapanood ang kanyang kasintahan na nakikipagtalik sa ibang babae, sinasabi ang mga salita na akala niya'y sakanya lang sasabihin. Parang may milyon-milyong patalim ang tumama sa dibdib niya dahil sa nakikita at naririnig.

Tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata, ngunit agad niyang pinunasan ang mga ito. Mabilis niyang inayos ang sarili at lumabas ng kuwarto. Ayaw niyang makita nila siyang durog na durog. Nang nasa elevator na siya, niyakap niya ang sarili at umiyak.

Tumakbo siya palabas ng building. Hindi pinansin ang mga taong nakatingin sakanya. Bumuhos ang malakas na ulan, ngunit hindi niya iyon pinapansin. Ang mga patak ng ulan ay naghalo sa kanyang mga luha. Hindi niya alam kung saan pupunta, puno ng imahe ni Paul at ang babae nito ang isip niya. Ang kanilang mga ungol.

Namalayan niya na lang na nakahandusay siya sa sahig nagkakagulo ang mga tao na nakapalibot sakanya. Busina ng mga sasakyan, pagkatapos ay naglaho ang lahat.

Nang magising siya, napansin niya na ang kwartong kinahihigaan niya puti at itim ang kulay. Mula sa bintana, nakikita niya na patuloy pa rin ang pag-ulan.

Biglang nagulat siya nang bumukas ang pinto

"Sean?" Nagtataka niyang tanong.

"Gising ka na pala. Kamusta ang pakiramdam mo? Nagugutom ka ba? May masakit ba sa iyo?" sabi ng lalaki na puno ng pangamba.

"Isa-isa lang ang tanong mo," sagot niya.

"Sorry, ako ang nakabangga sa iyo. Nandito ka sa condo ko."

Hindi siya sumagot at hindi rin siya makatingin sa lalaki. Hindi niya maintindihan kung bakit ang lakas ng tibok ng puso niya kapag malapit ang lalaki, na hindi nangyayari kapag kasama niya si Paul.

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด

DMCA.com Protection Status