Share

KABANATA 3

Marahan kong idinilat ang aking mga mata dumako ang aking paningin sa orasan ng silid.

Magaalas-singko na ng umaga maaring naghihintay na si Pablo sa ibaba. Nagpalit ako ng damit upang mas maging kumportable sa aking kasuotan. Hindi mawala sa aking kaisipan kung anong mayroon sa hacienda. Wala akong naririnig na kahit anong usapan o tunog mula sa ibaba marahil natutulog pa sila Manang Flora. Pababa na ako ng matapos kong isuot ang sapatos. Nang makarinig ako ng pagbubukas pintuan sa kabilang kuwarto, Pablo.

“Magandang araw Senyor.” magalang na pagbati ko sa matipunong lalaki sa aking harapan. Nagulantang ako ng bigla itong humalakhak. “May nakakatawa ba?” pagtatanong ko sa aking sarili.

“Magandang araw Binibini.” pagbati niya ng may panggagaya sa aking tinig. Napahalakhak ako ng de oras sa hindi inaakalang tinig na kaya niyang kopyahin.

“Tayo na, maya-maya’y masikat na ang araw mahirap kung tingkad na tingkad ito habang nililibot ang lupain.” pahayag niya sa mas determinadong tono, tango nalang ang aking ginawad bilang sagot.

Sumakay si Pablo sa kabayong nakahanda, hindi naman na ako nagulat. Maalam rin ako sa pagsakay sa kabayo naturuan ako ng aking ama bago ito pumanaw. Sinimulan ko ng iangat ang aking panghakbang sa stirrup. Nakita ko pa ang pagkamanghang reaksyon ng binata.

Nagsimula na niyang patakbuhin ang kabayo gayon na rin ang kusang pagsunod ng kabayong aking sinasakyan. Palagay ko’y matagal ng magkasama ang dalawang kabayong ito.

Malayo-layo na ang aming nalakbay puro puno at matataas na damo lang ang aking natatanaw. Hanggang sa nakita ko ang pulang bakuran napakalawak ng sakop nito.

“Naririto na tayo, iwan mo na ang kabayo sila na ang bahala d’yan.” imik ni Pablo. Tumuloy na siya sumunod na lamang ako. Namamangha ako sa aking nakikita ang kuwadra ang malawak na lupaing tabas ang damo. Hindi ko mapigilang ngumiti ng matagpuan ng aking mga mata ang taniman ng mga bulaklak.

“Napakasariwa ng hangin dito Senyor!” buong galak kong saad. Nais ko na dito nalang tumira kahit pa sa maliit na kubo lamang.

“Napakaganda ng tanawin, binibini.” dagdag niya nilingon ko ito at walang imik na nagiwas tingin nang mapagtantong nakatitig ito saakin. Sinimulan na namin ang lumibot sa lupain upang maaga na ring makabalik sa palasyo.

“Pablo! akala ko’y hindi ka paparito ngayon?” wika ng lalaking mahaba ang buhok. Bahagya itong nagulat ng maramdaman ang presensya ko. Yumuko ako bilang pagbati at nagangat tingin.

“Narito ako upang ipasyal ang aming bisita, Amelia.” sagot ni Pablo.

“Connor, Magandang umaga binibini.” pagpapakilalang saad ng lalaking mahaba ang buhok, tinugon ko rin ito.

Nadaanan namin ang mga taniman at ang gulayan, maya-maya’y sumilaw ang punong hitik na hitik sa bunga. Mangga ito kumikislap-kislap ang aking mga mata, hinog na hinog na kasi ang mangga ayon sa balat nito.

“Maari bang pumitas kahit isa lang?” ‘di maiwasang aking pagtatanong. Nagbabakasakaling pagbibigyan ang munti kong kahilingan.

“Oo naman, ilan ba ang kaya mong kainin Amelia?” tugon ng binata. Sabay utos niya sa isa na kumuha na ng lalagyan. Namimitas ako ng may tuluyang nagabot saakin. Hiwa ng mangga. Kumuha ako at napapikit ako sa tamis nito.

“Maraming salamat.” pagpapaalam ko bago napagpasyahang umuwi na sa palasyo. Si Pablo ang siyang nagdala ng mga napamitas. Habang na sa daan hindi ko lubos maisip kung ano ang mayroon sa makakapal na damo. Gayon nalang ang gulat ko ng magsimulang magwala ang aking sinasakyang kabayo. Ahas!

“Amelia, kumapit ka ng mahigpit sa hawakan!” buong tinig na sigaw nito. Sinunod ko ito ngunit sa tindi ng pagwawala ng kabayo nahihilo ko itong nabibitawan. Bumaba ito sa kaniyang kabayo, inilabas ang kaniyang tabak at sinimulang ihambalos sa ahas. Wala pang ilang sandali ng ihagis niya sa mataas na damo ang patay na hayop, kumalma na ang kabayo.

“Pumaroon na tayo.” huling imik niya bago tumuloy. Alas nuebe ay naroroon na kami sa palasyo, inilalabas ko ang mga napamitas na mangga sa sako. Nang biglang tumawag si Manang Flora “Hija, nakalimutan na ninyong mag-agahan. Pumasok ka na raw utos ni Senyor Pablo, naghihintay sila sa hapag-kainan”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status