Inaayos ko ang aking pagkakahiga dahil ramdam ko pa din ang hapdi ng aking binti, nang makarinig ako ng katok mula sa pintuan. "Hija, kumusta ang lagay mo?" pagtatanong niya. "Ayos lang ho ako Don Griyego, h'wag ho kayong magalala 'di naman po malala at daplis lang." paninigurado ko. "Bakit ka lumalabas at pumupunta sa pamilihan? 'di ba't mayroong mga katulong upang gumawa noon?" dagdag niya pa. "Kaibigan ko po ang kasama ko sa pamimili, madalas kaming magkasama ni Lira." pagsagot ko. Kinakabahan ako at mukhang seryoso ang mukha nito. "Kung ganoon, dapat nagsasama kayo ng mga sibilyan upang makasigurado ang kaligtasan ninyo." mariing saad niya. "Sa susunod po, pasensya na po kung napagalala ko kayo at nakaabala pa sainyo." pagsangayon ko. "Sya sige, mauuna na ako magpagaling ka." pamamaalam niya bago umalis, tipid na ngiti lamang ang ginawad ko bilang sagot. Tila naramdaman ko ang pangungulila sa aking Ama. Kung naririto lamang siya ngayon baka hindi na ito umalis sa aking sil
"Amelia" pagtawag ni Leo sa'kin. Lumingon ako at alam kong sa pagtawag ding iyon tila natigilan si Lira. Tuloy-tuloy ang paglakad ni Lira, ngunit tila desperado si Leo na pigilan rin siya. "Lira sandali!" sigaw nito. Hindi na hinintay pa ni Lira ang susunod na mga sasabihin niya at tuloy-tuloy na umalis. Nagsidatingan pa ang ilang mga sibilyan. Tila nagulat pa sa presensya ko. "Magandang hapon, senyora Amelia." bati nila, tumugon ako't hindi na napansin ang pagalis ni Leo. Naisipan kong magpahinga na lamang sa aking silid at tuluyang pumasok sa palasyo. Nang nasa ikalawang palapag ako napansin kong bukas ang aking silid. Binilisan ko ang pagakyat at nakita ko roon si Senyor Augustin na prenteng nakaupo sa gilid ng mesa. "Senyor." gulat na wikain ko. Ngumisi ito at tinapik-takip ang kamang nasa kaniyang tabi. "May paguusapan tayo kaya't maupo ka." pagaanyaya niya na animo'y kaniyang silid. "Maari tayong magusap sa labas Senyor Augustin." kinakabahang saad ko. "Ano pa't kaila
DISCLAIMER Read this before proceeding to the actual story.This novel is a work of fiction. Unless otherwise indicated all the names or characters, businesses or places, events or incidents, are fictitious. This story is the product of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.This is my first ever story so please bear with me. Thank you! :)This story includes strong language and also this might include profanities, violence, self-harm, explicit scenes, and abuse. If you are sensitive to this kind of topics, please do not proceed. Read at your own risk.
Limang taon na ang nakaraan ng idineklara ang magkabiyak, si Augustin at Amelia. Tumutol ang lahat ngunit anong magagawa ng sabi-sabi ng mga mamamayan kung nagbaba na ng huling salita si Don Griyego ang pinakamataas na Heneral sa San Vicente. Kunot na kunot ang noo ni Donya Felicidad sa naging desisyon ng kaniyang asawang si Don Griyego sa pagiisang dibdib ng dalawa. Hindi niya gustong ipakasal ang kaniyang anak-anakan na si Augustin sa isang Aliping ipinagbili lamang sa kanila upang maging Alila. Tila lahat ay nagulat sa anunsyong naganap sa Bayan. ‘Kasalan Sa Simbahan ng Ginoong si Augustin at Binibining si Amelia. Gaganapin sa simbahan ng Santuario de San Vicente.’ Araw ‘yon ng Huwebes ika-dalawang pu’t walo ng Agosto. Ang kasalan ay magaganap sa ikalabing-dalawa ng Septyembre araw ng Biyernes. Usap-usapan sa bayan ang Kaganapan sa nayon. Lahat nagulantang. Walang araw na hindi pinaghahandaan ng bawat-isa ang kasalang magaganap. Kaniya-kaniyang balot ng regalo at naghihintay s
Amelia VicencioPinakakalma ko ang aking sarili habang kinakaladkad ng aking tiyuhing si Leon na mariing nakakapit sa aking palapulsuhan at halos maiwan na ang bakas ng kamay nito sa aking balat.Naguunahan ang aking mga luha sa kahihiyan. Gusto ko ng umalis sa Bayang ito. Mula ng mamatay ang aking mga magulang nanilbihan ako sa aking Tiyahing si Josefa at sa asawa niyang si Leon. Sa kanilang pagkakilanlan mula palang sa pangalan mabagsik na at malupit kahit pa sa sarili nilang kadugo. Tila hindi nila ako pamangkin kung ituring. Sawa na raw sila sa aking kamangmangan at kamalasan.“Tiyo Leon tama na po. Nasasaktan po ako, nakakahiya.” mahinang bulong ko sa kaniya ngunit bingi siya sa aking mga hinaing. Nanginginig ang aking katawan sa takot at sa paningin ng mga taong mapanghusga.Patuloy pa rin ang paggapos ng kaniyang mga kamay na animo tanikalang humihigpit. Sa bawat paghigit ko sa aking palapulsuhan ganoon din ang pagkaskas ng kaniyang mga kuko sa aking balat.“Tiyo, parang awa m
Nadako ang paningin ko sa isang pintuan. Tila na tuod ako sa kinatatayuan ng buksan ng katulong ang napakalaking silid. Hindi ko akalaing ganito nila itrato ang kanilang mga kasambahay. Nawala ang aking ulirat.Umimik ang isang babae, “Ako si Flora namamahala sa mga katulong at tagapagalaga ni Augustin. Hija, magpahinga ka tawagin mo ako kung may kailangan. Bukas na bukas ituturo namin sayo ang mga dapat mong gawin.” prinoproseso ko ang kaniyang mga salita. bago dahang-dahang tumango. Oo nga pala bukas na bukas kailangan kong maghanda upang hindi ko mabigo ang aking tiyo. Alam ko na ang kahihinatnan kung sakaling may mangyareng hindi ayon sa kaniyang nais. Malilintikan ako kailangan kong pagbutihin ang pagsisilbi habang naririto ako. Nang isarado na ang pinto naupo ako sa aking higaan.“Napakalambot.” mahinang saad ko pinasadahan ko ng tingin ang pader, ang papag, ang estante at ang salamin. Napipikit akong nahiga.Nagulat ako ng may kumakatok sa labas ng pintuan, patuloy sa pagtawag
Marahan kong idinilat ang aking mga mata dumako ang aking paningin sa orasan ng silid.Magaalas-singko na ng umaga maaring naghihintay na si Pablo sa ibaba. Nagpalit ako ng damit upang mas maging kumportable sa aking kasuotan. Hindi mawala sa aking kaisipan kung anong mayroon sa hacienda. Wala akong naririnig na kahit anong usapan o tunog mula sa ibaba marahil natutulog pa sila Manang Flora. Pababa na ako ng matapos kong isuot ang sapatos. Nang makarinig ako ng pagbubukas pintuan sa kabilang kuwarto, Pablo. “Magandang araw Senyor.” magalang na pagbati ko sa matipunong lalaki sa aking harapan. Nagulantang ako ng bigla itong humalakhak. “May nakakatawa ba?” pagtatanong ko sa aking sarili.“Magandang araw Binibini.” pagbati niya ng may panggagaya sa aking tinig. Napahalakhak ako ng de oras sa hindi inaakalang tinig na kaya niyang kopyahin.“Tayo na, maya-maya’y masikat na ang araw mahirap kung tingkad na tingkad ito habang nililibot ang lupain.” pahayag niya sa mas determinadong tono, t
Ilang sandali natapos ko na ang pagaayos ng napamitas. Tumuloy na ako sa hapag, nahagip ng mata ko si Don Griyego nagbabasa ito ng dyaryo. Matapos akong bumati ay bumaling ang paningin nito saakin. “Hija, namitas ka ba ng mga bunga sa hacienda?” tanong nito. tumango ako at dumugtong.“Mga hinog ho ang kinuha ko upang hindi na maghintay bago kainin.” napangiti ito.“Napakatatamis ng mga bunga ng prutas roon, noong kabataan ko’y hindi pa man sa akin ang lupa iyon ay lagi akong pumupuslit upang makapasok para lamang makakuha ng mangga.” kumikislap ang kaniyang mga mata na animo’y binabalikan ang matamis na nakaraan. “Ipasabi mo lang kung kailan mo nais bumalik roon, napakasariwa ng hangin at napakaganda ng tanawin mula doon.” dugtong pa niya, tama siya gugustuhin ko ngang bumalik sa hacienda. Wala ang mahaba-habang lakbayin kung ganoon kaganda ang tanawing maabot ng iyong pantingin. “Sige ho, ngunit ayaw kong makaistorbo sa mga tao doon kaya bibisi-bisita nalang ako kung may libreng o