Share

CHAPTER 3

Sean

Natuod siya sa kinatatayuan at hindi maalis ang tingin sa babaeng nakaupo sa may ugat ng santol. Napakaganda nito sa suot na pajama at t-shirt na malaki, nakapusod ang buhok na mas lalong bumagay sa mukha nito. Animoy papel na ang balat dahil sa kaputian. Napakaganda kahit ganon lang yung suot.

"Ayos lang ho kayo, sir?"

Napakurap-kurap siya ng mata at bumaling kay Mang Efren na nakakunot ang noo. Katulad kayo pa nga ng kanyang abuelo.

Napahimas siya ng batok at sumulyap ulit sa babaeng naglalagay na ng mga binalutan sa paper bag na ham.

Tumikhim siya bago nagsalita. "Opo, Mang Efren, pumunta pala ako dito dahil kakausapin ko po sana kayo pagkatapos niyo pong gawin itong building na ito, may ipapagawa pa po ako."

"Sige po, walang problema, sir. Matagal-tagal pa pala ang trabaho namin dito, Nicole!" May tinawag itong babae. Lumapit naman ang babaeng nakapukaw ng kanyang atensyon. Napalunok siya ng mapagmasdan ito ng malapitan. Nakakabato balani ang ganda nito.

"Sir, si Nicole po, pangatlo ko nga po palang anak, magiging accountant po 'yan. Bumati ka kay Captain Sean, sundalo 'yan."

"Hello po, sir. Welcome po dito sa bayan namin." Nahihiyang bati nito at kumiming ngumiti. Napaawang naman ang labi niya. Nicole pala ang pangalan, bagay na bagay rito. Sa tantya niya, ay nasa desi-nuebe o bente ang edad nito. Tipid lang itong ngumiti sa kanya na animoy naiilang.

"Ganda 'no, sir? Bantay-sarado 'yan ni Efren at ligawin daw." Si Mang Danny ang sumagot.

Parang hindi niya nagustuhan ang sinabi nito na ligawin ang dalaga.

"Dapat lang ho talagang bantayan dahil bata pa itong si Nicole, mag-aral muna bago ang ligaw-ligaw na 'yan." Segunda niya.

Magsasalita pa sana siya, ngunit biglang nagsalita ang dalaga.

"Pa, uuwi na ho ako," sabi nito at sinuot na ang sumbrero.

"Ganon ba? Sige, mag-iingat ka sa daan, yang pagdadrive mo, dahan-dahan lang ha."

"Opo," tipid na ngiti at tango lang ang binigay nito sa kanya nang lumingon at tumalikod na palayo. Tinatanaw ko na lang ito papalayo. Sinulyapan niya pa ang direksyon ni Nicole bago nagpaalam sa mga trabahador na naroon at sumakay na sa driver seat.

Amira

Pumunta siya sa may labasan para hintayin ang mga magulang, may mga dala sila. Huminto sa tapat niya ang itim na pick-up truck. Bumukas ang pinto ng passenger seat, lumabas si papa. Saka nito pinagbuksan ng pinto si mama. May mga bitbit silang eco bag na may mga laman na prutas. Lumabas naman sa driver seat si sir Sean, ihahatid pa ata sila mama.

"Maraming salamat sa paghatid, sir," nakangiting pasasalamat ni papa.

"Walang anuman ho, Mang Efren. Gusto niyo ihatid ko pa kayo?"

"Wag na ho, sir. Kakahiya naman. Saka nandito na ho ang anak ko. Baka po gusto niyong pumasok sa bahay para magkape?" aya naman ni mama.

Tumingin ang lalaki sa kanya, sakto namang nagtama ang mga mata namin. Ngumiti ito. Iniwas niya ang tingin at itinuon na lang sa mga eco bag na dala ng magulang ang atensyon.

"Sa susunod na lang ho, Manang Francia. Baka mas lalo pa po akong gabihin," dinig niyang paalam nito. Hindi niya alam kung bakit nanghinayang siya nang tumanggi ang lalaki.

"Ganon ho ba? Mag-ingat kayo sa daan. Yung pagdadrive niyo po, sir, dahan-dahan lang baka maaksidente po kayo."

"Sige po, mauuna na ako."

Sumakay na ito ng sasakyan at pinaandar. Nagyaya na rin sila mama na maglakad na kami sa may eskinita para makauwi.

"Hindi mo lang binati si sir Sean, anak eh. Nakakahiya dun sa tao, hinatid pa ako nun. Nung sinabi ko na susunduin ko pa sa paglalabada ang mama mo, nag-volunteer pa na samahan ako para makauwi kami ng maaga," may himig na panenermon na sabi ni papa.

"Ayaw ko nga kung makatingin nga sa akin iyon, para akong gustong kainin," sabi niya sa isip. Hindi niya pwedeng sabihin iyon ng harapan, baka mayayari siya.

"Hala, eh nahihiya nga po ako. Pati hindi naman kami close para gawin ko po iyon," nakasimangot na sagot ko rito.

Sinamaan ako ng tingin nito. "Pero sa susunod, kapag nakita mo si sir, bumati ka. Baka isipin nun na hindi ka namin tinuturuan ng magandang asal," pangaral pa nito.

"Hayaan muna yang anak mo at magbihis ka na para makakain na tayo. Asan nga pala ang mga kapatid mo? Gabing-gabi na eh, nasa galaan pa ang mga iyon," awat naman ni mama na inilalabas na yung mga laman ng dala nilang eco bag.

"Maghapon nga nasa galaan ang mga iyon, puro mga nasa jowa," sabi ko.

"Sunduin muna nga ang mga iyon. Kapag ako ang nakasundo dun, may mga lagapak iyon sa akin," galit na utos ni mama.

"Opo."

Nakabusangot siya habang naglalakad, iniisip niya kasi yung panenermon ng ama. Grabe kasi yung paggalang ni papa dun, eh ngayon niya pa nga lang yun nakikilala.

"Umuwi na daw kayo," sabi ni mama. "Patay kayo, gabing-gabi na eh hindi pa kayo nauwi," galit na sabi niya sa kambal na kapatid.

Wala itong mga imik habang naglalakad sila pauwi. Mas malalaki ito at matatangkad sakanya, pero takot ito sakanya. Siguro dahil siya ang ate. Hindi niya rin maintindihan pero siya yung panganay. Pero yung height niya, hays, sa pitong magkakapatid siya yung pinakapayat at maliit. Kainis, siguro yung paggawa sa akin ng magulang ko quicky lang, minadali.

Nang makarating na sila sa bahay, pumunta siya sa kusina para maghain. Nakita niya ang mga prutas na dala ng magulang, mayroon ding isang buong manok na galing sa isang sikat na bilihan. Binuksan niya ito at halos maglaway siya, kahit walang sauce, ang sarap pa rin nito. Kumuha siya ng isang hita at kinagatan ito. Napapikit pa siya sa sarap.

"Galing kay sir Sean yan, napakabait talaga nun," saad ng ama na umupo na sa sahig. Saka sumunod na rin ang kanyang ina at mga kapatid. May lamesa naman silang plastic, pero hindi iyon inaassemble, mas sanay kasi silang kumain sa lapag.

"Magpasalamat kayo doon kapag nakita o makasalubong niyo si sir, pagkabait na bata nun," dugtong pa ni mama na nagsandok na ng kanin sa bawat plato.

Nagtitinginan kaming magkakapatid at hindi na lang umimik.

"Kumain na kayo," sabi ni inay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status