Share

KABANATA 2

Nadako ang paningin ko sa isang pintuan. Tila na tuod ako sa kinatatayuan ng buksan ng katulong ang napakalaking silid. Hindi ko akalaing ganito nila itrato ang kanilang mga kasambahay. Nawala ang aking ulirat.

Umimik ang isang babae, “Ako si Flora namamahala sa mga katulong at tagapagalaga ni Augustin. Hija, magpahinga ka tawagin mo ako kung may kailangan. Bukas na bukas ituturo namin sayo ang mga dapat mong gawin.” prinoproseso ko ang kaniyang mga salita. bago dahang-dahang tumango. Oo nga pala bukas na bukas kailangan kong maghanda upang hindi ko mabigo ang aking tiyo. Alam ko na ang kahihinatnan kung sakaling may mangyareng hindi ayon sa kaniyang nais. Malilintikan ako kailangan kong pagbutihin ang pagsisilbi habang naririto ako. Nang isarado na ang pinto naupo ako sa aking higaan.

“Napakalambot.” mahinang saad ko pinasadahan ko ng tingin ang pader, ang papag, ang estante at ang salamin. Napipikit akong nahiga.

Nagulat ako ng may kumakatok sa labas ng pintuan, patuloy sa pagtawag sa aking pangalan. “Amelia! hija! lumabas ka na riyan hapunan na.” kinusot-kusot ko ang aking mata napipikit pa rin sa bigat ng talukap nito.

“Susunod ho ako.” banggit ko bago tumayo at sumunod sa kaniya. Marahan akong napatigil nang paglalakad ng makitang kasama kong kakain si Don Griyego at Donya Felicidad.

“Hija, maupo ka sabay-sabay na tayong kumain.” sabi ng matandang lalaki. marahan akong tumango at binalingan ng tingin si Donya Felicidad tipid akong ngumiti. Nakita ko pa ang pagismid nito.

Ang tanging maririnig mo sa hapag ay ang walang humpay na paggalaw ng kurbyertos. Tila walang umiimik pati ang tunog ng orasan ay rinig na rinig. Pinutol ng lalaking dumating ang katahimikang namamalagi sa gitna ng lahat. Hindi ko ito kilala, kailanman ay hindi ko pa ito nakita ngunit hindi ko maiwasang pakatitigan ang kaniyang tindig at presensya. Mataas, matipuno, moreno, may mapupungay na mga mata, mahahabang talukap nito, matangos na ilong at manipis na labi.

“Nakakawala sa tamang pagiisip ang Ginoong ito.” saad ko sa sarili. napaiwas ako nang tingin ng ibalik niya ang aking mga titig. Ibinalik ko ang aking isipin sa kung gaano kasarap ang pagkain.

“Inay at Itay, magandang hapon po. Magandang hapon magandang binibini.” malawak itong ngumiti saakin.

“Magandang hapon.” Nakukurap-kurap akong tumugon.

“Siya nga pala, Ito si Pablo pamangkin ko siya ang namamahala sa hacienda. Bukas Pablo samahan mo si Amelia ipasyal mo siya roon.” pagsasaad ng matanda.

“Griyego, baka may balak gawin si Pablo kinabukasan. Mabuting dito nalang si Amelia tuturuan siya ni Flora sa mga dapat niyang gawin.” pakiusap ni Donya Felicidad.

“Wala ho akong gagawin bukas, inihabilin ko ang hacienda kina Connor upang magpahinga at mamasyal sa Bayan. Ngunit maari kaming pumunta ng maaga. Alas singko dapat nakaalis na.” bumalik ito sa pagkain pagkatapos sumangayon sa matanda. Naisip ko kung bakit ako lamang ang kumakain na katulong kasabay nila. Palaisipan kung bakit ganito ang kanilang trato saakin.

Pagkatapos ng hapunan nagpresinta akong magligpit ng mga pinagkainan. Hindi na tumutol si Don Griyego. Dinala ko ito sa kusina at sinimulang hugasan. Naiisip kong sana ay hindi maging mapait ang pamamalagi ko sa palasyong ito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status