Saan makakakita ng isang King? Kung ayaw mo talaga sa kanya, Liberty. Bigay mo na sa akin. Ako ang kinikilig eh. >,<
HINDI NA LAMANG ang puso ni Liberty ang nagkandagulo-gulo nang mga sandaling iyon. Kahit ang utak niya ay tila ba wala na rin sa wisyo upang makapag-isip pa nang tama.“King…”Nakatingin lamang sa kanya ang binata. Nakikita niya sa mga mata nito ang labis na pagpipigil na halikan siya. Hindi siya maaaring magkamali sa nakikita. Ganitong-ganito ang paraan ng pagtingin nito nang minsan maglapat din ang kanilang mga labi. Ngunit kakaiba ang gabing iyon. Mas tumindi ang pananabik na nakikita niya rito para lamang mahagkan siya.“King?” pilit niyang kinukuha ang atensyon ng binata upang sa mga mata niya ito tumingin.Gusto niyang maintindihan nito ang nararamdaman niya. Ayaw niya ng magkaroon pa ng malabong hindi pagkakaintindihan sa pagitan nila. Nasasaktan siya sa tuwing nangyayari iyon.“Gusto kong ulitin mo ang sinabi mo,” sabi niya rito habang nakatingin pa rin sa mga mata ng binata.“That necklace symbolizes freedom, Liberty.”Nakabaling nang matagal ang tingin niya sa kwintas. Magka
MAS TUMINDI ANG pag-aalala ni Celine nang hindi na naman nakauwi ang asawa niya. Dalawang araw na iyong nakalipas dahil sinusubukan nito ang lahat ng makakaya upang maisalba pa ang kumpanya. Ngunit kahit yata makakita man sila ng isang investors ay hindi iyon magiging madali lalo pa’t wala na sa kanilang nagtitiwala dahil sa paninirang ginawa niya sa mga Salvantez. Nangatngat ni Celine ang kanyang kuko dahil sa kanyang pag-alala. Inuusig na siya ng konsensya dahil sa ibinigay na problema sa asawa. Hindi itong mangyayaring lahat kung sa simula pa lamang ay hindi na siya nakinig sa panunuhol ni Olga. Ito ang dahilan kung bakit umabot sila sa ganitong punto.Tahimik naman ang buhay nilang mag-asawa dati. Nagagawa niya ang lahat ng naisin dahil sa perang walang pagdadalawang-isip na ibinibigay nito sa kanya. Ngunit nang magsimula ng makilala niya si Olga ay natuto na siyang gumawa ng bagay na hindi naman dating ginagawa. Nasasangkot na rin siya sa mga away na nagiging problema ng asawa.
GANOON NA LAMANG ang pagtataka ni King nang hindi pumasok ng opisina si Liberty. Sa pagkakataong iyon, hindi na katulad ng una ang pag-alala niya ngunit mas lumalakas ang kutob niya na may kinalaman doon ang kanyang pamangkin. Ito lamang ang nag-iisang dahilang nakikita niya kaya walang muli ang babae sa kanilang opisina sa isa sa mga importanteng meeting nila.Kahit na ganoon ang laman ng kanyang isipan, hindi siya sa nagdalawang-isip na tapusin ang meeting. Kailangan niya pa ring i-prayoridad ang kumpanya bago ang mga pansariling interes niya.Nang matapos ang meeting, tinawagan niyang muli si Liberty ngunit cannot be reached ang cellphone nito. Doon na siya tuluyang nagdesisyon na puntahan na ito sa bahay ng pamangkin. Malayo pa man sa daan, makikita na ang galit na labis niyang pinipigil. Kahit si James na nagda-drive ng kotse ay napapalingon sa kanyang direksyon nang may pag-aalala.“Matagal mong inipon ang mga iyan, sigurado ka na sasabihin mo ng ganoon-ganoon lang?” diskumpyad
HINDI UMUWI SI Liberty nang gabing puntahan ito ni King sa kanilang bahay. Labis niyang pinag-aalala na hindi na ito muling babalik sa kanilang bahay dahil sa ginawa niyang pagkulong sa asawa. Nagsisisi rin siya sa naging desisyon nang ikulong ito sa sariling kwarto nang hindi inaalam ang buong kwento nang makasama nito si King nang gabing nasa ibang bansa siya.Saka niya lamang napagtanto na lumipas ang kaarawan ng asawa nang wala siyang kahit na anong pagbati at regalo na ibinigay rito. Nagawa niya pang pasakitan ito habang ang kasama naman pala nito nang hatinggabi ay si Rufa at ang nobyo nito na amo ni Liberty. Ngunit paninindigan niyang wala siyang kasalanan. Nahuli sa pagbibigay ng impormasyon ang kanyang tauhan at nakalimutan pa ang pinakamahalagang kailangan niyang malaman.“Send it to Liberty,” sabi niya sa kanyang secretary habang kausap ito sa cellphone. “Add a birthday greeting message to her even if it’s late.”“S-sure po kayo?” gulat na tanong ng secretary niya. “Hindi po
HINDI NAKATANGGI SI Liberty nang ang mismong ang ina ni King ang nag-imbeta sa kanya na pumunta sa bahay ng mga Salvantez dahil sa gaganaping pagtitipon doon. Ang selebrasyon na iyon ay para sa agarang paggaling nito sa sakit na naging matagal na problema ni King.Kahit na ayaw niyang makita ang asawa dahil sa naging pag-aaway nila ay wala siyang magagawa. Kinuha niya na ang lahat ng gamit nang magdesisyong umalis sa bahay nito. Sa pagkakataong iyon, kung papayagan ng tadhana, wala na siyang balak na bumalik pa.Kasama niya ngayon si Ruffa at ang kaibigan ang nag-aayos sa kanya upang maging presentable siya sa gagawing selebrasyon.“Totoo na ba iyang pag-alis mo sa bahay ng asawa mo?” nagdududang tanong nito sa kanya.Bahagya ang naging pagngiti niya rito. “Sana totoo na—aray, Bakla!”Masama ang naging pagtitig niya sa kaibigan matapos siya nitong batukan.Tinaasan naman siya ng kilay ni Ruffa. Makikita sa paraan ng pagtitig ng kaibigan niya na hindi nito nagustuhan ang lumabas sa bib
GANOON NA LAMANG ang pag-iling ni Benjamin nang makita ang kapatid na si King at si Liberty na matapang na nagagawang mag-usap sa harap ng maraming tao sa kabila ng mga agam-agam na kumakalat sa kanilang paligid.Wala siyang balak na makialam sa away ng kanyang pamangkin at kapatid. Isa lamang siyang tagamasid mula sa malayo. Hahayaan niyang maging ganoon ang senaryo hanggang sa makita niya ang mananalo. Kung sinuman iyon ay siya niyang gagawing kakampi sa huli at itutulak sa mas malaking plano niya hanggang siya na lamang ang matira na magiging tagapagmana ng mga Salvantez. Ngunit, ang pangingialam ni Liberty sa kanyang kwarto at paghihinala nito sa kanya ang dahilan para makisali na siya sa mga nangyayari na malayo sa una niyang binabalak. Kailangan niya na ngayong lumabas sa matagal na pagtatago sa kanyang lungga upang ipakilala ang sarili…Ang pinakaayaw niya sa lahat ay may nangingialam sa kagamitan niya. Parati na ring naglilihim sa kanya si Duncan na dati naman nitong hindi gi
NAGTATAKA SI KING nang hindi niya na matanaw si Liberty mula sa dati nitong pwesto kanina. Kilala niya ang babae, nanatili lamang ito sa isang direksyon lalo na kung hindi ito palagay sa mga taong nakakasalamuha. Akmang hahanapin niya na ito nang bigla na lamang magpakita si Benjamin at kaswal siyang inabutan ng alak. Hindi niya iyon kaagad na tinanggap. Salubong pa ang kilay niya habang nakatingin dito. Hindi siya malapit sa kahit na sinong kapatid o kahit na sinong miyembro ng mga Salvantez. Kahit nga ama niya ay pinakikitunguhan niya lang ayon sa kagustuhan ng ina.Hindi naman siya masisisi ng mga ito lalo pa’t hindi siya lumaki sa poder ng mga Salvantez. Mas sanay siya na nag-iisa at ginagawa ang mga bagay na gusto niya kaya nga pinili niya ring magsulo ng kompanya.Sa kabila ng kanyang pagdududa, tinanggap niya pa rin ang alak na ibinigay ng kapatid noong huli. Hindi siya gagawa ng eskandalo sa mismong araw ng selebrasyon ng nanay niya. Ngayon lamang nito naranasan ang engrande
HALOS MABALIW-BALIW NA sa paghahanap si Duncan kay Liberty ngunit hindi niya pa rin makita ang asawa. Gusto niya pa naman itong makausap tungkol sa ginawang nitong pagbato sa iniregalo niya at makiusap dito na bumalik na sa kanilang bahay ngunit mukhang hindi iyon magiging madali lalo pa’t mukhang desidido na itong hiwalayan siya.“Hindi iyon mangyayari!” malakas niyang sambit sa sarili habang pabalik-balik sa paglalakad sa labas ng pavillion. Ganoon kalayo ang nalakad niya mahanap lang ang asawa. Ngunit dahil bigo siya, wala siyang magawa kung hindi ang bumalik na lamang sa selebrasyon.Itinatak niya sa isipan na hindi pwedeng may makapansin ng pagkakalabuan nila ng asawa lalong-lalo na na ang lolo niya. “Hindi ko rin nakita ang uncle!” malakas ang naging pagmumura ni Duncan nang maalala na bigla na lamang ding nawala ang tiyuhin niya sa selebrasyon kanina.Sa isiping maaaring magkasama ang dalawa ay ganoon na lamang ang pandidilim ng paningin niya. “Walang relasyong namamagitan sa