Share

CHAPTER 2

Nicole

"Ang bilis mo namang maglakad, kala mo naman talaga tatakbo ang gym."

"Kapag napuno na yung gym, wala na tayong mauupuan. Tatayo tayo habang nanonood?" Naiinis na saad niya kay Jemalyn at mas binilisan pa ang paglalakad. Bagal-bagal kasi nitong gumayak, nagpapaganda pa kala mo naman talaga may jowa.

"Hindi tayo mauubusan ng upuan, ano ba? Chinat ko na si Danna na i-reserve tayo ng upuan. Sobrang atat makita ang jowa?" Nakairap nitong sabi ng makasabay na sa paglalakad niya.

Tinawanan niya lang ang kaibigan. "Hindi ah, mahirap lang manood kapag nakatayo."

"Sus, padali mo hampasin kita dyan eh. Kung hindi ko lang alam gusto mo ng isigaw yung bebe ko, yung number 4."

"Baliw mo talaga, tara na nga," asik niya. Kuhang-kuha talaga nito yung inis niya minsan, "kung hindi ko lang to kaibigan."

"Bakit? Totoo naman ah!" Nag-make face pa siya. Kala mo naman maganda, hampasin ko ito eh.

"Hindi ka titigil? Papahalikan kita kay Manong, ano?" Pinandilatan niya ito ng mata.

Awtomatikong itinikom nito yung bibig sumenyas na parang zinizipper ang bunganga. "Titigil na, ano pikon na pikon? Saka matanda na yung si Manong, hindi na non ako kayang kaldagan

"Kaya ka pa nun ihagis-hagis! Baliktarin patuwad."

"Gaga ka, iika-ika na nga gusto mo pang pakaldagin. Tara na nga sa bebe mo."

"Wait si Manong oh."

"Tara na, ang bagal mo." Inirapan siya nito at nagpatiuna na sa gymnasium.

Sa ilang taon na relasyon namin ni Paul, hindi pa kami lumampas sa halik at yakap. Hindi pa siya ready na isuko ang Bataan. Kasal muna bago mag-boom boom paw.

Parehas silang nag-aaral sa isang public college. Dapat sa university siya papasok pero may grade requirements. Kaklase niya ang kasintahan, parehong Bachelor of Science in Management Accounting ang course nilang dalawa, second year college. Nakilala niya noong nagpalipat siya sa section. Ang alam ng parents niya manliligaw niya pa lang ito. Ayaw ng parents niya na mag-boyfriend siya. Future breadwinner siya kaya kailangan niyang makatapos ng pag-aaral para makatulong sa pagpapaaral sa mga kapatid.

Malayo pa lang sa gym, rinig na rinig na ang paghiyaw ng mga estudyante. Punong-puno ng tao ang loob at kailangan mo pang makipagsiksikan para makapasok.

"Excuse me! Excuse me lang po, makikiraan!" Sabi ni Jemalyn habang nakikipagsiksikan sa unahan. Nakasunod lang siya sa likuran ng kaibigan, iniiwasan ang bola matamaan.

"Bilisan mo! Nandun sila Danna." Hinila ni Jemalyn ang kamay niya para maupo na sa may unahan ng bleacher.

"Aray, teka lang naman!" Nagigitgit at nasisiko na kasi siya ng ilang estudyanteng nanonood din.

"Go Paul! Woo! Galingan mo! Para may kiss ka kay Nicole!" Sigaw ni Jemalyn ng hawak na ni Paul ang bola at tumakbo na papunta sa kabilang ring.

Nang makaupo na siya ng maayos, nakicheer na rin siya. Mukhang narinig naman ng kasintahan ang sigaw niya at hinanap siya ng tingin. Nagsisigawan na ang mga kakampi nito dahil dalawa na ang nagbabantay dito, ngunit binalewala lang ni Paul ang mga ito at smooth na shinoot ang bola. Naghiyawan ang mga estudyante na nanonood, ganun na rin kami ni Jemalyn. Ang galing talaga nito. Nang makita siya nito, nagsenyas ito ng "I love you." Nag-init ang pisngi niya sa ginawa ni Paul. Si Jemalyn naman ay parang mas kilig na kilig pa kaysa sa sakanya, sa katitili at sinamahan pa ng pagyugyog sa balikat niya. Kala mo talaga siya ang jowa eh.

Tinuon niya ang pansin kay Paul na animo'y nagpapakitang gilas sa paglalaro dahil tuwing maishoshoot nito ang bola, magpa-flying kiss ito sa kanya. Kaya hanggang sa matapos ang laro na panalo ang team nito, pulang-pula na ang mukha niya na parang kamatis dahil sa ginawa ng kasintahan.

Sa labas na kami ng gymnasium nag-abang ni Jemalyn. Nang makitang palabas na si Paul, siniko niya na ang kaibigan, hudyat na pwede na itong umalis at iwan siya. Inirapan muna siya nito at maarteng hinawi ang mahabang buhok saka lumakad papalayo. Patakbong lumapit sakanya si Paul na may malawak na ngiti sa labi.

"Hi love!" Bati nito sabay halik sa pisngi niya.

"Hello! Ano, pagod?" Nakangiting tanong niya at kinuha ang bimpong nakasampay sa balikat nito at pinunasan ang pawisang mukha at leeg. Nakasuot na ito ng puting t-shirt pero jersey shorts pa rin ang pang-ibaba nito. Ngiting-ngiti naman si Paul habang pinupunasan niya. Kinagat niya naman ang loob ng pisngi habang nakatingin sa gwapong mukha nito para hindi mahalatang kinikilig siya.

"Hindi na. Nandito ka na eh, alam mo naman na ikaw ang energy ko."

"Ewan ko sayo, bolero ka." Kunwaring inirapan niya ito.

Tumawa lang ito at pinisil ang ilong niya. "Nagustuhan mo ba ang performance ko?"

"Oo naman! Ikaw pa ba? Ang galing mo kaya kanina."

"Sabagay, rinig na rinig ko nga sa buong gym ang tili mo kanina eh." Nanunuksong ngumisi ito sakanya.

"Ano ka, isang beses lang ako tumili kanina no. Baka tili ni Jemalyn ang naririnig mo, ingay nun eh." Tanggi niya sabay nguso. "Halika ka na nga, gutom na ako!" At nagpatiuna nang lumabas ng gate. Tatawa-tawang sumunod naman sakanya ito.

Kumain kami sa madalas naming kinakainan sa bayan. Sa mga tagong kainan kami kumain kapag nalabas kami, baka kasi may makakita sa amin at magsumbong kala mama. Noong nagsabi siya sa parents kung pwede na siyang mag-boyfriend, hindi pumayag ang mga magulang. Pinag-aaral daw siya kaya pag-aaral daw ang atupagin niya. Hindi lang niya maintindihan pero yung mga kapatid niyang mga kambal may boyfriend, pero bakit siya pinagbabawalan.

Mahal niya si Paul sobra first boyfriend niya ito, matagal niya na itong crush Kaya nung nanligaw ito sakanya sinagot niya kaagad. Pangarap niyang makasama ito Hanggang Pagtanda. Ganun din naman ito sakanya. Ang usapan nga ay magpapakasal sila kapag nasettle niya na Yung mga Magulang. "Siguro sa panahon na yon ay pwede na Kami, matatanggap na siya siguro ng mga magulang ko."

"Love, kailan mo ako ipapakilala sa parents mo?" Tanong nito habang nakayakap ito sa kanya nasa loob sila ng kotse nito.

"Kapag nakagraduate na tayo, love, hindi pa ako ready na sabihin sa mga magulang ko ang relasyon natin." Tiningala niya ito at binigyan ng matamis na ngiti.

"Hihintayin ko ang araw kung kailan ka magiging handa." Ngumiti ito sa kanya at kinintalan siya ng halik sa labi.

Kung sa magulang ni Paul, hindi niya masasabing tanggap ng mga ito ang relasyon nila. Hindi sila masyadong naimik kapag nandun siya. Hindi rin nila siya masyadong kinakausap, kaya feeling niya hindi siya tanggap ng mga ito.

Napatingin siya sa pinto ng bumukas ito. Pumasok si papa na pagod na pagod galing sa trabaho. Construction worker ito. Kasunod nito si mama na kararating lang din galing sa paglalabada. Lumapit siya sa kanila at nagmano.

"Ano pa, pagod? Gusto niyong kape?" Tanong niya sa ama na umupo ito sa sofa bed at sinandal ang ulo. Si mama naman ay dumiretso sa kanilang kwarto para magpalit ng damit.

"Oo, paspasan na ang gawa namin lalo na at ma-fiesta, kailangan naming matapos 'yun." Pinaypay nito ang hawak na face towel sa mukha. Tinungo niya naman ang electric pan at itinapat dito.

"Ganun ho ba. Gusto nyo bang kumain na? Nakapagluto na ho ako." Alok niya rito.

Tumango naman ang ama at tumayo. "Sige anak, maghain ka na, magbibihis lang ako." Tinapik pa siya nito sa balikat ng marahan at tinungo ang kwarto.

Napabuntong hininga na lang siya habang nakatingin sa kwarto ng mga magulang. Minsan naaawa na siya sa mga ito. Alam niyang napapagod na ang mga ito sa araw-araw na pagtatrabaho. Matatanda na rin at may mga sakit na ring nararamdaman, lalo na si mama na laging sugat-sugat ang braso kada kakatapos niyang maglabada.

Kaya nga siya nagsusumikap na makatapos para kapag may trabaho na siya, hindi na nila kakailanganin magtrabaho. 'Yun man lang ang maisusukli niya sa pagsasakripisyo ng mga ito para sa kanilang magkakapatid. Siya na ang magpapaaral sa apat pang kapatid para makapagpahinga na sila.

"Kamusta yung kinausap niyong trabaho kanina? Nakuha mo?" Tanong ni mama kay papa sa pagitan ng pagsubo.

"Oo, pagkatapos ko sa isang project, isusunod ko 'yun. Pakyaw ko 'yung trabaho, labor at materyales. Buti nga at pumayag sa presyo. Gusto pa ngang tumuwad. Sabi ko lang ay sagad na 'yun." Sagot ni papa at uminom ng tubig.

"Mabuti naman. At sunod-sunod ang trabaho mo lalo at marami tayong hulugan."

"Mabait pa rin ang Diyos sa atin."

Bahagya siyang nakaramdam ng lungkot ng marinig ang pinag-uusapan ng mga ito. Mabait si papa sa lahat ng mga tauhan. Kaya kahit malalaki ang pakyaw sa paggawa ng bahay, hindi kami naunlad. Inuuna kasi nito ang ibang tao. Masyado siyang mabait na minsan pinag-aawayan na nila ni mama.

Ten-thirty ng umaga ng umalis siya ng bahay dala ang paper bag ng ham para hatiran ng pananghalian ang ama. Hindi kasi ito nakadala kanina dahil na-late ito sa paggising. Naririnig niya minsan kapag nag-uusap ang mga magulang na natutulog lang si papa kapag tanghalian na kapag nasa trabaho ito, lalo na kapag hindi nakakapag-binalot. Paborito nitong sinabawan na baboy ang dala at bagong saing na kanin. Dinalhan niya na rin ito ng sariwang prutas at nagyeyelo pang tubig. Sinamahan niya na rin ng malinis na bimpo at sweatshirt. Si mama naman ay nasa barangay, hinahatid ang kapatid niyang bunso sa kinder garden. Medyo mahabang lalakarin papuntang kampo kaya nag-ebike na lang siya papunta doon.

"Ay, kainis naman!" Palatak niya nang bumangga ang ebike sa nakaparadang itim na pick-up truck. "Bakit kasi dito pa ito pinark?" Nang matanggal niya na ang pagkakabangga ng ebike sa pick-up truck, gumilid muna siya para maayos ito. Patay siya kapag nagkagasgas ito.

Tanaw niya na ang puno ng mga santol malapit sa kampo ng militar kung saan namamahinga ang kanyang ama at mga kasamahan nito.

"Dinalhan mo pa ako ng binalot tapos nag-ebike ka pa. Buti sana kung gamay na gamay mo na yung pagdadrive." Sabi ng ama habang nilalabas ang laman ng paper bag.

"Eh, okay lang naman kaya ko naman mag-drive ah." Nakangiting tugon niya rito.

"Sus, ka-sweet naman nitong anak mo, Efren. Papaligawan ko 'to sa anak ko eh." Biro ni Kuya Danny, na kapitbahay lang namin.

"Oo nga, gusto ka nga ligawan ng anak ko. Takot lang sa asawa mo baka mamura daw sila ng wala sa oras." Singit naman ni Kuya Ronald. Kilala niya ang panganay nitong anak na laging nakatambay sa tindahan ng kapitbahay namin at nag-iinuman. Lakas pa ng sound ng mga ito kapag nag-iinuman, binabati nito yung kapatid niyang bunso kapag nabili sila sa tindahan, pero ilag ito sa kanya. Iniirapan niya kasi ito.

"Nag-aaral pa itong anak ko, kaya hindi pa pwede." Sagot naman ni papa at nagumpisa na ring kumain.

"Mukhang hindi lang sa nanay mo mahihirapan ang manliligaw mo ne, sa papa mo rin." Ani ni Kuya Danny.

"Mahihirapan talaga sila. Napakabait ng anak kong ito. Kahit isang beses hindi kami binigyan ng sakit ng ulo ng mama niya. Kaya iniingatan naming mag-asawa, lalo na at operahan ito. Mas maganda ng makapag-asawa ito ng matino." Litanya ni papa.

Umiling-iling ang mga kasamahan ni papa habang natatawa. Kilala nilang mabait ito pero tahimik. Magaling din itong makisama, kaya maraming kaibigan. Naguguilty tuloy siya lalo na ngayon lang siya sumuway sa gusto ng mga magulang. Mas lalo tuloy siyang natakot na aminin sa kanila na may boyfriend siya. Ayaw niyang madisappoint ang mga ito kasi hindi niya yun kakayanin. Hindi niya kayang saktan ang mga magulang.

"Si Captain," agad nagsitayuan sila papa at mga kasamahan nito. Huminto ang isang itim na pick-up truck sa tapat ng santol. Bumukas ang pinto ng driver seat at bumaba ang isang matangkad at malaking lalaki na may suot na aviator. Napaawang naman ang labi niya habang nakatingin dito. Para itong isang modelo sa magazine. Ito yung bagong captain? Ang gwapo naman, pero wait, yan yung pick-up truck na nabangga niya kanina.

"Captain!" bati ni papa at lumapit sa lalaking dumating.

Tinanggal naman ng lalaki ang suot na salamin. "Magandang tanghali. Nakakaabala po ba ako sa pagkain niyo?"

Mas lalo pang napaawang ang labi niya. Grabe yung boses nito, ang ganda. Nang tinanggal nito ang salamin, halos matulala na siya. May mga tao pala talagang pinagpala sa lahat, no? Ipinilig-pilig niya ang ulo, "Nicole, may jowa ka ha, wag kang malandi."

"Hindi naman ho, patapos na rin naman kaming kumain," sabi ni Kuya Danny.

"May kailangan ho kayo?" tanong ng kanyang ama.

Lumibot naman ang paningin nito hanggang sa huminto ang kanyang mata sa akin. Bahagya pang napaawang ang kanyang mga labi. Parang bigla namang may sumipa sa dibdib niya ng magtama ang aming mga mata. Shit, ang pogi nito, pero wag sana nitong malaman na siya yung nakabangga sa pick-up nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status