“PATI BA NAMAN pag-uwi ko kailangang bantayan mo pa,” puna ni Liberty nang makapasok sa bahay ni Duncan.Masyado ng sira ang buong araw niya para dagdagan pa ng asawa. Tama na ang mga kamalasang nangyayari sa kanya para makisali pa ito sa init ng ulo niya.“Tinatanong lang kita kung saan ka galing—”“But the way you are asking?” ganoon na lamang ang kanyang pag-iling. “I’m not even your prisoner na kailangan mong bantayan bente-kwatro oras, Duncan.”“Magsisimula na naman ba tayo sa pag-aaway?”“Sino ba ang parating nagsisimula?”Heto na naman ang nagmamalaking pagngisi ni Duncan. Alam niyang pagsisimulan na naman iyon ng away kaya ang plano niya’y magtuloy-tuloy na pagpunta ng kanyang kwarto. Ngunit natigilan siya nang magsalitang muli si Duncan.“Sa tingin mo, hindi ko alam kung bakit ka narito?”Dahil sa sinabi ng asawa, nabato si Liberty sa kinatatayuan habang akma ang pag-akyat niya ng hagdan. Nang mga sandaling iyon din ay ganoon na lamang ang matinding pagkabog ng kanyang dibdib
GANOON NA LAMANG ang sunod-sunod na pagmumura ni King habang naghihintay sa labas ng ICU. Hindi siya ang uri ng tao na madaling kabahan at ipakita ang totoo niyang nararamdaman, ngunit nang mga sandaling iyon, pakiramdam niya’y sasabog siya sa galit. Wala pa mang imbestigasyon na nangyayari, alam niya na sa sarili na siya ang dahilan kung bakit nangyari ito sa babaeng nagugustuhan. Bakit ba kahit anong gawin niya’y napakahirap maging masaya? Pakiramdam niya’y kahit anong gawin ay magiging kulang pa rin ang pagsusumikap niya na makuha ang loob ng babaeng natitipuhan.Alam niya kung gaano kadelikado ang pagdikit sa kanya ngunit hindi niya iyon pinagtuunan ng pansin. Gusto niyang sa pagkakataon ngayon ang puso naman ang pagbigyan. Ngunit mukhang kailangan niyang tanggapin na hindi iyon magiging madali. Ilang balakid muna sa daraanan niya ang kailangan niyang sagupain bago makuha ang inaasam-asam.Nang makalabas ang doktor at sabihin nito na ligtas na si Liberty at walang dapat alalahani
“GUSTO MO ANG lalaking iyan ang magbantay sa ‘yo, Liberty?” hindi makapaniwalang tanong ni Duncan sa kanyang tiyuhin na kasabay pa niya na pumasok ng silid ng kanyang asawa.Wala itong pakialam na naupo sa mahabang sofa roon na nagiging dahilan nang labis niyang pagkainis.“Liberty, I’m talking to you!” tila puputok na ang ugat ni Duncan sa leeg dahil sa matinding pagsigaw.Mas tumitindi ang pagkainis niya dahil ngayon ay lantaran na ang ginagawang pagpapakita ng pagkagusto ang tiyuhin niya sa kanyang asawa. Hindi niya tuloy maiwasang huwag pagsisihan ang ginawang paraan upang mabura sa landas niya ang kanyang tiyuhin. Naging tulay pa kase iyon upang mas maging malapit ang dalawa sa isa’t isa.“I didn’t know that my nephew is such a cry baby.” Umiiling na puna ni King. “Don’t tell me that you want me to pat you so you will stop whining?”Pakiramdam niya, nang mga sandaling iyon ay umaakyat na ang lahat ng dugo patungo sa kanyang utak dahil sa labis niyang pagkainis. Nagawa pa siyang i
HALOS MAGDAMAG NA pinag-isipin ni King ang sinabi ng kanyang pamangkin. Baon niya rin ang alalahaning iyon hanggang sa makapasok sa kompanya. Sa dami ng mga dapat niyang ayusin, ang problema pa kay Liberty ang mas nangingibabaw sa kanya.Hindi niya maiwasang huwag ikuyom ang kanyang kamao dahil kahit pagbali-baliktarin niya man ang rason na ibibigay niya, maaaring isang araw, siya nga ang maging dahilan ng pagkapahamak ni Liberty.Ngunit anong magagawa niya? Hindi na lang sapat sa kanya na tanawin lang ito sa malayo. Kahit pa ang makausap ito sa maliliit na tiyansa at pagkakataon ay kulang narin. Naghangad pa siya nang higit doon nang malaman niyang nagtataksil ang kanyang pamangkin sa babaeng nagugustuhan. Higit din na nagyabong ang pagkagusto niya rito nang iligtas nito ang kanyang ina. Nakita niya ang kabutihan nito na naging dahilan upang buksan niya nang paunti-unti ang sarili sa babae.Hindi niya naman akalain na ang simpleng pagbubukas niya ng pinto ang magiging dahilan ng pagk
ILANG ARAW NA rin ang nakalipas kaya hindi na masyadong iniinda ni Liberty ang kanyang tagiliran. Sa mga araw na dumaan, wala yatang pagkakataon na naging tahimik ang kanyang pagpapahinga dahil sa away ng dalawang Salvantez.Ang kagandahan lamang, kapag si King ang nagbabantay sa kanya, maghapon na tahimik ang kwartong iyon. Hindi katulad ng kanyang asawa na tila ba bitamina ang pakikipagtalo sa kanya. Mahilig ito na mang-akusa sa kanya ng mga nangyayaring kamalasan sa kompanya kaya lalong nagpapatong-patong ang galit na nararamdaman niya rito.Pagkatapos ng trabaho nito, hindi malabo na narito na naman ito at kung ano ang ibibintang sa kanya. Ang pagkakataon lang naman na hindi nagtutungo roon si Duncan ay kapag abala ito sa kabit na walang ginawa kung hindi ang mag-inarte sa magaling niyang asawa.Nang hapong iyon, pumasok na naman ito sa silid niya sa hospital na mainit ang ulo. Ini-lock pa nito ang pinto upang walang makarinig sa pagtatalo nila.Dahil nasanay na at hindi hindi na
“KING, HINDI MO naman ako kailangang dalhan parati ng pagkain,” nahihiya niyang sambit sa binata. “Lagi na lang kitang naabala.”Iyon ang unang lumabas sa bibig niya upang itago ang pagkapahiya rito nang mahuli siyang tinititigan ang binata kanina.“I have a lot of time to burn just only for you,” sambit nito habang ang tingin ay nasa dokumentong binabasa.Iyon ang labis niyang ipinagpapasalamat dahil kung hindi ay baka mahuli naman siya nito na titig na titig dito. At sa pagkakataong iyon ay maaaring makita nito na namumula na ang pisngi dahil sa mga binitawang salita ng binata na naging dahilan din ng mabilis na pagtibok ng kanyang puso.Kaysa ang mga mata niya ang mabusog sa matagal na pagtitig dito, pinili niyang ituon ang atensyon sa kanyang pagkain. Alam niyang masarap magluto ang binata ngunit may pagkakataon na humahanga siya sa mga ginagawa nitong luto na kahit wala siyang gana ay napapakain siya nang marami.“Saan ka natutong magluto, King?” “Sa ibang bansa. I need to be in
NANLALAKI ANG MGA mga mata ni Victoria dahil sa kanyang nalaman. Natutop niya ang bibig upang hindi makagawa ng ingay makatakas lang kaagad sa mga ito. Ang magaling niyang manugang, nakuha pang lumandi! Sa dinami-rami ng gusto nitong patulan, napili pa ang isa ring Salvantez na siguradong makakatulong sa pag-angat nito sa buhay.Dahil sa matinding pagkagulat niya kanina sa mga nalaman, nasagi pa ni Victoria ang mini table na makikita sa pagpasok ng kwarto ni Liberty sa hospital. Mabuti na lamang, nagbago rin ang isip niya na huwag ng komprontahin ang mga ito. Ayaw niyang makaharap doon ang bunsong Salvantez. Hindi si King ang uri ng kalaban na madaling magpatalo sa oras na makanti ito. Sa galing nitong maglaro ng mga alas na nakalatag sa lamesa, hindi siya maaaring sugod lang nang sugod. Kailangan niya munang makausap ang anak niya!“Who is it?” tanong ni King na papatungo sa kanyang direksyon.Iyon na yata ang pinakamamabilis na kilos na nagawa niya sa buong buhay matapos na tumakbo
ILANG ARAW NA naging tahimik at payapa si Liberty sa loob ng hospital nang walang kahit na sino ang dumadalaw sa kanya sa mga Salvantez. Kaysa sayangin din ang oras niya ay doon niya ginagawa ang ibang trabaho na hindi naman kailangan ng matinding lakas upang hindi siya matambakan ng gagawin kapag nakabalik sa kompanya. Si Jenna na rin ang pumupunta sa kanya kapag may mga kailangan itong papeles at coding na dapat niyang tingnan.Habang naroon din ay mas naging tutok sila ni Detective Martin sa mga dapat nilang malaman sa kaso ng kapatid. Habang tumatagal ang kanilang pag-iimbestiga, mas dumarami ang mga ebidensyang kanilang nakikita. Ang mga iyon ay nagpapatunay na hindi nga talaga aksidente ang nangyari sa kapatid niyang si Lenard sa loob ng kompanya ng mga Salvantez.Ganoon nang ganoon ang ginagawa niya sa loob ng hospital hanggang sa makalipas ng isang araw bago ang discharge niya. Nilagyan lamang ng benda ang tagiliran niya saka naaprubahan ang discharge slip niya. Nang makalabas