Share

KABANATA 1

Amelia Vicencio

Pinakakalma ko ang aking sarili habang kinakaladkad ng aking tiyuhing si Leon na mariing nakakapit sa aking palapulsuhan at halos maiwan na ang bakas ng kamay nito sa aking balat.

Naguunahan ang aking mga luha sa kahihiyan. Gusto ko ng umalis sa Bayang ito.

Mula ng mamatay ang aking mga magulang nanilbihan ako sa aking Tiyahing si Josefa at sa asawa niyang si Leon. Sa kanilang pagkakilanlan mula palang sa pangalan mabagsik na at malupit kahit pa sa sarili nilang kadugo. Tila hindi nila ako pamangkin kung ituring. Sawa na raw sila sa aking kamangmangan at kamalasan.

“Tiyo Leon tama na po. Nasasaktan po ako, nakakahiya.” mahinang bulong ko sa kaniya ngunit bingi siya sa aking mga hinaing. Nanginginig ang aking katawan sa takot at sa paningin ng mga taong mapanghusga.

Patuloy pa rin ang paggapos ng kaniyang mga kamay na animo tanikalang humihigpit. Sa bawat paghigit ko sa aking palapulsuhan ganoon din ang pagkaskas ng kaniyang mga kuko sa aking balat.

“Tiyo, parang awa mo na. Wag po ninyo itong gawin sa akin" nanlulumong aking pagsamo, Patuloy pa sa pagmamakaawa.

“P*****a! manahimik ka wala ka ng binigay sa akin kundi sama ng loob. Amelia, ito nalang ang paraan para makabayad ka sa pagkakautang ng iyong lintik na kapatid!” puno ng galit na sambit nito. Ang luhang nagbabadyang umagos ay tuluyang kumawala sa aking mga mata. Napayuko ako at kinagat ang ibabang labi. Nagpatiyanod ako sa kaniyang mahigpit na panghihila.

Mula ulo hanggang talampakan ang nadarama kong panliliit sa dami ng taong nakakakita at nakakarinig sa amin. Sa oras na ito gusto ko nalang lamunin ng lupa sa matinding kahihiyan.

“Maaari ko pong maibalik ang salaping kinuha ng aking kapatid sa ibang paraan po. Tiyo, maniwala po kayo.” humihikbing wikain ko bago tuluyan kaming makapasok sa isang palasyo. Matagal-tagal ko na itong nadaraanan pagnadadako ako sa Bayan upang mamili. Palasyo ito ng mga Zamora kung saan naninirahan si Don Griyego.

“Naririto na tayo kaya manahimik ka.” may pagbabantang utos niya saakin. Kasabay ng pagdating ng mga katulong upang anyayahan kaming maghintay sa silid-tuluyan.

“Dito ho kayo maghintay, maya-maya ay baba na rin si Don Griyego.” malumanay na saad ng isang kasambahay. Kasabay ng yabag mula sa itaas, nagayos ng tayo ang mga katulong at sabay-sabay na bumati bago umalis.

“Leon, kumusta?” pangangamustang sabi ni Don Griyego

“Don Griyego, mabuti ho. Ito si Amelia ang ipagpapalit ko sa walong buwan kong buwis sa bayan.” walang pagaalinlangang sambit ni Tiyo Leon.

“Hija, masama ba ang pakiramdam mo?” nagaalalang tanong ng matanda nang mapansin ako sa gilid ng lalaki. Nakita kong naningit ang mata ni tiyo Leon.

“Ayos lamang ho ako, pagbubutihin ko po ang lahat ng iuutos ninyo.” maliit na ngiti ang aking ginawad sa kaniya. Hinihimas-himas ko ang palapulsuhan kong tila pulang-pula sa gigil na paghila kani-kanina.

“Magpahanda kayo ng maiinom at makakain.” utos niya. Dumating ang mga katulong na may dalang pangpawi ng gutom. Kuminang ang aking mga mata. Ngayon na lamang ako makakain ng champorado mahal kasi ang presyo ng tsokolate sa bayan.

“Leon, makakaalis ka na.” wika ng matanda pagkatapos namin magmeryenda. Nagpaalam na siya bago umalis. Ngunit bumulong upang magbilin “Huwag kang gagawa ng katangahan. Kundi malilintikan ka saakin.” tumango ako at naiwang nagmamasid sa buong silid.

Tumikhim ang matanda.

“Amelia, magpahinga ka muna.” tumawag ito ng katulong “samahan mo siya sa kaniyang silid.” tumango ang babae at nagumpisang lumakad. Kinuha ng isa ang aking mga gamit at tinulungan akong buhatin ang mga iyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status